Pandiwa Hulagway Ng Filipino - PDFCOFFEE.COM (2025)

LATHALAAN PARA SA WIKA AT KULTURA

Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining

AKLAT NG BAYAN METRO MANILA 2016

Komisyon sa Wikang Filipino

TAON 4, BILANG 2

HULAGWÁY NG FILIPINO

Pandiwa: Lathalaan para sa Wika at Kultura Taon 4, Bílang 2: Hulagwáy ng Filipino ISSN 2508-027X Inililimbag tuwing sangkapat ng taon

Karapatang-sipi © 2016 ng Komisyon sa Wikang Filipino RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o gamítin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala Isyu Editor: Tagasalin:

Roberto T. Añonuevo Sandor B. Abad, Roberto T. Añonuevo, Roy Rene S. Cagalingan, Rolando T. Glory

Mga Kontribyutor: Mark Anthony Angeles, Roberto T. Añonuevo, John Barrios, José Ma. Bartolome, José W. Diokno, Felino S. Garcia, Jr., Andrew B. Gonzalez, Alice G. Guillermo, Jeric F. Jimenez, Minda Limbo, Jan J. Loubser, Julieta Cunanan-Mallari, Maria Christina A. Pangan, Abraham P. Sakili, Laura Samsom, Sheilee B. Vega

Inilathala ng KOMISYON

SA WIKANG FILIPINO Gusaling Watson, 1610 Kalye JP Laurel, 1005 San Miguel, Maynila Telepono Blg. 733-7260 / 736-2525 [emailprotected] • www.kwf.gov.ph

TAON 4, BILANG 2

Nilalaman PAGTANAW SA HULAGWÁY NG FILIPINO

1

ROBERTO T. AÑONUEVO FILIPINISASYON NG AGHAM PANLIPUNAN: ISANG PANLILITO?

7

ANDREW B. GONZALEZ ANG “FILIPINO” SA KONSTITUSYONG 1987

23

AT ANG KASO NG “FILIPINAS” ROBERTO T. AÑONUEVO KUNTAW: SAYAW NG UGNÁYAN AT ALAY NG

43

KAMUSLIMAN SA KAPAYAPAAN NG MINDANAW ABRAHAM P. SAKILI ANG FILIPINONG DALUMAT NG KATARUNGAN

59

JOSÉ W. DIOKNO ISANG ISTORIKONG PAGDALUMAT SA FLIPTOP PARA

81

SA MGA GURO NG KULTURANG POPULAR MARK ANTHONY ANGELES ANG MGA PATIBONG NG PAGKATÁONG FILIPINO JOSÉ MA. BARTOLOME

99

MGA NAGBABAGONG MODELO SA SINING

107

ALICE G. GUILLERMO ANG POLITIKA NG PAG-UNAWA SA KULTURANG FILIPINO

113

LAURA L. SAMSON ANG PANGANGAILANGAN SA INDIHENISASYON

123

NG AGHAM PANLIPUNAN JAN J. LOUBSER ANG TIKTIK/ASWANG SA “EL TIC-TIC” AT “EL VAQUERO DEL

141

CALATCAT” NG CUENTOS DE JUANA: ISANG PAGSASALIN FELINO S. GARCIA, JR. NATAGPUAN NAMIN ANG PAG-IBIG: RIBYU SA NOBELANG

189

SAMBAHIN ANG KATAWAN NI ALVIN B. YAPAN JERIC F. JIMENEZ BANGUNGOT: ISANG USAPIN NG

197

EKSOGAMYA SA LINGGUWISTIKA JULIETA CUNANAN-MALLARI ANG MANUGBINALAYBAY BÍLANG PANAYANON,

217

ANG BINALAYBAY BÍLANG PAMBANSANG ARTIKULASYON: MGA ESPASYO SA PATUBAS JOHN BARRIOS KUNG PAANO ILARAWAN ANG FILIPINO:

229

ISANG RIBYU SA GRAMAR NG FILIPINO MARIA CHRISTINA A. PANGAN ANG GRAMAR NG FILIPINO—ISANG PAGHAHAWAN

237

SHEILEE B. VEGA ANG HIGANTENG MARAMOT AT IBÁ PANG KUWENTO NI OSCAR WILDE MINDA LIMBO

243

Introduksiyon Pagtanaw sa Hulagwáy ng Filipino Roberto T. Añonuevo

IPAGPALAGAY NANG ANG pagkakakilála natin sa pagiging Filipino ay maihahalintulad sa pag-iimpok ng mga larawan sa isang dambuhalang silid. Araw-araw, ang mga larawang ito ay maaaring dibuho o retrato o eskultura o kung anong rekwerdo na nagmumula sa produksiyon ng mga tagalabas na tumatanaw sa atin. Napaniwala táyo sa mga larawang ito, at inakalang kung ano ang lumitaw na imáhen ay siyáng matapat na reproduksiyon ng ating pagkatao. Hanggang sumapit ang isang guro na magsasabing isang kabulaanan ang ating silid; na huwad ang mga larawang nakapaloob doon; at kailangang sunúgin at linísin ang imbakan ng ating alaala. Kung paano niya sinabi iyon ay kayayamutan natin, at kaiinisan kahit ang pagbabalik sa ugat at malayàng pagtanaw nang walang hadlang sa pagsípat. Sapagkat makirot mabatid ang katotohanan, at mahirap tumayô nang mag-isa nang walang saklay—makaraang mapaniwalang may guniguning pinsala ang ating pagkatao—maiisip nating itakwil ang guro, pukulín siyá ng mga puna, at talikuran ang kaniyang panukala. Hindi naman kinakailangang sumapit táyo sa gayong yugto. Ang pag-unawa sa ating pagkatao bílang Filipino ay nangangailangan ng kontra-kamalayang pagtanaw, at ito ang matutunghayan sa sanaysay na pinamagatang “Ang Politika ng Pag-unawa sa Kulturang Filipino” (The Politics of Understanding Filipino Culture) ni Laura Samson. Para kay Samson, ang kultura ng Filipinas ay malimit itanghal alinsunod sa interes at pamantayan ng ibáng bansang nangingibabaw dito, at ito rin ang nagiging sanhi upang makadama ng imperyoridad ang Filipino. Upang mabago yaon, kinakailangan umano ng Filipinas ang “mapagpalayàng pananaliksik” na makatutulong sa paglikha ng mga 1

kontra-depinisyon. Ginamit ni Samsom ang teorya ng pagdulog ni Paulo Freire, at nagpanukalang kailangan ang “puspusang pag-aaral sa mga ugat, manipestasyon, at dinamika ng kamalayang kolonyal.” Lumikha ng alingasngas sa panig ng mga istoryador ang nasabing sanaysay ni Samson nang unang ilathala noong 1980, at nakagugulat na magpahangga ngayon ay nag-iiwan pa rin ng ilang butil ng kaisipan na marapat pagbulayan ng sinumang susúlat ng kasaysayan ng Filipinas. Ang totoo’y mahirap iwaksi ang kamalayang kolonyal, at kahit ang mga tanyag na Filipinong pintor at ibá pang alagad ng sining ay sumunod, at di-naiwasang mabalaho, sa tinaguriang unibersal na padron na ipinakilála ng mga kanluraning bansa. Ipinaliwanag ni Alice G. Guillermo sa kaniyang akdang “Mga Nagbabagong Modelo ng Sining” (Changing Paradigms in Art) kung paanong ang isang Filipinong pintor ay nahihirapang kumawala sa páradíma ng kanluran, at salamat na lámang sa “agos ng nasyonalismo” noong dekada 1960, aniya, nabunyag ang mitong ipinalaganap ng America, at lumantad ang katotohanang walang isáhang naratibo ang sining. Sa ganitong pangyayari, ani Guillermo, ang teorya sa sining ay marapat magbago, na ang pangunahing halimbawa ay matutunghayan sa tinaguriang kulturang pop. Ipinanukala niya sa hulí ang pagdulog na semyotiko sa sining, ngunit kinakailangan marahil ng higit na maluwag na espasyo para mapalawig niya ang konseptong ito. Para naman kay Jose Ma. Bartolome, ang pag-usisa sa konsepto ng pagiging Filipino ay isang maselang bagay at ang pagpapaliwanag ay dapat lumampas sa linyadong nasyonalista upang makaiwas mahulog sa hukay. Ipinanukala niya ang paggámit ng batayang sosyosikolohiko upang mailahok kahit ang mga Filipino na nása ibayongdagat. Iminungkahi rin niya sa kaniyang akda na pag-aralan ang kultura at kasaysayan ng ibáng bansa mula sa mahihirap na rehiyon, nang sa gayon ay mailugar ang Filipinas sa makatwirang pagsusuri. Kung mahirap unawain ang konsepto ng pagka-Filipino, higit na mahirap unawain ang konsepto ng “katarungan” alinsunod sa punto de bista ng Filipino, sapagkat ayon na rin kay José W. Diokno, 2

Pandiwa

ito ay salitâng mahirap ipakahulugan. Nagpanukala si Diokno ng isang páradíma na maaaring pag-aralan ang mga batas at patakaran, at ang kaniyang modelo ay mauugat sa mga wika at kasaysayan ng bansa. Itinangi ni Diokno ang katutubong wika sa Español at Ingles, at pinatunayang may taal na konsepto ng katarungan ang Filipino, at ito ay nagtataglay ng “napakataas na konseptong moral,” bukod sa nakaugat nang malalim sa “karapatan” at “pagkakapantay-pantay.” Iminungkahi ni Diokno ang pagbabalik sa kasaysayan, at pagpapahalaga sa kasarinlan, at ang ilang konsepto niya ay hinango mula sa ideolohiya ng Katipunan nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto. Upang matamo ang konseptong Filipino sa katarungang panlipunan, ipinanukala ni Diokno ang pagsupil sa kahirapan, ang paggámit ng likás-yaman sa matalinong paraan, at ang pagbago sa mga estrukturang panlipunan na lumilikha ng di-pagkakapantay-pantay. Samantála, ang lárang ng agham panlipunan ay sumapit sa yugto na kailangang isakatutubo ang mga konsepto upang higit na makapagsilbi sa mga Filipino. Sa akda ni Jan J. Loubser, na pinamagatang “Ang Pangangailangan sa Indihenisasyon ng Agham Panlipunan” (The Need for the Indigenization of the Social Sciences), itinampok ang kahalagahan ng pagiging nakapagsasarili ng komunidad ng agham panlipunan, at ang pangangailangang makapagdagdag ng mga bagong kasapi, at hutukin ang mga ito sa sukdulang kahusayan. Ang konseptuwal na balangkas ni Loubser ay uminog sa pakahulugan at aspekto nitó, at nagpapanukala ng mga estratehiya ng pagpapalago sa antas pambansa. May pagdududa naman si Andrew Gonzalez, FSC, hinggil sa sinasabing indihenisasyon ng Agham Panlipunan, at taliwas sa positibong pagtanaw ni Loubser. Para sa lingguwistang si Gonzalez, ang pakanâng indihenisasyon ay isang dibersiyon lámang, at umiiwas umano sa tunay na isyu. Pinuri ni Gonzalez ang mga hakbang ni Virgilio Enriquez hinggil sa pagsasakatutubo ng Sikolohiyang Filipino. Kabílang sa binuo ni Enriquez ang teorya hinggil sa sikolohiyang Filipino, at ang pagsulat ng mga pag-aaral sa wikang Filipino. Subalit sa pananaw ni Gonzalez, maraming páradímang mapagpipilìan ang Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

3

mga siyentistang panlipunan sa bawat disiplina, at ito ang “nagbibigay ng proteksiyon sa mga seryosong siyentistang panlipunan upang mapalayô sa imperyalismong intelektuwal . . .” Minahalaga ni Gonzalez ang “paghahanap sa isang empirikal na oryentasyon na tumitingin sa realidad na kalagayan,” bukod sa ibá pa. Dumako si Roberto T. Añonuevo sa usapin ng sosyolingguwistikong paglago ng Filipino nang balikán ang mga dokumentong nagtatalâ ng mga talakayan sa pagbubuo ng Konstitusyong 1987 at ibá pang kaugnay na batas. Binuwag ng kaniyang sanaysay ang ilang haka-haka ukol sa negatibong pagtanaw sa Filipino at ipinaliwanag ang legalidad ng paggámit ng kontrobersiyal na “Filipinas.” Iminungkahi pa ang pag-enmiyenda ng mga batas, sapagkat ang opisyal na pangalan ng bansa ay nása anyong Ingles kung babalikan ang Konstitusyong 1987. Maiuugnay ang maiikling repaso sa Gramar ng Filipino ni Jonathan C. Malicsi, at sinulat nina Maria Christina A. Pangan at Sheilee B. Vega. Sa panig ni Pangan, ang “Filipino” ay inuri para mailugar ang pagsusuri ng teksto at gramatika. Sa akda ni Malicsi, ang malabòng hanggahan ng “Filipino,” “Pilipino,” at “Tagalog” ay nagiging titis ng kalabùan sa pagsusuring panlingguwistika, at hindi naisaalang-alang umano ang lahat ng katangian ng Filipino bílang wika, bagaman kapuri-puri ang pagtatangka ng aklat na talakayin nang malawak ang panig ng sintaks ng Filipino. Pinansin naman ni Vega na ang “Filipino” na ginamit ni Malicsi ay ang uring malaganap sa Kamaynilaan imbes na pambansang antas, at lumalampas sa hanggahan ng pag-aaral ukol sa ponolohiya at morpolohiya. Kung pinoproblema sa agham panlipunan ang pagsasakatutubo ng lárang na ito, kabaligtaran ang matutunghayan sa akdang “Ang Manugbinalaybay bílang Panayanon, Ang Binalaybay bílang Pambansang Artikulasyon: Mga Espasyo sa Patubas,” ni John Barrios. Sa pagsusuri ni Barrios, ang antolohiyang Patubas na inedit ni Dr. Leoncio Deriada ay winawakasán ang taguring “panitikang panrehiyon” sapagkat ang mga “binalaybay” (tula) mulang Kanlurang Visayas 4

Pandiwa

ay káyang umangat sa pambansang antas at humúli sa guniguni ng taumbayan. Bagaman ang paglitaw ng mga modernong tulang Panayanon ay lumitaw makaraang sumiklab ang Aklasang Bayan sa EDSA—sa panahong umábot sa rurok ang penomenon ng mga manggagawang nandarayuhan upang maghanapbúhay—ang mga talinghaga nitó ay hindi maikakahon sa isang panahon at espasyo lámang. Samantála, ang akda ni Felino S. Garcia ay hindi lámang nagtatampok ng malikhaing salin ng “El tic-tic” at “El vaquero del calatcat” na kapuwa sinulat ni Adelina Gurrea Monasterio at lumaganap sa Kanlurang Negros bagkus malikhaing sumisípat sa katauhan ng tiktik o aswang bílang himagsik sa mapanupil na sistemang agraryo na umiiral noong panahon ng pananakop ng mga dayuhan sa Filipinas. Lumitaw din sa mga akda ang mga sinaunang kaugalian ng mga Filipino, ang ugnayang kalakalán na ang puso ay Iloilo, at ang tambalang relihiyon at politika upang pangibabawan ang mga obrero sa asyenda. Sa salin ni Garcia, ang kaligiran ng Kanlurang Negros ay tumitingkad sa katutubong kulay, at siyáng tumitimo sa guniguni ng mambabasá. Nirepaso ni Jeric F. Jimenez ang nobelang Sambahin ang Katawan ni Alvin B. Yapan, at ipinaliwanag niya kung bakit ang katawan ay isang espasyong maaaring pag-agawán ng mga interes at pananalig. Sinikap ni Jimenez na hanápan ng mga simbolo ang nobela—bagaman kailangang linawin pa ang angkla ng kaniyang pagdulog sa teksto— at tinumbasan ng mga pahiwatig ang mga tauhan o ang mga pasiya nitó—na maaaring taglay ng kubling-malay ng taumbayan, o kung hindi’y ang sensitibong talakay hinggil sa usaping pangkasarian. Higit na malalim ang talakay ni Julieta Cunanan-Mallari hinggil sa pagsusuri ng tulang “Bangungot” (Nightmare) ni Jose Gallardo. Ginamit ni Cunanan-Mallari ang estilistang pagdulog sa teksto, at sinípat ang teksto sa pamamagitan ng teoryang lingguwistiko upang pigain at pagdaka’y paghalùin ang wika at kulturang Kapampangan. “Ang panitikan,” ani Cunanan-Mallari, “ay hindi lámang tugon ng tao sa hubog panlingguwistika kundi ito ay wika mismong nililikha sa loob Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

5

ng kontekstong panlipunan.” Ang ganitong saloobin ay itutuloy niya upang ipamalas ang angking rikit ng tula ni Gallardo, at maitangi ang “bangungot” sa “panaginip,” at nang mapigil ang agos ng pag-urong ng wikang Kapampangan sa gunita ng taumbayan. Sumasalungat ang tema ng “Isang Istorikong Pagdalumat sa FlipTop para sa mga Guro ng Kulturang Popular,” ni Mark Anthony Angeles, at kinilates ang bagong anyo ng alíwan ng mga kabataan. Sa kaniyang akda, ang batelrap (battle rap) na malimit itumbas sa fliptop ay isang penomenon na maaaring suriin alinsunod sa pakasaysayang pagdulog na humuhugot ng lakas mula sa Marxistang pananaw. Ang fliptop ay hango sa isang ngalan ng pangkat na mahilig sa hiphop at rap, at sa paglípas ng mga taon ay sumíkat nang dalhin ng mga kabataan at halos palitán ang halina ng balagtasan. Ipinaliwanag ni Angeles na mali ang ginagawang hambingan ng mga guro sa “fliptop” at “balagtasan,” sapagkat magkaibá sa simula’t sapul ang mga katangian ng bawat isa, gaya halimbawa na ang nuno ng fliptop ay ang rap na nagmula sa Kanlurang Africa at pinasíkat ng mga tinawag na “griot” (1245) samantálang ang balagtasan ay pinauso ng mga makatang Tagalog noong 1924. Nása kabilâng polo nagmumula ang akda ukol sa kuntaw ni Abraham P. Sakili. Ipinaliwanag ng awtor ang “kuntaw” na isang makahulugang sayaw ng mga Tausug at Sama “na ang pangunahing layunin ay ipailalim sa disiplina ang pagkatao at ipagtanggol ito mula sa kapahamakan.” Ang isang tradisyonal na sayaw, kapag inugat sa kultura at kasaysayan ay hindi na lámang nananatiling sayaw, bagkus tumatawid hanggang sa malalim na pilosopiya at espiritwalidad. Ang pag-unawa sa kuntaw, sa pananaw ni Sakili, ay may implikasyon para unti-unting malutas ang problemang may kaugnayan sa pagtatamo ng kapayapaan sa Mindanaw. Sa isyung ito ng Pandiwa ay makatitiyak na masisilayan ang ating mga hulagwáy sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Salitâ.

6

Pandiwa

Filipinisasyon ng Agham Panlipunan: Isang Panlilito? 1 Andrew B. Gonzalez, FSC2 Salin ng "Filifinization of the Social Sciences: A Red Herring?" ni Roy Rene S. Cagalingan

Ang ideáng “Filipinisasyon” o indihenisasyon ay nagpasimula sa ibá’t ibáng pagkilos túngo sa katuparan nitó. Ngunit hindi lahat ng mga pagkilos ay nakatulong sa kaunlaran ng indihenisasyon ng agham panlipunan. Bagkus ang ilan ay naging balakid at dibersiyon sa tunay na pananaliksik sa pagkatao at kulturang Filipino. Ito ay binigyan ng puna sa papel ni Andrew Gonzalez. Nagmungkahi rin siyá ng alternatibong pamamaraan upang umunlad ang gawaing indihenisasyon ng agham panlipunan.

Introduksiyon red herring n 1. a herring cured by salting and slow smoking to a dark brown color. 2. (fr. The practice of drawing a red herring across a trail to confuse hunting dogs): a diversion intended to distract attention from the real issue (Webster’s Seventh New Collegiate Dictionary, 1969)

Ang aking propensidad sa trabaho bílang isang lingguwista ay makikita mismo sa pagkakabuhol-buhol ng mga salitâ at termino: ang kumokontrol na imáheng nabubuo ng tinatawag na “an objective correlative” ng makatang si T.S. Eliot, sa kasong ito, isang matalas na imáheng kumakatawan o tumatalos ng isang ideá, para sa artikulong ito ay iyon nga, isang “red herring,” na nauugnay sa sinaunang larong

7

pangangaso ng mga British na ginagamítan ng “smoked herring” upang lituhin ang mga áso. Noon pa mang si Alfredo Lagmay ng Psychological Association of the Philippines ay naghain ng panukalang pananaliksik sa isang taunang pulong ng Dibisyon sa Agham Panlipunan ng Pambansang Lupon sa Pananaliksik ng Filipinas tungkol sa pagpopondo sa pananaliksik na nakatuon sa indihenisasyon o Filipinisasyon ng agham panlipunan, ang katanungan sa indihenisasyon ang pangunahing naisip ko. Naganyak sa mungkahi ni Alfredo Lagmay, noong akademikong taon 1978-79, tinipon ko ang ilang siyentistang panlipunan natin sa aming kampus para sa serye ng buwanang talakayán tungkol sa kanikaniláng ideá hinggil sa indihenisasyon sa pananaliksik sa kani-kaniláng mga larang (tingnan ang Gonzales, 1979). Nagsimula kami sa konsepto ng modelo o ng “paradigm” (páradíma) ni Thomas Kuhn at sinuri namin ang kahulugan ng teknikal na katawagang ito sa loob ng bawat larang, sa pamamagitan ng implikasyon, sinubukang ipakíta kung ano ang mga pangangailangan sa “modelo” ng Filipinas sa bawat larang na iyon. Isang bunga ng mga talakayang ito ay ang presentasyon ng isa sa aming mga panauhing propesor, si Alvin Scaff, na nagpalawak ng kaniyang presentasyon sa isang buong-habàng monograpo na bunga ng ilang panayam noong 1979-1980 sa Silliman University; ang mga panayam na ito ay pinalawak pa sa isang aklat (1982) na may pamagat na Current Social Theory for Philippine Research o Kasalukuyang Teoryang Panlipunan para sa Filipinong Pananaliksik. Ang aking mga ideá, samakatwid, ay lubhang nakulayan ng karanasan sa mga talakayang ito at ng aking pinag-aralan bílang isang lingguwista at ng partikular na gámit ng katawagang “modelo” sa teorya ng gramatika. Ang paksa ay tiyempong pangunahin sa isipan ng mga siyentistang panlipunan hindi lámang sa Filipinas kundi sa buong Asia; 8

Pandiwa

ang Association of Asian Social Science Research Councils (ASSREC) sa kaniláng kumperensiya sa Maynila noong 12-17 Setyembre 1979 ay nagtuon ng pansin sa buong sesyon sa paksang indihenisasyon ng agham panlipunan (tingnan, seksiyon VII ng Asian Social Scientist Newsletter No. 3, 1979). Ang Indihenisasyon bílang Angkop na Resultang Di-pinilì sa Halip na Isang Pagsasagawa Ang tinatanggap kong sariling pananaw sa bagay na ito, sa kasalukuyan, gaya ng nása aking pamagat, ay ganito: ang kamalayang ito sa pananaliksik para sa agham panlipunang Filipino ay isang “red herring,” na “isang dibersiyon o pagbáling (di-sinasadya) sa layuning iiwas ang atensiyon sa tunay na isyu.” Na sa aking opinyon ay ang pag-unlad ng pananaliksik sa agham panlipunan sa Filipinas para sa pambansang kaunlaran. Ang pananaliksik para sa agham panlipunang Filipino, para sa akin ay narsisistiko o labis na paghanga sa sarili. Sa mitong Griego, umibig si Narcissus sa kaniyang sariling imáhen at sa paglipas ng panahon, siyá ay naging bulaklak! Sa pangkalahatan, sapantaha ko’y may ilang angkop na mga resulta sa búhay ng tao na lumalabas mula sa pagtatagpo ng magkakasabay na mga pangyayari. Kung saan may isang masyadong nagsisikap “magplano,” ang mga resulta’y maaaring malungkot. Sa maraming bahagi sa búhay ng tao, ang isa ay “nagsasagawa” at ang “pagsasagawang” ito ay maaaring humantong sa kakulangan sa pagsasagawa. Upang linawin ang aking pinupunto, may halimbawa ako mula sa larang ng kasarian. Si Robert S. Wider, na nagsusulat sa kolum na “Dear Dr. Oui,” sa magasing Oui ay nagsabi sa isang artikulo para sa peryodikong San Francisco, “Ang aking nakaugalian (at pinakamatalinong) payo Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

9

hinggil sa suliranin sa kasarian ay ang huwag mabahala tungkol doon. Marami, kung di man lahat sa mga “pisikal” na mga diperensiya, una sa lahat ay pandamdamin, at walang makapagbubunga ng kawalan ng di nagkakaanak at baldado na lakas at kabiguan, makapagbabago sa isang pangyayari túngo sa patúloy na kalagayan. Ang presyur sa pagsasagawa ang kanser ng id.” (1982:64). Kung maisalaysay ko, sa pamamagitan ng suwerte, at maisulong ko ang paksa ng talakayan túngo sa larangan ng pananaliksik sa agham panlipunan, “Ang presyur na maging Filipino ang kanser ng may kakayahang agham panlipunan.” Ilang Halimbawa ng “Pagsasagawa” Sa pagpapatúloy sa larang na ako’y may kaalaman—teolohiya at pilosopiya, at humanidades sa pangkalahatan, ang presyur na ito sa pamamagitan ng pagsasa-Filipino ng teolohiya, pilosopiya, at panitikan ay mangyayari muna katulad ng presyur na magsagawa sa agham panlipunan. Sapagkat mayroon nang ilang napakalinaw na mga pagsisikap na magsa-Filipino sa larang na ito, ang pagtingin sa mga resulta ay maaaring magpakíta ng ilang benepisyo. Sa larang ng pilosopiya at teolohiya, marahil ang pinakakilalá at lubusang nakamamálay na pagtatangkang maabót ang mga “elemento” ng pilosopiya at teolohiyang Filipino ay ang mga pagtatangka ni Leonardo Mercado. Bagaman ang kaniyang mga pagsusumikap ay matapang at konsistent, nangangamba ako na ang mga resulta ay hindi angkop. Ang ginawa ni Mercado sa kaniyang mga aklat (1974, 1975) ay pumilì mula sa mga tuklas ng antropolohiyang kultural at mga elemento ng alamat na makabubuo ng mga ideáng seminal na isináma ang tradisyonal na teolohiya at pilosopiyang Kanluranin. Kasáma sa kaniláng mga pagsasaalang-alang: Diyos, Tao, Mundo, relasyon ng Tao sa Diyos, atbp. Anumang mga resulta, sa wari ko (Gonzales, 1976) ay isang proseso ng pagpapangalan, bagay

10

Pandiwa

na pagbibigay ng mga pangalang pang-Filipinas, sa mga realidad na natutuhan sa isang wikang Kanluranin. Kung ganito ang pilosopiya at teolohiyang Filipino, hindi gaanong nakatatawag-pansin. Isang pagtatangka kamakailan (1979) sa Filipinisasyon ang ginawa ni Jose de Mesa, isang teologong nagsanay sa Louvain lalo na sa kaniyang ideáng “Bahala Na, Diyos,” at hábang mahusay na nagdadagdag ng datos empiriko mula sa antropolohiyang kultural, alamat, at panitikan, ang muling mga resulta sa kaniyang ginawa ay Kanluraning personalismo at penomenolohiyang pinapangalanang Tagalog (tingnan ang aking ribyu ng Gonzales, 1980). Hindi ko minamaliit ang ganitong mga pagsisikap. Pinupunto ko lang na ang ganitong sinasadyang pananaliksik ay hindi pa nagreresulta ng nakatatawag-pansing korpus ng kaalaman; marahil ang pangunahing lohika at estruktura ng pagsisikap, kapag “naisagawa” sa ganitong paraan, di maiiwasang magkaroon ng pinagandang pagpapangalan, kaunti na lang sa anyo ng pagsasalin. Sa kasalukuyan, nagsusumikap akong maghanap ng isang pagdulog, ng isang metodolohiya o pamamaraan. Anumang pagdulog o pamamaraang ito, sa wari ko, ang pagsasateolohiya at pagsasapilosopiya ay kusang-loob na mga pagpapahayag ng buháy na karanasan, sa kaso ng teolohiya, buháy na karanasan sa paligid ng komunidad ng mga mananampalataya na patúloy na nagninilay sa isang tradisyon, mas kanais-nais sa kaniláng sariling mga wika. Anumang mga resultang gáling sa buháy na karanasang iyon ay hindi yata matiyak, subalit malamáng na katutubong Filipino kaysa nakamamalay-sa-sariling paghahanap ang pinag-uusapan natin. Ang proyekto ay umaábot nang mga taon sa pagkahinog at sa karanasang sáma-sámang pamumuhay, pagtatalakayan, sáma-sámang pag-iisip, pagpapalítan ng opinyon, at pamumuna sa isa’t isa.

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

11

Ganito ring prinsipyo ng pagkukusa sa halip na narsisistikong pagsasagawa ang angkop na gamítin sa pananaliksik ng awtentikong panitikan ng Filipinas nang lampas pa sa ating mga alamat. Dito, ang wika ay nakakiling sa indihenisasyon. May kaibigan ako at kasamahán sa trabaho, isang premyadong makata at mandudula, bihasa at literaryo sa parehong wikang Filipino at Ingles, ang nagsabi sa akin kamakailan na hindi na siyá makapagsusulat ng dula sa Ingles sapagkat ang paraan ng pagsasalita ng kaniyang mga tauhang Filipino ay hindi na natural sa dayuhang wika samantálang makasusulat pa rin siyá ng katha sa Ingles sapagkat hindi na siyá sakop ng nabanggit na sagabal. Ang mga awtor na Americano ay nagsisikap makasulat ng Dakilang Nobelang Americano sa loob ng dalawang dekada at hanggang ngayon ay hindi pa silá nagtatagumpay. Hindi ako sigurado kung magkakaroon ng Dakilang Nobelang Filipino hanggang tumigil táyong mag-alala kung ang ating katha ay awtentikong Filipino, ersatz Americano, o deribatibong Europeo. Ang bisyon ng mga literaryong manunulat ay lilitaw mula sa karanasan sa Filipinas, at samantálang ang wika ay tiyak na positibong salik, isusúlat ko ang sapantaha na mayroong awtentikong Filipino na maaaring isulat sa Ingles kung gáling ito sa búhay at pananaw ng isang awtor, nang walang naging suliranin sa pagsusumikap na maging awtentikong Filipino. Sa pagpapatúloy sa larangan ng agham panlipunan, may makaiisip ng corporeal na talinghaga ni Remigio Agpalo, para sa lokal na pamahalaan, isang sinadyang pagtatangka na makabuo ng isang modelo ng pamahalaan para sa Filipino lámang. Sa tingin ko’y hindi ito umusad. Sa bagay na ito, hindi rin nakasúlong ang modelo ng lokal na pamamahala maliban sa imahinasyon ng ilang nag-estratehiya ng Bagong Lipunan at ng mga kolaboreytor sa pagsulat ng Tadhana! Ang suspetsa ko sa mga modelong ito, kayâ hindi umangat ay katulad sa nabanggit kong dahilan—ang mga iyon ay hindi nagmula sa buháy na karanasan ng mga Filipino sa kasalukuyan, at sa gayon, hindi kusang-loob ang pagkakabuo nitó kundi mga pagsisikap 12

Pandiwa

sa pagsasagawa, sa hulíng kaso, upang magsilbi sa kapakanang pampolitika at maniobrang panlipunan. Sa pananaliksik sa agham panlipunan sa Filipinas, isang gumagandang lugar ng gawain sa proyektong indihenisasyon ay ang pangkat na nakapaligid kay Virgilio Enriquez sa kaniyang pagsasaliksik sa sikolohiyang Filipino. Ang naunang mga pagtatangka nina Lynch at Hollnsteiner (tingnan, de Guzman at Lynch, 1973 at Hollnsteiner, 1979) ay parang pagpapangalan ng mga gawáin ng karaniwang Asiano at mga pagpapahalagang piyudal-agrikultural (awtentiko ngunit hindi nangangailangang Filipino per se). Ang unang ginawa ni Enriquez, una sa lahat ay ang pagteteorya sa Filipino at pagsúlat sa Filipino; bílang kasangkapan lámang sa pagkatuto, isang paraan sa pagtuklas, ito’y may merito, sapagkat napipílit niya ang manunulat na pag-isipan ang mga konsepto at prinsipyo at kahit ang modelo sa pinakasimple at pinakaelementaryang mga anyo nitó sa pamamagitan ng pagbalik sa “malalim na estruktura” ng wika (ang mga lingguwista ay di pa natatagalang nagtangkang ipaliwanag ang proseso ng pagsasalin sa pamamagitan ng dalawang-andanang modelong panggramatika na binubuo ng malalim at ibabaw na mga estruktura). Bukod dito, si Enriquez (1977) ay nagtrabaho sa isang lugar na ang mga Filipino ay napakagalíng, may wikang mayaman sa bokabularyo ng damdamin at sentimyento. Ang paraang ito ay nangangailangan ng mga paraang etnograpiko, pagsusuri ng wika, semantika, at pagmumuni na ipinagbabawal gamítin ng mga Skinnerian Behaviorist, ngunit gayunman nagbigay-ani ng tuklas na yaman sa napakaraming mumunting pagkakaibá sa sentimyento. Dito’y masasabi kong ang wika ay tuklas (heuristiko) na kasangkapan para sa sensitibidad ng mga tao; nagkakaloob ng instrumentong magpapabuti pa ng mga kasangkapan sa pananaliksik upang makatuklas ng mga kategorya at subkategorya na nawawala sa mga Kanluraning mananaliksik na nagsasalitâ ng Ingles. Ang wika ay nagbibigay ng mga pahiwatig, ngunit sa dakong hulí, mga pamamaraang batay sa mga karanasan ang kailangan upang patunayan ang mga hinuhang ito, at sa hulí ay mabigyan ang mga iyon ng suportang empirikal. Sa mga kasamahán ni Enriquez, ang nasimulang “pagsasagawa” ay nagtatapós sa karagdagang pagkatarok na pinalalakas ng ibá’t ibáng mga pamamaraan at Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

13

abilidad na Kanluranin, sa pagproseso, walang kaduda-duda, lalo na sa larangan ng mga pamamaraan sa pagtuklas na ang higit na mabuting mga kasangkapan sa pagtatanong ay nangahubog, at nakadagdag sa pagpapayaman ng metodolohiya. Sa pagpapatúloy sa larang na higit akong pamilyar—sa wika, partikular sa sosyolohiya ng wika, si Joshua Fishman (1981) ay nagribyu ng isang pinagtulong-tulungang gawain ng mga lingguwista hinggil sa bilingguwal na edukasyon at binanggit niya (marahil “nagreklamo” ang mas mabuting termino) na bagaman ang gawa ng ating mga sosyolingguwista ay mahusay, ang disenyo naman sa pananaliksik ay masyadong nakabatay sa pinagsimulan sa Hilagang America at sa ibá pang bahagi ng mundo ng mga taga-Hilagang Americano at hindi sapat ang pagtuklas sa mga posibilidad ng malikhaing mga paraan sa pananaliksik at metodolohiyang hinihingi ng mga kalagayan sa Filipinas. Mga Modelo at Páradíma sa Agham Panlipunan Samantálang may mga reserbasyon kaugnay sa paggámit ni Kuhn sa katawagang paradigm (maaaring ang páradíma ay isang analohikong katawagan, mukhang walang eksaktong parehong kahulugan sa magkakaugnay na mga disiplina, lalo na sa mga agham pisikal katapat ang agham panlipunan; ang paggámit ng katawagan ay ang tinatawag ni Wittgenstein na ‘pagkakahawig ng pamilya’ sa mga disiplina) at ang paniwala niya tungkol sa pangingibabaw ng isang páradíma (ang normal na kalagayan ng agham ay mukhang iyong mga páradíma na magkakasabay na umiiral), ang kaniyang pagsusuri, gayunman, ay may katuturan pa sa talakayan. Marahil, higit pa sa hindi angkop na mga resulta ng mga pagsisikap sa Filipinisasyon ng agham panlipunan (na maaaring isisi hindi sa kahit anong kaakibat na paghihírap sa konseptong indihenisasyon o akulturasyon kapag ginámit sa agham panlipunan, kundi sa kakulangan pa ng karanasan sa pananaliksik sa disiplinang ito sa loob ng ating lipunan), ang aking malinaw na naoobserbahan, batay 14

Pandiwa

na rin sa aking karanasan bílang isang lingguwista sa pakikisangkot sa mga modelong panggramatika, na maraming alternatibong páradíma o modelong mapagpipilìan ng mga siyentistang panlipunan sa bawat disiplina (Gonzales at Rafael, 1980). Ang ganitong posibilidad sa pagpilì ay nagbibigay ng proteksiyon sa mga seryosong siyentistang panlipunan upang ilayô sa imperyalismong intelektuwal kung siyá ay handa na sa pagkamalikhain na mabatid niya ang ibá’t ibáng mga modelo at pleksible na hindi basta ginagaya ang mga pag-aaral at disenyo ng mga dayuhan, kundi tulad ni Claude Levi-Strauss (1966), hindi nag-aral na siyentista sa isang kulturang pre-rationalist, di-Kanluranin, kung maaari siyáng maging bricoleur, upang makagawa ng bago mula sa kung anong mga materyal sa kasalukuyan, at sa ganitong kaso ay ibá’t ibáng mga modelo, at upang makabuo ng isang produktong makagagámit ng pinakamabuti sa kasalukuyang mga páradíma. Hindi ako nangangaral ngayon na alisin ang pinaghalo-halong ibá’t ibáng mga modelo na nakalulungkot sabihing maraming mga mag-aaral na hindi nakababatid sa metascience ng kani-kaniláng mga agham ang nangagkakamali. Ilang mananaliksik ang waring hindi nakababatid na ang konseptuwal na mga kasangkapan na ginagámit nilá ay ginawa ng tao, nakabatay sa kultura, sa kasaysayan na may hangganan at silá mismo ay mga produkto ng realidad na ginawa ng lipunan kasabay ng lahat ng mga elemento na bumubuo sa páradíma na ito. Ang kinahahantungan nilá ay isang anyo ng di-natutunaw na intelektuwal na goulash. Upang palawakin pa ang analohiya, ang iminumungkahi ko ay isang makabagong bersiyon ng Levi-Straus bricolage, isang malikhaing gawaing pangkaisipan at makasining na pinaghahalò ang mga pinakamabubuting sangkap sa isang magandang pagkakaayos na kabuuan ng lahat. Pinahihintulutan ng kasalukuyang kalagayan ng mga agham panlipunan ang ganitong alternatibo, sa kamalayang karamihan sa mga larang (Ang nása isip ko ay lingguwistika, sikolohiya, sosyolohiya, ekonomiya, at agham pampolitika), mayroong nakahilerang mga modelong mapagpipilìan. Sa katunayan, ang pagsasanay ng isang siyentistang panlipunan sa mga disiplinang ito ay dapat magsáma ng Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

15

lawak na metascientific, isang mapanuring pananaw sa kasalukuyang nangingibabaw na mga páradíma sa larangan ng ibá’t ibáng kultura, upang ang isang malikhaing siyentistang panlipunan na gumagawa sa kaniyang kapaligiran at nakikipagbunô sa kaniyang sariling mga suliranin, sa kaniyang mga disenyo sa pananaliksik at paghahanap ng isang teorya na pag-aangkupan ng kaniyang mga pagsisiyasat, ay makapipilì ng teorya, modelo o páradíma na tumutugma sa mga layunin ng pag-aaral upang ang pangangalap niya ng mga datos ay maging makabuluhan at produktibo. Sa nakikíta ko, sa masidhing gawain sa halos lahat ng mga larang ng agham panlipunan, ang mayroon táyo ngayon ay isang masiglang merkado ng mga páradíma para sa mga mamimíli na maaari nating isagawa ang siyentipikong paggawa para sa ating sariling mga larang at mga pangangailangan, sa pagkakataóng ito, iniaangkop ang ating mga pangangailangan sa kabuuang layunin ng pambansang pagpapaunlad. Sa tingin ko, ang pangunahing kailangan sa pagpapaunlad ng agham panlipunan sa Filipinas ay hindi ang sinasadyang paghahanap ng isang páradíma ng bansa para sa sosyolohiya, sikolohiya, ekonomiya, lingguwistika, agham pampolitika, atbp., kundi isang empirikal na oryentasyon na tumitingin sa tunay na kalagayan, mga katotohanan, sa kaniláng konteksto at hangga’t maaari sa makatáong pamamaraan, sa kaniláng kabuuan; malikhaing mga kuro-kuro sa simula na makatutulong sa atin sa pagbuo ng ating ginagawang paghihinuha; at pagkaraa’y ang paghahanap ng teorya (sa mga teoryang maaaring kunin o gamítin) na makatutulong sa ating magtangkang magpaliwanag at maghanap ng kumpirmasyon sa ating mga hinuha; karaniwang ang gayong teorya ay nakaugnay sa partikular na pamamaraan, metodolohiya, at mga kasangkapan (sa kaso ng agham panlipunan, bílang o dami ng mga kasangkapan). Sa ganitong gawain, magagandang mga aklatan ang kailangan upang makatulong sa atin na maging pamilyar kung ano ang mga nagawa na, makíta natin ang katulad na mga suliranin sa buong mundo, at makapagmungkahi ng mga posibilidad sa pagpapalawak pa ng ating mga kuro-kuro. 16

Pandiwa

Ang isa sa mga suliranin sa pananaliksik sa agham panlipunan sa Filipinas ay ang kakulangan ng koneksiyon o paggámit sa literaturang pang-agham sa mundo lalo na sa labas ng mundo ng Hilagang America (pinagsámang kakulangan sa kaalaman sa pagbabasá ng dayuhang mga wika) at ang kakulangan sa mapanuring pagpapatalas sa pagsasanay ng ating mga siyentistang panlipunan na maging bihasa sa kaniláng imported na mga modelo, kaysa ang mga ito ang maging bihasa sa kanilá. Ang pagiging kontrolado ng mga modelong ito ay makikíta bukod sa ibá pang bagay sa pagpapaalipin sa pagsasanay para sa kaniláng MA o PhD (hindi na lumalampas dito); pagpapaalipin (kahit pa mag-hero-worship sa mga guro; at sa ibabaw ng lahat— groundhog, nagtatakda ng hanggahan ng pangkaisipang saklaw ng sinuman. Ilang PhD sa Filipinas, bílang resulta ng maraming presyur, lalo na sa administrasyon at mga konsultasyon, ang gumagawa ng seryong pananaliksik pagkatapos ng kaniláng doktorado (kayâ limitado ang lawak ng kaniláng kaalaman sa modelong ginámit sa kaniláng mga disertasyon) at kapag silá ay nananaliksik, iilan ang nagbabasá sa labas ng kaniláng partikular na espesyalisasyon at sa gayo’y maaaring suwertíhang makatuklas ng ibá’t ibáng mga pamamaraang pang-intelektuwal—pagtitistis sa pusa, at may ibá’t ibáng paraan ng pagtatanong na maaaring mas angkop sa hawak na proyekto. Madalas akong madesmaya sa mga presentasyon ng disertasyon para sa MA at PhD at katulad na mga oral examination dahil sa panggagaya ng mga disenyo sa pananaliksik (mga panggagaya sa pagaaral ng ibáng tao sa ibáng bansa) at sa walang kawawàang paglilipatlipat ng mga talahanayan ng estadistika (tinutulungan ng kilaláng de-kahong computer program—na kadalasang hindi alam ng nagsulát ng tesis kung ano ang ginawang estadistikang datos ng kaniyang binayarang konsultant, at ang di-kailangang mga bílang na hindi naman nagdaragdag sa ating kaalaman kundi nagdaragdag lámang ng mga bílang na pansuporta sa mga katotohanan na alam naman natin o sa ipinapakita mismo sa mga simpleng paglalarawan. Isang partikular na tesis sa MA ang aking nabása na isang pangunahing halimbawa ng ganitong uri ng kawalang-kawawàan. Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

17

Isang gradwadong mag-aaral ang nagkagusto sa pagsusuri ng variance (ANOVA) at humandang “patunayan” mula sa mga resulta ng pagsusulit sa wika na ang ibá’t ibáng mga seksiyon ng isang partikular na taon sa isang paaralan ay magkakaibá ang bílang sa kaniláng kahusayan sa wika. Nang panahong iyon, wala pa táyong nakakompyuter na mga programang ANOVA na makatutulong sa atin sa problema sa pagtatáya, at ang táong ito ay kailangang gumawa ng dalawang paraan ng pagsusuri sa variance sa walong seksiyon (8 factorial) gámit ang calculator at tumagal nang ilang buwan sa pagkukuwenta dito, sa tulong ng ilang mga mananaliksik, upang makaábot lang sa nakagugulantang na kongklusyong ang kahusayan sa wika ng mga mag-aaral sa bawat seksiyon ay ‘may ipinapahiwatig’ sa pagkakaibá-ibá. Dapat kong nasabi sa kaniya ang gayon ding bagay sa pamamagitan ng mabilisang tingin sa mga grado sa English o sa pagpapasúlat sa bawat seksiyon ng isang maikling talata at pagkaraa’y gumawa ng impresyonistikong sarbey sa nakasúlat na mga halimbawa. Kung ganitong uri ng walang-kawaw àang pag-uulit at panggagaya ang tinatawag ng mga dependency-theorist na ‘kolonisasyong intelektuwal,’ kailangan na itong matigil at mawala agad. Gayunman, táyo ang may gawa ng ganitong uri ng ‘pananakop.’ Ang kalayàang pangkaisipan ay kailangang magmula sa pagiging maálam sa ibáng mga páradíma, hindi nadodominahan, ngunit gamítin ang mga páradímang ito sa mga pangangailangan natin, batay sa nakikíta at nararamdamang mga realidad sa kalagayan, upang sa hulí, ang mga nararamdamang ito ay maaaring mapatunayan sa higit na pormal na pangangatwiran at makatotohanang mga pamamaraan. Patúngo sa Modelong Filipino Ang mga modelo, na karaniwang mga rebisyon ng mga dominante, o radikal na mga pagbabago ng mga umiiral, at bílang mapanuring mga reaksiyon sa kaniláng mga hanggahan ay hindi umaangat sa vacuum ng kaisipan.

18

Pandiwa

Silá ay sabay-sabay na umaangat mula sa siyentipikong mga kaisipan na nakikipagbuno sa realidad, sinusubukan itong ipaliwanag, at di nasisiyahán sa mga kasangkapan sa konsepto sa pagpapaliwanag ng mga realidad na ito. Ang lokal na mga páradíma ay lilitaw sa ‘katutubong lupa’ hindi sa pamamagitan ng sinasadyang paghahanap sa mga iyon kundi sa pamamagitan ng paggawang mahusay—‘mabuting’ agham panlipunan. Ang pagtatatag ng tradisyonal na pananaliksik sa pagsisiyasat panlipunan, isang kaugaliang nagiging buháy kapag ang mga siyentistang panlipunan ay nagtatalakayan, hindi nangangambang punahin ang bawat isa, basáhin ang akda ng bawat isa sa kanilá, at magtulungan sa pamamagitan ng pagmumungkahi ng mga pagbabago at pagpapaganda, pakikipagpalítan ng mga publikasyon, pagpupulong sa mga forum, pagtatatag ng mga kapisanang pampropesyonal túngo sa matatatag na samahán, sa halip na paghihiwa-hiwalay sa ibá’t ibáng pangkat na binuo sa paligid ng mga personalidad ay gawain ng isang henerasyon. Walang ‘madalìang’ agham panlipunan ang Filipino. Mula sa isang tradisyong nagsisilbing binhìan ay tutubò ang mga inobasyon sa mga páradíma batay sa pananaw ni Kuhn na tinatawag niyang ‘mga katiwalîan’ at sa hulí, bílang karaniwan, bílang isang natural, boluntaryo, hindi artipisyal, nabuong sangkap o produkto, rebisyon ng modelo at pagpapalit ng modelo. Ito ang dahilan kung bakit naiisip kong ang paghahanap natin ng isang páradíma ng Filipinas ay isang red herring, isang pagbabaling ng pansin upang ilihis táyo sa ating pagpupursigi sa halip na may matinding pagkahilig at determinasyon—gaya ng ipinahayag ng isang tagapagtaguyod ng pambansang wika noong ikalawang dekada ng ating kasaysayan sa kasalukuyang siglo–con fortaleza: ang kailangan natin ay hindi isang sinadyang modelo ng Filipinas kundi mabuti, mahusay na pananaliksik sa agham panlipunan na kinikilála sa mundo. Malikhàin, nagpapaigi, bukás sa ating mga pag-uusisa at nakahandang maibá sa tinatanggap na mga tradisyon, mapanuri sa mga limitasyon ng ating mga kasamahán mula sa labas ng bansa na nalilimitahan ang kaniláng pinagmulang sariling kultura, subalit higit sa lahat, mapanuri Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

19

sa ating sariling pamamaraan, mahahasà táyo ng ating mga kakayahán sa pagsisiyasat túngo sa lalong paghusay. Mula sa kagalakang nanggagáling sa dula, sa halip na pagsusumikap, dadatíng ang kaliwanagan–bodhi–at sa pagpapatúloy nang hindi natin iyon hinahanap, lilitaw ang isang agham panlipunan sa Filipinas mula sa ating tradisyon sa pananaliksik. Ang proseso, hindi produkto ang mahalaga sa ating mga pagsisikap, sapagkat ang produkto ay magmumula sa proseso—natural lang at gáling sa sarili. Ang ating layunin ay ang dapat na malakas na pagsusulong ng pagsasaliksik sa kanayunan, sa ating mga mamamayan, hindi sa mga opisinang naka-aircondition sa Makati at mga seminar sa magagandang tourist spot, kundi sa mga tao, naninirahang kasáma nilá bílang hindi obtrusibong kasamaháng nagmamasid, naghahanap ng lahat na kakailanganing mga elemento na nilalaman ng saliksik, at sa ibabaw ng lahat, namamangha at nagtatanong. Ang mga sinabing ito ni Alvin Scaff (1982: 8) ay mahalagang inuulit: Hábang ang paglinang ng nasyonalismo sa Filipinas ay nag-iipon ng lakas, ang pagpilì at pagbuo ng teorya sa pananaliksik sa Filipinas na nagiging mataas na priyoridad para sa mga siyentistang panlipunan ng bansa. Ang pagribyu sa kasalukuyang teorya ay nagpapakíta na may ilang opsiyong mapagpipilìan. Ang teoryang nabuo sa ibáng mga bansa ay maaaring hiramin, ilapat, baguhin, o pagbutihin upang magámit sa Filipinas. Ang mga pinagkukunan para sa teorya, na totoo sa lahat ng mga agham ay internasyonal. Hindi na kailangang muling mag-imbento ng gulong upang patunayan ang pambansang identidad. Ang panghihiram ng teorya ay hindi nag-aalis sa pagbubuo ng bagong teorya. Ang mga Filipinong siyentistang panlipunan ay gumagawa na ng kaniláng pangalan sa hanay ng kaniláng mga katapat sa mga sirkulo ng mga 20

Pandiwa

propesyonal sa mundo. Ang teorya ay hindi nagtatapos sa sarili nitó; sa kabaligtaran, ang teorya ay kailangang hakbang sa pagabót sa mas mataas na pag-unawa. Ang pangunahing layunin ay ang dapat na pag-unawa sa lipunan ng Filipinas.

MGA TALÂ

1

2

Nailathala ang orihinal na English, "Filipinization of the Social Sciences: A Red Herring?" nása Social Sciences Information Vol.10, Blg.2, HulyoSetyembre, 1982, mp.9-13 Naging Presidente, Unibersidad ng De La Salle

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

21

22

Pandiwa

Ang “Filipino” sa Konstitusyong 1987 at ang Kaso ng “Filipinas” Roberto T. Añonuevo

HANGAD NA SAGUTÍN ng panayam na ito ang legalidad ng paggámit ng salitâng “Filipinas” sa mga akdang nasusúlat sa Filipino, inilathala man ng publiko o pribadong ahensiya o institusyon. Inihayag noong isang taon nina Dr. Rosario Torres-Yu, Dr. Teresita G. Maceda, Dr. Maria Bernadette L. Abrera, Dr. Adrian P. Lee, Dr. Ramon G. Guillermo, Dr. Pamela C. Constantino, at Dr. Jovy M. Peregrino na “malinaw na paglabag sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas ang paggámit ng mungkahing ‘Filipinas’ kapag ito’y ipinatupad [ng pamahalaan].”1 Mahalagang talakayin ang tindig nina Torres-Yu atbp, sapagkat ang anumang ipinromulgang konstitusyon noong 1987 ng pamahalaan, nása Ingles man o Filipino, ay maaaring maging batayan ng paggámit ng Filipinas sa ngayon. May nilalabag ba sa kasalukuyang konstitusyon o sa alinmang batas ng bansa, kung gagamítin ng pamahalaan sa partikular, at ng madla sa pangkalahatan, ang salitâng “Filipinas” sa mga opisyal na komunikasyon? Bago ito sagutín ay marapat munang ilugar ang salitâng “Filipino” at “Pilipino” sa konteksto ng Konstitusyong 1987. Kailangan ding linawin kung paano binuo ang Saligang Batas 1987, kung naipromulga ba ito sa kapuwa Ingles at Filipino, at kung natalakay nang husto ng mga komisyoner ng Komisyong Konstitusyonal. 2 Anyo ng Filipino Sa rekord ng Komisyong Konstitusyonal,3 kinilála ng Lupon sa Wika, ani Wilfrido V. Villacorta, ang sumusunod: una, may umiiral na lingguwa prangka na tinatawag na “Filipino” na ginagámit ng mga 23

mamamayang may magkakaibáng katutubong wika o diyalekto; at ikalawa, ang lingguwa prangkang ito ay “Filipino” at hindi “Pilipino” sapagkat hindi ito eksaktong Tagalog. Ipinaliwanag pa niyang ang Tagalog ay may purong anyo, samantálang ang Filipino ay mas puro pa ayon sa mga lingguwista dahil kinakailangan nitóng umimbento ng salitâ kahit hindi pa ginagámit. Dumaan sa ebolusyon nang ilang siglo, sambit pa ni Villacorta, ang Filipino bílang lingguwa prangka sa pamamagitan ng paggámit ng ibá’t ibáng diyalekto na nauunawaan ng nakararaming tao. Ibinunyag pa niyang, ayon umano sa isang lingguwista,4 ang mga wika sa Filipinas ay may parehong ugat na salitâ, gramatika, at palaugnayan, kayâ napakadalîng mag-aral ng isang Filipino ng alinmang diyalekto sa Filipinas kompara sa mag-aral ng banyagang wika. Mahalagang itampok dito ang kaibhan ng “Filipino” sa “Pilipino.” Sa tanong ni Jose C. Colayco hinggil sa kung ano ang kaibhan ng dalawang salitâ, tumugon si Villacorta na ang Filipino ay “pinalawak na Pilipino, at ito ang lingguwa prangka na likás na dumaan sa ebolusyon sa buong bansa, at ibinatay sa Tagalog at ibá pang diyalekto [sic, wika] sa Filipinas at banyagang wika. Sumang-ayon din si Villacorta kay Colayco na higit na angkop ang Filipino na gamítin sa panukalang konstitusyon dahil kung ibabatay sa kasaysayan, ang Filipino ay nagmula sa “Filipinas” na nag-ugat naman sa “Felipe” [Haring Felipe II ng España].5 Ayon naman kay Francisco A. Rodrigo ang “Pilipino” ay tinanggal ang mga [hiram] na titik sa alpabeto na gaya ng \f\, \j\, \q\, \v\, at \z\ at pinalitan ng \k\ ang \c\ na lumitaw na katawa-tawa [kapag ginámit sa pasulát na paraan], at ang ganitong mga dahilan ang nagresulta para suportahan ang “Filipino” bílang wikang pambansa.6 Sa punto de bista ng Filipino ay tama si Rodrigo; ngunit sa punto ng Tagalog, ito ang pinakamadalîng paraan ng adaptasyon, bagaman ang naturang gawi ay maaaring magsakripisyo ng orihinal na anyo ng salitâng hiniram mula sa banyagang wika. Ilan sa maihahalimbawa na salitâng Español na may titik \c\ na naging \k\ o \s\ ang sumusunod: cabo (kabo), cacerola (kaserola), cadena (kadena), cadete (kadete), camara (kamara), campana (kampana), at canal (kanal).

24

Pandiwa

Kung palalawigin pa ang obserbasyon ni Rodrigo, ang lahat ng salitâng hiram sa Español na may \f\ ay pinalitan lahat ng \p\, gaya ng café (kape), certificado (sertipikado), defecto (depekto), defensa (depensa), deficit (depisit), definición (depinisyon), definido (depinido), fabrica (pabrika), falda (palda), falso (palso), fanatico (panatiko), fantastico (pantastiko), farol (parol), farola (parola), at Filipinas (Pilipinas). Ang \j\ ay tinumbasan ng \h\ sa Pilipino, gaya ng caja (kaha), cajero (kahero), jamón (hamón), Japonés (Hapones), jarana (harana), at justicia (hustisya). Ang \q\ ay hinalinhan ng \k\, gaya ng caqui (kaki), querida (kerida), quijones (kihones), quijote (kihote), quimiko (kimiko) quinta (kinta), at quizame (kisame). Ang titik \v\ ay tinumbasan ng \b\, gaya ng cavado (kabado), caviar (kabyar), levadura (lebadura), civil (sibil), vaca (báka), uva (ubas), favorito (paborito), avocado (abokado), at Eva (Eba). At ang titik \z\ ay pinalitan ng \s\, gaya ng carroza (karosa), brazo (braso), cabeza (kabesa), capataz (kapatas), cerveza (serbesa), eczema (eksema), at calzada (kalsada). Sinabi naman ni Ponciano L. Bennagen na ang Lupon sa Wika ay pinilì ang “Filipino” na may \f\ na gamítin sa panukalang Konstitusyong 1987 sapagkat ito ay opisyal na naghunos [evolved] sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng Tagalog na walang \f\, na “sumasalamin sa liberal na pagkilos túngo sa pagtanggap ng ibá pang diyalekto sa lilitaw na lingguwa prangka.”7 Ang ganitong tindig ang siyá ngayong ipinagpapatúloy ng KWF, pagkaraang lumitaw sa mga pambansang konsultasyon nitó na may titik o tunog \f\ sa mga katutubong wika na dapat ipaloob sa Filipino. Ang salitâng “evolve,” gaya sa ebolusyon ng Filipino, ay isang puntong pinagtaluhan sa Komisyong Konstitusyonal. Kung ipagpapalagay na ang pagtanggap ng \f\ sa alpabetong Filipino ay napakahalagang aspekto ng ebolusyon upang makahiram ng mga salitâ sa panrehiyon o banyagang wika, ito ang dapat harapin sa ngayon. Mababalikan ang panukala ni Joaquin G. Bernas na enmiyendahan ang lahok na nabuo ng lupon hinggil sa wika.8 Tumutol si Villacorta dahil pinalalabnaw nitó ang orihinal na panukalang napagkasunduan. Sumagot si Bernas na ang kaniyang panukala ay tinatanggal ang Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

25

salitâng “evolve” dahil hindi daw isinasabatas ang ebolusyon. Ngunit tumindig si Blas F. Ople, at ikinatwirang “ang salitâ ay kumikilála sa katotohanan na ang mga tao mismo ay may karapatang hubugin ang kaniláng wika nang labas sa balangkas ng Konstitusyon o batas.” Idiniin ni Ople na ang tungkulin ng batas ay patúloy na paunlarin ang naturang mga wika9 (akin ang diin). Salin at Promulgasyon Ang panahon na ginagawa ang borador ng Konstitusyong 1987 ay yugto na nása transisyon ang Institute of National Language (INL)/ Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na tatawaging Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) pagkaraan. Noong 1986, nása ilalim ng Rebolusyonaryong Gobyerno ang Filipinas, at ang SWP ay nása alanganing posisyon bílang kawanihan. Gayunman, aktibong nagmungkahi ang SWP sa pangunguna ni Ponciano B.P. Pineda hinggil sa mga nararapat na probisyon ng panukalang konstitusyon 1987. Kabílang sa inilaban ng SWP ang sumusunod: una, gawing opisyal na wika ang Filipino; ikalawa, gawing wikang pambansa ang Filipino na ang pinakaubod ay “Pilipino.” Ang mungkahi ng SWP ay taliwas sa orihinal na panukala nina Ernesto Constantino, Consuelo J. Paz, Rosario Torres-Yu, at Jesus Fer. Ramos na ipromulga ang konstitusyon sa wikang Pilipinon sa paniniwalang ang “Filipino” ay dapat pang paunlarin, at ang tunog \f\ ay hindi mabigkas ng maraming Filipino. Ang pagdaragdag ng hulaping \-on\ , na gaya sa Hiligaynon, Surigaonon, Bikolnon, atbp ay katanggap-tanggap umano sa mga Bisaya at tagaMindanaw.10 Nabigong umusad ang Pilipinon dahil kailangan nitóng magsimula sa zero, bagaman maganda ang ideá na ang pambansang wika ay mabuo mula sa mga katangian ng sari-saring wika sa buong kapuluan. Ang Filipino-na-ang-pinakaubod-ay-Pilipino ang magiging problematiko sa pagbubuo ng Konstitusyong 1987. Hábang binabalangkas pa lámang ang nasabing batas, ang lahat ng diksiyonaryo at tesawro sa buong kapuluan ay tinatanggap lámang

26

Pandiwa

ang Pilipino, gaya sa Diksyunaryo-Tesauro Pilipino-Ingles (1972) ni Jose Villa Panganiban; Pilipino Loan Words in English (1970) ni Fe Aldabe Yap; English-Tagalog Dictionary (1977) at Tagalog-English Dictionary (1986) ni Leo James English; English-Pilipino Dictionary (1995) nina Vito C. Santos at Luningning E. Santos; at Diksyunaryo ng Wikang Filipino (1989) ng LWP. Sa ganitong pagkakataon, bagaman tinatanggap sa hinagap ang mga hiram na titik, gaya ng \f\, \j\, \q\, at \v\, ang mga ito ay hindi pa nailalahok sa mga diksiyonaryo na magbibigay ng suliranin sa pagsasalin sa Filipino ng konstitusyon. Mapapansin kung gayon na ang Filipino sa yugtong ito ay marapat pang pinuhin ng mga lingguwista, editor, at manunulat.11 Ayon sa Artikulo XIV, Seksiyon 8, ng Konstitusyong 1987, “This Constitution shall be promulgated in Filipino and English and shall be translated into major regional languages, Arabic, and Spanish.” Kung ang “Filipino” ay ipapalagay na kathang-legal [legal fiction] pa lámang, kung susundin ang pangangatwiran ni Bro. Andrew Gonzalez, ang paraan ng pagsasalin ng tekstong Ingles ng Konstitusyong 1987 túngo sa Filipino ay dapat handang tumanggap ng mga hiram na titik sa mga banyagang wika. At kung susundin ang lohika ni Pineda na ang ubod ng Filipino ay Pilipino, ang Filipino nitó sa minimum na kahingian ay dapat sumunod sa panuntunan ng Pilipino at pagkaraan ay handang tumanggap ng pagbabago sa proseso ng ebolusyon ng Filipino, gaya ng titik \f\ na hindi lámang ginagámit sa Español at Ingles, bagkus matutunghayan din sa mga katutubong wika sa hilaga at timog, partikular sa Kordilyera at Zamboanga Peninsula. Pangunahing Teksto at Salin Isang malaking usapin sa mga pagdinig at pagtatálo ng Komisyong Konstitusyonal ay nang pagtibayin ang borador ng Konstitusyong 1987 sa wikang Ingles noong 13 Oktubre 1986, dalawang araw bago ang dedlayn ng Komisyon; sa kasamâang-palad ay hindi pa tapós ang bersiyong Filipino. Nagtanong si Ponciano L. Bennagen kay Presiding

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

27

Officer Ricardo J. Romulo sa estado ng tekstong Filipino at kung anong paraan ito lalagdaan, yamang may pantay na importansiya ito sa tekstong Ingles. Tinugon ni Jose F.S. Bengzon si Bennagen na kung sakali’t magkakaroon ng pagtutol sa salin sa Filipino na may kaugnayan sa paglabag sa mga konsepto ay mananaig ang tekstong Ingles. At ang mga pagtutol ay dapat maitalâ ng Komisyong Konstitusyonal. Iminungkahi ni Christian S. Monsod na anumang tekstong Filipino na kaniláng lagdaan ay ituring na borador lámang. Aniya: I would like to suggest that any translations that are made, even if we sign them, be constituted as draft, because I do not think that we should sign any translation that we have not really studied ourselves. The only text that has been approved by this body is the English text. I do not think we can delegate to anybody the finalization of any other version that we ourselves have not gone through individually.12

Ang pag-uusisa ni Bennagen kung ano ang magiging pangwakas na aksiyon upang maging opisyal na bersiyon ang tekstong Filipino ay makatwiran. Binanggit ni Bengzon na ang promulgasyon ng tekstong Filipino ay maaaring ganapin pagkaraan ng ratipikasyon, upang magkaroon ng sapat na panahon sa pagsasalin at marepaso iyon nang maigi ng mga kasapi ng Komisyong Konstitusyonal. Gayunman, may legal na balakid sa awtoridad ng Komisyong Konstitusyonal. Pagkaraan ng 15 Oktubre 1986 ay magiging functus officio—tapós na ang termino bukod sa nagwakas na ang gawain, at wala nang awtoridad pa na ipagpatúloy ang tungkulin—ng Komisyong Konstitusyonal. Iminungkahi ni Ople na isaalang-alang ang referendum sa panig ng mga komisyoner kung sang-ayon ba silá sa magiging bersiyon ng tekstong Filipino. Binanggit ni Ople ang pangangailangang itatag ang isang ad-hoc komite na lilikom ng mga panukala upang pagsapit ng petsa na itatakda ng Pangulo makalipas ang ratipikasyon ng 28

Pandiwa

Konstitusyong 1987 ay maipopromulga na ang pangwakas na tekstong Filipino.13 Nilinaw ni Monsod, batay sa tanong ni Bennagen, na ang pangwakas na gawaing may bisà [final operative act] ay nása paglagda ng mga komisyoner. Iminungkahi niya na ituring na borador ang lalagdaan sa ika-15 ng Oktubre, at ang pinal na tekstong Filipino ay dapat personal na lagdaan ng mga komisyoner sa pamamagitan ng referendum bago magwakas ang kaniláng termino. Sumabat si Bengzon kung kailangan pa ang mga mungkahi sapagkat, aniya, dapat beripikahin ni Pangulong Corazon C. Aquino kung naging matapat ba ang tekstong Filipino sa tekstong Ingles bago ito ipromulga. Hindi na kailangan umanong magtipon muli ang mga komisyoner at suriin at tiyakin ang tekstong Filipino. Kung bibigyan naman ng sipi ang bawat komisyoner, kailangan pa rin nitóng beripikahin ang salin. At magagawa lámang ito kung dudulog sa isang ahensiya ng gobyerno (na sa panahong iyon ay SWP). Sinabi pa niyang siguro naman ay titiyakin ng Tanggapan ng Pangulo ang pagiging matapat ng tekstong Filipino sa tekstong Ingles. Lumitaw pagkaraan ang tanong kung aling teksto ang mananaig kapag nagkaroon ng pagtatálo sa nilalaman ng konstitusyon. Nilinaw ni Ople na ang mamamayaning teksto [controlling text] ay ang Ingles sapagkat iyon ang wika sa mga deliberasyon, at para sa layuning legal lámang. Narito ang paliwanag ni Ople bago pagkasunduan ang mamamayaning teksto sa konstitusyon:14 THE PRESIDING OFFICER (Mr. Ricardo J. Romulo). Commissioner [Blas F.] Ople is recognized. MR. OPLE:

If I may be allowed a recollection of the debates at that time, the Committee on Human Resources, headed by Commissioner Villacorta, did decide not to take a position on a controlling text. I think the presumption they adhered to Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

29

was that the English and Filipino texts would be equal in rank for purposes of serving as official text of the promulgated Constitution. However, there is nothing to prevent this Commission from acknowledging the fact, as it has been acknowledged now, that the original draft was written in English and the deliberations mainly were conducted in English and that, therefore, for legal purposes, the English text could be considered controlling, for example, in courts of law, but only for purely legal purposes. We want to hold on, I am sure, to the symbolic equality of both texts. MR. MONSOD: Mr. Presiding Officer. THE PRESIDING OFFICER (Mr. Romulo). Commissioner [Christian S.] Monsod is recognized. MR. MONSOD: I would like to formally move that the controlling text will be English, in case there is a conflict. THE PRESIDING OFFICER (Mr. Romulo). For legal purposes. MR. MONSOD: For legal purposes. MR. [JOSE F. S.] BENGZON: I second the motion.

Ang pagturing sa Ingles bílang “namamayaning teksto,” ani Adolfo S. Azcuna, ay hindi dahil superyor ang Ingles sa Filipino, bagkus ito’y nagkataon lámang. Ginámit sa pangkabuuang deliberasyon ang Ingles at sumusunod lámang silá sa tuntuning travaux préparatoire.15 Sa ilang pagkakataon na ginámit nang bahagya ang Filipino sa mga sesyon ay mananatili pa ring namamayaning teksto ang Ingles, bagaman hindi sinasabi nang tahasan ang Ingles.16 Pinagtibay pagkaraan ang isang resolusyon ng mga komisyoner na nagsasaad, “In case of conflict 30

Pandiwa

between the Filipino text and the English text, then the language predominantly used in our deliberations will prevail.”17 Sa ganitong anggulo dapat sipátin ang kaso ng salitâng “Pilipinas” bílang salitâng panumbas sa “Philippines.” Kung ang namamayaning teksto ng Konstitusyong 1987 ang susundin, sa kasong may kaugnayan sa aspekto o layuning legal, ang dapat gamítin ay “Philippines” na hango sa Ingles, at ang wika at mamamayan ay dapat tawaging “Filipino” alinsunod sa anyo ng pagkakasulat sa Ingles. Mapupuwing na hindi konsistent sa ortograpiya, dahil kung “Philippines” ang bansa, ang mamamayan at konseptong kaugnay nitó ay dapat tawaging “Philippinean.” Gaya ng nabanggit ni Villacorta, ang paggámit ng “Filipino” ay konsistent sa orihinal na tawag sa bansa: Filipinas. Ngunit dahil sa hindi pa ganap na nalilinang ang modernong ortograpiya ng wikang Filipino nang isalin ang panukalang konstitusyon, nanaig sa salin ang terminong Pilipino na “Pilipinas.” Pinanaig din ang salitâng “Pilipino” kapag tumutukoy sa pagkamamamayan, at ito ay matutunghayan, halimbawa na sa “Preamble” na ang “Filipino people” ay tinumbasan ng “Sambayanang Pilipino” sa tekstong Filipino; o kayâ’y sa Seksiyon 19, Artikulo II, na ang “Filipino” (mamamayan) ay tinumbasan ng “Pilipino.” Sa ganitong pangyayari, mahihinuha na ang pagkakasalin ng tekstong Ingles túngo sa Filipino ay nagmumula pa rin sa namamayani noong “Pilipino” ng SWP.18 Para maging konsistent sa ortograpiya ay dapat tumukoy ang “Filipino” hindi lámang sa wika, bagkus sa pagkamamamayan at lahat ng konseptong may kaugnayan sa pagkabansa. Ang usapin ng “Pilipinas” bílang salin ng “Philippines” ay matutunghayan din sa deliberasyon ng Komisyong Konstitusyonal. Nabanggit ni Gregorio Tingson na nagulat siyá nang minsang magpadalá ng liham sa kaniyang esposa mulang Larnaka, Cyprus túngong Philippines. Wala umanong Philippines, sabi ng post master ng Larnaka, at hindi nitó naisahinagap na katumbas lámang ito ng Filipinas. Binanggit din ni Tingson na binabaybay na “Pilipinas” ang Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

31

pangalan ng bansa, ngunit isinusulat minsan na “Filipinas” kayâ marami umanong turista at bisita ang nalilito. Itinanong din niya sa kapulungan kung ang Bureau of Posts ay awtorisadong baguhin ang opisyal na pangalang Philippines túngong Pilipinas. Sumagot si Villacorta na ang “Pilipinas” ay opisyal ding pangalan ng bansa. Ngunit hindi naisaalang-alang ni Villacorta ang istoriko at lingguwistikong pinagbatayan ng Pilipinas, at kung bakit hindi Filipinas. Ang wikang ginámit sa pagsasalin ng Konstitusyong 1973 ay Pilipino, na labis ang kíling sa Tagalog. Nang ipromulga ang Konstitusyong 1973, malinaw na ang taguring Pilipinas ay batay sa konserbatibong Pilipino (na hindi pa tinatanggap ang mga hiram na titik na \c\, \f\, \j\, \ñ\, \q\, \v\, \x\, at \z\ mula sa Español at Ingles). Kayâ tumpak lámang na mabahala si Tingson nang wikain niyang “wala akong alam na opisyal na batas na pinagtibay ng Kongreso na opisyal na tawagin sa ibáng pangalan ang bansa maliban sa Philippines.” Mapapansin kung gayon na lumilingon si Tingson sa Konstitusyong 1935, at hindi lámang sa Konstitusyong 1973.19 Sumabat pagkaraan si Jose Luis Gascon at sinabing, “The Pilipino translation of Philippines is Pilipinas (akin ang diin).” Walang paliwanag si Gascon sa kaniyang pahayag, at mahihinuhang sumusunod lámang siyá sa linya ng kautusan na “Pilipino” ang dapat itawag sa pambansang wika, batay sa pahayag ni Kalihim Jose E. Romero noong 1959.20 Sinabi lámang ni Gascon na katumbas ng Philippines ang Pilipinas, subalit nabigong ipaunawa nang malalim at makatwiran kung bakit hindi dapat gamítin ang Filipinas. Hindi rin maláy si Gascon sa dáting ortograpiyang ibinatay sa Tagalog at pumatay sa titik \f\. Hirit pa ni Gascon: On the query of Commissioner Tingson whether there was any official act of changing the name Philippines to “Pilipinas” Commissioner (Adolfo S.) Azcuna told me that the 1973 Constitution had a Filipino translation of the Republic of the Philippines which was promulgated, and that is “Republika ng Pilipinas.” So it

32

Pandiwa

has been officially promulgated; therefore it does not need any congressional act.21

Mapapansin sa siniping transkripsiyon na ang gámit ng “Pilipino” at “Filipino” bílang mga wika ay nagbago kahit sa mga bigkas ni Gascon. Ang unang gámit niya na Pilipino ay mahihinuhang mula sa lumang ortograpiyang Tagalog at namayaning Pilipino alinsunod sa kautusan ni Kalihim Romero noon at siyáng sinundan ng Konstitusyong 1973; samantálang ang ikalawang gámit ng Filipino bílang pang-uri ay para sa mithing abanseng wika ng bansa, at siyáng iiral sa Konstitusyong 1987. Ang “Filipino translation” na winika ni Gascon at patungkol sa “Pilipinas” ay mapasusubalian kung gayon. Ang binanggit ni Gascon na salin ay Pilipino at hindi Filipino, bukod sa walang opisyal na imprimatur mula sa SWP. Higit pa rito’y mapapawalang-bisa ng Konstitusyong 1987 ang Konstitusyong 1973 sa oras na maratipikahan ng sambayanan. Ang SWP noong 1959-1973 ay nakakíling sa “Pilipino” samantálang pangarap pa lámang ang wikang “Filipino.” At kahit ang LWP noong 1991, bago pa ito maging KWF noong 1992, ay walang opisyal na tindig hinggil sa Filipinas, Pilipinas, at Philippines, ngunit gumagámit ng “Pilipinas” alinsunod sa ABAKADANG Tagalog, bukod sa napakakonserbatibo kung hindi man atrasado ang diksiyonaryo nitó sa “wikang Filipino.” At bagaman ipinromulga ang Konstitusyong 1973, ang promulgasyon ng salin ay batay sa Pilipino ni Kalihim Romero. Hindi kataka-taka kung gayon na ang salin sa “Filipino” ng Konstitusyong 1987 ay hindi Filipino sa pinakamataas nitóng pamantayan, bagkus nanatiling Pilipino, lalo kung isasaalang-alang na malaki ang inilundag ng makabagong ortograpiyang Filipino, alinsunod sa itinatadhana ng batas. Kung ipinromulga man ang “Pilipinas” bílang katumbas ng “Philippines” sa Konstitusyong 1987, ang naturang salitâ ay hindi “Filipino” bagkus “Pilipino” na umiral noong Konstitusyong 1973, at siyáng ikinalito ni Gascon na sumunod sa opinyon ni Azcuna. Nilagdaan ng mga komisyoner ang salin sa Filipino ng panukalang konstitusyon

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

33

noong 15 Oktubre 1986, ngunit nabigo ang buong komisyon na repasuhin pa ang tekstong Filipino kompara sa ginawang pagrepaso sa tekstong Ingles. Walang nagkakaisang tindig ang mga komisyoner ng Komisyong Konstitusyonal ng 1986 hinggil sa Philippines, Pilipinas, at Filipinas. Kung ipagpapalagay na nauna ang bersiyong Ingles, at Ingles ang wika sa pangkalahatang diskusyon sa Komisyong Konstitusyonal, ang Philippines ang maituturing na tangi’t pangunahing opisyal na pangalan ng bansa at hindi Pilipinas. Ang taguring Pilipinas ay malaki ang pagkakataóng maituwid túngo sa Filipinas, lalo kung iisiping wala namang batas na tahasang nagsasabing isa lámang ang opisyal na pangalan ng bansa (na dáting ginawa noong panahon ng Komonwelt). Namayani ang Philippines sapagkat ang mga batas at kautusang binalangkas ng Kongreso, bukod pa ang mga kapasiyahan ng Korte Suprema, na pawang umiiral sa buong kapuluan ay karaniwang nakasúlat sa Ingles, at siyáng nagbubukod sa pamahalaan sa dapat sanang pagsilbihan nitóng pangkalahatang mamamayan. Nailulugar sa ganitóng pangyayari ang katumbas na salin sa Filipino sa mababàng antas, at pinanaig na batayan ang tekstong Ingles. Kung ipagpapalagay na may dalawang opisyal na wika ang bansa, Filipino at Ingles, ang Konstitusyong 1987 ay dapat nása parehong wika at ang pambansang wikang Filipino ang siyáng dapat makapanaig imbes na bersiyong Ingles. Ngunit sa punto ng praktikalidad, ani Francisco Rodrigo, yamang ang mga talakayan ng komisyong konstitusyonal ng 1986 ay nása Ingles, kung sakali’t may lumitaw na tanong sa hinaharap, ang mga interpretasyon batay sa Ingles ang higit na matimbang kompara sa tekstong nása Filipino pagsapit sa usaping legal. Ang tanong: Mayroon bang pagtatalo [conflict] ng teksto sa Ingles at Filipino, kung pagbabatayan ang tekstong Filipino, hinggil sa paggámit ng “Pilipinas” o “Filipinas,” at siyáng umaábot sa mga layuning legal? Ang tanong na ito, bagaman, karapat-dapat sagutín ng Korte Suprema, ay maaaring sagutín na “Oo.” Kapag ang isang 34

Pandiwa

kinatawan ng Kongreso ay nagbanta na sasampahan ng kaso ang KWF, o ang mga opisyal nitóng nagsusulong ng “Filipinas,” ang tanong hinggil sa katumpakan ng salin sa Filipino ay dapat pinag-uusapan at nilulutas. Kapag ang Tanggapan ng Pangulo ay tinatanggap ang “Republic of the Philippines” at “Republika ng Pilipinas” ngunit tinatanggihan ang “Republika ng Filipinas” dahil sa usapin ng protokol, ang paggámit ng pangalan ng bansa ay umaábot sa layuning legal sapagkat ang dapat balikán ay ang konstitusyon. Usapin ng Salin sa Filipino Ang tekstong Ingles ay inilimbag ng National Media Center, samantálang ang tekstong Filipino ay dinalá sa pribadong limbagan.22 Itinalaga sina Villacorta at Rustico F. de los Reyes, Jr. na subaybayan ang paglilimbag sa Filipino, bukod sa silá rin ang may tungkuling tapusin ang pangwakas na borador ng tekstong Filipino. Nanaig ang mungkahi ni Bengzon na lalagdaan ng mga komisyoner ang tekstong Filipino, na sasailalim sa pagtutuwid kung kinakailangan, sa petsang hindi lalampas sa ratipikasyon ng Konstitusyon, at isasakatuparan ng Tanggapan ng Pangulo ang pagsasalin. Inihayag ni Bengzon sa isang resolusyon na nagrerekomenda kay Pangulong Aquino na isagawa ang ratipikasyon pagsapit ng 23 Enero 1987, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 9 na nagtatadhana ng ratipikasyon o kayâ’y pagtanggi sa bagong konstitusyon. Nabuo at pinagtibay ang isang resolusyon na magkakaroon ng ad hoc komite pagkalipas ng 15 Oktubre 1986, at ang komiteng ito ay pamumunuan ni Tagapangulong Komisyoner Cecilia MuñozPalma upang tapusin nang ganap ang anumang nabinbing trabaho o likidasyon. Ang panukalang konstitusyon sa Ingles ay pinagtibay ng mga komisyoner noong 12 Oktubre 1986; at ang mga teksto sa kapuwa Ingles at Filipino ay nilagdaan ng mga komisyoner noong 15 Oktubre 1986. Nang ihayag ng Pangulong Aquino, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 58, ang opisyal na kambas ng boto at ratipikasyon ng Saligang Batas 1987 noong 11 Pebrero 1986, ang nasabing batas ay nagkabisà agad. Sa Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

35

ganitong pangyayari, masasabing ang tekstong Filipino ay simbolikong pinagtibay ng Komisyong Konstitusyonal, nang may reserbasyon ang mga komisyoner sa katumpakan o kaangkupan ng salin, sa kabilâ ng paniniwalang ang mga lagda ng mga komisyoner ang magpapatibay sa bisà ng panukalang batas na nilikha nilá. Binanggit ang mga pangyayaring ito sapagkat napakahalaga ang promulgasyon ng panukalang Konstitusyong 1986, at ang ratipikasyon ng Konstitusyong 1987, sa wikang Filipino. Dapat ipromulga sa kapuwa Ingles at Filipino ang nasabing konstitusyon. Bagaman naganap ito, ang salin sa tekstong Filipino ay nabigong dumaan sa masinop na pagsusuri ng mga komisyoner (alinsunod sa mga páyo ng mga batikáng editor, manunulat, at lingguwista) na may tungkuling suyurin ang tekstong Filipino. Ipinaubaya na lámang ang pagsasalin sa isang ahensiya ng gobyerno, at ang ahensiyang ito, bagaman hindi binanggit sa mga pagdinig ng Komisyong Konstitusyonal, ay ang SWP na naging Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) pagkaraan. Ang tinutukoy ni Bennagen na mga iskolar at kasamaháng nagsalin ng panukalang konstitusyon ay ang pangkat mula sa SWP, na pinamumunuan nina Pineda at Pablo Glorioso. (Ang LWP, na naging KWF pagkaraan, ay hindi na muling nagkaroon ng pagsusuri sa katumpakan ng salin alinsunod sa makabagong ortogpiya.) Ayon sa mga kawani ng SWP na nagsalin ng manuskrito ay baha-bahagi ang ginawa niláng pagsasalin; at lumalabis pa silá sa oras ng takdang trabaho upang masunod lámang ang dedlayn na itinakda bago lagdaan ito ng mga komisyoner. Noong 1991, apat na taon makaraang ratipikahan ang Konstitusyong 1987, ililimbag ng LWP ang nasabing konstitusyon, na sumusunod, ayon kay Pineda, sa “isinamodernong palatitikan at palabaybayan ng wikang pambansa.”23 Isang parikala ito, kung iisiping makíling sa Pilipino ang dáting LWP, at wala ni isang lahok sa mga diksiyonaryo nitó noong panahong iyon, ang mga lahok na salitâng hiram sa banyagang wika na gumagámit ng \f\.

36

Pandiwa

Kaso ng Sagisag at Eskudo de Armas Ginámit ni Rep. Magtanggol T. Gunigundo I ng Velenzuela, Bulakan, ang Batas Republika Blg. 8491 na pinamagatang “An Act Prescribing the Code of the National Flag, Anthem, Motto, Coat-ofArms, and Other Heraldic Items and Devices of the Philippines” upang paalalahanan ang KWF na malî ang isinusulong nitóng panukala hinggil sa paggámit ng salitâng “Filipinas.” Ito ay sa pangyayaring nakasaad sa Seksiyon 41, Kabanata IV, ng nasabing batas na dapat gamítin ang mga salitâng “Republika ng Pilipinas” sa pambansang eskudo de armas. Nakasaad din sa Seksiyon 42, Kabanata V, na dapat nakapaloob sa Great Seal [Dakilang Selyo] ang mga salitâng “Republika ng Pilipinas” na magagámit lámang ng Pangulo. Magkakaroon ng malaking usapin sa “Republika ng Pilipinas” na ginámit sa Batas Republika Blg. 8491 kung ang pinagbatayan nitó ay ang Konstitusyong 1987, partikular ang tekstong Filipino na pinagtibay ng Komisyong Konstitusyonal at nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino noong 1986. Ito ay sapagkat sumunod lámang ang naturang batas sa salin sa Filipino ng nasabing konstitusyon. Ngunit dahil mapag-aalinlanganan ang tekstong Filipino ng Konstitusyong 1987, na hindi pa noon nakaiigpaw sa parametro ng Pilipino, at sapagkat hindi napagdebatihan ng mga komisyoner nang masusi ang pangalan ng bansa, ang Philippines ang mananatiling iisa’t tanging pangalang opisyal hanggang ngayon sapagkat umaábot sa usaping legal ang paggámit ng “Philippines,” “Pilipinas,” at “Filipinas.” Dapat ulitin ang napagkasunduan ng mga komisyoner noong 1986: Kung sakali’t may pagtatálo sa tekstong Ingles at Filipino, ang wikang ginámit nang malawakan sa mga diskusyon ng Komisyong Konstitusyonal ang dapat manaig—sa layuning legal lámang. Sa kasong ito, ang tekstong Ingles na siyáng ginámit sa pangkalahatang deliberasyon ang maipapalagay na dapat manaig na wika kung isasalang sa pagtatálong legal. Ibig sabihin, dapat ay Philippines ang opisyal na tawag sa bansa, ngunit kailangang isabatas muli ang paggámit ng Filipinas, alinsunod sa makabagong ortograpiyang sumusunod sa modernong panahon.

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

37

Ang paggámit ng Philippines ay tiyak na tatanggihan ng publiko kapag ang akda ay nasusúlat sa Filipino o kayâ’y sa wikang panrehiyon. Nakapaninibago sa paningin ng madla ang “Filipinas,” subalit konsistent sa modernong palatitikang sumusunod sa Filipino, kung ihahambing sa nakasanayang “Pilipinas.” Mananatili namang lumilihis sa makabagong ortograpiya ang “Pilipinas” na ang saligan ay “Pilipino” kung hindi man Tagalog. Kung ipagpapalagay na panuhay na batas [enabling law] ang Batas Republika Blg. 8491 sa itinatadhana ng Konstitusyong 1987, ang nasabing batas ay nangangailangan ng rebisyon sa hinaharap upang maituwid ang pangalan ng bansa, alinsunod sa wikang Filipino na may modernong ortograpiyang tumatanggap ng titik \f\. Hindi makatutulong kung magsasampa ng kaso si Rep. Gunigundo sa Korte Suprema, upang usigin lámang ang mga tao o institusyong gumagámit ng salitâng “Filipinas.” Malayàng gumámit ang sinumang Filipino ng “Filipinas” para sa ikalalago ng wika at alinsunod sa ebolusyon ng wika; ngunit tungkulin din ng gaya ng mambabatas na lumikha ng batas na higit na magpapalinaw o magpapayaman sa estado ng wika, halimbawa sa paggámit ng “Filipinas” o “Pilipinas” o “Philippines.” Ang usapin ng Filipinas batay sa istoriko, hudisyal, at lingguwistikong pagdulog ang dapat harapin, hindi lámang ng mga mambabatas, bagkus ng taumbayan. Kung hihiramin ang winika ni Ople, ang taumbayan ay malayà at may karapatang paunlarin ang mga taglay nitóng wika nang labas sa itinatadhana ng konstitusyon o alinmang batas; ngunit tungkulin ng batas na patúloy na paunlarin ang mga wika. Sa yugtong ito, magalang kong ipinapása sa Kongreso ang pagpapatibay ng batas na lalagdaan ng Pangulo, hinggil sa tumpak at karapat-dapat na pangalan ng bansa. [“Filipino” sa Konstitusyong 1987 at ang Kaso ng “Filipinas” ni KWF Direktor Heneral Roberto T. Añonuevo. Panayam na binása sa Pambansang Forum na ginanap sa gusali ng National Commission for Culture and the Arts noong 4 Pebrero 2014, at siyáng itinaguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ang panayam na ito ay pinaunlad 38

Pandiwa

na bersiyon ng mga naunang sanaysay ng awtor hinggil sa kaso ng “Filipinas” at “Filipino.”]

MGA TALÂ 1

2

3

4

Basáhin ang “Pahayag ng mga propesor at institusyon sa Unibersidad ng Pilipinas laban sa mungkahing palitán ng “Filipinas” ang Pilipinas bílang opisyal na pangalan ng bansa.” Walang tiyak na petsa, ngunit nailathala noong 15 Hulyo 2013 sa Angono Rizal News Online na pinamatnugutan ni Richard R. Gappi. Kabílang sa bumubuo ng 48-kasaping Komisyong Konstitusyonal na nagpatibay ng Konstitusyong 1987 ang sumusunod: Cecilia Muñoz Palma (President), Ambrosio B. Padilla (Vice-President), Napoleon G. Rama (Floor Leader), Ahmad Domocao Alonto (Assistant Floor Leader), Jose D. Calderon (Assistant Floor Leader), Flerida Ruth P. Romero (SecretaryGeneral), Yusuf R. Abubakar, Felicitas S. Aquino, Adolfo S. Azcuna, Teodoro C. Bacani, Jose F.S. Bengzon, Jr., Ponciano L. Bennagen, Joaquin G. Bernas, Florangel Rosario Braid, Crispino M. de Castro, Jose C. Colayco, Roberto R. Concepcion, Hilario G. Davide, Jr., Vicente B. Foz, Edmundo G. Garcia, Jose Luis Martin C. Gascon, Serafin V.C. Guingona, Alberto M.K. Jamir, Jose B. Laurel, Jr., Eulogio R. Lerum, Regalado E. Maambong, Christian S. Monsod, Teodulo C. Natividad, Ma. Teresa F. Nieva, Jose N. Nolledo, Blas F. Ople, Minda Luz M. Quesada, Florenz D. Regalado, Rustico F. de los Reyes, Jr., Cirilo A. Rigos, Francisco A. Rodrigo, Ricardo J. Romulo, Decoroso R. Rosales, Rene V. Sarmiento, Jose E. Suarez, Lorenzo M. Sumulong, Jaime S.L. Tadeo, Christine O. Tan, Gregorio J. Tingson, Efrain B. Trenas, Lugum L. Uka, Wilfrido V. Villacorta, at Bernardo M. Villegas. Basáhin ang Journal of the Constitutional Commission, Tomo 2, mp. 11881189, na ang petsa ng deliberasyon ay 10 Setyembre 1986. Inihanda ng Journal Service na pinangangasiwaan ni Kalihim Heneral Flerida Ruth P. Romero. Maaaring ang tinutukoy dito ni Wilfrido V. Villacorta ay si E. Arsenio Manuel o F. Landa Jocano na pawang may antropologong pag-aaral sa paglago ng populasyon ng Filipinas, at konektado sa mga wika. Ngunit ang pinakamalápit na tao ay si Cecilio Lopez na dáting direktor ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP), at siyáng sumúlat ng “Origins of Philippine Languages.” Inugat ni Lopez ang pagkakahawig sa pagkakahawig sa

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

39

ponolohiya ng 15 katutubong wika sa Filipinas. Ipinaliwanag din niyang ang mga wika sa Filipinas ang may pinakamasalimuot na morpolohiya sa Malayo-Polynesia. Magkakahawig din umano ang sintaktikang anyo ng mga wika sa Filipinas (halimbawa, simuno at panaguri, atribusyon, at ugnáyan sa serye), bukod sa kalitatibong pagkakahawig ng mga ispeling, tunog, pahiwatig, at pakahulugan. Basáhin ang Philippine Studies tomo 15, bílang 1 (1967): 130–166, na inilathala ng Ateneo de Manila University. 5

6

Ibid., p. 1191.

7

Ibid., 1190.

8

9

10

11

12

13

40

Basáhin ang Journal of the Constitutional Commission, Tomo 2, p. 1190, na ang petsa ng deliberasyon ay 10 Setyembre 1986. Inihanda ng Journal Service na pinangangasiwaan ni Kalihim Heneral Flerida Ruth P. Romero.

Ang panukala ni Joaquin G. Bernas ay “The national language of the Philippines is Filipino. It shall be allowed to evolve and be further developed and enriched on the basis of the existing Philippine and other languages.” Ibid., p. 1191. Ibid., 1191. Basáhin ang “Proposals to the Con-Com: Provisions for the National Language” na sinúlat nina Dr. Ernesto Constantino, Dr. Consuelo J. Paz, Prof. Rosario Torres-Yu, Prof. Jesus Fer. Ramos, at may petsang 11 Hunyo 1986. Inilathala sa The Language Provision of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines, nina Andrew Gonzalez, FSC, at Wilfrido V. Villacorta. Manila: Linguistic Society of the Philippines, 2001, mp. 71-81. Ang tanging maiibáng diksiyonaryo ay ang UP Diksiyonaryong Filipino (2001) na inedit ni Virgilio S. Almario atbp., sapagkat nailahok sa aklat na ito ang mga salitâng may titik \c\, \f\, \j\, \q\, \v\, \x\, at \z\, bukod sa naglahok ng maraming katutubong salitâ mula sa ibá’t ibáng rehiyon at lalawigan. Ginámit din sa naturang diksiyonaryo ang makabagong ortograpiya na binuo ng UP Sentro ng Wikang Filipino, sa pangunguna ni Dr. Galileo S. Zafra atbp. Basáhin ang Journal of the Constitutional Commission, Proceedings and Debates, Tomo 5, p. 971, na ang petsa ng deliberasyon ay 13 Setyembre 1986. Inihanda ng Journal Service na pinangangasiwaan ni Kalihim Heneral Flerida Ruth P. Romero. Ibid., p. 971.

Pandiwa

14

15

16

17

18

19

20

Ibid., p. 973. Ang “travaux préparatoire,” ayon sa Lilian Goldman Law Library ng Yale University, ay opisyal na dokumentong nagtatalâ ng mga negosasyon, pagbuo ng borador, at talakayan hábang nása proseso ng paglikha ng tratado. Ang dokumentong ito ay maaaring sangguniin at isaalang-alang kapag ipinapakahulugan ang tratado. Tingnan ang http://library.law.yale. edu/collected-travaux-preparatoires na hinango noong 2 Pebrero 2014, alas 9:31 ng umaga sa Filipinas. Ibid., p. 974. Ibid., p. 974. Pinagtibay ang resolusyon sa botong 24 ang pabor, 2 ang salungat, at 3 ang hindi bumoto. Ang orihinal na tekstong Ingles sa Seksiyon 19, Artikulo II ay “The State shall develop a self-reliant and independent national economy effectively controlled by Filipinos” na tinumbasan sa wikang Filipino na “Dapat bumuo ang Estado ng pambansang ekonomiyang nakatatayô sa sarili at malayà na epektibong kinokontrol ng mga Pilipino” (akin ang diin). Mapupuwing din ang salin sapagkat ang “bumuo” ay maaaring magpahiwatig na wala pang umiiral na pambansang ekonomiya, at siyáng taliwas sa “develop” na maipapalagay na may umiiral nang pambansang ekonomiya ngunit kailangan na lámang pasiglahin o palawakin pa. Ayon sa Seksiyon 3, Artikulo XIV ng Konstitusyong 1935, “Section 3. The Congress shall take steps toward the development and adoption of a common national language based on one of the existing native languages. Until otherwise provided by law, English and Spanish shall continue as official languages.” Dahil sa tadhanang ito, ang pangalan ng bansa simula noong 1935 ay “Philippines” at kung tutumbasan man ng salin sa Español ay “Filipinas.” Ayon sa kautusan ni Kalihim Jose E. Romero, “Pursuant to the objective that inspired the President’s proclamation, and in order to impress upon the National Language the indelible character of our nationhood, the term PILIPINO shall henceforth be used in referring to that language.” Pinamagatan itong “Using ‘Pilipino’ in Referring to the National Language,” Circular No. 19, s. 1959 na ipinalabas ng Department of Education, Bureau of Public Schools noong 30 Setyembre 1959. Matutunghayan din ito sa Dokumentasyon ng mga Batas Pangwika, Komisyon sa Wikang Filipino at Ibá pang Kaugnay na Batas (1935-2000), na pinamatnugutan ni Nita P. Buenaobra. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2001, p. 95.

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

41

21

22

23

42

Mula sa “Records of Plenary Sessions of the Constitutional Commission” noong 1 Setyembre 1986, na hango sa The Language Provision of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines nina Andrew Gonzalez, FSC, at Wilfrido V. Villacorta. Manila: Linguistic Society of the Philippines, 2011, p. 182. Ang tekstong ito ay matutunghan din sa Record of the Constitutional Commission, Proceedings and Debates, tomo 5. Ibid., p. 971. Ayon ito kay Jose F.C. Bengzon, at kung babalikan ang limbag na Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas (1986) na pinagtibay ng Komisyong Konstitusyonal ng 1986 ay pinagtibay ang manuskrito sa National Government Center, Lungsod Quezon. Inilathala at ipinakalat ang nasabing babasahín ng Hear Enterprise na may adres na 27 Road 2, Project 6, Quezon City. Basáhin ang paunang salitâ ni Ponciano B.P. Pineda sa Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas (1991) na inilimbag ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, at may petsang 2 Pebrero 1991.

Pandiwa

Kuntaw: Sayaw ng Ungnáyan at Alay ng Kamusliman sa Kapayapaan ng Mindanaw Abraham P. Sakili

Panimula SA KAPULUAN NG Sulu at Tawi-tawi, sa Katimugang bahagi ng Filipinas, patúloy na namumuhay ang mga Tausug at Sama sa tradisyon at kultura nilá na bihirang mabahiran ng Kanluraning kaugalian o sistema ng pamumuhay. Napanatiling malayà ang kaniláng kultura na nag-uugnay sa kanilá sa kapuwa Muslim o Bangsamoro sa Mindanaw gaya ng Magindanaw ng Cotabato, Maranaw ng Lanao, Yakan ng Basilan, at walong ibá pang maliliit na grupo ng Kamusliman sa Mindanaw, Sulu, at Palawan; gayundin ng mga taga-Timog Silangan at Gitnang Asia at sa ibá pang panig ng mundo kung saan malakas ang impluwensiya ng Islam. Sa Timog Silangang Asia, napakalakas pa ng ugnáyan nilá sa mga taga-Indonesia at Malaysia dahil sa pagkakapareho ng kaniláng addat o katutubong kultura, na bumabagay sa Islam, at na kaniláng pinaghugutan ng lakas, lalo na sa panahon ng mapanganib na yugto ng kaniláng kasaysayan. Napatunayan ang lakas nitó sa gitna ng pananalasa ng kolonyalismong Español na sumakop sa malaking bahagi ng Filipinas. Ang pagbubuklod ng kulturang Islam at addat na ang halaga sa kalayàan ng mga Kamuslimang ito ay mga pangunahin ding dahilan ng pagtamasa nilá ng mataas na antas ng pamumuhay sa mahabàng panahon ng kaniláng kasaysayan, hanggang sa hulíng bahagi ng ika-19 na daantaon kung kailan nahirapan siláng panatilihin ang ambag niláng kaunlaran sa harap ng patúloy na pakikipaglaban sa mananakop na mga dayuhan. Sa bandang hulí, at sa pamamagitan ng napagkasunduan ng mga mananakop na Español at Americano sa Treaty of Paris noong 10 Disyembre 1898, ang kinahinatnan at hinaharap ng Kamusliman ay hindi na umaayon sa sistema ng kaniláng kaunlaran. 43

Mahalaga na mabigyang-diin, na sa nabanggit na Kasunduan sa Paris, nangyari ang hindi kanais-nais. Sa aklat ni Onofre D. Corpuz kung saan kinomentaryuhan niya ang naganap na bentahan ng teritoryo, sinulat niya na, “Spain sold something it did not posses” (Ibenenta ng España ang hindi nitó pag-aari), (Root of Filipino Nations, 1989). Ang tinutukoy ni Dr. Corpuz ay ang walang batayan at hindi makatarungang pagsali sa mga lugar ng Kamusliman sa Mindanaw at Sulu sa bentahan sa Paris na ginawa ng mga mananakop na dayuhan. Sa kasaysayan, hindi talaga kailanman naging pagmamay-ari ng mga Español ang alinmang lugar ng Kamusliman sa Sulu, Mindanaw, o Palawan, dahil nananatili itong malayà at tuloy-tuloy na lumalaban sa panghihimasok nitóng mga dayuhan. Ang mga sumunod na pangyayari sa kasaysayan ng Filipinas, simula nang ibenta ng mga Español ang nasakop niláng mga lugar sa bansa sa mga Americano sa halagang $20 milyon sa nabanggit na Kasunduan, hindi nakatulong sa muling pag-unlad ng Kamusliman, kung kayâ pagdaan ng ilang dekada, ang masamâng epekto nitó ay masusúkat sa biglang pagbabago sa kabuháyan ng Kamusliman na nalugmok noon mula sa matinding kahirapan. Sa sukatán ng kasalukuyang antas ng kahirapan ng mga lalawigan sa Filipinas, ang mga lugar ng Kamusliman sa Autonomous Region of Muslim Mindanao o ARMM ay kabílang sa tinaguriang “Pinakamahirap na probinsiya sa Filipinas.” Sa talâang ito, nangunguna na pinakamahirap ang Sulu, pangatlo ang Tawi-tawi, panlima ang Magindanaw, at pampito ang Lanao del Sur—lahat ng ito ay mga lalawigan ng Kamusliman. Sa kabilâ ng kahirapang naranasan ng Kamusliman, napanatili niláng pangalagaan at gawíng mas makahulugan ang mga tradisyon at kaugaliang hinubog ng katutubo niláng addat at Islam. Patúloy din niláng ipinagmamalaki ang yaman ng kaniláng kultura at mga naiambag sa kasaysayan sa gitna ng kinakaharap niláng suliraning pampolitika. Ngayon, handa nilá itong ihandog bílang tugon sa pambansang panawagan na humubog ng tinatawag na “peoples nationalism” (pangkalahatang pagkamakabansa o pagkamakabayan), para sa lahat ng mamamayan, na ayon sa batas na nagmungkahi 44

Pandiwa

nitó (ang Republic Act 10086 na naisabatas noong 2010) ay batay sa pagkilála sa karapatan ng magkakaibáng kultura sa buong bansa. Bílang tugon sa adhikâng “peoples nationalism,” marami pang maiaambag ang Kamusliman at kusa nilá itong iaalay sa isang bansa na may katarungang panlipunan at handang magbigay-gálang sa kanilá bílang mamamayan. Sa panúlat ng historyador na si Peter Gowing, inilahad niya sa wikang Ingles ang mga naiambag at maiaalay pa sa bayan ng Kamusliman sa sumusunod na mga salitâ: “The Moros (Philippine Muslims) have not come empty-handed into the Philippine nation; they have contributed rich and bright colors to its tapestry of cultures; they add excitement and glory and heroism to its history of its struggle against foreign domination; and they enhanced the intelligence, energy and vigor of the nation’s dynamic population. The Moros have the capacity to offer two more gifts to the Philippine nation—their love and loyalty . . . These particular gifts, love, and loyalty, cannot be forced from the Moros. They are gifts of the heart. Soldiers cannot seize them, robbers cannot steal them, and no amount of money can buy them. But a worthy nation, sincerely eager to treat all of its citizens with justice and respect will receive these gifts freely and in abundance.” (Hindi dumatíng ang mga Moro sa bansang Filipinas nang walang-wala; nakapag-ambag silá nang mayaman at matitingkad na kulay sa samo’t saring habi ng kaniyang kultura; nagdagdag silá ng karangalan at kabayanihan sa kaniyang kasaysayan ng pakikib áka laban sa panghihimasok ng mga dayuhan; at napalago nilá ang katalinuhan, lakas at kakayahán ng masisigasig niyang mamamayan. May kakayahán maghandog ang mga Moro ng dalawa pang alay sa bansang Filipino— ang kaniláng pagmamahal at katapatan (sa bayan). Itong mga alay ng katapatan ay hindi makukuha mula sa mga Moro nang puwersahan. Ang mga alay na ito’y nagmumula sa puso. Di ito mabibihag ng kasundaluhan; o mananakaw ng mga kawatan; at di rin ito káyang bilhin nang kahit magkano man. Ngunit, ang isang kapita-pitagang bansa na handa nang buong-puso na ituring ang lahat ng kaniyang mamamayan nang may katarungan at paggalang ay makatatanggap ng mga alay na ito nang walang kabayaran at lubusan”) [Gowing 1978: 251]. Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

45

Isa sa mga yamang kultura na ibinabahagi ng Kamusliman ay ang sining o sayaw na pinapaksa sa artikulong ito: ang kuntaw. Pangkalahatang Paglalarawan ng Kuntaw Ang kuntaw ay isang makahulugang sayaw ng mga Tausug at Sama na ang pangunahing layunin ay ipailalim sa disiplina ang pagkatao at ipagtanggol ito mula sa kapahamakan. Sa kabuuan, sumasagisag ang kuntaw sa adhikâng pangkapayapaan, maunlad na kultura, at kahandaan ng isang mamamayan na ipagtanggol ang sarili mula sa mapang-apíng puwersa sa kapaligiran. Bílang paraan ng pagtatangol sa sarili, hindi gumagámit ng anumang sandata ang kuntawan (ang tawag sa tao na magalíng sa kuntaw), kundi sa pamamagitan ng kamay at mga paa lámang. Ang kuntaw ay kinagigiliwang pag-aralan at gawin ng mga kalalakíhan na naglalaan ng sapat na panahon at pasensiya para matutuhan ang mga paraan ng tamang paggalaw gaya ng pagdepensa sa sarili sa sugod ng kalaban. May hawig ang kuntaw sa galaw ng dalawang mas kilaláng sining o sayaw: ang silat ng mga taga-Indonesia at Malaysia at kung-fu ng mga taga-Tsina. Maaaring naimpluwensiyahan ang kuntaw ng dalawang sayaw na ito. Gayunpaman, nagkaroon din ang kuntaw ng kakaibá niyang kaanyuhan dahil na rin sa pagdaan ng panahon at sa impluwensiya ng maraming bagay, kabílang na ang katutubong kultura ng lugar at impluwensiya ng kapaligiran. Pilosopiya at Espiritwalidad ng Kuntaw Hindi pa eksaktong matukoy ang pinagmulan ng salitâng kuntaw. May nagsasabi na gáling daw ito sa salitâng Tsino na kaugnay sa Pilosopiyang tao ni Lao Tzu. Ayon sa ibáng interpretasyon, ang hulíng kataga na taw o tao ay pinaikling bersiyon ng salitâng Arabo na tawhid, na siyáng tawag sa pinakapundamental na doktrina ng Islam hinggil sa kaisahán ng Diyos o Buong Maykapal. Ang doktrina ng tawhid ay kumikilála rin sa kaisahán o ugnáyan ng lahat ng mga nilaláng o bagay—malaki man o maliit, malayo man o malápit, nakikíta man o hindi, espiritwal man o materyal na bagay, at ibá pa. 46

Pandiwa

Sa paniniwalang Islam, naging posible lámang ang ugnáyan ng mga nabanggit na pares ng magkaibáng kalagayan o katangian dahil na rin sa walang-hanggang kapangyarihan ng iisang Diyos na lumikha ng buong sangkalibutan. Sa ilang pagkakahawig ng Pilosopiyang tao ni Lao Tzu at doktrinang tawhid ng Islam, parehong kumikilála at nagpapaliwanag ang mga ito ng kaayusan batay sa kaisahán o ugnáyan ng lahat-lahat ng bagay o nilaláng. Ang pagpapahalaga ng ugnáyan ng samot-saring bagay o realidad ay matibay na pundasyon ng disiplina o tradisyon ng kuntaw. Mahalagang pundasyon rin sa praktis at paniniwala sa kuntaw ang pagkilála sa bahaging espiritwal o malalim na kaisipan na pinaniniwalaang siyáng tunay na pinagmumulan ng pisikal na lakas. Kung kayâ sa pag-aaral at tradisyon ng kuntaw, ang aspektong espiritwal ay ang higit na pinaglalaanan ng panahon upang hubugin at ipandisiplina sa mga mag-aaral at nakapag-aral na nitó. Masasaksihan ang pag-iral ng disiplina sa espiritwalidad ng kuntaw, halimbawa, sa magaan na kilos at tíla umaagos na galaw ng katawan; sa maikli at parang mahinang suntok ng kamay o sipa ng paa; at sa hinahon ng matá at ng kabuuang pagkatao ng isang kuntawan, at ilan pa. Naipapahiwatig din ito sa timpla ng malumanay na kilos na sinisingitan ng biglang galaw o kayâ ay hinahalùan ng panandalìang hampas ng kamay sa ilang bahagi ng katawan. Sa galaw ng katawan nailalarawan ang magkahalòng katangian ng bilis at bagal, tigas at lambot ng katawan, at timpla ng kahinahunan na manaka-nakang tíla ginigising ng biglang ingay na likha ng dampi o hampas ng kamay sa paa, siko, at ibá pang bahagi ng katawan. Hingil sa disiplinang itinuturo ng kuntaw, nailalarawan ito sa tipikal na ugali ng isang kuntawan, na kailangang mahinahon sa lahat ng panahon; may mahabàng pasensiya sa harap ng suliranin at mga pagsubok sa búhay; magálang sa lahat ng tao at mapitagan lalo na sa nakatatanda; walang bahid ng kayabangan; payak ang estilo ng pamumuhay; at nagsisilbing huwáran ng mabubuting asal. Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

47

May aspekto ang tradisyon ng kuntaw na may kaugnayan din sa espiritwalidad na tíla bagá larawan ng di kagandahan. Ito ang paniniwala sa tinatawag na tilik ng iilan. Ayon sa paniniwalang ito, ang tilik ay nagbibigay sa kuntawan ng dagdag na kakayahán at kapangyarihan para talunin o pansamantaláng paralisahin ang katawan ng katunggali sa isang pagtatanghal gaya ng paligsahang pampalakasan o sa tunay na sagupaan sa búhay. Sa mga naniniwala sa bisà ng tilik, ang mga natatamaan daw nitó ay maaaring bigla na lámang manakit o mangisay ang katawan, o kayâ ay dumanas ng pagkatákot nang walang malinaw na dahilan. Sa isang Muslim na may pananampalataya sa Diyos, ang ganitong paniniwala ay di totoo at tinatawanan lámang. Tradisyon at Bahagi ng Kuntaw: ang Langka at Bunuan Bílang sayaw o midyum ng pagtatanghal, ang kuntaw ay nahahati sa dalawang mahalagang bahagi: ang langka at ang bunuan. Ang langka ay ang sayaw o ang masining na bahagi ng kuntaw na itinatanghal bílang pang-aliw sa masayáng pagdiriwang gaya ng pagtiyaun (kasálan), paggunting (binyágan), pagtimbang (pagsusukát ng bigat ng bagong-sílang na sanggol), o pagmaulud (pagdiriwang ng kapanganakan ni Propeta Muhammad, sa kaniya nawa ang kapayapaan). Ginagawa din ito ng isang kuntawan bílang bahagi ng pang-araw-araw niyang pagsasanay para manatiling malakas ang katawan at magaan ang pakiramdam. Sa pamamagitan ng langka, naipamamalas ng isang kuntawan ang masining na bahagi ng galaw ng kuntaw na sa pangmadlang pagtatanghal ay sinasabayan ng angkop na tugtog ng agong, kulintang, at gandang, mga instrumentong pangmusika sa Sulu, na ginagámit ding gabay sa pagsasayaw ng silat, pamansak, at pangalay—tatlo sa mga tradisyonal na sayaw ng mga Tausug at Sama ng katimugan. Kapares ng langka ang bunuan. Ito ay ang palabán na bahagi ng kuntaw. Ang galaw sa bahaging ito ay hindi na gaanong malumanay at pasayaw, maliban sa ilang transisyon na galaw. Kadalasan, ang 48

Pandiwa

kilos o pamamaraan ng bunuan ay hindi pasugód kundi naghihintay na unang sumugod ang kalaban. Ang bunuan ay nagpapamalas ng mga pamamaraan kung paano umiwas sa suntok, sipa, pamalo, panaksak, at ibá pang sandatang pangkamay. Gumaganti din ito ng tantiyadong sapak, suntok, at sipa nang paminsan-minsan, bagaman ang pangkalahatang layunin ng pagganti ay hindi para pumatay kundi pahinain lang ang loob ng kalaban para hindi na ito gaanong makapanakit o makapinsala sa sinuman. Ibá-ibá ang teknik o pamamaraan ng bunuan na hango sa ibáng tradisyon ng pakikipagsagupaan, bagaman mayroon din itong sariling paraan sa pakikipaglaban. Sa kasalukuyan, mabilis na naiuugnay sa bunuan ng kuntaw ang mga pamamaraan ng ibá pang galaw gaya ng karate, kung fu, silat, at baruwang. Baruwang at Kuntaw May ilang uri ng kuntaw sa Sulu. Isa na rito ang baruwang. Ang pagkakaibá ng galaw ng ilang uri ng kuntaw sa bawat isa ay dahil sa personal na estilo ng guro na pinagmulan. Ang guro o tagaturo ng kuntaw ay karaniwang isang Malay o Indones. Mayroon ding Tausug o Sama na gáling sa Sibutu at Sitangkai. Ibá-ibáng guro ng kuntaw, ibáibá rin ang itinuturong detalye ng paggalaw, pagsúlong o pagdepensa ng katawan. Sa baruwang na uri ng kuntaw, ang kaibahan ng galaw ay ang paghango nitó sa ilang kilos ng oranggutan, isang mala-gorilyang uri ng hayop sa kagubatan ng Sabah at Kalimantan. Sa kabuuan, hindi gaanong nalalayô ang galaw ng baruwang sa karaniwang kuntaw maliban sa ilang maliliit na detalye ng galaw, gaya ng nabanggit na impluwensiya na kilos ng oranggutan. Gaya ng karaniwang kuntaw, malumanay at mababà rin ang galaw ng baruwang; manaka-nakang hinahampas din ang kamay sa paa at ilang bukás na bahagi ng katawan para makalikha ng biglaan at panandaliang ingay; gumagalaw din ang kuntawan ng baruwang nang pagapáng na tinatawag na burung talo sa kabuuang galaw ng kuntaw. Ang kakaibáng posisyon at galaw ng baruwang ay ang pagsalungat ng Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

49

posisyon ng kamay at paa hábang gumagalaw, halimbawa: kung nása kanang kamay, ang kaliwang paa ay dapat na nása bandang likuran. Hindi ito gaya ng karaniwang kuntaw na magkasabay ang posisyon ng kanang kamay at paa kung nása bandang unahán o likuran man ang mga ito; ganoon din ang kaliwang kamay na sumasabay sa posisyon ng kaliwang paa. Sa bunuan ng baruwang, mas napapansin ang parang kakaibáng kilos na pasulóng at paurong nitó. Sa kabuuan ng baruwang, mas nangingibabaw ang pagkakahawig ng galaw nitó sa karaniwang kuntaw. Mga Elemento ng Baruwang na Uri ng Kuntaw Ang sumusunod ay mga elemento ng magkahalòng galaw ng baruwang at kuntaw at mga paglalarawan nitó, kasáma na ang paturong pamamaraan ng paglalarawan. Nása salitâng Malay ang mga elementong ito, palatandaan ng lugar na unang pinagmulan ng sayaw na ito: 1. Tabi—Ito ang panimulang galaw na nagpapahiwatig ng paggálang sa mga nanonood, kasáma na ang katunggalî, ganoon din ang mga pinaniniwalaang mga espiritu na nagmamasid lámang sa kapaligiran. Ang galaw ng tabi ay magsisimula sa pagdaop ng dalawang kamay sa bandang dibdib na mistulang nagdarasal; dahan-dahang ibubuka ang mga ito hábang nananatiling magkadikit ang mga dulong daliri; dalhin sa parehong posisyon sa unahán; ikuyom ang palad, hábang ang dalawang magkadikit na hinlalaki ay nakaposisyong pataas; dahan-dahang buksan ang kamay at ihiwalay nang patagilid papunta sa direksiyong kaliwa ang kaliwang kamay at sa kanang gilid naman ang direksiyon ng kanan, kung saan, pagdatíng sa pinakagilid ay pabiglang baguhin at iposisyong pataas ang magkabilâng kamay, na ang likod na parte ng mga ito ay ang pinagmamasdan hábang malumanay na pinababalik ng mga kamay sa bandang gitnang unahán, kung saan pagsasalubungin ang mga dulong bahagi 50

Pandiwa

ng magkabilâng hintuturo at hinlalakí para lumikha ng puwang na sumasagisag sa iisang pinagmulan ng lahat ng uri ng nilaláng o bagay. Pagkatapos, pabaliktad na pagdikitin ang likod ng dalawang kamay, at dahan-dahan itong ibabâ at ihiwalay papunta sa magkabilâng paa at pahinga sa gilid na banda nitó na siyáng pinagmulan. Ginagámit din ang tabi bílang hudyat ng pagwawakas ng baruwang o kuntaw. 2. Pantak—Ito ang paglikha ng biglaan at pataligsik na ingay sa pamamagitan ng pagsuntok o paghampas ng kanang kamao sa bukás na palad ng kaliwang kamay (Bago gawin itong pantak, ihakbang muna ang kaliwang paa sa bandang kaliwang unahán at sakâ simulan ang pantak na hampas ng kamay) susundan ito ng paghampas ng kaliwang palad sa nakatikom na likod ng kanang kamay na mabilis na itakip pababâ sa kaliwang paa na siyá ring lilikha ng pataligsik na ingay. Mula sa kaliwang paa, iangat ang likod ng kaliwang kamay paakyat sa ilalim ng kanang kamay na hanggang sa puntong ito ay nakaangat sa harapáng bahagi ng katawan. Mula rito dahan-dahang hilahin paatras ang nakatihayang kanang kamay para makakuha ng tamang pagkakataon na maisuntok paunahán, hábang ang kaliwang kamay ay patihaya ding iatras nang kaunti sa direksiyong gilid ng likuran, para makakuha din ng tamang pagkakataon na maisuntok ito paunahán. Pagkatapos maisuntok ang dalawang kamay, ibalik muli ang mga ito sa panimulang posisyon sa may ibabâng tagiliran. 3. Jalan—Ito ang paggaya sa kakaibáng lakad ng baruwang na gagawin pagkatápos ng pantak. Mababà ang posisyon ng katawan hábang ang nása unaháng paa ay sinasabayan ng kasalungat na kamay sa parehong posisyon na nása unahán. Halimbawa, kung ang nása unaháng paa ay kaliwa, ang kanang kamay ang kasabay nitó na nása unahán din. Hábang gumagalaw papuntang unahán ang pagpapalít-palít ng galaw ng mga paa at Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

51

kamay, at ginagawang may kasámang “accent” o pitik para mapanatili ang ganda ng kilos o galaw. Sa bandang dulong unahán, gagawa ng isang pantak, tatalikod at tuloy ang lakad na jalan pabalik sa lugar na pinagmulan. May pagbabago nang kaunti sa lakad ng jalan na tinatawag na jalan krus. Ito ang pa-ekis na lakad, imbes na paderetso na ginagawa sa karaniwang jalan. 4. Pusing—Ito ay nangangahulugang “paikot-pabalik,” puwedeng simple lang ang pag-ikot kung saan paikutin lang ang magkahiwalay na dalawang paa sa kinalalagyan nitó (ang kaliwa ay sa bandang gilid na unahán at ang kanan naman ay nása likuran nang hindi ito inaangat o inililipat ng kinalalagyan. Puwede ring halùan ng pantak ang pusing sa bawat pakanáng ikot ng katawan na maaaring kumumpleto sa 360 digri na paikót na galaw. 5. Gipok—Ito ang paraan ng pag-upo ng baruwang, na kung saan, pagkatapos ng tabi o pantak na panimulang galaw, iuupo ang katawan sa bandang ibabaw ng kaliwang paa na bahagyang nakatiklop hábang nadadaganan ng kanang paa na nakatiklop din nang kalahati. Sa posisyong ito, ang tuhod ng kanang paa ay patindig na nakaayos sa harap ng nakaupong katawan. Hábang nakagipok ang mga paa, ang mga kamay ay malayàng nakagagalaw para gawin ang pantak bílang palamuti ng galaw. Mula sa posisyon ng unang gipok, dahan-dahang iangat ang mga paa at lumundag papuntang unahán; pagkatapos, umikot paharap hábang nakagipok sa direksiyon kung saan nanggáling at umupo din nang nakagipok gámit ang magkapalit na mga paa, na sa pagkakataóng ito, ang kanang paa na ang nadadaganan ng kaliwang paa, at ang kaliwang tuhod ay ang pataas na nakaposisyon sa harap ng nakaupong katawan. Mula dito, bumalik sa pinagmulang posisyon ng gipok kung saan puwedeng gumawa ng pantak. Mula sa posisyong gipok, dahandahang itindig ang mga paa at katawan at isipa ang angkop na paa sa unahán; susundan ito ng pusing at 52

Pandiwa

puwede ring halùan ng jalan hanggang makabalik sa lugar na pinagmulan. 6. Bitad—Ito ang pagsikad muna ng kaliwang paa hábang ibinababâ nang bahagyang paatras ang buong katawan sa posisyong halos nauupuan ang kanang paa na nakaangat ang sakong nitó mula sa sahig o lugar na pinagtatanghalan. Sa posisyong ito, ang kanang kamay na maaaring nakatiklop o nakabukás ay nakaangat na nang mataas at nauuna sa kaliwang kamay na nakaangat din. Mula sa posisyong ito, ililipat ang kabuuan ng katawan papuntang unahán nang hindi inaangat ang paa hábang bahagyang papaikot ang katawan para makaharap sa kabilâng direksiyon. Sa pagkakataóng ito, ang kanang paa na ang paunaháng binibitad, hábang ang sakong ng kaliwang paa ay siyá nang halos nauupuan. Bumalik muli sa panimulang bitad at dahan-dahang hilahin palapít sa katawan ang kaliwang paa; itindig ang katawan at isipa paunahán ang hinilang kaliwang paa, na susundan ng pantak, pusing, at jalan. Sa pagwawakas ng baruwang o ng anumang parte ng galaw, ang hudyat nitó ay ang paggawa ng tabi na siyáng palatandaan ng pagwawakas ng sayaw o pamamaalam. Ang mga nailarawang elemento ng kuntaw na baruwang ay maaaring pagsama-samáhin at iayos ayon sa kagustuhan ng nagtatanghal o ayon sa pinaplanong layunin o hinihingi ng panahon o lugar ng pagtatanghal. Hinggil sa mga tradisyonal na kasuutang ginagámit sa pagtatanghal ng baruwang o kuntaw, may mga pormal na estilo ng damit na ginagámit sa pangmadlang pagtatanghal, bagaman puwede ring gamítin ang damit na pang-araw-araw. Pandagdag na kulay sa pagtatanghal ang paggámit ng tradisyonal na mga kasuutan gaya ng pang-ibabâng sawwal o sawwal kuput at pang-itaas na badju lapi na binabagayan ng madisenyong pis siyabit na nakatali sa uluhan at noo ng mananayaw. Itong mga tradisyonal na kasuutan na sinasabayan pa ng Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

53

akmang tunog mula sa kulintang, agong, at gandang, ay nagdaragdag ng ganda sa tíla umaagos na galaw ng kuntaw o baruwang. Ang pagsasáma-sáma ng lahat ng mga ito ay paglalarawan ng isang kabuuan at ugnáyan na nagpapayaman sa kultura at tradisyon ng Kamusliman. Sa kabuuan ng pangmadlang pagtatanghal ng kuntaw, naipamamalas nitó ang mga katangian ng katutubong tradisyon, sining, at kultura gaya ng sumusunod: taglay ng tradisyong ito ang positibong mensahe ng ugnáyan; nagpapahalaga ito sa proseso at hindi ng produkto lámang; namumukod-tangi ang anyo nitó at galaw; deretsong ginagámit nitó ang katawan na di na kailangang lapatan ng mga sopistikadong kagamitáng teknikal o mekanikal upang ito’y maitanghal; ang alinmang lugar, entablado man o bakuran ay maaari nitóng pagtanghalan; di nitó istriktong pinaghihiwalay ang mga manonood sa nagtatanghal; at higit sa lahat, nagpapahalaga at tumutulong ito sa paghubog ng mabubuting asal at nagpapaalaala sa kabuluhan ng ugnáyan ng lahat ng sangkatauhan, ng lahat ng nilaláng, sa inang kalikásan at sa buong Maykapal na lumikha ng lahat ng sanlibutan. Mga Implikasyon ng Kuntaw sa Pagtugon sa Problema sa Mindanaw Bílang katutubong tradisyon at sayaw, ang kuntaw ay nagpapaala-ala ng ilang mahahalagang katotohanan hinggil sa kultura at kasaysayan ng Kamusliman sa Sulu at Kamindanawan. Nakalulungkot sabihin na hanggang sa kasalukuyang panahon sa ating bansa, ang mga katotohanang ito sa kultura at kasaysayan, kung hindi man nakabaón sa límot, pahapyaw na lámang nababanggit sa mga nangungunang daluyan o “mainstream” na mga kaalaman sa buong bayan. Mahalagang mabigyan ng tamang pagkilála ang mga naiambag ng Kamusliman sa kasaysayan at samot-saring kultura nitóng bayan. Makatutulong ang kaalaman sa kasaysayan at kultura ng Kamusliman sa pagpapalakas ng buong bansa at pagsasaayos ng mga panloob na mga suliranin, lalo na ang problema sa Kamindanawan.

54

Pandiwa

Sa puntong ito, hábang sinusulat ang artikulong ito, naibabalita ang pagkakasundo ng Pamalaan ng Filipinas at ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) sa framework o balangkas ng tinatawag na Bangsamoro Political Entity, na ihahalili sa ARMM. Hábang nakatuon ang pansin ng marami sa mga puntong pinagkasunduan gaya ng sakop na mga lugar ng Bangsamoro, hatîan ng yamang pangkalikásan at kaakibat na proseso sa pagpapatupad nitó, kapansin-pansin na hindi naipapaliwanag ang mga dahilan sa kasaysayan at kultura na humantong sa problema sa Mindanaw. Magbalik-tanaw, na noong 1996 hábang pinag-uusapan ang SPCPD (Southern Philippine Council for Peace and Development) bílang napilìng institusyonal na solusyon sa problema sa Mindanaw; napansin ng mga nagmamasid ang kakulangan ng pagpapaliwanag sa kasaysayan na humantong sa kaguluhan sa Mindanaw. Ayon sa artikulo ng Philippine Daily Inquirer, kaso iyon ng “misunderstood war that led to misunderstood peace” (PDI, 29 July 1996, p.1)[kaguluhan na hindi naiintindihan (ang ugat nitó sa kasaysayan) na humantong sa di (rin) naiintindihang (paghahanap ng) kapayapaan]. Sa pagkakataóng ito at sa harap ng mga agam-agam ng marami hinggil sa kabubuo pa lang na balangkas ng panibagong kasunduang pangkapayapaan sa Mindanaw, mahalagang mailatag ang mga magkaugnay na dahilan ng suliraning ito, para maintindihan ang ugnáyan ng bawat dahilan at masuportahan ng mga mamamayan, Muslim man o Kristiyano, ang mga hakbangin ng pagresolba nitóng problema. Una sa mga hakbanging ito ay ang pagkakaroon ng bukás na kaisipan sa katotohanan ng kasaysayan at kultura ng Kamusliman na mahalagang tulay túngo sa tunay na kapayapaan at kaunlaran ng Kamindanawan. Ang sumusunod ay ang mga dahilan at ugat ng patúloy na problema sa Mindanaw: 1. Kakulangan o maling pag-intindi ng karamihan ng mamamayan sa kultura at relihiyon ng Kamusliman. 2. Pahapyaw na, o halos walang kaalaman ang nakararaming mamamayan sa totoo at maunlad na kasaysayan ng

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

55

3.

4.

5.

6.

56

Pandiwa

Kamusliman dahil sa pagsasantabi nitó sa mainstream na daluyan ng kaalaman. Ang katotohanan ng kasaysayan ng Kamusliman ay nakatalâ sa mga akda nina Dr. Najeeb Saleeby (1906, 1908), Dr. Cesar Adib Majul (1973), Dr. Peter Gowing (1978), atbp. Dagdag dito ang talâ ng maraming mga tratado o pambansang kasunduan ng Sultanato ng Sulu at Magindanaw at ng mga dayuhan gaya ng Español, Ingles, Frances, at Americano. Ang umiiral na “unitary” o sentralisadong estruktura ng pamamahala sa ating bayan ay hindi angkop na pamahalaan ang Kamusliman, na may kakaibáng kultura at hiwalay na daloy ng kasaysayan ng panahon ng pananakop ng mga dayuhan. Hindi pantay ang mga larangan ng pamamahagi ng kapangyarihan at kayamanan ng bayan. Ang hindi pagkilála sa karapatang pangkasaysayan ng Kamusliman at ang hatîan ng kapangyarihan at yamang pangkalikásan ng bayan batay sa numero o bílang (majority rule) ay hindi makakapagpaunlad sa kalagayan ng Kamusliman na may karapatang pangkasaysayan na dapat respetuhin at isaalangalang sa pamamahagi ng kapangyarihan at yaman ng bayan. Pagkalugmok ng Kamusliman sa kahirapan nang maisáma silá sa bagong sistema ng pamahalaan na hindi gaanong nakatutugon sa kaniláng pangangailangan. Ang patunay nitó ay ang nabanggit na pagkabílang ng mga probinsiya sa ARMM sa listahan ng sampung pinakamahirap na lalawigan sa buong bansa. Suliranin sa lupa na nag-ugat sa mga di-pantay na programa ng gobyerno sa pamimigay ng lupa, kabílang na naipamigay ang malaking bahagi ng ancestral domains ng Kamusliman, na naipamahagi sa mga bagong datíng mula sa Luzon at Visayas. Ang mga nakaraang programa ng gobyerno gaya ng NSLA (National Settlement and Land Administration) 1939, LASEDECO (Land Settlement and Development Company), EDCOR (Economic Development Corporation Farms) 1950, NARRA (National Resettlement and Rehabilitation

Administration) 1954, at iba pa ay nagdulot ng pagkawala ng maraming bahagi ng ancestral domains ng Kamusliman sa Mindanaw. 7. Ang hulí ay ang patúloy na pamamalagi sa isipan ng nakararaming mga Filipino sa tinatawag na “negative Moro image” o negatibong imáheng Moro na nag-ugat sa kasaysayan kung kailan ginámit ng mga Español ang ilang nasakop niláng mga Filipino para labánan ang mga Moro at pasamâin ang anyo nitó sa kaniláng kaisipan. Ang negatibong imáheng Moro na ito ay walang batayan sa katotohanan at ito ay bunga lámang ng kathang-isip. Sa pamamagitan ng paglalahad sa itaas ng mga dahilan ng suliranin sa Mindanaw, umaasa ang may-akda na sana maging daan ito upang tulúyan nang maintindihan ang problemang ito at masuportahan ang mga pagsisikap na mabigyan ito ng tamang lunas. Sa gitna ng maraming usapin hinggil sa kalalagda lang na balangkas ng panibagong kasunduang pangkapayapaan, hindi dapat kaligtaan na ang tunay na solusyon sa problema sa Mindanaw ay magsisimula sa tamang pagbása sa mga dahilan ng mga problemang ito na nakaugat sa kasaysayan at kultura ng Kamusliman na hanggang sa ngayon ay patúloy pang isinasantabi, pinipilì, o pahapyaw lang na ipinaaalam o pinag-uusapan sa mga mainstream na daluyan ng kaalaman. Ang pagalam at pagpapalaganap ng kabuuan at katotohanan ng kasaysayan ng Kamusliman ay mahalagang paunang daan túngo sa pagkakaroon ng kapayapaan at katarungang panlipunan sa Kamindanawan. Bílang pag-uugnay sa paksa hinggil sa kuntaw, ang mga adhikâng nabanggit hinggil sa kasaysayan at mga naisin ng Kamusliman ay naipapahiwatig o naipapahayag din ng mga pilosopiya, estetika, kultura, at pangangaral ng kuntaw. Ang kuntaw mismo, bílang tradisyon ng Kamusliman ay madalas ring hindi nauunawaan. Ang karaniwan, ngunit malîng paglalarawan ng kuntaw bílang “sayaw na pandigma ng Kamusliman” ay lihis sa tunay nitóng anyo at mapayapang hangárin. Ang totoong larawan Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

57

at kahulugan ng kuntaw ay sayaw ito ng ugnáyan na ang nilalayon ay tunay na kapayapaan at pantay na katarungan sa kaninuman, saanman, at kailanman.

SANGGUNIAN Aguilar, Mynette del Rosario. "Kuntaw: A Descriptive Movement Study of a Martial Dance.” MA Thesis, College of Human Kinetics, UP Diliman, Quezon City, 1993. Corpuz, Onofre D. 1989. The Roots of the Filipino Nation. Quezon City: Aklahi Foundation Inc.,1989. Gowing, Peter. Muslim Filipino Heritage and Horizon. Quezon City: New Day Publishers, 1979. Hurley, Vic. Swish of the Kris: The Story of the Moros. Quezon City: Cacho Hermanos, Inc., 1985. (muling limbag ng edisyong 1936). Majul, Cesar Adib. Muslims in the Philippines. Quezon City: University of the Philippines Press, 1973. Nasr, Sayyed Hossein. Islamic Art and Spirituality. Albany State: University of New York Press, 1987. Sakili, Abraham P. Space and Identity: Expressions in the Culture, Arts, and the Society of the Muslims in the Philippines. Quezon City: Asian Center, University of the Philippines, 2003. ———, "Muslim Perspective of the Mindanao Problem," nása Kasarinlan, vol. 11, nos. 3 & 4. Saleeby, Najeeb. The History of Sulu. Manila: Filipiniana Book Guild, 1908. Szanton, David. "Art in Sulu: A Survey," nása Sulu Studies 2, inedit ni Gerad Rixon, Jolo: Notre Dame of Jolo College, 1979. Joint GPH-MILF Panels. "Framework Agreement on the Bangsamoro," nása Philippine Daily Inquirer, p. A-13, 11 October 2012.

58

Pandiwa

Ang Filipinong Dalumat ng Katarungan* José W. Diokno salin ng “A Filipino Concept of Justice” ni Rolando T. Glory

“ . . . itinatakda ng ating wika na mayroong Filipinong dalumat ng katarungan . . . ito’y konseptong higit na malawak kaysa kanluraning konsepto ng katarungan, sa dahilang niyayakap nitó ang diwa ng pagkakapantay-pantay . . . ”

ANO ANG KATARUNGAN? Sa ibá’t ibáng panahon, sinubukan nang sagutín ng mga palaisip ang tanong na ito, na may nagsasalungatang resulta. Diumano, katarungan ang nagtatakda ng limitasyon sa kung ano ang maaaring ipataw ng malakas. Ang ilan ay nangatwirang katarungan ang mismong ipinapataw ng malakas at buong-puso namang tinatanggap ng mahina; ang ibá sa kabilâng banda ay nagsasabing ang mismong katarungan ang naglilimita sa ipinapataw ng malakas; subalit, naninindigan ang ibá na wala namang debate sa dalawang posisyon, yamang inilalarawan ng una ang tunay, samantálang ang ikalawa ay ang ideál, na dito, ang kolektibong budhi ng sangkatauhan ang unti-unting bumabago sa tunay. At nagpapatúloy ang pagtatálo.1 Halimbawa, isinulat ni John Rawls: Katarungan ang pangunahin at natatanging kagalíngan ng mga institusyong panlipunan, tulad ng katotohanan sa sistema ng pag-iisip. Ang isang teorya, gaano man kaepisyente at kasinop ay marapat na iwaksi o baguhin kung ito’y huwad; gayundin, ang mga batas at mga institusyon, gaano man kabisà at kaayos ay kailangang baguhin o lansagin kung ito’y di makatarungan.2 59

Bílang tugon, sinipi ni Edgar Z. Friedenberg ang ilang kataga ng mga manananggol—“hustisya sa ilalim ng batas,” at pagkatapos mapansin na ang tinuran ay nagpapahiwatig palá ng “hindi kalugodlugod na seksuwal na imáhen,” idinagdag niya: Hindi karaniwan para sa Batas na magparaya sa Katarungan; kundi sa halip, ang Katarungan ang dapat magbibigay-daan sa Batas . . . Ang relasyon ng Batas at Katarungan ay hindi malabo; ngunit ito ay karaniwang negatibo.3

Walang ganap na pagkakasundo kung paano ibábahagi ang mga pananagutan at pakinabang sa búhay panlipunan, ang aspektong iyan ng katarungan na karaniwang tinatawag na katarungang panlipunan. Noong araw, ang panlipunang benepisyo at mga gugulín ay karaniwang ibinabahagi halos ayon sa ranggo. Ngayon, wala nang seryosong nagtataguyod sa gayong paraan ng pamamahagi, subalit ito’y sinusunod pa rin sa maraming bansa na pinamamahalaan ng mga diktador at sa ib pang dako; nananatili ang alingawngaw nitó sa ngayon, halimbawa, ang bulag na pagsunod sa nakatataás at sa benepisyo ng tanggapan (isang mas malaking silid, maayos na baldosa, mas magarang kotse, at ibá pa). Ang ilan ay naggigiit naman sa pamamahagi ayon sa “merito” na sa maraming kaso ay isang patagông paraan ng paglalakô ng kapangyarihan. Gayumpaman, ang naging pokus ng debate ngayon ay kung ang pamamahagi ay magiging ayon sa gawain o pangangailangan. Simula pa noong panahon ni Marx, ang pormulang “mula sa bawat isa, ayon sa kaniyang kakayahan, sa bawat isa, ayon sa kaniyang pangangailangan” ay madalas inihihimok at halos naging palasak. Ngunit sino ang magtutukóy kung ano ang mga kakayahan ng isa, o ano ang kaniyang pangangailangan, at kung ano ang gawaing may halaga? Ginagamot táyo ng doktor halimbawa kapag táyo’y may sakít. May higit ba siláng karapatan kaysa mga magsasaka na nagbibigay ng pagkain na kailangan natin upang manatiling malusog? Kaming mga abogado ay gumugugol ng mas maraming taon sa pag-aaral kaysa mga basurero. Higit bang kailangan ng lipunan ang aming serbisyo kaysa kanila? Maaari naming sagutín

60

Pandiwa

ang mga tanong na ito hanggang sa katapusan ng mundo na hindi naaabot ang pagkakasundo. Ngunit ang katarungan, dapat, kahit paano’y kamtin o tangkaing kamtin kung ipapasiya nating magsáma-sáma. Ang alternatibo—ang anarkiya o kayâ ay diktadura; at dahil naranasan na natin itong pareho, di natin gustong mga Filipino ang alinman sa dalawa. Ang tanong kung ano ang katarungan ay higit pa sa pagiging teoritikal kundi maliwanag na ito’y praktikal at isang kagyat na pangangailangan. Kahit paano, dapat natin itong hanápan ng sagot, hindi man iyon maging sapat. Sa kabutihang-palad, ang inyong imbitasyon ay labis na nagpagaan sa aking gawain. Inimbitahan ninyo ako upang “talakayin ang isang huwaran o modelo ng katarungan na salig dito ay maaari nating suriin ang mga umiiral na batas, patakaran, at institusyon na naghahangad na makamtan ang katarungang panlipunan sa Filipinas.”4 Sa gayong paglalapat ng salitâ sa inyong imbitasyon, tinitiyak lámang ninyo, at itinuturing ang katarungan bílang isang timbangan ng batas; na isinasaalang-alang ninyo hindi ang katarungan sa pangkalahatan, kundi katarungang panlipunan; na inyong inaasahan, hindi ang detalyadong programa ng pagkilos, kundi isang kalipunan ng mga pamantayan o prinsipyo na doon ibábatay ang pagsusuri; at sapagkat ito’y “umiiral na mga batas, mga patakaran, at mga institusyon . . . sa Filipinas” na ibig ninyong suriin, at inaasahan ninyo ang mga pamantayan o mga prinsipyong iyon na maging makabuluhan sa atin ngayon, at upang sumalamin sa, o sa paano man ay hindi lumabag sa karaniwang mithiin ng ating bayan. Sa madaling salitâ, ang aking atas sa sandaling ito ay upang ipaliwanag ang Filipinong konsepto ng katarungang panlipunan para sa ngayon at maging sa hinaharap. Ngunit ang unang kailangan nating gawin ay sugpuin ang patuloy na pag-aalinlangan. Táyo ay napangibabáwan ng Kanluran sa napakahabàng panahon; ang ating mga pampolitikang institusyon, batas, sistema ng edukasyon, ang lahat ng ito’y mga kopya ng Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

61

kanluraning padron; maging anunsiyo, mga programang pantelebisyon, mga aklat, magasin, at mga pahayagan na nagmumula sa kanluran ay malalim na nakaapekto sa ating mga halagahan. Sa mga sitwasyong ito, maaari bang umasa na makasusumpong pa táyo ng isang konsepto ng katarungang katutubo sa ating mga Filipino? Ipinapanukala kong maaari táyong makasumpong kung titingin lámang táyo sa ating sariling wika at kasaysayan. Ang mga Tagalog, Ilonggo, Sebwano, at Kapampangan ay gumamit ng isang palasak na salitâ para sa katarungan—katarungan, na nagmula sa salitâng-ugat na tarong ng Visaya na nangangahulugang diretso, tuwid, angkop, at wasto.5 Para sa atin, samakatwid, ang katarungan ay pagkamatuwid, ito ay bunga ng kagandahang-asal; at dahil nagpapahiwatig rin ito kung ano ang nararapat, niyayakap nitó ang konsepto ng pagiging patas, na dito’y wala táyong mahagilap na katutubong salitâ, at na sa mga bihirang okasyong ginagámit natin ang termino, ating ginagámit ang deribatibong Español na ekidad. Para sa “karapatan,” na ginagámit natin ang karapatan, na ang ugat ay dapat na nagpapahiwatig ng angkop, nararapat, at wasto. Ang pagkakahawig sa kahulugan ng mga salitâng-ugat ng ating mga salitâ para sa “katarungan” at “karapatan” ay nagpapakita na ang katarungan at karapatan para sa atin ay malapít na magkaugnay. Sa kabilâng banda, para sa “batas,” ginagámit din natin ang batas, na ang salitâng-ugat ay nagpapahiwatig ng kautusan, atas, dekreto na may kahulugang naiibá sa ugat ng ating mga salitâ para sa “hustisya” at “karapatan.” Sa ating wika kung gayon, malinaw na tinutukoy ang kaibahán sa pagitan ng batas at katarungan; kinikilála nitóng ang batas ay hindi laging makatuwiran. Sa ganitong kaso nakakahawig ng ating wika ang Ingles. Pinaguugnay din ng Ingles ang mga salitâng “hustisya” at “karapatan,” dahil inangkat nitó ang “hustisya” mula sa Latin na “ius” na

62

Pandiwa

nangangahulugang karapatan; na naghihiwalay sa “hustisya” mula sa “batas” dahil hinango nitó ang konsepto ng batas sa salitâng mula sa Matandang Norse na “log,” na nangangahulugang isang bagay na inilatag o inayos. Ngunit naiibá ang Ingles sa ating wika sa dalawang dahilan: ang ating salitâ para sa hustisya o katarungan—ang katarungan ay katutubo sa atin samantálang ang salitâng Ingles ay angkat; kalakip ng ating salitâ para sa katarungan ang konsepto ng pagkakapantaypantay, at hindi gayon sa Ingles. Sa ilang kaso, ang ating wika ay naiibá sa ibá pang silanganing wika at Español. Sa hulí, ang salitâng “karapatan”—ang Español na derecho, ang Italianong diritto, ang Frances na droit, at ang Aleman na recht na parehong nangangahulugang karapatan at batas sa pangkalahatan; at ito’y maaaring mangahulugang tatlong bagay: dapat kilalanin at igalang ng batas ang karapatan; kung ano ang batas, iyon ang tama; at ang batas at karapatan ay hindi maaaring paghiwalayin. Ang ganitong kalabuan ay hindi makikita sa ating wika. Sa kabilâng dako, ginagámit natin ang salitâng kapangyarihan kapuwa para sa “poder” at “awtoridad.” At maging ito, ay lumilikha ng katulad na pag-iibáng diwa, dahil ito’y maaaring mangahulugang ang poder ay nagkakaloob ng awtoridad, o kayâ, ang awtoridad ay nagkakaloob ng poder, o ang kapangyarihan ay hindi naman dapat na tiwalag sa awtoridad. Ang kalabuang ito ay wala sa Ingles, Español, at ibá pang mga silanganing wika. Subalit kamakailan, mas nakilála natin ang kaibahán sa pagitan ng poder at awtoridad, gámit ang salitâng Español na poder o ang Tagalog na lakas (na nangangahulugang tibay, o tindi) upang ipahiwatig ang lubos na kapangyarihan, at kapangyarihan upang isimbolo ang awtoridad. Dalawang punto pa ang kailangang linawin. Ang isa, na sa ating wika ay ginagámit ang parehong salitâ para sa katarungan, kapuwa para sa katarungan at kawalang-kinikilingan, tulad ng ginagawa nitó sa hustisya at pagkakapantay-pantay. At bagaman ginagámit natin ang katutubong salitâng karapatan para sa karapatan, ginagámit

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

63

natin ang deribatibong Español na pribilehiyo para sa pribilehiyo. Kayâ’t makatuwiran lang na ipasiya na ang pangunahing sangkap ng Filipinong dalumat ng katarungan ay ang pagiging patas; at ang pribilehiyo at kapangyarihan—dalawa sa mga pinakamasamâng kaaway ng pagiging patas ay tiwalag sa kamalayáng Filipino. Ang hulíng punto ay na ang mga Tagalog ay may salitângugat na tuwid na halos eksaktong katumbas ng Bisayang ugat na tarong. Subalit pinipili ng mga Tagalog ang tarong bílang ugat para sa “katarungan,” katarungan; at ginagámit ang tuwid para sa katuwiran, ibig sabihin, pagiging tuwid (hindi ang pagkamatuwid), at katuwiran o katwiran, ibig sabihin ay rason at argumento na may himig o pahiwatig ng pagbibigay-katuwiran, gaya ng mangatwiran, magmatuwid, at ibá pang kaugnay na salitâ. Kayâ naman nababatid nating mga Filipino na hindi lahat ng pagbibigay-katuwiran ay makatwiran. Bílang lagom, itinatatag ng ating wika na mayroong isang Filipinong dalumat ng katarungan; na ito’y isang matayog na konseptong moral, matalik na may kaugnayan sa diwain ng katarungan; na ito ay katulad, subalit, mas malawak kaysa kanluraning konsepto ng katarungan, yamang inaangkin nitó ang diwang pagkakapantay; na ito’y isang konseptong kumikilála ng kaibhan sa pagitan ng katarungan at karapatan sa isang banda, batas at katuwiran sa kabilâng panig; na pangunahing sangkap nitó ang pagiging pantay humatol; at iwinawaksi ang pribilehiyo at kapangyarihan. Ngunit maaari kang tumutol na masyado itong masaklaw para magamit nang gayon at maging tama. Gaya ng idiniin ni Chaim Perelman, nagkakaibá-ibá ang konsepto ng katarungan. Subalit nása likod pa rin nitó ang katarungan bílang “simulain ng pagkilos, na kaayon nitó, ang mga nilaláng ng isa’t magkatulad na kategorya at uri ay dapat na tratuhin sa parehong paraan.”6 Ang simulaing ito ni Perelman ng katarungan ay tulad ng kay Aristoteles na “pakitunguhan nang pantay ang magkapantay at nang di-pantay ang di-magkapantay, ngunit ito ay naaayon sa kaniláng mahahalagang pagkakaibá.”7 64

Pandiwa

Parehong kaayon ng Filipinong konsepto ng katarungan ang pagiging patas. Subalit, tulad ng idiniin ni Perelman, kapuwa mga pormal na pormula ang mga ito, hindi ng tiyak na hustisya, dahil ni isa ay di nagsasabi kung ano ang bumubuo sa natatangi o mahalagang pagkakapantay-pantay sa isang kategorya, ni hindi rin kung paano bumuo ng mga kategorya, o paano ituturing ang bawat kategorya. Sa katunayan, ang mga ito’y waring simulain ng katuwiran, na hango mula sa simulain ng identidad, sa halip na simulain ng hustisya. Iyan ang dahilan kung bakit winika ni Perelman, “sa hulí, ang bawat sistema ng katarungan ay nakasalalay sa mga halagahan maliban sa halaga ng katarungan;” at ang batas ay hahatulan sa pamamagitan hindi ng pormal na hustisya kundi ng tiyak na katarungan, iyan ay ang partikular na konsepto ng katarungan na tumatangan sa matatag na timbangan ng halagahan. Kayâ naman, hindi táyo tutuligsâ o magrereporma sa ngalan ng katarungan, ngunit ayon sa pananaw ng sandaigdigan.”8 Upang maunawaan ang hangarin ng Filipino sa mundo, na nagbibigay-búhay sa konsepto ng katarungang ipinapahayag ng ating wika, kailangan nating balikán ang kasaysayan ng ating bayan. Maaaring ilarawan ang kasaysayang ito bílang patúloy at nagpapatúloy na pakikibáka upang lumikha ng isang makatarungang lipunan: Ang isang lipunan, una, ay hindi lámang nagsasarili kundi ang mga tao’y makapangyarihan: Kamtin ang kalayaan ng iyong bayan . . . yamang ang pagsasarili nitó ay nangangahulugan ng iyo mismong kalayàan, ang pagunlad nitó ang iyong kasakdalan, ang kaniyang kadakilaan ang iyong kaluwalhatian at inmortalidad. Huwag kilalánin ang awtoridad ng sinumang tao sa iyong bayan na hindi mo iniluklok at ng iyong kapuwa mamamayan yamang ang lahat ng awtoridad ay nagmumula sa Diyos, at hábang ang Diyos ay nagwiwika sa pamamagitan ng budhi ng bawat isa, tanging ang táong sa kaniya itinalaga at ipinahayag ang kolektibong budhi ng bayan sa kabuuan ang tanging magtataglay ng kapangyarihan. Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

65

Magtatag ng isang republika para sa iyong bayan, hindi ng isang monarkiya: ang hulí ay ipinagbubunyi ang isa o pilîng pamilya at nagtatatag ng dinastiya; ang una ay nagluluwal ng mamamayang maharlika at marangal sa pamamagitan ng katuwiran, dakila sa pamamagitan ng kalayàan, at maunlad at masigla sa pamamagitan ng pagsisikap.9

Ang isang lipunan, pangalawa, ay gumagalang sa kalayàan at dignidad ng lahat: Maitim man o maputi ang balat, lahat ng tao’y magkakapantay, mangyayaring ang isa’y higitan, isang kalalabasan ay marangal, ay isang yaman, isang ganda . . . ngunit ang di mahihigitan ay isang pagkatao.

----Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkamaharlikang pagkahari, wala sa tangos ng ilong, sa puti ng mukha, wala sa isang pagkakahalili Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa; wagas at tunay na mahal ng tao, kahit laking-gubat na walang nababatid kundi ang sariling pananalita, yaong maaaring magandang asal, may isang pagkakataga, maaaring dangal sa puri; yaong di napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa isang bayang tinubuan. Paglaganap ng mga aral na ito sa maningning na sumikat ang araw ng mahal na kalayaan dito ay isang kaaba-abang sangkapuluan at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkakalahi’t magkakapatid ng ligayang walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, sa mga tiniis na kahirapa’y labis nang natumbasan.10

Ikatlo, ang isang lipunan, na pinangangalagaan ang mga manggagawa at nangungupahan, nilalabanan ang pang-aapi, pagsasamantalá, at pang-aabuso, at naglaláyong pawiin ang kahirapan:

66

Pandiwa

Ipagtanggol mo ang inaapi at kabakahin ang umaapi.11 Bahaginan mo ng iyong makakayanan ang sinumang mahirap o kapuspalad.12 Kailan

mo

simulang

itinuring

ang

pamahalaan

na

hindi

makatarungan sa mamamayan?—1930. Bakit? Dahil sa pang-aabuso sa mamamayan. Ang pangangailangan ng mga manggagawa ay binabalewala. Winawalang-halaga ng mga lider ang mamamayan.

----Kung gayon, ang pangunahing problema ba ay tungkol sa kahirapan o pagkakaroon ng labis upang mabuhay? Sapat, ngunit walang anumang pang-aabuso.

----Ang kahirapan kung gayon at mga pang-aabuso ba ang dahilan ng inyong kawalang-kasiyahan? Hindi, kundi higit pa. Mayroong sanhi ang lahat ng bagay. Wala nang makalulutas sa ating suliranin kundi ang pagsasarili . . . Kalayaan ang solusyon. . . . Wala nang ibáng sagot sa pang-aabuso at kahirapan kundi ito. Sa pamamagitan ng kalayàan, ang ating mga lider ay hindi na magiging gayong labis sa kapangyarihan kundi sa halip ang mamamayan. Matatamo ng mamamayan ang kalayàan. Magkakaroon táyo ng sariling lupa; hindi na iyon monopolyo ng mga propitaryo at opisyal ng gobyerno. Ngunit noon, táyo’y walang anuman. Samakatwid, kahirapan at kapangyarihan ba ang problema? Sasabihin mong gayon nga, at iyon ang paniwala natin. Subalit sa ilalim ng kalayàan, walang sinuman ang magiging makapangyarihan pagkat ang tao ang magtataglay ng kapangyarihan.13

Ikaapat, lipunang pinagbubuklod ng kapatíran at pagsasarilí:

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

67

Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawanggawa, ang pagibig sa kapwa, at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang katwiran.14 Ano ang nararapat nating gawin? Ang araw ng katuiran na sumisikat sa Silanganan, ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin . . . Ytinuro ng katuiran, na huag nating sayangin ang panahon sa pagasa sa ipinangakong kaguinhawahan na hindi darating at hindi mangyayari. Ytinuro ng katuiran ang tayo’y umasa sa ating sarili at huag antain sa ibá ang ating kabuhayan. Itinuro ng katuiran ang tayo’y magkaisang loob, magkaisang isip at akala, at ng tayo’y magkalakas na maihanap ang naghaharing kasamaan sa ating bayan.15

Sa madaling salitâ, isang moral na lipunan: Upang maitatag ang tunay na pundasyon ng panlipunang pagbabago, kinakailangang lubusan nating baguhin di lámang ang ating mga institusyon kundi maging ang ating pagkatao at paraan ng pag-iisip. Kasabay nitó, kailangan natin ang panlabas at panloob na pagbabago; kailangan nating itatag ang ating moral na edukasyon sa matatag na pundasyon at itakwil ang mga kinamihasnan, na sa kalakhang bahagi ay minana natin sa mga Español.16 Hindi sapat ang kalayàan; kinakailangan din nating magkaroon ng moral na pamamahala, isang napakamoral na pamamahala, isang pamahalaang ginagabayan ng katotohanan nang walang panlilinlang, matapat sa pagsunod sa batas at tinutupad ang kaniyang mga pangako sa bayan; pamahalaang lubos na progresibo, pamahalaang hindi atrasado o labis na abante, ngunit umaangkop sa nagbabagong kultura at sa dumaraming pangangailangan ng mamamayan, yamang alinman sa atrasado at labis ay mapanganib; sa madaling sabi, isang pamahalaang lubos na makabayan, isa na

68

Pandiwa

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

69

hinahanap ang kagalingan ng lahat, hindi ang makabubuti lámang sa iisa o nakaaangat na uri.17

Anong mga prinsipyo o panuntunan ang magdudulot ng Filipinong dalumat ng isang makatarungang lipunan túngo sa Filipinong modelo ng katarungang panlipunan? Harapin natin ang tanong na ito nang di-tuwiran sa pamamagitan ng pagtatanong: Paano ba nagagawa ang kawalan ng katarungang panlipunan? Ibig kong ipanukala na ang kawalan ng katarungang panlipunan ay nangyayari sa tatlong paraan: una, sa pamamagitan ng kawalan ng sistema ng batas, nasusulat man o hindi, o batas na labis na depektibo anupa’t hindi batid ng mamamayan ang kaniláng mga legal na karapatan at pananagutan; ikalawa, sa pamamagitan ng hindi pagpapatupad ng batas nang walang kinikilingan; at ikatlo, sa pamamagitan ng paglikha ng batas na hindi nagtataguyod ng mga halagahang panlipunang kumakatawan sa Filipinong bisyon ng makatarungang lipunan, o ng batas na gumagámit ng mga paraan upang pasamâin ang mga halagahang iyon. Ang unang dalawang paraan ay may kinalaman sa anyo o pamamaraan; ang hulí ay may kinalaman naman sa nilalaman o katuturan. Ngunit kapuwa ito mahalaga, kung paanong si Lord Lawton ay nagsabing, “Ang paggawa ng tama ay maaaring humantong sa hindi pagiging parehas kung ito ay ginawa sa maling paraan”18 o gaya naman ng winika ng ating bayaning Emilio Jacinto, “Ang gawaing magaling na nagbuhat sa pagpipita sa sarili at hindi sa talagang nasang gumawa ng kagalingan ay di kabaitan.”19 Ito sa katunayan ang ibig sabihin ng nararapat na proseso: ang paggawa ng tamang mga bagay sa tamang paraan. Suriin natin kung gayon ang bawat isa sa mga dahilan kung paanong nangyayari ang kawalang katarungan upang makapagbalangkas táyo ng mga panuntunan kung paanong susuriin at pagpapasyahan ang mga batas, patakaran, at institusyon.

70

Pandiwa

Bihirang-bihira ang ganap na kawalan o pagguho ng sistema ng batas. Sa katunayan, hindi ko mababanggit ang kahit isang lipunan, kahit na ang lipunan ng mga mandarambong, na hindi nagkaroon ng sistema ng batas, nasusulat man o hindi, sistema na gumagabay sa ugnáyan ng mga kaanib nitó at naglalaan ng mekanismo, na dito ang pagkabalanse, ay naibabalik sakaling ang mga ugnáyang ito ay kusang nilabag. Subalit ang pagkakaroon ng sistema ay hindi sapat; kailangang ito ay gumagana. Upang mangyari iyon, kailangang matugunan ang sumusunod na mga kahingian: (1) Ang awtoridad ng mambabatas ay dapat kilalaning lehitimo ng nakararaming mamamayan, at ang nilikhang mga batas ay hindi dapat na lumabis sa mga hanggahan ng kapangyarihan na itinakda ng nagkakaisang pananaw ng lahat; (2) Ang mga batas ay dapat na ilathala o ipabatid sa mga táong masasakop ng mga iyon; sinasabing isa sa mga dahilan ng pagkasuklam ng mamamayan kay Emperador Caligula ay dahil “inukit niya ang mga batas sa matataas na haligi anupa’t ang mga iyon ay hindi mabása ng mamamayan.”20 (3) Hindi dapat madalas at madalìang binabago ang mga batas anupa’t dahil doon ay di makapagplano ang mamamayan; (4) Nauunawaan at hindi dapat nagkakasalungatan ang mga batas, at huwag magtakda nang higit sa makakáya ng mga tao o labag pa nga sa kaniláng budhi. Ito ang kalipunan ng mga pamantayang bumubuo ng unang bahagi ng Filipinong dalumat ng panlipunang katarungan. Ano ang mangyayari kung ang mga pamantayang ito ay patúloy na nilalabag, na bagaman di humahantong sa malawakang kaguluhan,

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

71

lumulubha naman ang sistema ng batas? Inilarawan ni Lon Fuller ang resulta sa ganitong pananalitâ: . . . Halimbawa’y nagkakaroon ng sitwasyon, na bagaman nailathala ang ilang batas, ang ibá, kabílang na ang pinakamahalaga ay hindi. Bagaman karamihan sa batas ay tumatanaw sa hinaharap, ang walang-patumanggang paggamit ng mga batas na pauróng ay para walang batas na iiral na magbabago sa kapangyarihang magparusa sa nagawang paglabag sa nakaraan kung iyon ay magsisilbi sa interes ng nása kapangyarihan. Itinatag ang mga hukumang militar para sa paglilitis sa mga kasong kriminal na may kaugnayan sa katapatan sa rehimen. Kapag magsisilbi sa kaniláng interes, binabalewala ng mga hukumang ito ang mga probisyong kokontrol sa kaniláng mga hatol. Karagdagan pa, ang tunay na layunin ng pamahalaan ay hindi upang maglaan ng panuntunan sa mamamayan na uugit sa kaniláng pagkilos, kundi ang takútin siyá hanggang sumuko. Sa gayong sitwasyon, ang suliraning hinaharap ng mamamayan ay hindi gayon kapayak gaya ng isang botanteng nakababatid na ang kaniyang boto ay hindi mabibílang. Ito ay tulad ng botanteng nakababatid na maliit ang tsansa na mabibílang ang kaniyang boto, at kung iyon naman ay maibílang, malaki ang posibilidad na maibílang iyon para sa kandidatong di niya ibinoto.21

Sinulat ni Lon Fuller ang mga katagang iyon labimpitong taon na ang nakalipas; ibinatay niya ang kaniyang paglalarawan sa mga nangyari sa Nazing Alemanya; gayunman, ang kaniyang paglalarawan ay lubos na umaakma sa ating kalagayan. Sa kalagayang inilalarawan, kinakailangang mamilì ang mga botante: alinman, sabi ni Fuller, “ang manatili sa sistema at ihulog ang kaniyang balota bílang simbolikong pagkilos na nagpapahayag ng pag-asa sa isang mas magandang búkas,” o iboykot ang halalan, gaya ng ginawa ng milyong Filipino nitóng Abril at Hunyo ngayong taon, sa kabilâ ng banta ng pag-uusig at pandarahas. Sa alinmang kaso, hindi maitatanggi ang nagawang kawalang-katarungan.

72

Pandiwa

Aking lalaktawan ang ikalawang bahagi ng ating modelo—ang kalipunan ng mga pamantayang magtitiyak ng patas na pagpapatupad ng batas—sapagkat ang paksang ito ay iniatas sa ibá pang tagapagsalita. Gayunman, hindi ko malabanan ang tukso, na ulitin ang sinabi ng hukom Joseph Hutcheson,22 upang idiin ang aking punto, na sa mga taon ko sa larangan ng batas, natutuhan ko kung paano uriin ang mga hatol ng hukuman sa anim na kategorya: ang analitiko, bunga ng pag-aaral at pagsusuri ng batas, patakaran nitó, at ang mga impormasyon ng kaso; ang kutob, na produkto ng sapantaha, ang pakiramdam kung ano ang tama sa asunto pagkatapos mangatwiran; ang sapalarán, tulad ng Hukom Bridlegoose ni Rabelais, ang resulta ng paghahagis ng barya o ng dice. Nangyayari ito dahil sa katamaran at pagnanais na maiwasan ang labis at mahirap na trabaho ng pagsusuri sa mga isyung kaugnay ng kaso; ang karuwagan, na bunga ng tákot o pangambang hindi mapalugdan ang nása kapangyarihan na maaaring humarang o magbinbin ng promosyon; ang bayarán, na produkto ng ibinibigay na suhol, na nitóng hulí ay hinihingi na; at ang utô-utô, na bunga ng táong hangal. Ipinapanukala ko na ang ikalawang bahagi ng Filipinong dalumat ng katarungan ay dapat na pinagsasanib ang mga pamantayan, lalo na kung iisipin ang kahinaan ng tao, upang sawatàin ang hulíng apat na uri ng paghatol. Dapat na taglay din nitó ang mga pamantayan upang itanim ang katapangan, kakayahán, at katapatan sa mga abogado, at kakayahán, kasipagan, at paggalang ng mga pulis sa karapatan ng mga pinaghihinalaan. Dumako na táyo sa hulíng bahagi ng Filipinong huwaran ng panlipunang katarungan. Ngunit sa anong pamantayan dapat nating hatulan ang nilalaman ng “batas, mga patakaran, at institusyong naglaláyong makamit ang katarungan sa Filipinas?” Ang unang panuntunan ay na ang bawat batas, patakaran, at institusyon, kundi man nitó káyang isulong ay dapat na igalang kapuwa ang indibidwal at kolektibong mga karapatan ng mamamayan. Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

73

Malinaw at malawakang itinatakda sa ating konstitusyon ang mga karapatan ng mamamayan, sa Pandaigdigang Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao, at sa dalawang ipinatutupad nitóng mga kasunduan, at sa samot-saring kapahayagan ng Nagkakaisang mga Bansa laban sa labis na pagpapahirap, sa pang-aalipin at sapilitáng paggawa, sa mga nanganganlong, sa teritoryal na kanlungan, sa karapatan ng mga batà, sa karapatan ng mga may kapansanan sa pagiisip, at ibá pang katulad nitó. Ang paggalang sa mga karapatang ito ay lubhang mahalaga sa lunggati ng mga Filipino para sa kalayàan. Kamakailan lámang legal na kinilála ang karapatan ng mamamayan. Bílang pambansang komunidad, ang tao ay may tatlong pangunahing karapatan: Ang karapatang mabuhay; ang karapatan sa panlabas at panloob na soberanya; at ang karapatan sa pagunlad. Mula sa tatlong pangunahing karapatang ito umuusbong ang mga karapatan gaya ng kalayàan mula sa pananalakay at panghihimasok sa mga gawaing panloob; ang karapatan sa integridad ng teritoryo, kalayàang politikal, ganap na pagkakapantay-pantay at pandaigdigang katarungang panlipunan; ang karapatan na malayàng pumili ng pangkabuhayan, politikal, panlipunan, at pangkulturang sistema; at ibá-ibáng paraan at layunin ng pag-unlad, nang walang anumang panlabas na panghihimasok; may lubos at namamalaging karapatan sa lahat ng pambansang yaman, sa mga likás na yaman at gawaing pangkabuhayan, na kabílang ang karapatang mangalaga at mangasiwa sa dayuhang pamumuhunan at mga gawain ng mga korporasyong transnasyonal, at isabansa, paupahan o kuhanin ang dayuhang ari-arian; at panghulí, ang karapatan—at tungkuling wakasán ang pananakop, neo-kolonyalismo, at lahat ng anyo ng dayuhang pananakop at panlulupig, at ang mga biyaya sa kabuhayan at lipunan na dulot nitó, bílang mga kahingian para sa pag-unlad.23 Bawat batas, patakaran, at institusyon ay kailangang suriing mabuti upang matukoy kung pinalulubha o nilalabag nitó ang karapatan ng mamamayan. Ang pagtatakwil sa pamantayang ito ay pagtatakwil sa Filipinong mithiin sa soberanya, kalayàan, at pagsasarili ng mga Filipino. 74

Pandiwa

Subalit kung isasaalang-alang ang kasalukuyang kalagayan ng lipunang Filipino, ang mga pamantayang ito ay hindi sapat. Karagdagan sa pagkakait ng mga karapatang pantao at karapatan ng mamamayan, ang ating lipunan ay sinasalot ng ikatlong uri ng karamdaman: kahirapan at di-pagkakapantay-pantay. Anumang antas ng kahirapan at ng di-pagkakapantay-pantay, at kung ang mga ito’y humuhupa o tumitindi ay maaaring pagtalunan—ngunit kahit ang pinakamasunuring tagasuporta ng tinatawag na bagong lipunan na tinatawag ngayong bagong republika (na para bang ang katagang “bago” ay nakaaalis ng malansang amoy ng luma), wala ni isa—uulitin ko—hindi mapapasubalian ninuman, na sa ating bayan ay namamayani ang lubhang kahirapan at di-pagkakapantay-pantay. Hindi maaaring isisi ang kahirapan at di-pagkakapantay-pantay sa nakararaming mamamayang sinasalot nitó. Sa ating ekonomiyang haluan, na nakahilig sa ekonomiyang kapitalista, ang kinikita ng isang tao ay bunga ng apat na salik: ang halaga ng kumikitang ariariang taglay niya, ang kaniyang kasanayan, ang kaniyang pagiging produktibo, at ang katapat na halaga ng kaniyang kasanayan. Marami sa mga ekonomista ang magdadagdag ng ikalimang salik para sa “bagong” Republika: ang pagiging malapít sa sentro ng kapangyarihan. Wala nang magagawa para sa halaga sa pamilihan. Bukod pa rito, anumang kakayahán, kalidad, at pagiging produktibo ng isa ay mga bunga ng kaniyang edukasyon, pinagmulang pamilya, kalusugan; at ang kaniyang edukasyon ay resulta sa kalakhang bahagi ng kung anong nutrisyon ang káyang ilaan ng kaniyang mga magulang sa panahon ng kaniyang paglaki. Samakatwid, ang kasanayan at pagiging produktibo ng indibidwal ay depende sa yaman at kinikita ng kaniyang mga magulang. Gayundin naman kung tungkol sa kumikitang ari-arian na taglay niya: sapagkat maaari siyáng magtamo ng ari-arian sa pamamagitan ng mana at pagbili, o kayâ naman ay sa panlilinlang—pangingikil, panunuhol, impluwensiyang politikal, pandaraya o pagnanakaw. Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

75

Subalit, gaya ng naipakita na natin, ang mana ay nakadepende sa taglay na yaman ng mga magulang, gayundin naman, sa kalakhang bahagi ang kakayaháng kumita at bumili ng ari-arian. Bílang panuntunan, ang mahirap ay mahirap at dukha sapagkat silá ay ipinanganak na mahirap at walang-wala. At ang kahirapang ito at kawalang-pagkakapantay-pantay ay nagbubunsod ng pangaapi, paniniil, at pang-aabuso. Ito mismo ang idiniin ni Plutarch, higit dalawang-libong taon na ang nakararaan: Walang halaga ang batas na naglalayong magbigay ng pantay na karapatan sa lahat ng tao, kung kinakailangan ng mahihirap na isakripisyo ang mga karapatang iyon para sa kaniláng pagkakautang, at sa mismong pusod at sinapupunan ng sinasabing pagkakapantay-pantay, ang hukuman ng katarungan, ang mga tanggapan ng estado, at ang pampublikong talakayan ay sunodsunuran sa kompás at utos ng mayayaman.24

Samakatwid, upang matamo ang Filipinong dalumat ng katarungang panlipunan, ang mga batas, patakaran, at institusyon, maliban sa pagsusulong sa paggalang sa indibidwal at kolektibong mga karapatan ay dapat ring magsikap sa pamamagitan ng subók na pamamaraan: Una, sugpuin ang kahirapan, pangunahin na ang nakahihiyang larawan at epekto nitó, at pagkatapos, lahat ng anyo nitó; Ikalawa, makapamilì ng pamamaraan ng pagpapaunlad at paggámit ng ating likás na yaman, ang ating mga industriya at kalakalan upang matamo ang gumagabay sa sarili, lumilikha sa sarili, at nagsasariling ekonomiya, sa layuning makalikha nang sapat at matugunan, una, ang pangunahing pangangailangan ng lahat; at pagkatápos ay maglaan ng isang mas mataas na antas ng pamumuhay para sa lahat, pangunahin na para doon sa kumikita nang hindi sapat, at maglaan sa kanilá ng sapat na pahinga upang malikhaing makalahok sa pagpapaunlad at pagtatamasa ng ating pambansang kultura; at 76

Pandiwa

Ikatlo, baguhin ang mga ugnáyan at estruktura ng ugnáyan sa pagitan ng tao at tao, sa pagitan ng mga grupo, at sa pagitan ng mga komunidad na sanhi o nagpapanatili ng kawalan ng pagkakapantaypantay, maliban na lámang kung ang kawalang-pagkakapantay-pantay ay kinakailangan upang paunlarin ang kalagayan ng mga walangwala sa gitna natin at ang pasánin ay balikatin ng mga nakaluluwag sa búhay. Ang tatlong mga pamantayang ito ang bumubuo sa ikatlong bahagi ng Filipinong modelo ng katarungang panlipunan. Ang mga pamantayang ito ay kumakatawan sa dalawang magkáibáng prinsipyo: Ang una, ang prinsipyo ng pagwawasto na tumatanaw upang ayusin ang kawalang-katarungang nagawa ng lipunan sa mga mahihirap at inaapi; at ang ikalawa at ikatlo, ang prinsipyo ng pagbabago na naglalayong magkabisà ang panloob at panlabas na rebolusyong isinulat ni Mabini, upang matamo ang mithiing binanggit ni Jacinto: na ang halaga ng isang tao, kung sino siyá ay hindi nakadepende kung ano siyá noon. Alinman sa mga prinsipyong ito ay hindi naglaláyong lansagin ang lahat ng kawalang pagkakapantay-pantay ni naglaláyong matamo ang matematikal na pagtatakda ng mga panlipunang sakripisyo at pakinabang. Naniniwala akong hindi realistiko ang gayong mga tunguhin. Ang kalikásan, pagkakataon, at aksidente ay nagdudulot ng pagkakaibá-ibá; ang pagkakaibá-ibáng ito ay nagbubunga naman ng kawalang-pagkakapantay-pantay, at bagaman higit na nating nakokontrol ang kalikásan, hindi natin ito mababago, ni maaalis man ang pagkakataon o aksidente. Subalit mababago natin ang ugnáyang pantao at mga gawain; at kung gayon, matitiyak natin, na anumang kawalang pagkakapantay-pantay ang nananatili sa ating lipunan ay hindi dulot ng ating mga ugnáyan sa isa’t isa o ng pakikitúngo sa bawat isa. Bukod dito, mayroong matibay na bahid ng indibidwalidad sa kamalayáng Filipino; na naniniwala akong táyo’y mag-aalsa Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

77

sa anumang tangka na ipataw sa atin ang pagkakapare-pareho. Halimbawa, marami sa atin ang tatanggi sa di-nagbabagong estilo ng pananamit tulad ng tinanggap ng mga Tsino na pare-pareho at kupás na Mao jacket. Siyempre, kung wala nang mapagpipilian, wala táyong magagawa; subalit ang layunin natin ay hindi para, at hindi kailanman, ang limitahan ang mapagpipilian ng mga tao, kundi ang palawakin ang mga iyon, ang paramihin ang kaniláng pangangailangan, hindi lámang ang bigyan silá ng kasiyahan. Panghulí, alinman sa prinsipyong ito ay hindi nagtatangkang lansagin ang pamahalaan o ang batas. Sa kabaligtaran, sa pamamagitan ng tapat na pamamahala, ang pagpapatupad ng makatwirang mga batas na ang prinsipyo ay mailalapat sa aktuwal na katarungan. Wala na akong ibáng alam na paraan. Dahil natatangi ang mga prinsipyo, at bagaman pumupunô sa isa’t–isa, ang sigalot ay hindi maiiwasang lumitaw paminsan-minsan. Ngunit hindi nawawala ang halaga nitó dahil doon. Nangangailangan lámang ito ng unawa at pagiging bihasa sa pamumunò. Ngayon ay lumikha táyo ng Filipinong dalumat ng panlipunang katarungan na angkop ngayon at maging sa hinaharap. Para sa ating mga Filipino, ang katarungang panlipunan ay nangangahulugang nagkakaisa, matalinong sistema ng batas na inihayag sa atin, pinagtibay ng lehitimong pamahalaan na malayà nating pinili, at ipinatupad nang patas at pantay ng matapang, tapat, walangkinikilingan, at maaasahang puwersa ng pulisya, propesyong legal, at hudikatura, na, una, gumagalang sa ating mga karapatan at kalayàan kapuwa bílang mga indibidwal at mamamayan; ikalawa, naglaláyong iwasto ang kawalang-katarungang nagawa ng lipunan sa mahihirap sa pamamagitan ng pag-aalis o kahit paano’y ang pagpapababà sa kahirapan hanggang ipinahihintulot ng ating tinataglay at kakayahán; ikatlo, lumikha ng nagsasariling ekonomiya na nagbabahagi ng mga pakinabang upang matamo, una, ang pangunahing pangangailangan ng lahat, at pagkatapos ay maglaan ng mataas na antas ng pamumuhay 78

Pandiwa

para sa lahat, ngunit lalong-lalo na para doon sa mga hindi kumikita nang sapat, at may sapat na panahon at dakò na tutulong sa kaniláng lumikha at magtamasa ng ating kultura; ikaapat, baguhin ang ating mga institusyon at estruktura, ang ating mga paraan ng pagkilos at pakikipag-ugnay sa ibá, at kung anumang kawalan ng pagkakapantaypantay ang manatili ay hindi ibinunsod ng mga institusyon at estruktura, maliban na lámang kung ang kawalan ng pagkakapantay-pantay ay kailangan pansamantalá upang paboran ang mga mahihirap sa gitna natin at ang pananagutang ito ay papasanin ng mga mayayaman; ikalima, gumamit ng mga pamamaraan at proseso na makatutulong sa pagtatamo ng mga layuning ito. Mahirap bang makamit ang mga pamantayang ito? Oo, kung ang tinutukoy mo ay makamtan itong ganap at kaagad-agad. Ngunit kahapon lámang, iniisip ng marami na imposibleng makarating sa buwan. Gayundin, di pa natatagalan, si Aristoteles, isa sa pinakamatalinong táong nabúhay ay nangatwiran na ang pang-aalipin ay natural, at itinalâ ang labis na pagpapahirap bílang ebidensiya. Kayâ naman, ang pamantayang ipinapalagay na mataas sa ngayon ay magiging napakababà sa hinaharap. Subalit totoo man ito o hindi ay di na mahalaga. Ang sinabi ni Nikos Kazantzakis sa kalayàan ay totoo rin hinggil sa katarungan: ang pinakamataas na anyo ng natatanging kagalíngan ay hindi ang pagkakamit ng katarungan, iyon ay ang pakikipaglaban nang lubúsan para dito—sa dulo, ang makibáka para sa katarungan, ngunit ayon sa kawalang-hanggan.

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

79

* (Ang papel na ito ay binása sa “Seminar on the Administration of Justice in the Philippines: Focus on the Poor” na inorganisa ng College of Law at ng Law Center of the University of the Philippines, 7-8 Agosto 1981)

MGA TALÂ 1

2

3

4

5

6

7

8

9

10

80

Amenka, Eugene at Alice Erh-Soon Tay, Justice (London: Edward Arnold (Publishers) Ltd., 1979). John Rawls, A Theory of Justice (Cambridge, Mass.: Harvard University Press, p. 3, 1973). Edgar Z. Freidenberg, "The Side Effects of the Legal Process," nása The Rule of Law, inedit ni Robert Paul Wolff (New York: Simon and Schuster, p. 37, 1971). Liham na may petsang 12 Marso 1981 nina Dekano Froilan M. Bacungan ng U.P. College of Law at Tagapangulong Raul P. de Guzman ng U.P. Management Education Council. Ang sumusunod na datos sa wika ay batay sa Jose Villa Panganibán, English-Pilipino Dictionary, 1938-1966, Mimeoscript ng Limbagang Pilipino; at Random House Dictionary of English Language, Unabridged Edition, Jess Stein at Laurence Urdang (New York: Random House). Chaim Perelman, "Concerning Justice," nása The Idea of Justice and The Problem of Argument, isinalin ni John Petrie (London: Routledge at Kegan Paul, p. 16, 1963). Aristotle. "Nicomachean Ethics," nása The Basic Works of Aristotle, inedit ni Richard McKeon, isinalin ni W.D. Ross (New York: Random House, V, 1129-1138, mp. 1002-1022, 1941). Perelman, op cit., p. 26 Apolinario Mabini, "El Verdadero Decalogo," nása La Revolucion Filipina, inedit ni Teodoro M. Kalaw (Manila: Bureau of Printing, Tomo I, mp. 106107, 1931). Emilio Jacinto, "Ang Mga Aral ng Katipunan," nása Buhay at mga Sinulat ni Emilio Jacinto, inedit. ni Jose P. Santos n.p.: mp. 61-63, 1935).

Pandiwa

11

12

13

14

15

16

17

Emilio Jacinto, ibid. ng sumusunod ay isang malayàng salin: 8. Ipagtanggol ang inapi at kabakahin ang umaapi. Andres Bonifacio, “Katungkulang gawain ng mga Z. Ll.B” nása Dekalogo ng Katipunan, p. 1. Ang sumusunod ay isang malayàng salin: 8. Bahaginan mo ng iyong makakayanan ang sinumang kapus-palad. David R. Sturtevant, "Isang Panayam kay Salud Algabre," nása Popular Uprisings in the Philippines, 1840-1940 (Ithaca: Cornell University Press, mp. 290-291, 1976). Emilio Jacinto, op cit. Isang malayàng salin. Andres Bonifacio, "Ang Dapat Mabatid Ng Mga Tagalog," nása The Writings and Trials of Andres Bonifacio inedit ni Teodoro A. Agoncillo, p. 69, 1963). (Isang malayàng salin). Apolinario Mabini, “A Mis Compatriotas,” op. cit., Tomo I, p. 105. Apolinario Mabini, “Cual Es La Verdadera Mision de la Revolucion Filipina?” op. cit., Tomo II, p. 57.

18

Maxwell v. Department of Trade, (I.Q.B. 523, 440 1974).

19

Emilio Jacinto, op. cit. Isang malayàng salin.

20

21

22

23

William Seagle, Men of the Law—From Hammurabi to Holmes (New York: The Macmillan Co., p. 14, 1947.) Lon Fuller, The Morality of Law (New Haven: Yale University Press, mp. 40-41, 1969). Joseph C. Hutcheson, Jr., "The Judgment Intuitive," nása Law and Philosophy, inedit ni Edward Allen Kent (New York: Appleton Century Crafts, mp. 408-409, 1970.) Charter of Economic Rights and Duties of States, Mga kabanata I at II, Art. 1, 2, 7, at 16; tingnan din, inter alia, ang United Nations Declaration on the Granting of Independence to Colonial Countries and People; The Conventions on the Prevention and Punishment of the Crime of Genocide and on the Non-Applicability of Statutory Limitations to War Crimes and Crimes Against Humanity; at ang Declarations of the Elimination of All Forms of Racial Discrimination and on Social Progress and Development.

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

81

24

82

Plutarch."Policola and Solon Compared," nása Great Treasury of Western Thought, inedit nina Mortimer J. Adler at Charles Van Doren (New York: R.R. Bowker Company, p. 869, 1977).

Pandiwa

Isang Istorikong Pagdalumat sa Fliptop para sa mga Guro ng Kulturang Popular Mark Anthony Angeles 1

“ Napakaraming maling akala tungkol sa buong estetika ng battle rap at Hip-hop at kung para saan ang liga. May sari-saring hakà ang mga tao kung para saan ang liga. May sari-saring hakà ang mga tao kung anong uri ng bagay ito . . . at ipinapasok ka nilá sa kaniláng hakà ng kuwento. Siguro ganoon na kalayò ang naabot ng Flip Top pero . . . gusto [kong] maintindihan nilá kung ano talaga ito. Kung pinupuri mo silá para sa mga maling rason, hindi iyon dapat ikatuwa.”2 –Alaric Riam Yuson AKA Anygma, Pundador at CEO ng FlipTop at Flip Top Battle League ( Sa akin ang salin)

SA FACEBOOK PAGE na Fliptop Observer,2 isang skeptic na estudyante ang nagbitiw ng pahayag na hindi na uso ang FlipTop. Kung magtitiwala sa hakàng ito, masasabing hindi na napapanahon ang talakay kung maituturing nga bang modernong Balagtasan ang FlipTop. Gayunman, kung sisipátin ang asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan sa Senior High School (K-12 program), malinaw na makikita ang “Fliptop” bílang isa sa mga halimbawa ng Kulturang Popular sa ilalim ng paksang Sining at Disenyo.3 Kung gayon, hindi lámang isang napapanahong paksa ang FlipTop at ang sinasabing ninuno nitóng balagtasan, kundi isang mahigpit na pangangailangan ang pagsusuri ng dalawang nabanggit upang maigiya sa tamang konteksto ang mga mag-aaral ng Senior High School, sa partikular ang mga nása Baitang 12, mula 2016.

83

May tatlong namamayaning nosyon sa kasalukuyan tungkol sa FlipTop: (1) biglang sumulpot sa ating bansa ang anyong ito; (2) dahil orihinal na yaring Pinas, “Fliptop” ang tawag sa anyong ito; at, (3) ito ay modernong balagtasan. Layunin ng papel na ito na gamítin ang istoriko materyalismo para timbangin ang mga hakà at dalumatin ang kasaysayan ng battle rap, nang maigiya ang mga guro at mag-aaral sa pagkilála sa tunay na tradisyong pinagmulan ng FlipTop. Pag-imbulóg ng Fliptop Umábot na sa mahigit isang milyon ang nag-like ng Facebook page na Flip Top Battle League na karamihan ay nása age bracket na 18-24 taóng gulang. Bukod dito, mahigit 1.2 milyon na ang subscribers ng Youtube account ng nasabing grupo. Masasabing malaganap na ang popularidad ng FlipTop sa kabataan. Patunay nitó ang mahigit 19.9 milyong views ng video na “FlipTop–Loonie/Abra vs Shehyee/Smugglaz @ Dos Por Dos Tournament”4 na ini-upload noong 25 Hulyo 2012 sa nasabing Youtube account. Ang tagisan na inorganisa ng FlipTop Metro Manila ay naganap sa B-Side, The Collective sa Malugay Street, Makati City, Metro Manila noong 6 Hulyo 2014. Ang mabilis at steady na pagsíkat ng FlipTop ay hindi lámang nagpapakita ng pagtangkilik ng kabataan sa Hip-Hop at alternative rap. Patunay ito ng pagbababád ng kabataan sa internet. Naging daan ang social networking site na Facebook at content community na Youtube para maipakilála at masubaybayan ng marami pang internet users ang FlipTop. Ang ating bansa ang ikalawa sa mga nangungunang internet user sa Timog Silangang Asia; pang-anim sa Asia at ikalabimpito naman sa buong mundo. Ayon pa sa Internet World Statistics, inaasahang tataas pa sa 41 milyon ang mga internet user sa ating bansa mula sa 33 milyon nang nakaraang taon.5 84

Pandiwa

Ayon naman sa pagtatáya ng comScore, nangunguna ang ating bansa sa mga online video viewers sa Timog Silangang Asia batay sa 18 porsiyentong pagtaas sa video viewers bawat taon.6 Pinakamalaking bahagdan ng personal computing time sa rehiyon ay nása social networking. Umaábot sa 41.5 porsiyento ng kabuuang panahong pagbababád ng mga Filipino online ay napupunta sa social networking sites. Ayon pa sa comScore, ang ating bansa ay may 92.2 porsiyentong penetration rate sa buong mundo, pumapangalawa lámang sa Brazil na may 92.6 porsiyentong Facebook reach.7 Mayorya ng mga internet user sa Timog Silangang Asia ay nása 35 taóng gulang pababâ, ayon sa comScore. Sa ating bansa, 71 porsiyento ng mga internet user ay nása bracket na 15 hanggang 34 taóng gulang. Hindi lámang isang gawaing sosyal, kundi isang kolektibong gawain ang pag-iinternet. Halimbawa, ang paglalaro ng mga online MMO (massively multiplayer online game) at MMORPG (massively multiplayer online role-playing game) tulad ng DOTA. Mahilig ding magbabád ang kabataan sa social networking sites tulad ng Facebook at Twitter. Mabilis na nagiging viral ang mga Youtube video sa pamamagitan ng Facebook at nagiging panukat din ang mga trending topic sa Twitter para pulsuhán ang saloobin ng karamihan sa mga kabataan. Ayon nga sa pagtatáya ng rapper na si Allen Enriquez AKA BLKD, sa lahat ng dakò ng bansa na naaabót ng internet at may kultura ng pagko-computer shop, kilalá na ang FlipTop. Halos household name na ito. Kung tutuusin, aniya, sa panayam ng may-akda, marami ngang kabataang “FlipTop” na ang tawag sa “battle rap” bagaman pangalan lang naman ito ng isang liga (2014).8 Maraming ulit nang na-feature ang FlipTop sa mainstream media—news, talkshows, at feature articles. Paliwanag pa ni BLKD, ito ang most viewed battle rap league sa Youtube sa buong mundo. Dinaig na nitó ang mga ligang pinaghalawan nitó ng format. Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

85

Puna ni Alaric Riam Yuson AKA Anygma, “Napakaraming maling akala tungkol sa buong estetika ng battle rap at Hip-hop at kung para saan ang liga. May sari-saring hakà ang mga tao kung anong uri ng bagay ito . . . at ipinapasok ka nilá sa kaniláng hakà ng kuwento. Siguro ganoon na kalayò ang naabót ng FlipTop pero . . . gusto [kong] maintindihan nilá kung ano talaga ito. Kung pinupuri mo silá para sa mga maling rason, hindi iyon dapat ikatuwa.”9 (Sa akin ang salin) Hindi pa matukoy ni Anygma kung saan nagmula ang hakà na pangngalang pambalana ang FlipTop. Dagdag pa niya: “Maraming tao ang gumagámit [sa FlipTop] bílang isang pangngalang pambalana, pandiwa, o pang-abay. Pero ito ay isang pangngalang pantangi. Ito ang pangalan ng aming liga. Tinatawag niláng ‘fliptopping’ o ‘fliptopan’ ang mga unang konsepto ng FlipTop. Kakatuwa ito dahil hindi ka naman makakakita ng kabataang nagpupunta sa parke, halimbawa, at nagsu-shoot ng bola, at nagsasabing, ‘Mag-NBA táyo!’ Basketbol ang tawag doon.”10 (Sa akin ang salin)

Nilinaw ni Anygma na battle rap, at hindi “fliptopping” o “fliptopan” ang tawag sa kaniláng ginagawa. Sabi pa niya, “Hindi ito ang simula o katapusan ng Hip-Hop. Basically, isa lang ito sa mga umbrella ng Hip-Hop.”11 (Sa akin ang salin). Ang Ligang FlipTop Nakasanayan ng kabataang Filipino na tawaging “Fliptop” ang mga battle rap dahil bago ito sa kaniláng paningin kayâ ito ang pangalang laging nananariwa sa kaniláng diwa. Tungkulin ng pagkakakilanlan ng isang tatak sa gunita ng mamimíli ang sumukat kung gaano katindi ang “recall” ng isang tatak sa sari-saring kalagayan (Keller 1993). Isa itong penomeno ng pagbubukod o tiyak na paghihiwalay ng isang bagong tatak sa tatak

86

Pandiwa

na kaniláng nakagisnan. Gayunman, hindi na kinakailangang matukoy ng mga mamimíli ang pangalan ng tatak. Nangangahulugan lámang ito na may talab sa mga mamimíli ang isang tatak matapos na makita ang “visual packaging images” nitó (Percy 1992). Naganap sa penomenong FlipTop ang pagtawag natin ng Colgate sa anumang brand ng toothpaste, Xerox sa photocopy, at kyutiks (o Cutex) sa nail polish. Nangyari ito dahil hindi nabantayan ng liga ang milyon-milyong tagasubaybay ng battle rap na walang background sa eksenang Hip-Hop at ni hindi man lámang naglaan ng oras para saliksikin ang nasabing mga genre/subgenre sa internet.12 Ang FlipTop (FlipTop Kru Inc.) ay ang grupong nagsagawa ng kauna-unahang Filipino Battle Rap League sa bansa. Naganap ito noong 6 Pebrero 2010 sa Quantum Café, Makati. Dito nag-battle ang mga MC na sina Fuego, Protégé, Datu, at Cameltoe. Sa freestyle rap, ang pagbabalik ng insulto sa kalaban ay tinatawag na “flip.” Ayon sa kaniláng Facebook page, ang FlipTop ay isang events at artist managing organization. Ang FlipTop Battle League naman ay ang kauna-unahang Filipino Battle Rap League sa bansa. May English at Filipino Conference ito at may ibá’t ibáng dibisyon (Metro Manila Division, Mindanao Division, Calabarzon Division, at Central Luzon Division).13 Itinayo ni Alaric Riam Yuson AKA Anygma, anak ng makatang Alfred Yuson, ang ligang FlipTop. Siyá ang tumatayong CEO ng FlipTop Battle League. Si Anygma rin ang emcee ng independent collective na A.M.P.O.N. (Absolute Messages Personified Over Noise) at ng grupong Talksic Ways. Emcee o MC (“Master of Ceremonies”)14 ang tawag sa rapper o artistang may angking kakayahán sa pagtatanghal (Edwards 2009).

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

87

Nabigyan ng parangal ni Anygma ang bansa nang maganap ang battle rap na Tectonics noong Disyembre 2010. Bumisita sa bansa ang mga MC mula Grind Time Now—grupong nakabase sa US at siyáng naglapat ng standard sa battle rap na sinusunod ng FlipTop. Pinangunahan ng rapper na si Dirtbag Dan ang tropang Kano. Napanalunan ng Pinoy MCs ang tatlong laban at sa araw na iyon, sa pamamagitan ng grupong FlipTop, nakilála ang Pinoy rap sa buong mundo. Balik-tanaw ni Anygma, “Nang dumating sa bansa ang modernong pormat ng battle rap, naisip ko na hindi ito maiintindihan ng karamihan. Gustong maláman ng karamihan sa [mga Filipino] kung ang klase ng eksena, ang modernong pormat na ito ay nagagamit sa eksenang Hip-Hop dito sa bansa. nagkaroon táyo ng mga battle sa freestyle era pero ibáng-ibá ito sa kabuuan.”15 (Sa akin ang salin) Pagmamakata Sa isang battle rap, ang mga rapper ay nagpapalítan ng maaanghang na salitâ para maláman kung sino ang mas magaling na “makata.” Ang isang makata ay makikitahan ng kahusayan sa pagtula.16 Sa unang tingin, saknúngan ang batúhan ng mga linya ng mga emcee. Isa pa, inaasahang nagtutugma ang mga hulíng salitâ ng kaniláng mga linya tulad ng ginagawa sa tradisyonal na panulaan (may tugma at súkat). Tinatawag na mga bar ang mga linya (ng berso) sa rap, tulad ng tawag sa musical duration. Paliwanag ni BLKD, sa karaniwang beat ng Hip-Hop (4/4 time signature), ang isang bar ay mula sa unang kick drum hanggang sa pangalawang snare drum. “At usually, kapag nagsusulat ang isang emcee, ang lines niya sa verse ay kasiya/sakto sa bars ng beat. So usually, sa rap, 1 line (poetry) = 1 bar (music); dahil diyan, halos synonyms na rin sa Hip-Hop ang ‘line’ at ‘bar’.” 88

Pandiwa

Maaaring kabisado na ng MC ang kaniyang mga sasabihin na para bang may bitbit siyáng mga armas at pipili na lámang kung alin ang mas lethal gamítin lalo na sa rebuttal o pagkontra sa argumento o insulto ng kaniyang kalaban. Ibig sabihin, napaghandaan na niya ang battle, isinulat at kinabisado na ang mga sasabihin. Maaari din namang freestyle—espontaneo o free-flowing—ang kaniyang mga linya (sa old school Hip-Hop noong 1980s, ang tinatawag na freestyle rap ay pre-written din). Multi ang tawag kung gumagámit ng higit sa one syllable rhymes ang emcee. Karaniwang may kasabay na instrumental beats ang pagra-rap. Ito ang ikinaibá ng rapping sa spoken word poetry. Ilan sa mga kilaláng nag-battle rap ay sina LL Cool J, Dr. Dre, Snoop Dogg, at MC Hammer. Gayunman, dahil magkaharap ang mga emcee na nagtatagisan sa battle rap at nagpapalítan ng mga bar, nakilála itong “modernong balagtasan.” Si Balagtas at ang Balagtasan17 Kilála ng karamihan si Francisco dela Cruz Baltazar AKA Francisco Balagtas dahil kasáma sa high school curriculum18 ang kaniyang awit na Florante at Laura.19 Napagkakamalan siyáng “Hari ng mga Makata” at siyáng may sulat ng koridong Ibong Adarna (na isinulat diumano ng kaniyang guro sa pagtulang si Jose dela Cruz o Huseng Sisiw ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito napapatunayan). Gayunman, para sa mga kritikong Tagalog na sina Julian Cruz Balmaseda at Hermenegildo Cruz, siyá ang “Hari ng Makatang Tagalog.” Tulad ng nakagawian na sa pag-aaral ng mga nobelang isinulat ni Jose Rizal—ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo—ay pinagaaralan din sa hay-iskul ang talambuhay ni Balagtas bago pasúkin ang salimuot ng kaniyang Florante at Laura. Kailangan ito dahil bahagi ng Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

89

nasabing awit ang tulang dedikasyon ni Balagtas sa kaniyang musa (o inspirasyon sa pagsusulat) na itinago niya sa mga pangalang “Celia” at “MAR.” Ipinakulong diumano siyá ng karibal niya kay “Celia” sa bintang na pagpapakalbo sa kaniyang kasambahay. Nang siyá ay lumabas sa kulungan noong 1838 ay ipinalimbag niya ang Florante at Laura (kayâ may mga iskolar na nagsasabing isinulat iyon ni Balagtas hábang nása kulungan). Ang pasákit ni Balagtas sa pag-ibig ay naging alegorya ng pasákit ng sambayanan sa kamay ng kolonyalismong Español. Ang husay niya sa pagsulat ng tula ay ábot-langit na hinangaan ng mga manunulat hanggang sa panahon ng kolonyalismong Americano. Malaki ang ambag ni Balagtas sa panitikang Filipino. Nabanggit siyá sa Noli Me Tangere. Sinipi rin siyá ni Emilio Jacinto sa kaniyang mga sulatín. Ipinagdiriwang na noon pa man ang kaarawan ni Balagtas (Abril 2). Batay sa saliksik ni Virgilio S. Almario, noong hápon ng 28 Marso 1924, sa isang pulong bílang paghahanda para sa Araw ni Balagtas, ipinanganak ang “balagtasan” (2003). Ayon kay Almario, naghanáp ng isang alternatiba ang mga kasáma sa pulong para sa pagdiriwang ng Araw ni Balagtas nang taóng iyon. Kailangang ito ay bago at kapana-panabik. May nagmungkahi na magsagawa silá ng bagong duplo. Wala namang tumutol. Tinawag itong balagtasan. Sikát pa sa kanayunan nang mga panahong iyon ang duplo. Isa itong dula na ipine-perform sa mga búrol para aliwin ang mga kaanak na namatayan at mga nakikiramay. Ayon kay Almario, ginawang tigatlo na lámang ang gumaganap para sa balagtasan at ginawa na lámang isang oras ang pagtatanghal.

90

Pandiwa

Itinanghal ang kauna-unahang balagtasan noong 2 Abril 1924. Tatlong pares ang gumanap, kasáma na ang bantog na makatang si Amado V. Hernandez. Pero ang pinakapatók sa mga manonóod ay ang balagtasan nina Jose Corazon de Jesus AKA Huseng Batute at Florentino Collantes. Isinulat at pinagdebatehan nina de Jesus at Collantes ang tema ng balagtasan na “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.” Nagwagi si de Jesus sa nasabing balagtasan. Dahil sa tagumpay ng naturang timpalak ay naulit ang balagtasan nina de Jesus at Collantes na naganap noong 18 Oktubre 1925. “Freestyle” na ang patakaran ng timpalak ngunit may tugma at súkat pa rin ang kaniláng mga tula. Sikát na si de Jesus bago pa ang naganap na balagtasan ngunit dahil sa okasyong iyon ay binansagan siyáng “Hari ng Balagtasan.” Dinumog ng publiko ang sagupaán sa pagtula sa malalakíng tanghalan noon tulad ng Opera House, Olympic Stadium, at Teatro Zorilla. Inangkin din ito sa ibáng rehiyonal na wika gaya ng Ilokano, Kapampangan, Ilonggo, Sebwano, gayundin sa wikang Ingles at Español (Zafra 1999). Balagtasan at Battle Rap Bukod sa pagkakamaling FlipTop ang tawag sa battle rap, laganap na rin ang pagkilála rito bílang “modernong balagtasan.” Kinonsenti ng mga guro ng asignaturang Filipino at mga nakaupo sa Kagawaran ng Filipino ang ganitong pagkakamali para na rin magkaroon ng panibagong-bihis ang balagtasan na patok tuwing Buwan ng Wika. Dahil patók sa kabataan ang battle rap, padaskol na binansagan itong modernong balagtasan para makuha ang loob ng kabataan (“mass appeal”). Hindi ito malayo sa ginawang paghalaw sa mga diyos ng mga Romano para sa mga diyos ng Simbahang Katolika sa Roma at

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

91

sa pagtatayô ng mga simbahan ng Simbahang Katolika sa mga bahaysambahan ng mga katutubo sa ating bansa. May tatlong pamantayan diumano para masabing “modernong balagtasan” ang battle rap: (1) may tugma at súkat ang mga binibitawan niláng salitâ; (2) may tema ang battle rap tulad ng balagtasan; at, (3) nagsasagutan ang magkakalabang emcee, kayâ ito ay isang uri ng verbal joust. Maliwanag na nabanggit sa itaas na hindi sumusunod sa tradisyonal na panulaang Filipino ang battle rap dahil hindi ito gáling sa ating bansa. Kayâ hindi ito maaaring pasúkan ng mga antas ng tugmàan, sesura, at ibá pang katangian ng Balagtasan. Sa halip, ang battle rap ay gumagámit ng internal rhyming at rhyme bending. Paliwanag nga ni BLKD, “Internal rhymes ‘yung last syllable ng mga linya lang naman talaga ang ‘required’ na nagra-rhyme sa rap. So everything else na nagra-rhyme pa sa loob ng linya, tinatawag na lang naming ‘internal rhymes.’ Kayâ basically, ‘yan na rin yung assonance, consonance, alliteration, at ibá pang hindi ko na alam ang tawag (kung meron pa).” Ang rhyme bending, pagpapatúloy pa ni BLKD, ang dahilan kung bakit mas liberal sa rap ang patakaran ng tugmàan. Makikita ang rhyme bending at/o offbeat rhyme sa mga modernong tula. Kayâ kalabisan na sabihing “modernong balagtasan” ang battle rap kung maging ang patakaran nitó sa tugmàan ay mas hawig sa modernong panulaan. Dahil sa usapin ng panulaan sa bansa, ang modernong panulaan ay hindi “modernong balagtasan.” Ayon kay Almario, ang mga makata ng balagtasan ay kinakailangang aliwin ang kaniláng tagapanood sa pamamagitan ng ilang patawa, witticism, pang-uuyam, at theatrics tulad ng mga gumaganap sa mga madulang pagtatanghal. 92

Pandiwa

Gayunman, ayon nga kay BLKD, “Bagama’t parehong nagtatampok ng tunggalian ng pagtula, magkaibá ang sensitivities ng [battle rap at balagtasan]. May magkaibá siláng pinagmulang kasaysayan, kinabibilangang kultura, at mahalagang kilalanin natin ‘yon.” Hindi gaya ng sa balagtasan, walang tema o pangkalahatang paksang sumasaklaw sa bawat timpalak ng battle rap. Ang mayroon lámang ay sapalaráng pagpupukol ng mga bar batay sa binitawang bar ng kalaban. Tulad ng isang dugtúngan na wala ring tema, kailangang masagot ng kabilâng panig ang pukol ng kaniyang katunggali. Kailangang maitayô ang kaniyang bandera, kung hindi man, mahigitan o madurog ang bar ng kaniyang katunggali. Kayâ naman, gayong masasabing isang “verbal joust” ang battle rap, hindi ito dapat iugnay sa balagtasan. Gayong halos magkalapít ang kalugurang makakamit sa dalawang ito, magkaibáng larang ang pinagmulan ng dalawa. Isa pa, kalabisang sabihin na kayâ maaaring tawaging “modernong balagtasan” ang battle rap ay sa dahilang ang “mass appeal” nitó ay ang parehong appeal na mayroon sa balagtasan. Unang-una, hindi nagustuhan ng mga tagasubaybay ng battle rap ang larangang ito dahil mahilig din silá sa balagtasan. Kayâ naman hindi tinatanggap maski ni Anygma na “modernong balagtasan” ang battle rap. Ayon sa kaniya, “It is such a poor analogy of battle rap. It is unnecessary. It is misleading. It is almost like insulting for the masses as if they are not capable of understanding it in its actual definition. It is disrespectful to the culture that we’re trying to support and we’re trying to empower.”20 Napakaliwanag ng pagsalungat ni Anygma. May isang mundo ng musika na tinatawag na Hip-Hop. Gayundin, isa itong bahagi ng kultura, at sa loob ng kulturang iyon ay may isang mundong tinatawag na battle rap. Sa unang tingin, ang uri ng verbal joust sa battle rap ay purong pang-iinsulto sa kalaban. Ang lawrel nga ay hindi base sa kung sino ang Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

93

magaling bumigkas ng tugmàan kundi kung sino ang pinakamabilis at pinakaismarteng mang-insulto. Kayâ nauuwi ang debate sa pagtíra sa pisikal na kapintasan (kung sino ang pangô, mukhang butiki, parang piyanong kulang sa teklado ang ngipin); sa kung sino ang nagsa-shabu, ang university drop out, ang iniputan sa ulo ng girlfriend; kung sino ang traydor na kaibigan o maski ang hindi marunong mag-freestyle. Sa kasaysayan ng tradisyonal na panulaang Filipino, makikita ang katangiang ito—hindi sa balagtasan kundi sa isang uri ng tuladula sa Visayas. Isang misyonerong Heswita, si Francisco Ignacio Alcina, na nadestino sa Samar, Cebu, at Leyte, ang nagsabing may katutubong tula ang mga taga-Leyte at Samar. Tinatawag itong bikal (Fernandez 1980). Isang verbal joust ang bikal. May magkatunggalîng nag-aasaran (isang pares ng laláki at babae; minsan isang pares na kapuwa-laláki o kapuwa-babae) sa loob ng isa hanggang dalawang oras. Wala siláng gagawin sa loob ng dalawang oras kundi insultuhin ang kalaban na hindi napipikon sa ibinabato niláng putik. Gayunman, pinuna rin ito ni Anygma. Aniya, iniisip ng mga tao na ang mga “battle versus” ay naglalaman lámang ng mga bulgar na salitâ at múra. Ibinigay niyang halimbawa ang emcee na si Batas dahil siyá ang laging itinuturo ng mga kritiko. Ani Anygma, “Sa lahat ng dinurâ [ni Batas], mga múra lang ang napapansin nilá. They always accuse him of resorting to sheer vulgarity, all the swear words. They overlooked the concepts Batas makes use of: the angles and stuff like that.”21 Tunay na Lolo sa Talampakan Napakahabà ng kasaysayan ng Hip-Hop at alternative rap. Ang nuno ng pagra-rap ay nagmula sa West Africa, sa maalamat na grupong tinatawag na mga griot. Ginamit ang mga griot noong 94

Pandiwa

Mali Empire (1245-1468) bílang mga propesyonal na tagapagbigkas ng epiko, tagapuri, at mga musikero. Maihahalintulad silá sa mga binukot at tagapagsalaysay ng epiko sa ating bansa bago pa man táyo sakupin ng mga Español (Sajnani 2003). Tulad ng nuno ng blues o jazz music, ang tradisyong ito ay pinalaganap ng mga aliping Afrikanong dinalá sa US noong unang panahon. Binanggit ko ito dahil gusto kong idiin na ang pagra-rap at kulturang Hip-Hop ay nagmula sa diwa ng mga alipin—inawit nilá ang kaniláng saloobin, kalagayan, at nasàng wakasán ang pang-aalipin. Gusto ko ring banggitin na gáling din sa mga alipin ang capoeira, mojito, at maging ang ating arnis at maglalatik. Ang capoeira ay martial arts na itinago sa katutubong sayaw ng mga aliping Afrikano sa Brazil para linlangin ang kolonyalistang Español at British. Ang mojito ay likha ng mga aliping Africano na nagsakada sa Cuba noong kinolonya silá ng mga Español. Samantála, ang arnis naman ay martial arts sa ating bansa na ginamit sa mga dulâng moro-moro bílang props noong panahon ng kolonyalismong Español. At ang sayaw na maglalatik ay tungkol sa pag-aagawan ng mga Moro at Kristiyano sa industriya ng latik. Naglalaman din ito ng katutubong martial arts. Bílang alternative rap na subgenre ng Hip-Hop, ang kasaysayan ng battle rapping ay inilalapit sa kasaysayan ng Hip-Hop. Hindi isinaalangalang ang modo ng battle rap na pang-iinsulto sa kalaban maliban sa pag-alála sa pagta-trash-talk ni Muhammad Ali sa kaniyang mga nakalaban. Gusto kong ihain ngayon ang isang palagay: ang battle rapping ay mula sa isang lumang kaugalian ng mga kolonyalistang British sa US. Magkamag-anak ang battle rap at iyong paraan ng pang-iinsultong tinatawag na “Yo Momma” kung saan binabanggit ang “Yo Momma” at dinudugtungan ng mga insulto (halimbawa, “Yo Momma was mistaken as an elephant.” na sasagutin naman ng “Yo momma ___” ng kabilâ). Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

95

Noong panahong ginagámit pa ang mga aliping Africano sa US, ibinebenta siláng tulad ng mga prutas at gulay sa palengke. Sa “pakyawan,” iniinsulto ng isang Puti ang pisikal na anyo ng ibinebenta ng kaniyang kalaban para mabili ang kaniyang alipin. Halimbawa, sinasabi niyang maliit ang biyas ng ibinebentang alipin ng kakompitensiya, o piláy ang isang paa, o malabo ang mga mata. Makaaapekto sa performance ang mga physical defect na ito at malamáng ay hindi bilhin ang alipin. Sa pamamagitan ng battle rap, mistulang isinasadulâ ang pagbebenta ng mga alipin sa palengke. Sa ganitong sípat, mapapagitaw natin ang kalupitan ng kolonyalismo, at kung gayon, ang kontraimperyalistang pagkilos sa ngayon. Nangyari na ito noong panahon ng pananakop ng mga Español, ayon kay Dr. Bienvenido Lumbera, kung saan binaluktot ni Marcelo del Pilar ang duplo para gawing armas laban sa mga Español (2000). Ayon nga kay BLKD, “Bagama’t mas natatampok sa FlipTop ang laitán at katatawanan, maláy ang mga manonood na ang entertainment na nakukuha nilá rito ay mula sa husay ng mga emcee sa pagpili ng mga salitâ, sa paghabi ng mga linya, sa pagtutugma. Kahit papaano, nakakaimpluwensiya ito sa ilang mga kabataang mag-aral sa wika, sa musika, sa pagtatanghal.” Mungkahi sa mga Guro Mahalagang pag-aralan ang FlipTop hindi lámang bílang bahagi ng kulturang popular, kundi para maitampok ito bílang bahagi ng kontemporaneong kulturang Filipino sa harap ng ASEAN integration. Sa ganitong palagay, kailangang pagitawin ang kritika ni Lumbera tungkol sa kulturang popular; na hindi ito ang tunay na kultura ng mga Filipino, kundi kung ano ang isinusubo sa atin ng mga dominanteng puwersa sa ating lipunan. Kailangang tukuyin na ibá ang kulturang bayan sa kulturang popular. Sa pamamagitan nitó, maiaangat natin ang kulturang makabayan (1997).

96

Pandiwa

Dahil na rin sa mga inobasyong pangkomunikasyon tulad ng internet, kailangang galugarin ang social networking sites kung saan naglalagi ang karamihan sa mga kabataan. Gamítin ang bisà ng Facebook at Youtube, kung paano rin ginamit ang mga ito ng mga organisador ng FlipTop at kung saan naroon ang kaniláng mga video. Bigyang-diin ang etika maging sa paglikha ng mga bar. Gawing halimbawa ang mga banat ni BLKD, isang responsableng aktibista at rapper, tulad ng sumusunod: “Aking tusong-tusong tutugisin ‘tong tukmol na si 2Khelle. Tututulan kung tumugma para tumulala’t tumigil. Tuwang-tuwa kong tutuligsain tuktok nitóng tunáw. Tuturuan kong tumula ‘tong tulalâng tutàng tungaw. Kilalá ang bayan n’yo bílang maunlad na bayan sa may kalayuan. Pero ‘yang mga tulad mo kumikita lang sa pagpapaalila sa dayuhan. Basta’t puti at may pera dinudiyos mo, Pareho kayo ni Noynoy dahil Kano ang boss mo!”22

Sa mga banat din ni BLKD, makikitang ang rehistro ng wika sa FlipTop ay hindi kailangang laging pabalbal o bastos. Magagámit din ang katutubong wika tulad ng paggámit ni BLKD ng Tagalog Cavite. Mahalagang madalumat ang battle rap dahil bahagi na ito ngayon ng K-12 curriculum. Una, ngayong alam na natin na ang FlipTop ay isang company name, kailangang ituwid ang mga pagkakamaling nagagawa sa mga palíga ng battle rap sa mga barangay at ibá pa, kung saan ginagámit ang logo ng FlipTop sa mga tarpaulin para ianunsiyo ang mga timpalak ng battle rap kahit hindi naman ito inorganisa ng FlipTop. Ang pagtutuwid na ito ay pagpapahalaga sa karapatan at proteksiyon sa logo ng mga nagmamay-ari ng kompanya; at kung gayon ay saklaw rin ng asignaturang Entrepreneurship sa K-12 curriculum. Ikalawa, ang pagpapahalaga sa pagdadalumat ng isang bagay o paksa ay may kabutihan ding idudulot sa karakter ng mga estudyante dahil itinuturo nitó na pahalagahan ang pagdadalumat sa kasaysayan ng mga bagay na patungkol sa pagiging Filipino. Kung gayon, maisusulong nitó ang pagdalumat sa ating pambansang pagkakakilanlan. Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

97

MGA TALÂ 1

2

3

4

5

6

7

8

9

98

Si Mark Anthony Angeles ay isang premyadong manunulat. Noong 2013, naging writer-in-residence siyá sa International Writing Program sa University of Iowa, USA at Mananaysay ng Taon. Dati siyáng pangalawang pangulo para sa Luzon ng College Editors Guild of the Philippines. Sa kasalukuyan, isa siyáng kolumnista sa Pinoy Weekly, literary editor ng bulatlat.com, at features contributor sa GMA News Online. Bukod sa kaniyang mga aklat ng mga tula, maikling kuwento, at kuwentong pambatà, siyá rin ay may-akda ng mga modyul para sa Sining at Disenyo (Baitang 12) sa ilalim ng DIWA Learning Systems, Inc. “Fliptop Observer.” Facebook. 4 Hulyo 2011. https://www.facebook.com/ fliptopobserver/. “Senior High School Contextualized Subjects.” Department of Education. 24 Enero 2014. http://www.deped.gov.ph/index.php/resources/curriculumguides/shs-contextualized-subjects. “FlipTop - Loonie/Abra vs Shehyee/Smugglaz @ Dos Por Dos Tournament.” Youtube. 25 Hulyo 2012. Masisipat sa https://www.youtube.com/ watch?v=gyIxD5K4lUo. “Growing Internet users in Philippines.” Tempo. 15 Pebrero 2014 http:// www.tempo.com.ph/2014/02/growing-internet-users-in-philippines/. Visconti, Katherine, “PH Internet audience growth fastest in Southeast Asia.” Rappler. 1 Agosto 2013. http://www.rappler.com/life-and-style/ technology/35384-philippine-internet-audience-growth-comscore. “2013 Southeast Asia Digital Future in Focus.” comScore. 25 Hulyo 2013. http:// www.comscore.com/insights/presentations_and_whitepapers/2013/2013_ southeast_asia_digital_future_in_focus. Batay sa panayam ng may-akda noong 14 Pebrero 2014 na naganap sa Facebook. Para ito sa lathalaing isinulat ng may-akda para sa GMA News Online na may pamagat na “Is FlipTop the modern-day Balagtasan?.” “WIP :: ANYGMA.” Youtube. 21 Enero 2014. https://www.youtube.com/ watch?v=gsr9xQfrd_Y.

10

Ibid.

11

Ibid.

Pandiwa

SANGGUNIAN Almario, Virgilio S. "Art and Politics in the Balagtasan," isang panayam na nása UCLA Center for Southeast Asian Studies Colloquium Series. 21 Oktubre 2013. ———. Balagtasismo Versus Modernismo. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1984. Angeles, Mark Anthony. "Is FlipTop the modern-day Balagtasan?" nása GMA News Online. 1 Marso 2014. http://www.gmanetwork.com/ news/story/350760/lifestyle/artandculture/is-fliptop-the-modern-daybalagtasan. Edwards, Paul. "How to Rap: The Art & Science of the Hip-Hop MC," nása Chicago Review Press. 2009. Fernandez, Doreen. “From Ritual to Realism,” isang panayam na nása First International Philippine Studies Conference. Kalamazoo, Michigan, 1980. Keller, Kevin. “Conceptualizing, measuring, and managing customer-based brand equity,” nása The Journal of Marketing.1993. Lumbera, Bienvenido. Writing the Nation/Pag-akda ng Bansa. Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Press, 2000. ———. Revaluation: Essay on Philippine Literature, Cinema, and Popular Culture. Lungsod Maynila: University of Santo Tomas Publishing House, 1997. Percy, Larry at John Rossiter. “A model of brand awareness and brand attitude advertising strategies,” Psychology & Marketing.1992. Rizal, Jose. Noli Me Tangere, isinalin ni Charles Derbyshire. Manila, 1912. Sajnani, Damon. “Troubling the Trope of ‘Rapper as Modern Griot,’” nása The Journal of Pan African Studies Tomo 6, Blg. 3, September 2013. Zafra, Galileo. Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1999. 12

13

14

15

Mark Anthony Angeles, “Ang Battle rap at Pinagmulan Nitó.” Liwayway. 15 Abril 2013. “FlipTop Battle League.” Facebook. 6 Pebrero 2010. https://www.facebook. com/fliptop.battleleague/info. Grandmaster Caz, “The MC Master of Ceremonies to Mic Controller.” Davey D. http://www.daveyd.com/historyemceegmcaz.html. “WIP :: ANYGMA.” Youtube. 21 Enero 2014. https://www.youtube.com/ watch?v=gsr9xQfrd_Y. Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

99

16

17

18

19

20

21

22

100

Mark Anthony Angeles, “Makata.” Pinoy Weekly. Marso 2014. http:// pinoyweekly.org/new/2014/05/makata/. Mark Anthony Angeles, “Ang Pinoy Fliptop at ang Balagtasan.” Liwayway. 18 Marso 2013. Sa K-12 curriculum, tatalakayin ang Florante at Laura sa ikaapat na markahan ng Grade 8. Ang buong pamagat ng aklat ay Pinagdaanang Buhay nina Florante at Laura sa Kahariang Albanya: Kinuha sa madlang “cuadro histórico” o pinturang nagsasabi sa mga nangyayari nang unang panahon sa Imperyo ng Gresya, at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog. Mula sa panayam ng WIP kay Anygma. Sinadya kong hindi isalin sa Filipino bílang pagdidiin. Mula sa panayam ng WIP kay Anygma. Sinadya kong hindi isalin sa Filipino ang ilang bahagi bílang pagdidiin. “FlipTop - BLKD vs 2Khelle.” Youtube. 15 Abril 2011. https://www.youtube. com/watch?v=zX7cZsU9DAE

Pandiwa

Ang mga Patibong ng Pagkatáong Filipino José Ma. Bartolome Salin ng "The Pitfalls of Filipino Personality" ni Sandor B. Abad

Ninanais ng lathalaing ito na suriin ang konseptong “personalidad o pagkatáong Filipino” at ipakita na mapanganib ang paggámit nitó. Nilalayon din na ipakita kung paanong ang isang bagay na lubhang makabayan ay maaaring gamítin laban sa bayan. Nililiwanag ng may-akda ang ilang bagay tungkol sa hiya, utang na loob, at ibá pang mga katangiang Filipino sa pamamagitan ng paglalahad sa mga ipinahihiwatig ng konseptong pagkatao pati na ang kahulugan ng pagiging Filipino.

ANG PERSONALIDAD, MULA sa salitâng-ugat na persona na nangangahulugang maskara ay karaniwang nauunawaang tumutukoy sa kabuuang pagkatao at mga katangian ng isang tao. Subalit sa akademya, ang pinagtatalunan ay ang pagkakabuo at estruktura ng personalidad o pagkatao. Kayâ, kahit karamihan sa mga social scientist, partikular ang mga sikolohista ay magkakaisa sa depinisyong ang personalidad ay “ang katangian ng mga kilos at paraan ng pagiisip,” pagtatalunan nila agad ang pagkakabuo at ang paggámit nitó. Ang ganitong karaniwang depinisyon ay bigo rin sa pagsagot sa tanong kung ang personalidad o mahahalagang aspekto nitó ay pangmatagalan o depende lámang sa isang sitwasyon. Totoong walang malinaw na sagot, maliban kung kabílang ka sa isang grupong may tiyak na paniniwala, at lubusang di pumapansin sa mga katwiran ng ibáng tao. Sa puntong ito, nakatutuwang pansinín na sa dami ng mga táong may interes, ang posisyon ng mga bagay sa kalawakan kung may isang ipinanganak ay nagpapasiya sa 101

personalidad ng táong iyon. Sa katunayan, ang horoscope ang isa sa pinakakaraniwang makabagong sikolohiya sa ating panahon. Ang makatagpo ng isang estudyante sa kolehiyo o hay-iskul na hindi alam ang kaniyang zodiac sign ay napakahírap. Subalit, hayaan natin ang astrolohiya sa libangan, gayunman. Doon iyon nararapat mapabílang. Samakatwid, kapag pinag-uusapan natin ang personalidad, ang ating pinag-uusapan ay tungkol sa konseptong hindi gaanong malinaw. Sa kasamâang-palad (o sa kabutihang-palad ng ibá) hábang ang mga tao ay lumalayo sa pagtalakay sa konsepto at ang pinapansin ay ang pragmatikong mga pangangailangang sisihin ang isang bagay dahil sa isang hindi kanais-nais na pangyayari, agad nadadawit ang personalidad. Si Pedro ay mahirap sapagkat siyá ay tamad. Si Pablo ay mayaman sapagkat siyá ay masipag. Tandaan na ang kababanggit na pahayag, kung di maipaliliwanag ay nagpapahiwatig na ang katamaran ni Pedro at kasipagan ni Pablo ay likás sa kanilá. Mayroong nakakubling palagay na ang ugali ay katangian ng isang tao, at ang mga ugaling ito ay matagalan, kayâ nga kaniya-kaniyang kapalaran ng mga nagtataglay. Sáyang lang na ang araw-araw na usapan ay punô ng mga sapantaha na ang berasidad o pagbatay sa lohika, karamihan sa atin ay hindi man lang pinagkaabalaháng suriin ng marami sa atin. Walang intensiyon dito na alisán ng mayaman at mahalagang konsepto ng personalidad ang araw-araw na usapan. Ang iminumungkahi dito ay ang maselang na pagtingin sa partikular na katawagang ito, o kahawig na mga konsepto para dito, lalo pa’t ito’y may seryosong implikasyon tulad ng sa idea ng pagkatáong Filipino. II Sino ang Filipino? Kadalasang hindi natin ito pinapansin. “Lahat táyo ay mga Filipino, bawat isa sa atin dito” hangga’t ang isa sa atin ay magbuklat ng mga pahina ng kasaysayan. Ang katotohanan ay walang mga Filipino bago dumating ang mga Español. Ang salitâng Filipino ay lumitaw noong malápit nang matapos ang kaniláng kolonyal na pamamahala. Noong unang ginamit ang Filipino, hindi ito tumutukoy 102

Pandiwa

sa mga táong naninirahan sa kapuluan sa pangkalahatan, kundi sa creoles o sa mga Español na ipinanganak sa Filipinas. Ang mga tao ay tinatawag na indios. Nagsimula ito, samakatwid, bílang isang elitistang termino na nagpapakilála sa isang grupo ng mga táong higit na nakatataas sa “katutubo” subalit hindi kapantay ng mga peninsulares, o ng mga opisyal at klerigong Español. Ang yugto ng kasaysayang ang mga karaniwang tao ay tinatawag na indios at ang tawag na Filipino ay nakareserba sa iilan ay matagal nang lumipas. Subalit hindi ito nakatulong sa ating pagpapasiya kung sino ang Filipino. Sa legal na batayan, ang mga Filipino ang mamamayan ng republikang ito. Ang depinisyong ito, gayunman ay maaaring hindi katanggap-tanggap sa kasalukuyang marami ang mga naturalisado, tulad ng mga Tsino sa bansa, dahil lámang sa kabuhayan. Hindi natin magagámit ang legal na depinisyon para sa konseptong sosyo-sikolohiko. Kung dapat táyong magkaroon ng batayang sosyo-sikolohiko para sa ating depinisyon, kailangang isaalang-alang natin ang libolibong mga Filipinong nása ibayong dagat (mga mamamayang Filipino, na nabibílang sa lahing Filipino, kung mayroon man) kasáma marahil ang nakasaad sa ating depinisyon ay ang nagpapakamatay makakuha lámang ng ibang pagkamamamayan. O kayâ’y ang mga naninirahan sa kapuluan ngunit mas pinipili pa ang umalis. Huwag kalimutan ang nabanggit na nakababahalang mga tanong, marahil magagámit natin ang depinisyon ng isang social scientist na nagsasabing ang Filipino ay sinumang may pag-iisip na siyá ay Filipino. Ang depinisyong ito ay talagang nakaiiwas sa maraming sigalot. Gayunman, sa dami ng mga tao sa bansang ito na pumipila pa sa mga embahada sa Makati at Manila, darating ang panahong ang lahing Filipino ay mabilis na maglalaho.

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

103

III Ngayong nabuksan natin ang ilang mahahalagang pagsasaalangalang sa ibáng pagkakataon ay simpleng mga depinisyon ng “personalidad” at “Filipino,” tanggapin na natin itong magkasáma. Ang Pagkatáong Filipino (Filipino Personality) bílang kurso sa gradwadong paaralan ay payak na tumutukoy sa pag-aaral ng personalidad sa konteksto ng Filipinas. Kung hindi, ang katawagan ay madaling maipakahulugang mga kaugaliang taglay ng mga Filipino. Upang maging tiyak, ang gámit ng personalidad ng Filipino sa kontekstong ito ay dapat na tumukoy sa katangian o tipikal na huwaran ng pag-uugali at tiyak na mga perspektibang taglay ng mga Filipino bílang isang grupo ng mga tao. Sa madaling salitâ, may mga asal at paraan ng pag-iisip na lubusang kakaibá sa grupo. Kapag ang ibáng mga tao ay mayroon ding ganitong mga asal at paraan ng pag-iisip, maaaring nagkakaibá lámang sa mga tawag sa kanilá, samakatwid walang gaanong kabuluhang tawagin siláng Filipino. Subalit, paano táyo umábot sa pagsasabing ang partikular na huwaran ng pag-uugali o kaasalán ay Filipino? Inihambing ba natin ito sa kaasalán ng ibáng mga tao? O naisip lámang nating Filipino ito sapagkat may napansin táyong mga Filipinong taglay na nilá ito? Ang puntong ipinapakita dito ay ang kaugnayan ng katinuan ng isang ideá at ang paraan ng pag-abót sa gayong ideá. Ang isang mahusay na paraang nagbubunsod ng mahusay na resulta ay nangangailangang gumawa táyo ng paghahambing at pagsasalungatan bago maghinuha na ang isa ay hindi katulad ng ibá. Kung hindi natin aktuwal na nasusuri ang ibáng mga kultura, lalo na yaong dumaan sa kaparehong mga karanasang pangkasaysayan tulad ng sa atin, paano natin masasabing ang isang bagay ay bukodtanging Filipino?

104

Pandiwa

IV Napalalampas natin, kung may isang idinadahilan ang mga personalidad gaya ng sa depensa, bílang lusútan. Ang ideáng Filipinong personalidad, gayunman (o kahawig ng pambansang pamána, pambansang kultura tulad ng ideáng pagbúhay muli sa mga barangay at ibá pang sinaunang konsepto sa pakunwaring ang mga iyon ay karapat-dapat na mga huwaran ng dakilang lumipas) maaaring kumontra o magamit din laban sa mga Filipino mismo. Nangyayari ito, kapag ang ugali, tulad ng “utang-na- loob” na sinasabing katangitanging sa Filipino at, samakatwid, kailangang gamítin, linangin (o ibasura kung ano ang nararapat) subalit nagtatapos sa pagpapalabo ng mas matitinding realidad panlipunan ng ating bansa. Ang talagang ipinapakita ng personalidad na Filipino ay ang pag-aakalang ang lahat ng mga Filipino ay magkakatulad, mayaman o mahirap, batà at matanda, tagahilaga o tagatimog. Bawat isa sa atin ay may dalá-daláng bagay, maaaring tulóg lámang sa loob natin subalit kahit papaano’y mayroon ang bawat Filipino. Iminumungkahi pa na maaaring ang ilan sa mga kaugalian o pagpapahalagang ito ay mabuti samantálang ang ibá naman ay masamâ. Ang sekreto sa tagumpay ng mga Filipino ay nakasalalay sa kaniláng kakayaháng malampasan ang masasamâng kaugalian at magamit nang lubos ang mabubuting kaugalian na taglay nilá. Ang dahilan ng mga kabiguan ng ibáng mga tao ay ang kabaligtaran nitó. Isang aklat, halimbawa, ang Toward the Restructuring of Filipino Values (Túngo sa Pagsasaayos ng mga Halagahang Filipino) ay naghihinuha na “ang pangunahing katangian ng Kasalukuyang Sistema sa Halagahang Filipino ay ang indibidwalismo ng pamilya.” Dahil dito, iminumungkahi ng aklat na magkaroon ng “pagpapalawak ng pamilya sa mas malaking grupo—ang bansa. Dapat nating ituring ang bansa bílang pamilya natin, na ang Pangulo ng Republika ang ama, at lahat ng mga mamamayan ay mga kapatid natin. Mula sa bagong

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

105

pagpapahalagang ito ay nalilinang ang matatag na pagkakaisa, katapatan sa bansa at pagkamakabayan . . . ” Pagkamakabayan. Ito ang premis o pangunahing batayan ng personalidad na Filipino. Karaniwang nilaláyong ito’y palaganapin at ang halimbawang nabanggit sa itaas ay isa lámang. Marami pang ibáng mga pangyayari sa mga batayang aklat ang ginagamitan ng ganitong uri ng pangangatwiran. Kapuri-puring paggámit ng batayan ng personalidad kung isasaalang-alang na ang paggámit ng mga kolonyalista ng ganitong pangangatwiran, gaya ng pagtawag na mga indio ay sa katunayan ay rasista. Sa katunayan, ang pagkamakabayan ang naging sigaw-paglaban ng mahina at ng bagong nagsasariling mga bansa sa pakikibáka para sa kaniláng kalayàang pang-ekonomiya at pampolitika. Subalit, hindi isinasantabi ng tunay na pagkamakabayan ang masinop na pagsusuri ng kasalukuyang estrukturang panlipunan ng bansa. Anong uri ng pagkamakabayan ang hindi nagpapahalaga, kung di man ganap na nagsasantabi sa katunayang ang ating bansa ay nahahati sa mga uring pang-ekonomiya at pampolitika? Ito ba ang pagkamakabayan na magpapalayà o kayâ’y magpapataas sa antas ng kalagayan ng malaking bahagi ng nakararami sa ating walang kapangyarihan sa ekonomiya at politika ng bansa? O kayâ’y ito ba ang pagkamakabayan na nagkukubli ng pangit at di-makatarungang realidad, at sa halip ay ilarawan ang malaking negosyante ng Makati bílang kapatid ng sagad-sa-hírap na manggagawang nakatirá sa isa sa malapit-nang-gibâing mga bahayiskuwater sa Metro Manila? Pagkamakabayan ba ang paglalantad ng di-makatarungang uri ng ugnáyang panginoong maylupa-kasamá o madali ba iyong nagbibigay sa panginoong maylupa ng idadahilan upang sisihin ang magsasaka sa pagkakabaón nitó sa utang? Walang binabanggit dito na tigilan natin ang paghahanap sa kaluluwang Filipino. Sa ano mang paraan, pag-aralan natin ang

106

Pandiwa

ating mga sarili, ang ating kultura, ang ating pamana, ang ating katangiang kakaibá sa mundo. Subalit, huwag natin gamíting panakip sa mahahalagang bagay sapagkat ang mga sagot sa nakababahalang tanong sa atin ay maaaring matagpuan doon. Halimbawa, bakit sa kabilâ ng mga sinasabing umuunlad na táyo, nagpapadalá táyo ng bigas sa labas ng bansa, tumataas taon-taon ang Gross National Product (GNP), modernong bansa táyo dahil sa maraming malalaking hotel, atbp, samantálang ang karamihan naman sa mga tao ay nananatiling mahirap at sa katunayan ay lalo pang naghihírap? Bakit ang sahod ng mga pampublikong guro ay hindi kailanman nakasasapát sa mabilis na pagtaas ng presyo, at tinataasan lámang kapag nagtatangkang mag-aklas ang mga guro? Sa totoo lang, hindi natin masasabing ang mga guro ay tamad, gayon ding hindi na usong idahilan ang katamlayan para sa kawawang kalagayan ng mga magbubukíd. V Hábang sinisípat natin ang pag-iisip ng Filipino, tingnan din natin ang ginagampanang papel ng mga kapatid nating mayayamang sakay ng limosina, hindi nauubusan ng bagong estilo ng makabagong baróng, lalo na kapag makikipagkita sa kaniláng mga kasosyong Japon o Americano. Kahit nadadalá táyo ng ating damdamin sa sigaw-paglaban ng militar na, “Isang bansa, Isang diwa,” pag-aralan din natin ang kasaysayan at kultura ng ibáng mga bansa sa Ikatlong Daigdig. Magtataka táyong matuklasan ang maraming pagkakahawig ng mga tao sa Africa at America Latina na katulad nating nakaranas ng matagal na panahon ng kolonyalismo at hanggang ngayon ay pinagdudusahan ang panggigipit sa ating ekonomiya ng mga dati nating mananakop. Marami táyong matututuhan sa kaniláng mga pakikibáka at gayon din silá sa atin. Nakalulungkot, na ang ating mga babasahín ay patúloy na nagmumula sa parehong pinanggalingan, karamihan mula sa

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

107

Estados Unidos at kailangang tanggapin natin ang pagkiling o bias na Americano bílang obhetibo. Natututuhan natin ang tungkol sa ibáng mga bansa, kadalasa’y sa pamamagitan ng isinulat ng mga Americano na hindi natin kailanman inakalang propaganda. Hindi ba’t dapat na mas malapít ang ating pakikipag-ugnayan sa ibáng mga bansang katulad natin kaysa sa dati nating mananakop? Hindi ba natin bibitiwan ang hangal at walang kuwentang mga librong pantasya ng Mills and Boon, sa halip ay mga nobelang isinulat ng mga Africano o Americano Latino o mga Indones? Sa kabuuan, kapag ang nasabing mga pagpapahalaga, paguugali, at katangian ay ginagamit nang walang pagsusuri sa lahat ng istratum sa isang antas-antas na lipunan, ang realidad ng paniniil o pagsasamantalá ng iilang makapangyarihan sa walang-kapangyarihang masa ay lalong nababalewala. Ang ganitong tendensiya, kahit nagtatago sa likod ng maskara ng pagkamakabayan ay nagwawalangbahala sa iniwang kolonyalismo sa ating bansa, na dinadanas din ng karamihan sa Ikatlong Daigdig. At pangwakas, ang di-mapanuring makabayang paraang ito ay isang paboritong taktika ng mga táong pinakainteresado na mapanatili ang lipunang may umiiral na napakalaking disparidad o di-pagkakapantay-pantay sa distribusyon ng yaman, sapagkat nagkataóng silá ay nása masaganang panig ng dimakatarungang kaayusan.

108

Pandiwa

Mga Nagbabagong Modelo sa Sining Alice G. Guillermo Salin ng "Changing Paradigms in Art" ni Sandor B. Abad

SA SIGLONG ITO, ang ibá’t ibáng disiplinang pang-iskolar, lakip na ang “humanidades” at ang mas partikular na sangay nitó, “ang araling sining” ay dumaan sa maraming sigalot—tahimik na nagkakaisa sa pananaw, at kung minsan ay may masidhing tunggalian. Ang ganitong pagbabago sa mga páradíma o modelo ng pagtanaw sa sining ay nagpapaaninag sa pag-unlad ng kamalayáng pampolitika sa nagdaang mga taon na lipos ng sigalot at krisis—mga pagbabago na naging mahalagang bahagi ng kasaysayang pangkultura. Iginigiit nitó ang sarili sa nagbabagong katutubong paraan ng pagtingin sa sining bílang ekspresyong panlipunan, na mahalagang bahagi sa komyunal na pamumuhay, ritwal, at pang-araw-araw na gawain. Ang unang kolonyal na modelo sa sining ay ang European Academy. Produkto ito ng mga maharlikang korte ng Europa at sa ganito ay ipinailalim ang kolonya sa konteksto at ideolohiya ng paggalang at pagdakila sa Hari, na sa España ay nangangalaga sa interes ng Simbahan, Estado, at ng Simbahan bílang nagkakaisang entidad sa España. Ang mga korte ng Italia, Francia, at España ay nag-ambag upang magbunsod ng ganitong modelong may mataas na uri ng estruktura. Mahigpit ang kánon nitóng itinataguyod ng mga akademya sa kani-kaniláng mga galeriya at eksposisyon na pinag-iibayo ang kalakaran ng pagsasáma at pagpuwera, pagpuri, at pagtatakwil sa mga artist. Ang mga artist ay kailangang magtampok lámang ng “dakilang” mga paksa, mga diyos at diyosa ng Olimpo, paksaing panrelihiyon para sa Simbahan. Ito ay sining para lámang sa mga elite na káyang magwaldas ng ilang oras para sa estetikang pagninilay-nilay hinggil sa malalayong dusa at lugod ng sinaunang panahon. Ang pinagkakaabalahán ng tunay na 109

mundo ay walang kinalaman sa sining, batay sa estetikong Kantian na “pagkadi-interesado.” Pangunahing nagwiwika ito ng kaisahán at katamtaman, na ang lahat ay maayos na naitalaga sa kaniya-kaniyang lugar. Ang estetikang panlasa nitó ay batay sa antas ng mga halagahan: sa materyal—oil sa kambas, marmol, at bronse ang kinikilálang media; sa súkat, malalakíng malabayaning pinta sa estilo ng maringal na huwarang pigura ng mga laláki at babae ng epiko na umaakto sa dramatikong tagpo. Ang pangunahing gawaing edukasyonal ay ang pagkopya sa mga sinaunang obra kasáma ang kaniláng matikas na tindig. Tiyak, ang sistemang akademiko ay makalaláki, na hindi nagbibigay ng anumang puwang sa kababaihan at sa kaniláng mga obra, at lumilikha ng mito ng babae bílang diyosa o diwata, tampulan ng titig ng laláki. Dinalá ang modelong ito sa Filipinas sa pagkakatatag ng Academia de Dibujo y Pintura, partikular sa panahon pagkaraan ni Damian Domingo noong humalili ang mga peninsulares na maestro ng sining. Ngayon, tíla ang páradímang ito ay matagal nang naglaho sa hulíng-liyab at usok ng makina ng Rebolusyong Industriyal. Subalit ang mga bakás nitó ay patúloy na mapapansin sa mga bagong anyong naghuhunyango. Ang ganitong klasiko’t akademikong páradíma ay hindi lumaganap sa panahon ng Pananakop ng mga Americano, sapagkat, sa simula pa, ang Estados Unidos ng America ay tumiwalag na sa sirkito ng mga korte ng hari. Sa mahina at katamtamang impluwensiya, ilang akademya ang sabik na tumanggap sa Impresyonismo na nagbigay sa kanilá ng bagumbúhay; subalit ang modernistang mga estilo ng Eskuwela ng Paris ay tinanggap nang may pagkabahala. Ang ikalawang modelong pansíning na may malaking impluwensiya ay ang Eskuwela ni Amorsolo na tumutugon sa silanganíng panlasa ng bagong mga kolonisador. Ang klasikong mga halagahan ng Akademya ay inilangkap sa bagong modelo at nakatagpo ng kanlúngan sa kanayunan ng Filipinas. Isang sining ng tamis at liwanag, sa pamamagitan ng piyudal na halagahan, romantisado nitóng inilalarawan ang búhay-nayon. Lumikha ito ng makalaláking pananaw para sa Filipina: marupok, madaling hubugin, at matiisin, tulad ng larawan ni Fernanda de Jesus na may bitbit ng isang

110

Pandiwa

basket ng mga bulaklak. Ang pagpipinta ay laging gawain ng elite, isang trabaho ng kulturadong maginoong maluwag ang oras. Gayunman, ang Estados Unidos ng America ay lumitaw sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig bílang isang makapangyarihang bansa, at sa mga taon pagkaraan ng digmaan ay nagkaroon ng paglipat ng sentrong pansining mulang Paris túngong New York. Ang mga sosyo-realistang Americano at mga rehiyonalista ng Depression ay dagliang napalitán ni Jackson Pollock at ng New York School. Bukod dito, ang sining ay pinasigla ng mga expatriate na Europeo, ang ilan sa kanilá ay kabílang sa Bauhaus. Pagkaraan ng pormal na pagkakaloob ng kalayàan sa kolonya nitó noong 1946, tiniyak ng Estados Unidos na ang kaniyang mga tinamo ay hindi maiwawala, na ang “Americanong paraan ng pamumuhay” na gumagabay sa sistemang edukasyon na itinatag nitó ay mananatiling malinaw na modelo. Sa pamamagitan nang lubos na paggámit ng imáhen nitó bílang tagapagpalayà, tiniyak nitó ang neokolonyal na gahum sa sining at kultura, gayundin sa ekonomiya at politika. Sa mga taon pagkaraan ng digmaan, sa sinundang Panahon ng Komonwelt, napatunayan ang Filipinas na pinakapalasunód at pinakalantad sa impluwensiyang kolonyal na kultura. Ang ganitong kalagayan ay napanatili pa sa pamamagitan ng akademikong kaloob o scholarship grant sa Estados Unidos para sa henerasyon ng pinakapotensiyal na mga Filipinong estudyante at artist. Kapag ang pansíning na pangangailangan at inaasahan ng mga kolonisador na Americano ay nakamit ang “tamis at liwanag” sa Amorsolo, mga Americano ring nása neo-kolonyal na sitwasyon ang umakay sa talinong Filipino túngo sa kaniláng mga postwar paradigm, ang New York School ni Pollock, ang pormalismo ni Josef Albers at Hans Hoffman, ang “postpainterly abstraction” na ipinaliwanag ni Clement Greenberg sa obra ni Ellsworth Kelly at Louis Morris, at sa “brash assemblages” ni Rauschenberg. Dinamiko at agresibo ang timpla ng mga superpower, nasasabik sa eksperimentasyon at avant-garde.

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

111

Walang alinlangan, may katumbas ang mga ito sa sining ng Filipinas noong mga dekada 50 at 60. Ang action painting na naglalabas ng enerhiyang kinetiko, ang pagbibigay-diin sa paibabaw na testura na pinatitingkad ng buhangin at butil, ang pagkakabuo ng mga napulot na piraso na bagay, ang pagsasaalang-alang sa pagkamateryal ng obra, ang siyáng naging kausuhán, samantálang ang pangalawahing kanon ay ang heometrikong abstraksiyong pinaghanguan ng Bauhaus. Ang pangyayaring ito sa sining ay nagpalaganap ng teoryang pansining na pormalista at “art-for-art’s sake” o “sining para sa sining.” Bukod dito, ginawa nitóng unibersal ang sining, at pinalalabnaw ang lokal/ pambansang pagsisikap, na nagluwal ng ugnáyan ng sentro at gilid: ang mga kolonya sa laylayan ng global ay hinihigop patúngo sa sentro na siyáng naglalatag ng mga alituntunin. Kaalinsabay nitó ay ang namamayaning mito ng mainstream at tributaryo nitó. Sabihin pa, ang pagsasaunibersal sa ideolohiyang pang-estetika ay naglaláyong siràin ang ugnáyan ng sining at lipunan, ng sining at kasaysayan—isang estratehiyang gahúm. Lagi’t lagi, makapangyarihan ang kanon na pinaiiral sa Kanluran; tulad noong hulíng bahagi ng ikalabinsiyam na siglo, ang artist na naghahangad ng tagumpay ay kailangang magbigay puri sa isang malayong lupon na may eksklusibong pribilehiyo sa pamimigay ng mga gantimpala at gawad ng pagkilála. Subalit ang parikala ng pagsasaunibersal ng kanon ay ang pangyayaring ang mga artist mula sa “laylayan,” ang mga kolonya o neo-kolonya ay halos hindi nagtatamo ng kritikal na pagkilála sa “gitna,” ang New York. Ang lupong lumilikha ng kanon ay may paninibughong nagbabantay sa katanyagan ng mga artist sa sentro at laging nagkakait niyon sa mga tagalabas. Ang tanging pampalubag-loob na maaasahan nitóng hulí ay ang maikling banggit sa ilang antolohiyang “Who’s Who in Art,” lalo na kung may mga Americanong nagtitipon ng kaniláng mga likha. Ang matinding nasyonalismo noong dekada 60 ay naghangad na kalasin ang mahigpit na hawak ng Estados Unidos sa sining at kultura, gaya ng sa ekonomiya at politika. Ang pagsasaunibersal ng estetika ay nailantad bílang isang kolonyal na mito. Ang sining minsan pa ay naiposisyon sa kontekstong panlipunan at pangkasaysayan: sumisibol sa katutubong lupa, nagtataglay din ito ng potensiyal na makapagpabago 112

Pandiwa

sa materyal na kalagayan ng búhay. Sa pagsusuri sa mga relasyon ng kapangyarihan, ang sining at kultura ay hindi itinuturing na kasuutang walang dugtúngan at pare-parehong kabuuan. Ang nangingibabaw na kultura ang nagpapanatili ng pagsasaunibersal ng estetika at ng elitistang konsepto ng sining. Sa kabaligtaran, ang umuusbong na progresibong pananaw ang nagluwal ng makasining at kultural na pagpapahayag ng mamamayan. Ang ideá ng akademya ng “mataas na sining” laban sa “mababang sining” ay itinakwil, sa gayo’y nabuksan ang espasyo para sa produksiyong tradisyonal, tulad ng tela, paggawa ng basket, pagpapalayok, paglililok, katutubong abaloryo, at ibá pa. Sa patúloy na pagkawasak ng dominanteng kanon, nabuksan din ang espasyo ng sining para sa kababaihan, para sa tradisyonal na sining ng kababaihan. Ang mga habi o tela, banig, basket, at katutubong abaloryo ang nakatawag-pansin, gayundin ang lugar ng galeriya. Ang katutubo at popular na sining ay naging larang ng pang-iskolar na pagaaral. Gayundin, ang nakamihasnang kaisipan sa sining na hiwalay sa búhay at mga pakikibáka ay tinunggali ng mga obrang sosyo-realista na tumututol sa kawalang katarungan at pang-aapi sa midyum ng pinta. Maláy sa ganitong pangyayari, ang teorya sa sining ay marapat na magbago. Hábang kinikilála ang posisyon ng sining sa kontekstong panlipunan at pangkasaysayan nitó, pinananatili ng teorya ang balanse sa pamamagitan ng pagkilála sa tiyak at relatibong kalayàan ng sining: ang wika ng mga elemento, at pagkakabalangkas nitó. Sa gayon, ang pinta na purong ilustrasyon, gayundin ang nakaimbak na mga pormula ay iniiwasan para sa obrang may yamang semyotiko. Walang kuwestiyon sa pag-aakma ng sining at estetika túngong sosyolohiko. Dahil sa semyotiko kung kayâ naging posible ang magkakaugnay na pananaw sa anyo at kahulugan. Sa disiplinang aralíng sining na kailan lang ay nagbunsod ng pagsusuring semyotiko, ang kahulugan ay nagmumula sa semantikong potensiyal ng tagapagpahiwatig ng materyal upang makalikha ng dimateryal, pang-ideáng pagpapahiwatig. Hábang ang semyotika ay nananatiling pormalista sa ilang pagdulog, ang biswal na teksto ay Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

113

hindi kailangang sarado. Ang semyotika ay nananatiling mahalagang kasangkapan sa kabilâ ng tinatawag na “walang hanggang pagganap ng mga tagapagpahiwatig.” Ang pahiwatig o signification, tulad ng sabi ni Eagleton, gayunman ay nangyayari din sa loob ng “saklaw ng kahulugan,” hábang ang mga tagapagpahiwatig ay gumagalaw sa loob ng partikular na konteksto na bumabanggit ng kaniláng mga tinutukoy sa tunay na mundo. Ang saklaw ng mga pahiwatig na ipinapakita ng tagapagpahiwatig ay maaaring mapalaki at mapalawak upang isáma ang buháy na kapaligiran ng lipunan at kasaysayan sa lugar na binibigyang búhay ang tinutukoy. Ang dulog semyotiko ay partikular na nakatutulong sa kasalukuyang pagpapaunlad ng sining. Nakabuo ito ng matalas na pakiramdam sa mga pahiwatig ng materyal, partikular sa paggamit ng mga katutubong bagay. Katulad sa musika sa paghahanap ng mga bagong pinagkukunan ng produksiyon ng tunog, ang sining biswal ay nakatutuklas din ng di-akademikong mga bagay para sa kahalagahang semyotika ng mga ito. Ang tradisyonal na mga estilo at anyong piguratibo ay sinusuri din sa paraang semyotiko kung ang mga ito ay pinasigla at isináma sa konteksto ng kasalukuyang sining. Ang dáting hindi pa nagagamit na mga batis na ito ay nagpapayaman ng mga temang tulad ng pambansang identidad, ekolohiya, at feminismo. Hábang ipinoposisyon ng sining sa Filipinas ang sarili sa panlipunan at pangkasaysayan konteksto nitó, magpapatúloy ang paglakas nitó sa dinamiko at diyalektikong pakikipag-ugnáyan sa realidad ng Filipinas na punô ng búhay at patúloy na pakikibáka.

114

Pandiwa

Ang Politika ng Pag-Unawa sa Kulturang Filipino Laura L. Samson Salin ng “The Politics of Understanding Filipino Culture” ni Roberto T. Añonuevo

HALOS LAHAT NG sumulat ukol sa Filipino ay may nasasabi hinggil sa kaniyang tradisyon at kaugalian, sa kaniyang indolensiya, sa kaniyang karakter, o sa kaniyang paraan ng pamumuhay. Maaaring magsimula sa mga sinaunang Español na sina Plasencia o Alzina, dumako pagkaraan sa mayayamuting Gaspar de Belen, hanggang kina Modesto de Castro at Maximo Kalaw. Darako siyá sa mga kontemporaneong kritiko, gaya nina Delfin Batac, I.V. Mallari, E.P. Patanne, Alfredo Roces, at Carmen Guerrero Nakpil. Gaya ng isinaad ni Fr. Frank Lynch noong 1964, ang volyum ng mga nalathalang materyales sa Filipino at sa kaniyang paraan ng pamumuhay ay napakarami. Sa mga tribu ng tagamasid at kritiko ay maidaragdag ang mga pangalan ng mga tanyag na iskolar, tulad nina Renato Constantino, Teodoro Agoncillo, Felipe Landa Jocano, Leonardo Mercado, at ang pangkat nina Frank Lynch, Mary Hollsteiner, Jaime Bulatao, John Carroll, George Guthrie, at iba pa. Ang mga tanong na gaya ng, Sino ang Filipino? Ano ang Filipinong paraan ng pamumuhay, ang Filipinong karakter, ang Filipinong pananaw sa daigdig? ay nagpasakit sa mga estudyante at tagamasid ng lipunang Filipino sa mahabàng panahon, ngunit ang mga sagot ay nananatiling mailap gaya noong dati. Ang mga obserbasyong nabuo ay samot na paimbabaw o mapanuri, mapaghinuha o sistematiko, pira-piraso o komprehensibo, ngunit ang pakahulugan ng Filipinong paraan ng pamumuhay ay nananatiling problematiko. Ang halaga ng mga pagtatangkang ito na unawain ang kulturang Filipino ay sapat nang napagtaluhan. Ang mga tuklas at diwaín ng 115

karamihan sa mga artikulo, pag-aaral, at saliksik ukol sa Filipino at sa kaniyang paraan ng pamumuhay ay nakaayon para sa madla na gagamit ng mga ito sa mga tiyak na paraan. Sinasangguni yaon ng mga banyaga upang makaugnayan nilá nang tumpak ang mga Filipino. Kinakailangang batid ng mga politiko at tagapagbalangkas ng mga patakaran ang naturang mga saliksik nang makapamahala silá nang walang pamimilit. Matutuklasan ng mga edukador sa nasabing mga pag-aaral ang mga halagahang makagagabay sa kanilá sa paghubog ng mga isipan. Binabása ng mga Filipinong estudyante o Filipino sa pangkalahatan ang mga ito para makita nilá nang malinaw ang kaniláng sarili at makapagbulay sa kaniláng mga lakas at kahinaan. Sa kabilâ ng volyum ng materyales at patúloy na pagtutuon sa paghahanap ng naaangkop na panlipunang pamumuhay na Filipino, kinakailangang linawin ang layon at silbi ng naturang mga pagsisikap. Saliksik Pangkultura bílang Instrumento ng Pananakop Alinmang pakahulugan sa mga padrong panlipunan ay makapagsisilbing tagapagbilanggo o kayâ’y patnubay. Ang mga disenyo ng panlipunang pamumuhay ay maaaring imbentuhin at ipataw sa mga tao. Sa kabilâng dakò, kahit ang mga angkop na disenyo ng pamumuhay ng mga tao ay maaari pa ring mapanghimasukan. Ang pangkulturang pananaliksik ay makapagsisimula sa matapat na mithing ipakilála sa mga banyaga ang paraan ng pamumuhay ng Filipino. Ang anim na kabanata ng Six Perspectives on the Philippines, halimbawa ay pinaunlad mula sa mga lekturang ibinigay sa unang pangkat ng mga boluntaryong Hukbong Pangkapayapaan na idinestino sa Filipinas. Ang mga lektura ay inorganisa “para tulúngan ang mga sinasanay na tao na maunawaan hangga’t maaari ang kultura ng bansa na patutunguhan nilá.” Ang aklat ay inaasahang makapagtatampok ng kros-kultural na pag-unawa at magbibigay daan para sa maayos na ugnáyan sa panig ng mga Filipino at ng mga boluntaryong Americanong Hukbong Pangkapayapaan1.

116

Pandiwa

Kinakailangan ang pag-unawang pangkultura upang maitampok ang armonya at kooperasyon ng mga bansa at ng kaniláng mga sugo. Gayunman, ang batayan at estruktura ng gayong mga ugnáyan ay dapat sumailalim sa seryosong pagbubulay at pagsisiyasat yamang maraming karunungang nakatuon sa pagpapalawig ng pag-unawang pangkultura ang nagpadaloy sa samot-saring anyo ng imperyalistang panlulupig. Hindi lámang ito ukol sa handang magamit, madalîng matamo, o makontrol ang impormasyon. Sa kabilâ ng lahat, mapangangatwiranang ang impormasyon sa kulturang Filipino ay madalîng makamit. Ang higit na basikóng tanong ay may kaugnayan sa pananaw na mula sa mga katunayan na kinalap o tinipon, at kung paanong ang gayong impormasyon ay ipinakahulugan. Malimit ginagamit ang paghahambing upang ipaliwanag sa mga estranghero ang paraan ng pamumuhay ng Filipino. Ang batayan ng paghahambing, ang balangkas ng pagpapakahulugan ay dapat matalim na tinatáya lalo kung ang mga obserbasyon ay ginawa ng mga mismong estranghero. Ang usapín dito ay hindi lámang simpleng nasyonalidad ng kakatwang tagamasid o ang habà ng kaniyang pagdanas sa paraan ng pamumuhay ng Filipino. Ang tanong ay mula sa aling pambansang interes dapat tayáhin ang kulturang Filipino? Ang kultura ng lipunang palasandig gaya ng Filipinas ay madalas ipakahulugan alinsunod sa mga interes at pamantayan ng “direktor” nitóng bansa. Gaya ng isinaad ni Paolo Freire, ang kultura ng mga lipunang hindi pa gaanong maunlad ay nabuo at napanatili bílang sunod-sunurang “kultura ng katahimikan.” Ang kultura na resulta ng labis na pamamahala “ay may natatanging tatak ng pagiging preskribtibong karakter: ito ang padikta, paboleting impormasyon— kumbaga’y naisaproseso at tinanggap agad na realidad.” Ang di-maláy na pagtanggap ng superyoridad ng mga pamantayang Kanluranin ay kumikiling sa pagpapalawig ng “mito ng likás na imperyoridad” ng mga Filipino. Ang mitong ito ay hindi lámang naging angkop na katwiran para sa intensibong kolonyal Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

117

na panghihimasok at pagsakop ngunit humikayat din ng kusang pagpapahirap sa sarili sa panig ng mga Filipino, at nagtulak sa diwang Filipino na manatili sa kalagayan ng pagkagupiling. Ang Kultura bílang Maysala Maaaring ikubli, imbes na ibunyag, ng pangkulturang pananaliksik ang mga pang-estrukturang kahinaan ng lipunang Filipino. Karamihan sa mga matatamong materyales ukol sa kulturang Filipino ay inunsiyami ang taumbayan sa pag-iísip na ang mga problema ng lipunang Filipino ay mababakás sa mga diekonomikong aspekto ng lipunan. Ang estruktura ng ekonomiyang Filipino at namamayaning ekonomikong palagay ay bihirang isaalang-alang na problematiko. Ang kultura ay malimit tukuyin bílang maysala. Ang labis na pagtutuon ng mga iskolar sa mga personal na kahinaan ng mga Filipino at ang pauróng na pangkulturang katangian ng lipunang Filipino ay humahadlang sa matalisik na pagtanaw sa panlipunang estruktura ng Filipinas. Ang dukhang bisyon ng kumbensiyonal na panlipunang pagmamapa ay pinalabò ang kritika sa estruktura ng karalitaan at sa pangkalahatang estado ng di-sapat na pagpapaunlad ng Filipinas. Sa pagtatakda ng pribilehiyadong posisyon sa kultura sa panlipunang pagsusuri, ang estruktura ng ekonomiya at ang dinamika ng kasaysayan ay naipuwesto sa likuran. Ginagamit ang kultura upang italâ ang pagkaatrasado ng ekonomiya ngunit bihirang ipaliwanag ang funsiyon ng pagkakabuo ng ekonomiya. Inilarawan o tinalakay nang pakasaysayan ang kultura, ngunit bihirang itrato ito bílang tunay na bunga ng kasaysayan. Dahil sa malabo nitóng bisyon ng panlipunang realidad ng Filipinas, karamihan sa mga pag-aaral ukol sa kulturang Filipino ay nakatiwalag mula sa mga kritika ng mga pangunahing estruktura ng lipunan, at hinihikayat pa nitó, sa halip, ang pamumuna sa sarili, at sa Filipinong personalidad. Sa ganitong diwaín, ang naturang mga 118

Pandiwa

pag-aaral ay humihimok na magsumikap para pahusayin ang bulag. Dahil hindi makita ang mga rehas ng bilangguan, ang mga Filipino ay patúloy na naunsiyami sa pagiging bihag. Ang pangkulturang pananaliksik ay hindi nakatuon sa ganap na kawalang-tinag. Hinihikayat sa ilang pag-aaral, hangga’t ito ay isinagawa ng mga lehitimong ahente ng pagbabago sa loob ng saklaw ng basikong pang-estrukturang hatag, ang aksiyon para sa pagbabago. Gaya ng naisip ni Frank Lynch, [na sa] balangkas ng kulturang Filipino, ang pagtukoy sa “pangkulturang fulkrum na magbibigay ng pinakamahusay na salalayan para sa mga katanggaptanggap na programa sa panlipunan at pang-ekonomiyang pag-unlad” ay kailangan para maharap ang hámon na matamo ang “planadong pambansang pag-unlad nang walang pamimilit.” Apat na Babasahín ukol sa Halagahang Filipino ang pagsasakatuparan ng estratehiyang kinilingan ni Lynch at ang pangkorporasyong pananaliksik ng Institute of Philippine Culture (IPC). Paliwanag nga sa pambungad ng aklat: . . . madali, bukod sa mainam, na humanap ng mali sa mga tao na nauna kaysa atin, o sisihin siláng hawak ngayon ang pinakamasaklaw na pampolitika’t pang-ekonomiyang kapangyarihan sa bansa. Ngunit may isa pang taktika, isa pang estratehiya, isa pang pagdulog na ating pinaboran mula sa pagsisimula ng ating mga gawaing pangkorporasyong pananaliksik. Isinaalang-alang ang pakasaysayang sitwasyon na aming dinanas noong 1960, kami sa Institute of Philippine Culture [Kawanihan ng Kulturang Filipino] ay nadama na ang pinakamagalíng na ambag ay maaaring maghanap ng karunungan ukol sa Filipinas at Filipino, at isalin ang gayong karunungan sa mga tao na makikinabang nang malaki hinggil dito—ang mga tagapagplano at ang tagapagsagawa ng mga programa sa panlipunan at pangekonomiyang pagbabago. Apat na Babasahín ang unang hakbang,

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

119

gaya noon, sa pagsasakatuparan ng nasabing tungkuling kusang isinabalikat. . . .

Ang di-mapanuring pagtanggap ng mga mithing ipinakahulugan ng ilan ay maaaring magbunga ng higit na kaganapan ng mga paraan ng pananakop sa maraming tao. Ang paggamit ng pangkulturang fulkrum bílang batayan ng pagpaplano ay maaaring singkahulugan ng pamimilog ng ulo at lehitimisasyon—kumbaga, na may kubling pamimilit. Ang panlipunang pananaliksik na may balatkayo ng siyentipikong balidasyon, imbes na magsaad ng makatwirang dahilan para sa pagbubuo ng patakaran, ay kumikiling sa madaling pagsasakatwiran para ipataw ang gayong patakaran. Ginagamit ito ng mga lasenggo para suhayan ang kaniláng nakitang kaliwanagan. Naging batayan ang pangkulturang fulkrum, gaya ng mungkahi sa mga kumbensiyonal na pag-aaral sa lipunang Filipino, sa mga pampagandang imáheng aktibidad na pawang ginagawa ng mga sentrong pangmidya ng gobyerno. Ang kaunlaran bílang mithi ay isinasakatuparan at isinasalin nitóng mga ahensiya sa pamamagitan ng mga popular na islogan ng pag-unlad na taglay ang mga konsepto ng taumbayan, estereotipo, imáhen, at wika. Itinatanghal ang mga personalidad bílang bayani o tagapagligtas na may diin sa kaniláng apinidad sa taumbayan. Ang pangkulturang pananaliksik ay pinalawig ang mga estilo ng pang-aakit túngo sa pakikilahok at pagtatáya sa isang tunay na mapanupil na estado. Ang pangkulturang pananaliksik, kapag nakatukoy sa mga taliba at kakampi ng establisimyento, at sumasagap ng mga problema at pananaw ng nangingibabaw na mga interes na kapuwa banyaga at lokal, at isinagawa ng mga indibidwal at organisasyon na pawang sumuko sa lohika ng merkadong panlipunang karunungan, ay nagsapanibago ng samot na pamamaraan upang makalikha ng impormasyong

120

Pandiwa

makapagpapabilis ng panlipunang kontrol at pananakop sa maraming tao, maralita, at walang kapangyarihan. Napananatili ang umiiral na panlipunang kaayusan sa pamamagitan ng lipon ng naitadhanang pakahulugan. Ang nasabing mga pakahulugan ay nagbibigay ng mga paraan kung paanong ang gayong kaayusan ay ipinapaliwanag o pinaninindigan. Ang batayang estruktura ng lipunan ay napananatili kapag naitatag na ang pagiging lehitimo nitó. Ang transpormasyon ng lipunan, samakatwid, ay kaugnay ang pagtatanong sa mga establisadong pakahulugan at ang paglikha ng mga bagong pakahulugan ng panlipunang realidad. Ang pagiging lehitimo na ipinataw sa mga mapanupil na panlipunang kaayusan ay dapat iwaksi upang bigyang-daan ang pagkalusaw nitó. Kung isasaalang-alang ang konteksto ng di-ganap na pagunlad ng Filipinas, ang mapagpalayàng potensiyal ng panlipunang pananaliksik ay nakasalalay sa kakayahán nitóng tumulong sa pagbibigay ng batayan para sa paglikha ng kontra-pakahulugan para sa pagbubuo ng kontra-kamalayan. Alinmang pag-aaral ukol sa kulturang Filipino ay magiging mapagpalayàng kasangkapan kapag nakapagsisilbi ito bílang makabuluhang patnubay sa basikong pagsasaayos muli ng lipunan. Ang mga kaugnay na pangkulturang pananaliksik ay dapat magpatúloy mula sa pagtatáya sa basikong pagbabago at pagkilála sa magkakasalungat na interes sa lipunan. Ang ganitong pagtatáya ay nagpapahiwatig ng pagkiling na himukin ang pagpapalitaw ng mga salungat na opinyon imbes na magmaniobra ng pangkalahatang pagsang-ayon. Kaugnay nitó ang ebalwasyon sa mga mithi at hindi lámang ang kaganapan ng mga pamamaraan sa panlipunang pagsupil. Ang kagyat nitóng tungkulin ay hindi intelektuwal na pagkaalipin, bagkus intelektuwal na paglayà.

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

121

Bagaman ang balangkas ng umiiral na kultura at kamalayan ay mahalaga bílang batayan sa pagtatatag ng kontra-kultura at kontrakamalayan, ang mga pag-aaral ay hindi dapat manatili sa antas ng paglalarawan. Imbes na gawing inmortal ang kasalukuyang panlipunang estruktura sa pamamagitan ng payak na pagsasakataga muli ng mga umiiral na pakahulugan ng panlipunang realidad, ang pangkulturang pananaliksik ay dapat magpabilis sa matalas na pagsusuri ng nasabing mga pakahulugan. Sa paghimok ng mahahalagang pagsagap sa panlipunang realidad, ang pag-aaral ng kulturang Filipino ay magiging kasangkapan para sa pagpapabawa ng kondisyon sa parehong paraan na ang edukasyon ay inisip ni Paulo Freire na nakapagpapabawa ng kondisyon: Ang edukasyon ay maaaring makapagpabawa ng kondisyon dahil ang tao, sa katunayan ay kinondisyong nilaláng na may kakayaháng umalam kung ano-ano ang nakapagkokondisyon sa kaniya, at may kakayaháng pagbulayan ang kaniyang aksiyon at asal, at sa pagsagap ng mga nasasagap. Ang susi sa “pagsagap sa nasasagap” at kung gayon sa rekuperasyon ng mga kublí o di-maunawaang realidad ay ang problematisasyon. Ang problematisasyon, na nangangahulugang pagtatanong at panawagan na magtanong at samakatwid ay mapaghámong asal, ay sa parehong panahon, ang simula ng tunay na pagkilos na maálam, at ang simula ng pagkilos na subersiyon ng “labis na pagtatakda,” kumbagá, ang subersiyon ng praxis [pagsasagawa ng kagawian] na ipinuhunan sa tao.

Upang mapabilis ang basikong pagsasabalangkas ng lipunang Filipino at mapalawig ang pagbubuo ng kontra-kamalayan na magsisilbing panimulang hakbang sa kalayàan mula sa palaasáng kalikásan ng lipunan, ang mga Filipinong iskolar ay dapat magbuhos ng loob sa seryosong pag-aaral ng mga ugat, manipestasyon, at dinamika ng kamalayang kolonyal. Ang tungkuling ito, na isinabalikat ni Renato Constantino, ay nagsisimula sa pagkilála sa mga batayang sosyo-istoriko ng kamalayang kolonyal, at ang pagkatanto sa tungkulin ng kamalayang kolonyal para suhayan ang nakapirming panlipunang estrukturang kolonyal. 122

Pandiwa

Ang kulturang Filipino at ang estruktura ng kamalayang Filipino ay hindi dapat irekord lámang. Kailangan itong ipaliwanag bílang sosyo-istorikong produkto. Ang namamayaning mga pakahulugan ng panlipunang realidad ay dapat kilatesin, at hindi dapat tanggapin bílang likás at di-nababagong hatag. Ang kailangan sa pag-aaral ng kultura, kamalayan, at identidad ng Filipino ay ang mapanuri’t komprehensibong balangkas; isang pagdulog na ipinakahulugan ng matalas na diwa ng panlipunang estruktura at ng mga dinamika nitó. Sa harap ng pangako sa basikóng pagbabago, ang isang napapanahong iskolarsip ay dapat nakatukoy sa mga ahente ng pagbabago na maaaring hindi maituring na lehitimo, ngunit maaaring itanghal bílang “mapanganib na tagasalungat” o “panggulo” ng mga taliba at kakampi ng status quo [kasalukuyang estado ng mga bagay]. Ang mga Filipinong iskolar ay dapat itatag ang apinidad nitó sa naturang mga “tagasalungat” o “panggulo” at dapat sipátin ang kaniláng mga sarili bílang bahagi ng kilusán para sa basikóng pagbabagong panlipunan. Nagtatáya sa basikóng pagbabago at nakatukoy sa mahahalagang mambabasá, ang mga iskolar ay dapat matutong sumubok at sumugal sa mga panganib.

TALÂ

1

Itinumbas sa “American Peace Corps Volunteers” ang “Mga Boluntayong Amerikanong Hukbong Pangkapayapaan.”

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

123

124

Pandiwa

Ang Pangangailangan sa Indihenisasyon ng Agham Panlipunan Jan J. Loubser Salin ng "The Need for the Indigenization of the Social Sciences" ni Sandor B. Abad

Ang papel na ito ay isang paglalahad ng konseptuwal na batayan para sa tunay na indihenisasyon. Tinatalakay dito ang

katangian ng indihenisasyon tulad ng kahulugan, aspekto, kondisyong kinakailangan at pambansang estratehiya tungo sa makahulugang indihenisasyon.

SA NAKARAANG ILANG taon, dumami ang mga ebidensiyang sumisidhing interes hinggil sa mga ugnáyang internasyonal sa mga agham panlipunan at sa implikasyon ng mga iyon para sa paglinang ng mga agham panlipunan sa antas pambansa. Ang interes ay ipinapahayag sa pamamagitan ng “patáyong” ugnáyan ng mga siyentistang panlipunan sa Europa at Hilagang America at iyong mga nása Ikatlong Daigdig, ang dependensiya ng hulí sa una, ang ipinapahiwatig kung di man tuwirang sangkot ang intelektuwal na imperyalismo at kolonyal na pagsasamantalá. Mayroon ding pagaalala na ang organisasyong internasyonal ay nagpapakita lámang ng istratipikasyong ito at pinalalakas ang mga ugnáyang dependensiya sa pamamagitan ng kaniláng mga gawAin at programa na kadalasan ay isinasagawa sa paraang elitistang pagpili sa mga kalahok. Ang layunin ng maikling papel na ito ay upang bigyang depinisyon ang katangian ng kalagayang ito nang higit na malinaw sa konseptuwal na antas nang walang pagtatangkang idokumento ang aspektong empirikal, at upang suriin ang mga implikasyon para sa mga patakaran at priyoridad ng mga institusyon ng agham panlipunan 125

sa antas pambansa, rehiyonal, at internasyonal. Ang intensiyon ay upang magkaroon ng isang pangkalahatang modelo o balangkas ng konsepto na ang bawat institusyon o organisasyon ay makapagsusuri ng kani-kaniláng programa upang matukoy kung hanggang saan ang pangangailangan nilá sa indihenisasyon at kung ano ang magagawa dito. Depinisyon Ang indihenisasyon ay ang paglinang ng pambansang komunidad agham panlipunan na nakasasandig-sa-sarili, nakasasapat-sa-sarili, at namamahala-sa-sarili, sa madaling salitâ, awtonomo at independiyente o nagsasarili, tungkol sa lahat ng aspekto ng mahahalagang gawain ng pamayanan, kasáma na ang kakayahán nitó na makipag-ugnáyan sa ibá pang mga pamayanan, sa batayang pantay, resiprokal. Mga Aspekto ng Indihenisasyon² Ang mga aspekto ng búhay ng pambansang komunidad agham panlipunan tungkol sa kung alin ang dapat magkaroon ng awtonomiya at pagsasarili ay natatakda nang bahagya ng partikular na kaugnayan sa sariling pambansang lipunan at sa katangian ng dependensiya nitó para sa pananatili at kapakanan mula sa lipunan. Ang ganitong mga bagay ay partikular na mahalaga sa mga komunidad agham panlipunan dahil sa mismong katangian ng agham panlipunan na tinitirahan ng mga siyentistang panlipunan, na kadalasang paksa ng mga pagaaral. Ang komunidad o lipunang ito ang sumusuporta sa pinansiya ng komunidad agham panlipunan, na dumedepende sa komunidad agham panlipunan para sa kadalubhasaan tungkol sa sarili nitóng natatanging mga suliranin at disenyo ng pagbabago at pag-unlad. Ang ilan sa mga aspektong ito ay mahahalaga rin sapagkat sa mga agham panlipunan, mahirap magpatunay na nakuha natin ang ilang balidong pangkalahatang kaalaman batay sa nagawa nang mga pag-aaral. Samakatwid, ang depinisyon ng mga suliranin na nangangailangan ng pananaliksik upang maisulong ang kaalaman ay hindi isang bagay na purong determinasyong pang-agham, kundi sa mismong katangian ng 126

Pandiwa

mga agham panlipunan ay isang bagay na depinisyong panlipunan at natitiyak nang bahagya kahit paano ng kalikásan ng komunidad ng mga agham panlipunan at ng kaugnayan nitó sa pambansang lipunan. Ang sumusunod na mga aspekto ay may kahalagahang panlipunan: 1. Pagdagdag ng mga bagong kasapi Ang isang pambansang komunidad agham panlipunan ay dapat na may kakayaháng mangalap ng karamihan sa mga bagong kasapi mula sa pambansang lipunang sinasandigan para sa kaniyang patuloy na pamumuhay at kapakanan. Ang isang pambansang komunidad agham panlipunan na umaasa sa ilan pang ibáng pambansang komunidad agham panlipunan o ilan pang ibáng mga komunidad agham panlipunan, para sa pagdagdag ng mga bagong kasapi ay walang kakayaháng magtakda ng sariling mga gawain na may kaugnayan sa kaniyang pambansang lipunan. 2. Pagsasanay ng mga kasapi Ang independensiya sa pangangalap ng mga kasapi ay imposible kung walang kakayaháng magsanay ng mga bagong kasapi. Samakatwid, ang pagsasanay ng mga bagong kasapi upang ipalit sa nagretiro o namatay o pahintulutang magpalawak ay gawaing di maiiwasan para sa independensiya ng pambansang komunidad agham panlipunan. Ang isang pambansang komunidad agham panlipunan ay dapat may kakayaháng maghanap ng mga sasanayin mula sa kaniyang pambansang lipunan at pagkalooban silá ng kailangang pagsasanay sa lahat ng mga aspekto ng mga gawaing agham panlipunan sa lipunang iyon. Kung ang gayong komunidad ay umaasa sa ibá pang pambansang komunidad agham panlipunan Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

127

upang magsanay ng kaniyang mga kasapi, tataas ang pagdepende nitó sa komunidad na iyon, at hindi mapagpapasiyahan ang sarili, ang uri, at mga priyoridad ng sariling mga gawain. 3. Nilalaman ng pagtuturo at pagsasanay Ang pambansang komunidad agham panlipunan na umaasa sa ibáng mga komunidad para sa pagtuturo at mga kagamitan sa pagsasanay, tulad ng mga teksbuk at ibá pang kaugnay na mga materyales ay walang kakayaháng magkamit ng independensiya kaugnay sa mga komunidad na inaasahan nitó sa mga kagamitan. Anuman ang mga dahilan sa pagdepende sa mga kagamitang ginagawa ng ibáng mga komunidad, napagkakaitan din niyon ang pambansang komunidad agham panlipunan ng pagkakataóng makalikha ng mga katutubong kagamitan para sa layuning pagtuturo at pagsasanay na hindi lámang angkop sa partikular na kalagayan ng pambansang lipunan ng komunidad agham panlipunan kundi nagkakaloob din iyon ng mahahalagang mga oportunidad na gawain sa mga kasapi ng pambansang komunidad agham panlipunan. 4. Mga pagbubuo ng kasiyá-siyáng paksa Ang isang komunidad agham panlipunan na umaasa sa ibang pambansang komunidad agham panlipunan para sa kaniyang mga depinisyon ng kung ano ang kasiyásiyáng mga paksa para sa pag-aaral at pananaliksik ay nagpapahina sa sariling independensiya. Ang ganitong pagsandig ay maaaring di namamalayang bagay ngunit isa sa nangingibabaw na kultura ng mas malaki, mas malakas na komunidad agham panlipunan, na mangingibabaw sa pagbubuo at impluwensiya sa pagpili ng mga suliranin para sa pananaliksik at pag-aaral ng pambansang 128

Pandiwa

komunidad agham panlipunan. Ang resulta ay maaaring ang mga suliranin sa pananaliksik at mga paksang pagaaral na nagmumula sa partikular na realidad ng lipunan sa loob mismo ng komunidad agham panlipunan ay binabale-wala at ang mga problemang pinatatalakay ng nangingibabaw na komunidad agham panlipunan sa kapaligiran nitó ay pabusabos na sinusunod. Ang pambansang komunidad agham panlipunan, sa halip na manatiling tumutugon at sensitibo sa mga suliraning nangangailangan ng pag-aaral sa sarili nitóng kalagayang panlipunan ay nagiging biktima ng panandaliang mga uso at moda ng nangingibabaw na panlabas na komunidad agham panlipunan. 5. Mga modelong konseptuwal o teoretikal Ang paksang pinag-aaralan ay hindi lámang aspekto tungkol sa nangingibabaw na mga konseptong isang malakas na panlabas na komunidad agham panlipunan kundi makaiimpluwensiya rin sa isang pambansang komunidad agham panlipunan, partikular kung may mabigat na pangangalap ng mga kasapi, gayundin ng maramihang pagsasanay nitó ng panlabas na komunidad. Ang pambansang komunidad agham panlipunan ay maaaring maging depende o umaasa sa komunidad panlabas para sa mga modelong konseptuwal o teoretikal na tumatalakay sa mga suliranin sa pananaliksik sa sarili nitóng komunidad. Ang mga konseptuwal o teoretikal na mga modelong ito bagaman kilaláng unibersalistiko at pangkalahatan ay hindi nangangailangang umaangkop sa partikular na mga suliranin na kailangan ng imbestigasyon sa lipunan. Kadalasan, ang mga suliranin sa pananaliksik at pag-aaral ay dinidiktahan ng mga piniling modelong teoretikal at konseptuwal sa halip ng aktuwal na kongkretong kalagayan na interesadoang mananaliksik. Samakatwid, napakamahalaga para sa Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

129

independensiya at awtonomiya ng komunidad agham panlipunan na ang mga modelong ginagámit nitó sa pagtatrabaho ay dapat na tama, angkop, at tumutugon sa mga pangangailangan ng gawaing agham panlipunan sa partikular na komunidad. Hindi ito nangangahulugan na lahat ng nása komunidad na iyon ay kailangang gumamit ng parehong modelo upang magkaroon ng makahulugang gawain kundi ang paggamit, pagaangkop, at pakinabang sa mga modelong banyaga ay kailangang laging sinusuring mabuti bago ito gamítin sa loob ng isang naiibáng pambansa o kultural na konteksto. 6. Mga pamamaraan at teknik Ang ibáng aspekto ng mga kagamitang ginagámit ng mga siyentistang panlipunan sa kaniláng gawain ay mahalaga dito dahil sa kakaibáng kalikásan ng mga agham panlipunan. May mga pamamaraan at teknik na gumaganang mabuti sa isang sitwasyon na maaaring walang silbi o hindi naaangkop sa ibá. Samakatwid, mahalaga para sa pagkaepektibo at kalayàan ng isang komunidad agham panlipunan na ang mga kasapi nitó ay makapipili ng kaniláng sariling mga pamamaraan at teknik o kasanayan sa kaniláng kakaibáng katangian, partikular sa kalagayang panlipunan na pinag-aaralan nilá sa sariling pambansang lipunan. Ang lahat ng mga pagsasaalang-alang na may kaugnayan sa mga modelong konseptuwal o teoretikal at paksáin ay magagámit dito. Makapipinsala sa awtonomiya ng isang pambansang komunidad agham panlipunan kung masyadong aasa ito sa mga pamamaraan at teknik na binuo ng ilang pambansang komunidad agham panlipunan at disinusuring gagamitin iyon sa pananaliksik sa sariling lipunan.

130

Pandiwa

7. Ang media para sa diseminasyon at pagtalakay sa mga resulta Ang komunidad agham panlipunan na walang sariling media para sa talakayan at diseminasyon ng mga resulta ng gawain nitó at ng partikular na mga suliranin bílang komunidad ay laging mabubulid sa pag-asa sa ibáng mga pambansang komunidad agham panlipunan na may gayong media na itinuturing na prestihiyoso. Ang mga samaháng pang-akademiko, journal, taunang mga pulong, natatanging mga kumperensiya, mga workshop, simposyum, pantanging layuning mga organisasyon at mga pangkat na may kasanayan sa partikular na mga larang ay pawang mga institusyon at media sa interaksiyon para sa komunikasyon, diseminasyon, at talakayan sa mga resulta ng pananaliksik na isinagawa ng komunidad, at ng kaniláng mga gawain. Sa pagkakaroon ng ganitong media, ang komunidad agham panlipunan ay makabubuo ng identidad at komunidad at ng pareparehong pag-unawa sa mga problemang kinakaharap ng komunidad sa partikular na pambansang lipunan nitó. Walang gayong media. Ang komunidad ay mahahalo sa saklaw ng komunikasyon ng isang higit na malaki, malakas na komunidad agham panlipunan sa sariling kapaligiran. Bílang karagdagan sa mulat na mga samahán o lipunan, dyornal, at taunang mga pulong, mayroon ding kuwestiyon hinggil sa isang independiyenteng set ng mga sistema sa impormasyon na may mga impormasyon hinggil sa mga produkto ng mga gawáin sa agham panlipunan ang mapalalaganap nang mabuti sa buong pambansang komunidad. Ang partikular na mahalaga dito ay ang mga katalogo ng nalathalang mga aklat, bibliyograpiya, talaan ng mga sitasyon, buod ng sulatin, direktoryo at katulad na uri ng mga serbisyo na laging makapagpapabatid sa komunidad agham panlipunan tungkol sa pag-

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

131

unlad ng kaalaman na may kaugnayan sa sarili nitóng pambansang lipunan at ibáng mga produktong sariling gawa. 8. Ang sistema sa insentibo ng komunidad Hindi gaanong makatutulong sa pambansang komunidad agham panlipunan kung nagsasanay nga ito ng mga kasapi, nangangalap mula sa sariling pambansang lipunan, may sariling mga samaháng pang-akademiko, journal, at ibá pang paraan ng publikasyon at diseminasyon ng kaalaman, subalit nagpapatúloy naman ang pagkawala ng matatalinong mga kasapi nitó bunga ng paglipat sa higit na prestihiyosong panlabas na mga komunidad agham panlipunan o ang mga kasapi ay patuloy sa pakikilahok at paghahanap ng unang publikasyon sa media para sa diseminasyon at talakayan ng panlabas na komunidad agham panlipunan sa halip na sa media ng kaniláng sariling komunidad. Isang katanungan ito kung ano ang pinakamahalagang sangguniang komunidad ng mga kasapi sa partikular na komunidad agham panlipunan. Ang sangguniang komunidad ba ang pambansang komunidad agham panlipunan o isang “community of interests” na lumalampas sa pambansang mga hanggahan, o ang isa na matatagpuang halos eksklusibo sa ibáng pambansang komunidad agham panlipunan? Ang madalas na tanong ay kung ang sistema sa insentibo sa loob ng pambansang komunidad agham panlipunan ay iyong nagpapabuya sa mga gawaing nakakíling sa pambansang lipunan, o sa ilang “unibersal” na komunidad internasyonal o pamantayan. Kung ang komunidad ay gumamit ng “unibersalistikong” mga pamantayan sa ebalwasyon ng kakayahán ng kaniyang mga kasapi para sa promosyon o para sa propesyon, maaaring ang mga kasapi ay maghangad na mas mabuting makilála sa pamamagitan ng publikasyon sa labas ng bansa sa kilaláng internasyonal na mga journal ng ibáng mga pambansang 132

Pandiwa

komunidad agham panlipunan at maghangad ng prestihiyo at pagkiloskilos sa ibáng mga komunidad agham panlipunan, kapag napaharap sa oportunidad. 9. Ang pangunahing pinagkukunan ng suporta sa pananaliksik Ang isang pambansang komunidad agham panlipunan na mayroong tugon para sa suporta sa pananaliksik nitó o mga pinagkukunan sa labas ng kaniyang sariling pambansang lipunan ay malabong maging awtonomo at independiyente sa mga pambansang komunidad agham panlipunan na mula sa pambansang lipunan ay tumatanggap iyon ng suportang pinansiyal para sa pananaliksik. Ang pananaliksik nitó ay huhusgahan batay sa kriterya ng kalidad at pakinabang ng mga nagpopondong ahensiyang banyagang pambansang lipunan at mananatiling umaasa iyon sa panlabas na komunidad agham panlipunan hangga’t nakasusunod sa mga pamantayan ng hulí upang makamit ang suporta para sa mga gawain sa pananaliksik. 10. Ang ugnáyan sa pambansang lipunan Kapag ang isang komunidad agham panlipunan ay hindi nagsasagawa ng pangunahing bahagi ng pananaliksik at paglalathala ng kaalamang agham panlipunan hinggil sa pambansang lipunan nitó, makararanas ito ng mga paghihirap kaugnay ng patuloy na suporta at independensiya. Ang saklaw na ginagawan ng pananaliksik ng komunidad agham panlipunan sa sarili nitóng pambansang lipunan at naglalathala ng gayong pananaliksik para sa kapakinabangan ng pambansang lipunan ay isang mahalagang sangkap sa kaniláng independensiya at awtonomiya. Ang oryentasyon sa pambansang lipunan at ang probisyon ng praktikal na Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

133

kaalaman sa pambansang lipunan para sa paglutas sa gayong mga suliranin ay mga aspekto ng búhay at kapakanan ng komunidad agham panlipunan upang matamo nitó ang awtonomiya at independensiya katapat ng panlabas na mga komunidad agham panlipunan. Sa sandaling makasanayan nitó ang pag-aaral sa natatanging kapaligirang panlipunan na katatagpuan ng sarili sa pambansang lipunan, makapagbubuo iyon ng kriterya para sa pagpili ng mga paksáin sa pananaliksik at gawaing iskolarsip, gayunding makapaglilinang ng sariling mga pagdulog, mga modelong konseptuwal at teoretikal, at mga pamamaraan at teknik, para sa pagaaral ng gayong mga suliranin. Maaaring makagawa rin ng namumukod-tanging mga ambag sa internasyonal na iskolarsip sa ilalim ng ganitong mga pagkakataon. Walang alinlangang mayroon pang mga aspekto ng isang komunidad agham panlipunan na mahalaga para sa pagpapanatili ng kaniyang independensiya at awtonomiya katapat ng ibá pang mga komunidad agham panlipunan at sarili nitóng pambansang lipunan. Gayunman, ang mga aspektong nakatalâ sa itaas ay kailangang magtakda ng batayan sa pagsusuri sa pangangailangan para sa indihenisasyon ng komunidad agham panlipunan sa alinmang bansa. Mga Salik na Nakaiimpluwensiya sa Indihenisasyon Maraming salik ang kaugnay sa antas ng indihenisasyon ng komunidad agham panlipunan. Marami sa mga iyon ay nanggagaling sa mga ugnáyang pangkasaysayan, pang-ekonomiya, pangkultura, pampolitika, at pangheograpiyang pambansang lipunan sa ibá pang mga pambansang lipunan at mula sa sariling antas ng pagunlad. Maaaring sabihin na ang isang pambansang komunidad agham panlipunan ay malamáng na katutubo at independiyente o nakapagsasarili kung ang pambansang lipunan nitó ay may tiyak na mga katangian, o isang kombinasyon ng gayong mga katangian; kung ang pambansang lipunan o bansang-estado ay: 134

Pandiwa

• may independiyenteng ekonomiya at hindi pinangingibabawan ng ekonomiya ng ibáng bansang-estado; • independiyente sa politika at may matatag na sandatahanglakas na katapat ng ibáng bansang-estado; • naiibá sa wika at kultura mula sa mas malawak at makapangyarihang mga bansang- estado; • maihahambing sa antas ng pag-unlad sa nangingibabaw na bansang-estado; • naninindigan sa independensiya at awtonomiya katapat ng ibáng mga bansang-estado; • may mahigpit na proteksiyon sa pangangalaga ng sariling kultura at mga gawain ng mga kasapi; • malakas na nagtataguyod ng sariling siyentipikong komunidad at nangangalaga sa sariling independensiya at awtonomiya; • may matibay na tradisyon ng literatura, kultura, at intelektuwal na pamumuhay; • may maunlad na sistema ng edukasyon, kasáma ang mas mataas na edukasyon. Ang mga salik na ito ay kapansin-pansing kalagayan na makabubuti sa pagpapaunlad ng isang katutubong komunidad agham panlipunan at ang kawalan ng mga iyon ay malamáng na makahadlang sa gayong pagpapaunlad. Ang mga iyon ay kalagayang ang mga komunidad agham panlipunan o mga institusyon ng agham panlipunan ay walang gaanong magagawa nang silá lámang. Subalit mahalaga na makita ang mga problema sa indihenisasyon sa konteksto; hindi lámang ito suliranin para sa naghihirap na mundo bagaman maaaring mas matindi roon. Lilitaw na ang komunidad agham panlipunan ng isang bansang tulad ng Canada, halimbawa, ay nahaharap sa pambihirang mga suliranin hinggil sa indihenisasyon. Bílang mga siyentistang panlipunan, dapat nating maunawaan na ang ganitóng mas malawak na konteksto ay hindi maaaring balewalain, na karamihan sa ating mga pagsisikap ay maaaring mawalang saysay kapag hindi táyo makalikha ng isang bagong internasyonal na

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

135

sosyo-ekonomikong kaayusan at makaalis ng mga dependensiya na nananatiling nakatatak sa mga ugnáyan ng mga bansa. Gayunman, mayroong ilang paraan na magagamit ng mga komunidad agham panlipunan at internasyonal na mga organisasyon ng agham panlipunan upang palakasin ang indihenisasyon ng agham panlipunan. Mga Pambansang Estratehiya Ang pokus para sa indihenisasyon ay siyempre sa pamamagitan ng depinisyon sa antas pambansa. Kung saan mayroong mga pambansang kapulungan o katulad na mga pangkat, malaki ang magagawa ng mga iyon upang masuportahan ang pagpapaunlad ng indihenisasyon ng komunidad agham panlipunan. Sa katunayan, ang ganitong layunin ay makikitang siyáng raisond’etre ng pambansang konseho sa pananaliksik. Subalit ang tungkulin nitó ay hindi maisasagawa sa pamamagitan lámang ng pag-aanyaya at pagtanggap ng mga aplikasyon para sa mga grant sa pananaliksik at pagkakaloob ng mga iyon batay sa prosesong “peer assessment” gámit ang “unibersal” na kriterya ng kahusayan. Sa kabuuan, maimumungkahing ang isang pambansang konseho ay kailangang mag-ukol ng sarili sa lahat ng aspektong nakatalâ sa itaas bílang kritikal sa indihenisasyon. Ang ilan sa mga aspektong ito ay maaaring labas sa mandato ng konseho at sinusuportahan ng ibáng pambansang konseho na maaaring silá ang nása pinakamabuting posisyon na magkakaloob ng kaligiran ng kabuuang sistema ng pambansang agham panlipunan at ng komunidad ng mga siyentistang panlipunan. Mula rito, makapagkakaloob ito ng isang pangunahing pambansang perspektiba sa masining na agham panlipunan at matutukoy ang mga lugar o mga aspektong nangangailangan ng higit na pagpansin at suporta sa pagpapaunlad sa sistema ng indihenisasyon ng agham panlipunan at komunidad.

136

Pandiwa

Partikular na kabílang dito ang pagbubuo at pagpapanatili ng isang sistema sa pananaliksik na akmang túngo sa pagsusumikap para sa indihenisasyong pananaliksik at ng pagkakaroon ng mga yamang tao at ibá pa para sa pagpapaunlad nitó. Nangangailangan ito ng pagtatayô ng institusyon at programa sa pagpapaunlad bílang dagdag na suporta sa indibidwal na mga proyekto sa pananaliksik. Ikalawa, ang pagpapaunlad ng pambansang media ng komunikasyon at diseminasyon sa mga resulta ng pananaliksik ay kailangang sinusuportahan. Ito ay kinapapalooban hindi lámang ng mga samaháng pang-akademiko, journal, kumperensiya at ibá pa, kundi ng pagpapaunlad din ng pambansang impormasyon at sistema ng dokumentasyon sa kapakinabangan ng pagsusumikap sa pambansang pananaliksik. Ang mga pambansang samaháng pang-akademiko ay kailangang mahikayat na makipagtulungan sa bawat isa, upang mapasigla ang interdisiplinaryong pananaliksik na nakapokus sa pambansang mga suliranin at makapag-ambag túngo sa malawakang pagpapalaganap ng kaalamang agham panlipunan tungkol sa pambansang lipunan at edukasyong pampubliko hinggil sa mga suliraning kinakaharap ng bansa. Kailangan siláng hindi mahikayat sa pagsunod sa mga uso at moda ng mga dominanteng sentro ng agham panlipunan at sa walang-pagsusuri o mekanikal na paggámit ng mga modelo, teorya, pamamaraan, teknik, at ng tinatawag na “unibersal” na mga pamantayan ng kahusayan sa kaniláng trabahong kaloob, at sistema sa insentibo. Ito ay mabubuo nang may maingat na patakaran sa selektibong internasyonal na pagtutulungan, na ang layunin ay pagpapaigting ng pambansang pagsusumikap at proteksiyon sa pagmamalabis at iba pang anyo ng pag-asa na nagdudulot o nakakadagdag sa mga gawáin na pinangungunahan ng mga nása sentro. Ang ganitóng mga patakaran ay kailangang naglalayon ding mapanatili at manghikayat ng mga natatanging kasapi ng pambansang komunidad ng agham panlipunan na maaaring mahikayat at maitaboy palayô ng nangingibabaw sa Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

137

sentro na nagkakaloob ng higit na mataas na mga pabuya at pagkilála at mas magagandang pagkakakitahan. Ang pagpapaunlad ng matatag na komunidad ng katutubong agham panlipunan ay hindi lámang nangangailangan ng suporta at proteksiyon ng pambansang pagsisikap, kundi maayos na sistema ng paggámit ng mga pinagkukunan ng pagkakakitaan, na mayroon ang mga sentrong napili batay sa kaniláng ambag pampolitika na naging epektibo sa pagsusumikap pambansa. Ito ay makatutulong sa pag-iwas sa patibong ng indihenisasyon kung ipagpapatúloy nang lubusang nakahiwalay at di nagsasaalang-alang sa mga nagawa sa ibáng lugar, at upang lubos na makinabang ang mga kasapi sa mga partikular na kaalaman at paggámit sa mga gawa ng ibáng mga komunidad at sa kaniláng yaman. Ang ganitong mga patakaran ay kailangang maipagpatúloy upang sapat na espasyo ang maiiwan para sa indibidwal na pagkukusa, para maipagpatúloy ng mga mananaliksik ang kaniláng mga interes at magtamasa ng kalayàan sa komunikasyon sa loob at labas ng bansa. Sa interdisiplinang antas, ang isang pangunahing kahinaan ng internasyonal na komunidad agham panlipunan ay ang kaniláng organisasyon, ang ISSC, ay mayroon lámang mahinang pakikipagugnayan sa pambansang komunidad agham panlipunan. Maaaring pangatwiranan na mayroon itong mga gayong relasyon sa mga komunidad ng disiplina sa pambansang antas sa pamamagitan ng mga kasapi nitó sa internasyonal na samahán sa disiplina. Subalit, ang ganitóng ugnáyan ay malayo sa katotohanan, kung ito ba ay mahalagang banggitin. Sinubukan ninyong ayusin ang suliraning ito sa pamamagitan ng pagkakaloob ng halal at katuwang na kasapian sa General Assembly o Pangkalahatang Kapulungan. Sa pamamagitan ng ganitong ruta, kakaunti ang pambansang akademya at interdisiplinaryong organisasyon ng agham panlipunan ang natatanggap sa kalagayang halal na mayroong kompletong karapatan at pribilehiyo, o kalagayang katuwang (associate), na walang karapatang bumoto.

138

Pandiwa

Inaasahang ang ISSC ay magrerebisa ng saligang-batas nitó upang mapayagan ang lubos na kasapian ng mga organisasyon ng interdisiplinaryong agham panlipunan. Bukod dito, kailangang sa pamamagitan ng mga disiplinadong kasapi nitó ay disiplinahin ang mga asosasyon at hikayatin ang pagbuo ng mga pambansang organisasyong interdisiplinaryo na magkakaloob ng higit na epektibong tampok na mga puntos para sa magkakasabay na indihenisasyon at internasyonalisasyon ng mga agham panlipunan. At ang estruktura ng pangangasiwa, komite sa estruktura at programa ay kailangang baguhin upang makapagtakda ng higit na pantay at sapat na pakikilahok sa mga komunidad agham panlipunan sa lahat ng mga rehiyon sa mundo. Sa ganitóng paraan, ang kabuuang impluwensiya ng mga Europeo at Hilagang Americanong komunidad agham panlipunan, na siyáng katangian ng Konseho noong unang dalawampu’t limang taon nitó ay maaaring palamlamin at palitán ng isang sistemang higit na representatibo. Sa nakalipas na apat na taon, tumaas ang kaalaman ng ISSC sa mga suliraning ito, bahagyang sa pamamagitan ng sarili nitóng umiiral na Komite para sa Kooperasyon sa mga Pambansang Konseho at Kahalintulad na mga Lupon. Alam nating lahat ang kasaysayan nitó. Sa kalahatan, nilabanan ng ISSC ang lubos na kasapian para sa mga grupong ito, pangunahi’y sapagkat karamihan sa mga ito ay nakikita bílang pampamahalaan o para-governmental, ngunit bahagya ring dahil sa pinahihina ng mga ito ang kapangyarihan ng mga samaháng pandaigdig, na kontrolado naman ng mga dominanteng sentro. Ang mga pambansang konsehong ito at magkaparehong grupo ay may kritikal na kahalagahan sa indihenisasyon ng mga agham panlipunan. Ilan sa mga ito ay maaaring tumatanggap ng malaking pondo na iniingatan sa antas pambansa para sa suporta sa mga agham panlipunan. Samakatwid, naiiba ang kalagayan ng mga iyon upang makalinang ng mga estratehiyang pambansa, rehiyonal, at internasyonal para sa katutubòng paglago at pagpapaunlad ng mga agham panlipunan. Ito ay maipupuri sa ISSC na nagdalá sa mga grupong ito sa Standing Committee kapag tinatalakay ang karaniwang mga Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

139

suliranin at kapakanan. Kung ipagpapatúloy ng ISSC ang pagkakaloob ng kanais-nais at epektibong konteksto para sa pagtutulungan ng mga grupong ito, ay malaláman pa, at isang kuwestiyong haharapin ng Pangkalahatang Kumperensiya. Walang kaduda-duda, gayunman, na ang pagpapaunlad ng indihenisasyon ng agham panlipunan ay nagkakaloob hindi lámang kabuuang layunin o raison d’etre para sa mga grupong ito sa pambansang antas kundi para sa kaniláng internasyonal at rehiyonal na pakikipagtulungan. Ang Standing Committee o tagumpay o organisasyon nitó ay maaaring magpatúloy sa pagkakaloob ng forum para sa internasyonal na pagtutulungan at komunikasyon o sa mga suliranin sa indihenisasyon. Subalit ang kasalukuyang estruktura nitó ay nangangailangan din ng pagbabago upang makapagkaloob ng higit na epektibong rehiyonal na representasyon at pokus sa mga gawain. Inaasahang ang ganitóng estruktura ay lilitaw sa Pangkalahatang Kumperensiya. Sa hulí, nariyan ang inter-governmental na mga organisasyon, tulad ng UN at UNESCO na may mahalagang epekto sa internasyonal na pagpapaunlad ng mga agham panlipunan. Sa mga ito, ang UNESCO ang may kakaibáng katayuan na makatulong sa pagpapaunlad ng mga agham panlipunan sa pambansa, rehiyonal, at internasyonal na antas. Ang programa ng UNESCO para sa mga agham panlipunan at mga paggámit nitó ay mabilis na lumalaganap túngo sa pagkilála sa kapangyarihan ng indihenisasyon at rehiyonalisasyon para sa ebolusyon ng higit na pantay na sistema ng internasyonal na agham panlipunan. Dalawang pulong kamakailan ang nagpaliwanag nang napakalakas sa tunguhing pagpapaunlad. Ang una ay isang internasyonal na pulong na itinaguyod ng UNESCO tungkol sa “Interregional Cooperation in Social Sciences,” na ginanap sa Paris noong Agosto, 1976. Ang ulat, na nalathalang may ganitong pamagat ay kalalaganap lámang: ang rekomendasyon nitó ay nagbibigay-diin sa pangangailangan sa indihenisasyon ng mga agham panlipunan.1

140

Pandiwa

Ang ikalawa ay isang internasyonal na workshop na itinaguyod ng Canadian Commission para sa UNESCO hinggil sa “Model Elements for the Social Science Programme of UNESCO,” na ginanap sa Canada noong Agosto 1977. Ang ulat na malápit nang ipamahagi ay mahigpit na nagrerekomenda na gamítin ng UNESCO ang posisyon na suportahan ang indihenisasyon ng mga agham panlipunan at ang rehiyonalisasyon ng internasyonal na mga gawain at programa ng mga agham panlipunan. Sa mahalagang pagganap ng tungkuling pagpapagaan at koordinasyon, makapagkakaloob ang UNESCO ng baseng internasyonal para sa mga miyembrong estado nitó sa pagpapaunlad ng kaniláng mga pagsisikap para sa agham panlipunan sa parehong pangunahing pagpapaunlad at aplikasyon at sa ganitóng paraan ay magkamit ng higit na kakailanganing pagtutok ng mga pagsisikap at ng epektong pamparami para sa limitadong pondo. Bukod dito, sa pamamagitan ng sariling rehiyonal na estruktura at rehiyonal na sentrong naitatag na, maaari itong tumulong sa internasyonal na komunidad agham panlipunan sa rehiyonalisasyon ng mga programa at mga gawain nitó. Sa paggámit ng kadalubhasaan na nakatuon sa di-pampamahalaang organisasyong agham panlipunan sa pambansa, rehiyonal, at internasyonal na lebel, ang UNESCO ay hindi lámang makaaambag sa indihenisasyon at rehiyonalisasyon ng mga sariling programa nitó, kundi magkakaroon din ng katulad na epekto sa mga organisasyong ito, na gaya ng nakita na natin ay lubhang kailangan. Kongklusyon Ang internasyonal na komunidad agham panlipunan, ang mga estruktura, programa, at ibá pang mga gawain nitó, hanggang ngayon ay isinasalarawan na sobrang atomismo o pagkakahati-hati, ng maaari nating tawaging “methodological individualism.” Bílang resulta, may tendensiya sa elitistang padron ng partisipasyon, eksklusibong ugnáyang pang-media, at pangingibabaw ng mga sentrong Europeo at Hilagang Americano, na nagpapatagal sa kitang-kitang di pagkakapantay-pantay at dependensiya sa internasyonal na sistema ng agham panlipunan.

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

141

Napagtalunan nang ang ganitong malubhang kalagayan ay hindi dapat pinapayagan, na ang nangingibabaw na priyoridad ay kailangang naibibigay sa lahat ng lebel, pambansa, rehiyonal, at global, sa indihenisasyon ng mga agham panlipunan sa pagbabagong estruktura ng internasyonal na mga gawain upang makapag-ambag sa halip na lumihis sa layuning ito, sa pamamagitan ng rehiyonalisasyon at uri ng pagtutulungan na makakabawas o makakadagdag sa pagtanggal ng kasalukuyang mga dependensiya at makapagpapalakas sa mga pagpapaunlad ng katutubong agham panlipunan. Kailangang maging malinaw na ang mga estratehiyang ito ay makikitang nagpapahina sa internasyonalisasyon ng mga agham panlipunan sa pinakakaraniwan at paimbabaw na nagmamasid lámang. Sa katunayan, walang totoong internasyonalisasyon ng mga agham panlipunan kung walang indihenisasyon sa malawakang mga bansa at mga kultura sa mga rehiyon ng mundo. Ito ay partikular na may katotohanan sa mga agham panlipunan sa kaniláng malápit na pakikipag-ugnayan at masalimuot na pakikisangkot sa mga realidad ng lipunan na kaniláng pinag-aaralan.

TALÁ

1

142

UNESCO, Reports and Papers in the Social Sciences, 1977

Pandiwa

Ang Tiktik/Aswang sa “El Tic-Tic” at “El Vaquero Del Calatcat” ng Cuentos de Juana: Isang Pagsasalin Felino S. Garcia, Jr. Abstrak Ang pagsasáling ito ay bunsod ng interes sa mga pag-aaral hinggil sa paniniwala sa tiktik o aswang. Naipaloob bílang pambungad ang pagsasakonteksto ng mga kuwento sa sistema ng asyenda sa Negros Occidental. May mga karagdagang pagtalakay hinggil sa hirarkiyang panlipunan, heograpiya ng tropiko, ang kinalalagyan ng aswang sa kasaysayan, mga tradisyon sa malikhaing pagsulat na may malaking impluwensiya sa may-akda, mga diksiyonaryong ginamit, mga ulat tungkol sa paggamit ng salitâng hada o fairy, at sa kusang pagpások ng tagasalin ng ilang salitâng Hiligaynon sa katawan ng teksto. Bílang pagtatapos, hindi maipagkakaila na makapangyarihan ang teksto ng tradisyong oral ng mga katutubong paniniwala, dahil pílit siláng lumilitaw at nangingibabaw sa daloy ng bagtasang pangkasaysayan mula sa kolonyal na paglalapat ng kaayusan at hirarkiyang panlipunan patúngo sa mga masalimuot na mga kontradiksiyong panlipunan nang panahong postkolonyal. Mga pinakamahalagang salitâ: tiktik, aswang, manananggal, kasaysayang pampanitikan, hirarkiyang panlipunan, heograpiya ng tropiko, wikang bernakular, kuwentong bayan.

Ang Asyenda sa Kanlurang Negros “. . .Te ofrezco mi corazon, a cambio de mi pobreza. . .” (Kapalit ng aking paghihikahos, ang pusong ito’y halad ko sa iyo) –mula sa kantang “Malagueña Salerosa”

ANG MUNDONG UMIINOG sa mga karakter ng magkaugnay na mga kuwentong “El Tic-tic” (Ang Tiktik) at “El Vaquero del Calatcat” (Ang Bakero ng Calatcat) ay ang asyenda. Napapaloob ang mga ito 143

sa kasaysayan ng pagbuo ng mga asyenda sa Kanlurang Negros o Negros Occidental noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo at ang patúloy na pag-ibayo nitó sa panahon ng kolonyal na rehimeng Americano. Matutunghayan sa pagsasalaysay ni Adelina Gurrea Monasterio ang partikular na panahon ng kasaysayang panlipunan ng probinsiya. Ang tubó na naging export crop dahil sa produktong asukal na iniluluwas sa labas ng kolonya ay may malaking impluwensiya sa paglikha ng lipunan at pamayanang ginagalawan hindi lámang ng mga karakter ng mga kuwento kundi ng may-akda mismo na si Adelina Gurrea Monasterio. Ang mabilisang transpormasyon ng Negros lalonglalo na ang kanlurang bahagi nitó mula sa isang kagubatan o kalasangan patúngo sa isang probinsiya na may malalawak na mga asyenda ay nagsimula sa panahon ng pagbagsak ng negosyo ng sinamáy na tela sa karatig isla ng Panay at ang pangyayaring ito’y nakasentro sa siyudad ng Iloilo. Dahil dito, minabuti ng mga mestisong intsik na negosyante doon na dumayo at makipagsapalaran sa prontera ng Negros. Nagbunga ito sa malawakang paghahawan ng mga kagubatan at ang kaakibat na pagbubungkal ng mga lupa upang pagtaniman ng tubó. Ito na rin ang isa sa mga dahilan kung bakit lumobo ang populasyon ng kanlurang bahagi ng isla na may katutubong pangalan na Buglas. “McCoy estimates that the population of Negros rose from 18,805 in 1849 to 308,272 in 1903” (Billig:157). Kabílang sa mga nandarayuhan sa Negros ay ang mga indiong nanggáling sa ibá’t-ibáng mga kabayanan o kabanwahanan na malalápit sa mga baybáyin ng isla ng Panay. May mga Español at ibá pang Europeong dumayo at nanirahan sa Negros ngunit karamihan sa kanilá ay direktang nagmula sa España o sa Maynila kung saan silá’y namalagi ng ilang taon. “Most of the migrants were Indios who came from Panay. The hacenderos or large plantation owners were mainly Chinese mestizos from the towns of Jaro and Molo, though there were several Spaniards and other Europeans” (Billig, ibid.).

14 4

Pandiwa

Hirarkiyang Panlipunan Isang halimbawa ng mga migranteng Español ay ang angkang pinanggalingan ni Adelina. Ang ama’t ina niya ay pawang mga Español. Apo si Adelina ni Teodoro Gurrea na nagmula pa sa Navarra, España. Isa siyá sa mga peninsular na Español na inimbitahang makibahagi sa proyekto ng kolonyal na gobyerno na gawíng taníman ng tubó ang bulkaniko’t basal na lupa ng Negros. Tulúyan siyáng nanatili sa Negros pagkatapos niyang napangasawa ang isang mestisang Tagalog sa Maynila. Dáting kawal ng hukbong militar ng España si Teodoro na nangarap na maging asendero sa Negros. Bunga ng masigasig na pagrerehistro ng mga lupang kaniyang hinawan, ipinagkaloob sa kaniya ng gobyerno ang mga titulo sa malalawak na lupain sa La Carlota “In 1878, Gurrea purchased and undertook the documentation process in Bacolod City to obtain titles to an additional 596 hectares of land in La Carlota for about one peso per hectare” (Lucero: 104). Sa kabilâng dako, ang ina ni Adelina na si Ramona Monasterio y Pozo ay dumatíng sa bayan ng Valladolid kasáma ang isa pang babaeng kapatid nilá ni Agustin, at ang magiging lola ni Adelina mulang Zamora, España noong 1890. Ang Valladolid at La Carlota ay magkalapít na mga bayan o banwa sa Negros Occidental. Naging asawa si Ramona ng anak ni Teodoro na si Carlos Gurrea. Katulad ng mga Gurrea, naging asendero ang tiyo ni Adelina na si Agustin Monasterio na kapatid ng kaniyang ina na si Ramona. Isang mediko si Agustin Monasterio sa simula ng kaniyang pamumuhay sa Negros. Sinikap niyang maghanap ng mga potensiyal na lupain na maaari niyang pagsakahan. Nang mahanap niya ito sa kalagitnaan ng mga pook sa kagubatan na walang nakatiráng tao, walang atubili niyang sinulat: “extension grande del terreno que fuera bueno este, proximo a la playa y amplitud de cogonales y bosque de facil tala” (Lucero: 107). Malawak na lupain at kaygandang tingnan at

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

145

punông-punô ng kugon at kagubatan subalit madali namang iháwan at bungkalin. (Aking salin) Ikinasal si Dr. Agustin Monasterio kay Donya Paz Koch y Montilla na kabílang rin sa mga angkang asendero dahil ang dalawang lolo ni Adelina sa angkan ng mga Koch at Montilla ay mga asendero: isang Español—si Don Agustin Montilla at ang isa nama’y taga-Prusya—si Don Hugo Koch. Ang La Carlota, nang panahong iyon ay itinuturing na bayan na may mataas na porsiyentong residenteng Español na peninsular. “Peninsular born Spaniards, for instance, clustered in the municipalities of La Carlota, Kabankalan, Manapla, San Carlos and Bacolod” (Larkin: 64). Sinasalamin din ng mga kuwento ang umiiral na kaibaháng panlipunan sa asyenda. Si Juana na tagapagsalaysay ng mga kuwento ay isang “criada nativa” o indiong kasambahay. Si Adelina naman at ang kaniyang mga kapatid ay mga Español na insular o criollo na ang ibig sabihi’y mga Español na isinilang sa kolonya kagaya ng tatay niláng si Carlos Gurrea. Ang mga Español na peninsular katulad nina Dr. Agustin Monasterio, Ramona Monasterio y Pozo, at Teodoro Gurrea ay ipinanganak sa España. Bagaman hindi tuwirang iminungkahi sa teksto, may mga indiong nakaaangat nang kaunti sa hirarkiyang panlipunan dahil nakakaupa silá ng lupa para sa pagtatanim ng palay. Ito ang mga aparcero o agsador at ang sistema ng pag-upa ay tinatawag na acsa o agsa na may kasunduang tinatawag na pacto de arrendamiento. Ang salitâng aparcero ay ang salitâng ginamit ni Adelina sa pagtukoy sa mga indiong ito. Ang terminong aparcero sa wikang Español ay may katumbas sa Ingles na “partner in a farm” (De la Cadena: 63). Ang sistema ng pag-upa ay salitâng kasingkahulugan ng sharecropping sa Ingles at katulad ito sa sistema ng kasamá o inquilino sa Luzon. Ang orihinal na salitâng Español na aparcero ay naisa-Filipino na rin sa bagong banghay na aparsero. Nangangahulugan itong

146

Pandiwa

“tagapag-ararong kasamá o kahati sa ani ng nagmamay-ari ng lupa” (UP Diksiyonaryong Filipino: 65). Ang paghahati sa kinita ng agsador sa lupa ay nababatay sa porsiyentong nakadikta sa nasabing kasunduan sa gitna ng asendero at ng kaniyang agsador. Ang karakter ni Roque ay kumakatawan sa agsador sa “El Vaquero del Calatcat” (Ang Bakero ng Calatcat). Mapalad na nabibílang si Roque sa pamilyang nakaririwasa sa búhay. Nahahanay silá sa gitnang-uri ng hirarkiyang panlipunan. Basáhin ang deskripsiyon ni Adelina sa kaniya at ng kaniyang pamilya: “Roque era el mayor de sus cinco hijos, entre los cuales habia dos hembras. Las muchachas estaban ya casadas, asi como Roque, que era padre de dos niños. Cristina, por ser la costurera de la casa del amo, tenia confianza para pedirle aparcerias, trabajos a destajo y otros privilegios corrientes en las haciendas. Habia conseguido que la mejor parcela palayera fuese para su marido, parcela, que muerto este, paso al hijo mayor, Roque” (Gurrea:109). Si Roque ang subang sa limang magkakapatid, dalawa sa kanilá ay mga babaeng may mga pamilya na sa kasalukuyan at may mga anak kagaya ni Roque. Dahil siyá’y inatasang maging mananahì sa tahanan ng kaniláng amo, buo ang tiwala niya sa sarili sa paghiling ng lupang mauupahan o agsa, mga trabaho’t gawain sa asyenda at ibá pang mga pribilehiyong maaaring ipagkaloob ng kaniláng amo kagaya ng isang palayán na dáting inaagsa ng asawa ni Cristina at nang sumakabilâng búhay ito, ipinása ang agsa sa subang na anak na si Roque. (Aking salin) Sa ibabâng antas ng hirarkiyang panlipunan naman nabibílang ang mga manggagawa sa asyenda at kilalá silá sa tawag na obrero o trabajador sa wikang Español, mamunugon o dumáan sa wikang Hiligaynon. Kinakatawan naman ito ng pangunahing karakter na si Blas. Hindi rin naisulat ni Adelina ang pinanggalingan ni Blas (siyá ba’y orihinal na naninirahan sa La Carlota o migrante mulang Panay) ngunit mapapansin nating dati siyáng nanilbihan sa kumbento ng kura paroko at naging katuwang o kabulig sa misa.

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

147

Sa pamamagitan ng impormasyong ito, masasabi nating sumailalim sa reduccion o reduksiyon si Blas. Ang reduccion o reduksiyon ay isang kolonyal na proseso na nagsaayos sa mga katutubong barangay upang maging pueblo o pamayanan ng mga binyagang mga indio. Hindi siyá remontado o mga indiong namundok at hindi nagpabinyag sa relihiyong Romano Katoliko dahil kabisado niya ang mga dasal at panalangin ng misa. Siyá’y isang binyagang indio na dumáan. Pinapatunayan sa puntong ito ang malaking papel na ginampanan ng mga relihiyosong orden ng mga misyonero’t prayle sa pagtatag ng kaayusang panlipunan sa Negros. Ang mga ordeng ito ay ang mga misyonerong Agustino at Rekoleto. “The advent of the Agustinian Recollect friars to exercise religious control of the province . . . Recollects assumed jurisdiction of Negros in 1848 and began establishing missions, then parishes” (Larkin: 61-62). Kasabay sa pagdatíng ng mga Rekoleto ay ang pagtalaga kay Don Manuel Valdivieso Morquecho (1849-1885) bílang gobernador na may hangáring umpisahan ang pag-unlad ng Negros lalo na sa pang-ekonomiyang aspekto nitó. Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, puspusang itinatag ang mga bagong kabisera o mga munisipyo sa kanlurang baybáyin patúngo sa hilagang bahagi. “Morquecho began formally delineating a number of new town centers along the west coast and barrios that later became municipalities along the north coast” (Larkin: ibid.). Ang La Carlota na may dáting pangalan na Baryo Simancas at bahagi ng Valladolid ay ibinukod at ginawang munisipyo ni Morquecho. Pinangalanan niya itong La Carlota, “In 1869, the Spanish governor of Negros, Don Manuel Valdivieso Morquecho declared it an independent municipality and renamed it La Carlota” (Lucero: 103). Sa konteksto ng ekonomiyang nababatay sa sistema ng asyenda, ang nakahanay sa lakas-paggawa ang nagbabanát ng buto sa pagtatrabaho sa mga lupain. Mula sa pagiging sakristan sa simbahan, naging obrero si Blas at nag-ambisyong maging agsador ngunit sa halip, naging bakero ng mga báka ng amo niya sa isang malayong pastolan sa Calatcat. Ang bákang sana’y magsisilbing pantubos sa utang ng mga magulang ng nobya niyang si Teodorica o Doric ay nasaktan sa 148

Pandiwa

pambabato ng agsador na si Roque. Hindi natuloy ang pag-iisang dibdib nilá at pinakasal si Doric ng kaniyang mga magulang sa isang nagmamay-ari ng homestead na siyá ring pinagkautangan nilá. Bunga nitó, nawalan ng saysay ang kaniyang planong magpakasal kay Doric. Kung babasáhin natin ang mga sandaling niyakap ni Blas ang kaniyang inaalagaang báka pagkatapos nitóng matumba sa pambabato ni Roque, mararamdaman natin ang pag-asang ipinagkait sa kaniya ng mga hindi niya inaasahang pangyayari. Ang sakít na naranasan ng bákang si Hada ay katumbas ng pighating nanunuot sa puso ni Blas. Ang tindi ng sugat sa katawan ng báka at ang sugatáng damdamin ni Blas ay iisa at walang halong pagkakaibá sa bahaging ito ng naratibo. Ang karahasan at pang-aapi na naranasan ni Blas ay isang pagsasalamin sa lipunang binuo at itinaguyod ng kultura’t ekonomiyang kaakibat ng pagbuo ng asyenda. Makikitang hindi likás na masamâ si Blas ngunit sadyang limitado ang galaw niya sa lipunang nagpiit sa kaniya sa hanay ng mga nabibílang sa ibabâ ng hirarkiyang panlipunang ito. Tandaan natin na anumang panlipunang institusyon na maaaring mag-ugnay sa mga katutubong taga-Negros bago pa man naganap ang pandarayuhan mula sa isla ng Panay ay hindi umusbong. Ang asyenda ay nagsilbing pamayanan na nagtadhana sa mga búhay ng mga nakilahok sa pagbuo nitó lalong-lalo na ang mga obrero. “In Negros, preexistent social institutions bonds of community, tribe or extended family, local traditions and practices were lacking. The hacienda became a total institution on its own to the workers” (Kreuzer: 9). Ang Homestead Namúlat at lumaki sa panahon ng rehimeng Americano si Adelina. Dahil dito, napasok niya sa kuwento ang konsepto ng homestead. Tunghayan ang sumusunod: “Habia adquirido una pequeña parcela de tierra acogiendose a la ley del homestead que distribuia las tierras virgenes sin desmochar” (Gurrea: 96) Sa pamamagitan ng homestead, nabigyan ito ng lupa na makakapal ang mga halaman at punongkahoy Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

149

at halos magubat pa. Ang homestead ay naglaláyong maipamahagi ang mga lupaing gubat. (Aking salin) Mababatid natin na ang karibal ni Blas kay Doric ay isang táong maykáya sa búhay—may mga trabahador at napagkalooban ng homestead na lupa. Bukod dito, may produkto siyáng palay na ibinebenta niya taon-taon. Nagmamay-ari din siyá ng mga báka’t kalabaw: “...y tenia obreros a su servicio… Vendia su palay todos los años. Tenia tres vacas y un carabao. Era un rival demasiado poderoso para Blas” (Gurrea: 96). Ano ang homestead? Dahil karamihan sa mga lupaing gubat na saklaw ng mga pampublikong pagmamay-ari ng estado (public domain) noong kasasakop pa lang sa atin ng mga Americano ay hindi pa titulado at walang mga wasto at legal na rehistrasyon, nagpasá ang gobyernong sibil o Taft Commission ng mga panukalang batas sa pangangasiwa ng mga nasabing mga lupain ng bagong kolonya. Ilan sa mga batas na ito ay ang Land Registration Act ng 1902, Public Land Law ng 1903, Friar Lands Act ng 1904, at ang mga kasunod na mga batas kagaya ng Homestead Act of 1919 at ng Commonwealth Act No.141 noong panahon ni Manuel L. Quezon. Ang mga batas na ito lalo na ang naisagawang ipatupad ng Taft Commission ang nagpasimula ng pagtatatag ng mga homestead sa mga magubat na lugar sa kapuluan. Bago mapagkalooban ng homestead, kinakailangang sundin ng aplikante ang mga alituntunin ukol dito: “The application process entailed a filing fee of ten pesos, a written petition describing the proposed homestead in size, area and type, statement under oath of a public land officer, an official survey and verification of land as a valid homestead, a notice to the public about the proposed homestead” (Martin: 191). Sa simula, sinikap ni Blas na magkatotoo ang kaniyang mga pangarap sa búhay sa pag-aakalang káya niyang magtabi ng pondo o kapital para matubos niya si Doric mula sa waring nalalapit na pag-iisang dibdib sa karibal. Buo ang pagtitiwala ni Blas na maisakatuparan ang 150

Pandiwa

kaniyang hiling sa kaniyang amo na maging agsador nitó at sa gayo’y makaupa ng lupa na tinatawag na aparceria o agsa. Siyá na mismo ang humingi ng pahintulot sa kura paroko na nais niyang magtrabaho sa asyenda at maging agsador balang araw—“queria trabajar en una hacienda, ahorrar, ser aparcero algun dia” (Gurrea: 95). Ngunit hindi ito natuloy at saksi táyong mga mambabasá sa hindi niya inaasahang mga balakid sa kaniyang pagtagumpay. Hanggang sa pagiging aparsero o agsador lang ang makakáyang abutín ng isang masipag at masigasig ngunit “hamak” na obrero katulad ni Blas sa loob ng panlipunang piitan katulad ng asyenda. Hindi niya maaaring mapantayan ang panlipunang antas na kinalalagyan ng kaniyang karibal na nabiyayaan ng homestead. Ang sistema mismo ng homestead ang humahadlang sa mga “maliit na mga tao” kagaya ni Blas na makilahok sa proseso dahil nangangailangang gumastos ang aplikante, samantálang hinihintay ang desisyon ng sangay ng gobyerno na namamahala sa homestead kagaya ng Bureau of Public Lands. “The costly process of land registration, filing affidavits, allowing open contestations to homestead claims, and requiring the presentation of numerous pieces of evidence to prove one’s legitimacy complicated the land reform exchange” (Martin: 192). Ang Aswang sa Kolonyal na Kaayusan Laganap sa dalawang magkaugnay na mga kuwento ang paniniwala sa mga nilaláng katulad ng aswang at tiktik. May kasaysayan ang paniniwalang ito dahil bago pa man dumatíng ang mga Español, nása kamalayan at imahinasyon na ng mga katutubo ang imáhen ng aswang. Kinilála ang paniniwalang ito na bahagi ng mga abusos y supersticiones. Noong ika-16 at ika-17 na mga dantaon, minabuti ng mga misyonero na magtalaga ng mga binyagang indio sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa buong arkipelago lalo na sa kapatagan at sa ilang bulubundukin at liblib na lugar. Ang mga katuwang nilá ay mga kasapi ng mga cofradia na humahalili sa mga prayle tuwing hindi nakakarating ang mismong prayle para gampanan ang tungkulin sa mga sakramento. Nag-aalala ang mga misyonero na kung walang mga kasaping tutulong Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

151

sa kanilá sa pagtuturo ng katesismo, maaaring magbalik sa pagsunod ang mga katutubo sa kaniláng sinaunang paniniwala at kabílang na dito ang tungkol sa aswang. O, ang sinasabi ni Vicente Rafael na—“to guard against slippage into native abusos superstitions.” Dagdag pa, laganap ang mga panukala ng mga misyonero hinggil sa pagtatakwil ng mga superstisyones ng mga indio. Dahil ang mga ito’y hindi sang-ayon sa pananampalataya sa Diyos ng Katolisismo at isang ehemplo ng pakikipagsabwatan sa demonyo. Ayon kay Bankoff, “Spanish authorities were uniformly hostile to the maintenance of pre-Christian practices. Parishioners were urged to abjure such rites and denounce all sorcerers, witches, magicians and apostates” (Bankoff,40: 1999). Matutunghayan ang naisulat tungkol sa mga aswang sa mga ulat o mga cronica ng mga Español, misyonero man o enkomendero katulad nina Fray Tomas Ortiz, OSA (Practica del Ministerio) at Miguel de Loarca (Relacion de las Yslas Filipinas). Sa mga panulat nilá mababása ang imáhen ng isang aswang katulad ng manananggal na kusang nahahati ang katawan—ang itaas na bahagi ay nagkakaroon ng mga pakpak at lumilipad hábang ang naiwang ibabáng bahagi ay laging ikinukubli sa isang masukal na lugar na hindi madaling mapuntahan ng mga tao. Si Maximo Ramos ang isa sa mga nagdokumento sa mga angking katangian ng aswang. Mungkahi niya: “Ang konsepto ng aswang ay mas maiintindihan sa pagtingin sa pagkakatipon ng mga paniniwala tungkol sa limang uri ng mga mitikal na nilaláng na may pagkakahawig naman sa ilang tauhang pangkababalaghan sa tradisyong Europeo. Kabílang na rito ang mga bampira, manananggal, weredog na kumakain ng tao, mangkukulam, at ang carrion-eating ghoul” (Evasco: 75). Bílang kumpirmasyon ng mga naisulat noon pa ng mga Español, noong ika16 na dantaon, ito ang naibahagi ni Ramos tungkol sa manananggal: “Naidagdag pa niya na ang manananggal ay kilalá bílang aswang na lumilipad upang maghanáp ng mabibiktima . . . sa gabí, nahahati ang katawan nitó at lumilipad. Buntis ang kadalasang biktima ng mga manananggal. Sa tuktok ng bubong, sa isang maliit na butas, inilulusot 152

Pandiwa

nitó ang kaniyang napakahabàng dila at sakâ sinisipsip ang lamanloob ng kaniyang biktima” (Evasco, ibid.). Wala itong kaibahán sa sinulat ni Adelina tungkol sa kung paano namamatay ang biniktimang batà: “pero casi siempre lo que hace es meterse debajo del tejado de la casa donde quiere hacer el mal y situandose encima de la habitacion del niño o a la persona a quien desea perjudicar, espera a que se quede dormido. Entonces convierte su lengua en un hilo finisimo de un acero invisible y la deja caer sobre el cuerpo de la criatura, introduciendosela dentro del higado. Comienza a chuparle lentamente la hiel hasta que el niño se pone enfermo, adelgaza y se muere” (Gurrea, 84). Papások ito sa bubong at mananatili sa loob ng kisame. Mula sa kisame hábang natutulog ang bibiktimahing batà, ibababâ nitó ang dila na magiging manipis at matalim na hilông bakal. Papások ito sa atay ng biktima at hihigupin nitó ang apdo hanggang magkasakit ang batà, mangangayayat at mamamatay (Aking Salin). Gaya ng nabanggit, sumasang-ayon ito sa sinulat ni Fray Tomas Ortiz noong 1731 at naipaloob bílang isang salin sa Ingles sa artikulo ni Fletcher Gardner: “They say that the bird called tictic is the procuress of the witch called asuang , which flying, passes by the houses of those who are in childbirth and that it places itself on the roof of the neighboring house and from thence, extends its tongue in the form of a thread that passes into the body of the child, and that with it he draws out the bowels of the child and kills it” (Gardner: 193). Bagaman naging puspusan at sistematiko ang pagpuksa sa ganitong paniniwala, hindi pa rin nagtagumpay ang mga misyonero dahil likás na makapangyarihan ang paniniwalang ito sa aswang at tiktik na napapaloob sa animistikong pananaw sa mundo (world view o weltanschauung). Makapangyarihan ang tradisyong ito dahil sa likod ng mga pagbabagong dulot ng kolonyal na pagsasaayos ng mga kaparangan, pagbuo ng mga pamayanan sa ilalim ng reduksiyon o reduccion, at sa pagtatatag ng mga asyenda sa loob ng ekonomiyang kapitalista, hindi nawala ang nasabing pananaw. Sa halip, ito’y kumalat at naging bahagi ng sistema ng pagpapakahulugan o semyotika ng mga naninirahan sa loob ng asyenda—asendero ka man o agsador, Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

153

katutubong dumaan ka man o migranteng obrero. This transformation of the island’s geographical map was also the restructuring of its people’s cognitive map. However, this did not so much mean the loss of the people’s teleological world view as its dispersion into the Spanish world of significations (Lucero: 112). Heograpiya ng Tropiko Noong 1902, humiling ng leave of absence sa kaniyang mga tungkulin sa U.S. Forestry Service sa Washington D.C. si Gifford Pinchot at tumúngo sa bagong kolonya ng America—ang Filipinas. Sa loob ng anim na linggo na nakasakay sa isang sasakyang-dagat, naikot niya ang buong arkipelago at namangha siyá sa kaniyang nakita dahil ang biyaheng iyon ang una niyang pagkakataóng makakita ng tropikal na gubat. “This was my first real sight of tropical forest” (Bankoff,480: 2010). Maliban dito, para siyáng musmos na labis na nagtataka sa kaniyang natuklasan sa paglalakbay na iyon: makakapal at mayayabong na mga kagubatan o kalasangan na waring humahalik sa dulo ng mga baybayin. “Ito nga ang tropikal na gubat, ang totoong gubat,” wika niya. Halos hindi siyá natinag sa kaniyang kinalalagyan hábang pinapanood ang kagandahan nitó. Napakalaki ng mga punongkahoy na sa kaniyang pagtatáya ay hihigit pa sa tatlong talampakan ang diyametro. Subali’t hindi niya gaanong kilála ang mga espésye upang sa gayo’y makabuo siyá ng eksaktong ideá ukol sa distribusyon o paglaganap ng mga ito sa nasabing kapaligiran. “What Pinchot saw impressed him greatly. This was tropical forest, the real thing and there was much to elicit his amazement and wonderment. In many places, the forest came right down to the water’s edge . . . The trees were of an extraordinary size with many diameters in excess of three feet, but he was too unfamiliar with the species to get any correct idea of the timber’s distribution” (Bankoff, 482: 2010). Ang mga obserbasyon ni Pinchot ay naglalarawan sa mayayabong na kagubatan noon sa Filipinas. Ang La Carlota na ngayo’y isang siyudad ay halos napapalibutan ng mga kagubatan nang dumatíng

154

Pandiwa

doon ang mga ninuno ni Adelina. Halos walang táong naninirahan sa lugar. Pinaniniwalaang ito’y tiráhan ng mga engkanto’t maligno dahil matatagpuan ito sa interyor o kaloob-loobang bahagi ng isla na malapit na sa bundok ng Kanlaon. Importanteng maláman ito ng mambabasá dahil ang tropikal na heograpiya ang isa sa mga nagbibigay ng lokal na kulay o local color upang lalo pang maintindihan ang pakikipagugnay ng mga elemento ng kababalaghan sa pangkaraniwang tao sa galaw ng mga karakter at pagkilos ng istorya. (“It was uniquely located in the interiors rather than on the Negros coastline—crucial to the reader’s understanding of the geographical details of setting and plot conflicts of Gurrea’s stories. La Carlota, nestled in the foothills of Kanlaon Volcano, was (and still is) believed to be in close proximity to the mountain forests’ spirit guardians called encantos in Spanish, tamao in Hiligaynon,” Lucero: 103). Maliban sa aspektong ito, nása mga kuwento ang mga tanim at halamanang matatagpuan sa kagubatan ng La Carlota nang panahon iyon. Nagpapatunay lámang na hindi kinalimutan ni Adelina ang kapaligirang nakagisnan niya sa kaniláng asyenda. Iilan sa mga ito ay ang sumusunod: bugnay o bignay (antidesma bunius), sampagita (jasminium sambac), kamuning (murraya paniculata), tuba-tuba (jatropha curcas), tagulaway (parameria vulnerarias), at sensitivas o touch me not sa Ingles (mimosa pudica). Ang naisulat ni Pinchot hinggil sa kaniyang paglalakbay ay maihahalintulad rin sa naipinta ni Adelina sa ating mga isipan at imahinasyon tungkol sa kaligirang pangkalikasan ng mga isináling mga kuwento. Magkapareho ang kolonyal na panahong nagsasakonteksto sa mga mungkahi ni Pinchot at sa mga kuwento ni Adelina. Saksi ang panahong ito sa mga mayayabong na lupaing gubat na hitik sa tanim, halaman, bulaklak, ilog, batis, sapa at lawa. Tingnan ang sumusunod na parirala ni Adelina na tumutukoy sa panahong iyon: “cañaverales del arroyo” o mga tanímang malápit sa batis (Gurrea: 106), “bosquecillos de iñam y de bugnay” o mga maliliit na lasang ng inyam at bugnay (Gurrea: 106), “tupida vegetacion” o makapal na halamanan

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

155

(Gurrea:115), “frondosidad ancha y parasolica” o mga malalapad na dahon na humahadlang sa sinag ng araw, at “arboles corpulentos” o mga kahoy na may malalakíng balakbak (Gurrea: 115). Ngunit, kagaya ng nabanggit, nang sinimulang itatag ang mga asyenda at dahil na rin sa pagkakatayô ng simbahan at pagkakaáyos ng gobyernong kolonyal sa lugar batay sa reduccion o reduksiyon, nagsimulang tumigil doon ang mga nakikipagsapalaran sa pagbubungkal ng mga lupa upang mataniman ng mga tubó. Hudyat ito ng pagbubukás ng isla ng Negros sa pangangalakal ng asukal sa mga pamilihan sa labas ng kolonya. Totoong lumawak ang mga plantasyon ng tubó at dumami ang bílang ng mga táong naninirahan sa Negros, ngunit lubha nitóng naapektuhan ang likás-yaman ng isla lalo na ang mga kagubatang datirati’y luntian at mayayabong. Heto ang komentaryo ni Tardio: “A pesar de estar escritos muchos años despues de que Adelina fuera separada de su tierra Filipina, nos ofrece un excelente conocimento de su naturaleza y de sus tradiciones. El paisaje tropical que ambienta las historias ha desaparecido en gran parte, pues se calcula que la masa forestal en Filipinas se ha reducido a un dos por ciento. Desgraciadamanete muchos de los arboles protagonistas y de los animales que pueblan estos relatos estan hoy en peligro de extincion” (Gurrea: 30). Sa likod ng pagkawalay ni Adelina sa kaniyang bayang Filipinas, naipamalas niya sa atin ang husay ng kaniyang kaalaman hinggil sa kalikásan at mga tradisyon nitó. Wala na ang kapaligirang tropikal na nagsilbing pook ng kaganapan ng kaniyang mga kuwento kayâ’t maaaring dos porsiyento na lang ng mga kagubatan ang naiwan. Lubhang malungkot isipin na ang mga kahoy at hayop na nababása sa mga kuwento ay nanganganib na tulúyang mawala (Aking salin). Dalawang Tradisyon sa Malikhaing Pagsulat Kapani-paniwala ang pagsasaanyong aswang ni Blas sa kaniyang payag sa Calatcat dahil sa estilo ng pagsusulat ni Adelina na pinaghalong costumbrista at tradisyong realista. Ito ang dalawang 156

Pandiwa

tradisyon sa malikhaing pagsulat na may malaking impluwensiya kay Adelina. Ayon kay Lucero : “Of direct relevance to Adelina in the school curriculum would have been the gothic stories of Poe, Hawthorne, and Washington Irving, who would provide fictive structure, tone, and style to Filipino writers wanting to use local legends, folk tales, and tales of supernatural horror for their raw material. On the other hand, 19thcentury Spanish costumbrismo would provide Adelina with the stylistic devices and descriptive technique to locate her folkloric material in the specificities of her time and place” (Lucero: 108). Isinilang si Adelina sa kalagitnaan ng kahulí-hulíhang mga taon ng siglong patapos na ang kapangyarihan ng mga Español at sa paratíng na dantaon ng bagong rehimeng Americano. Dahil ang sinumang nagsusulat noong unang mga dekada ng ika-20 dantaon ay nag-aral sa loob ng isang komplikadong konteksto—ang mga naiwang impluwensiya ng kolonyalismong Español at ang paparatíng na pagsakop at pamamahala ng mga Americano. (“Quienes escribian en las primeras decadas del siglo XX habian recibido su educacion en su contexto dificil, con el remanente de la colonizacion española y la incipiente estadounidense,” Gurrea: 16). Bílang kolonyal na naratibo na isinulat sa postkolonyal na panahon, aktibong nakikilahok ang mga tinig at boses ng mga karakter sa dalawang kuwento sa heteroglosyang espasyo ng teksto. Ang koleksiyon ng mga kuwento sa wikang Español na pinamagatang Cuentos de Juana: Narraciones malayas de las islas Filipinas na sinulat ni Adelina Gurrea ay unang inilathala noong 1943 sa España at nabigyan ng gantimpala noong 1951 ng Circulo Internacional de La Union Latina. Nagkaroon ito ng pangalawang edisyon noong 1955. Ang dalawa sa mga kuwentong napapaloob sa koleksiyong ito ay ang “El Tic-Tic” at ang “El Vaquero del Calatcat.” Noong 2009 sa ilalim ng serye ng La Biblioteca Clasica Hispanofilipina, inilimbag muli ng Instituto Cervantes de Manila ang mga kuwento. Ang nasabing serye ay may mithiing muling buhayin mula sa pagkalimot ang mga obra maestra ng mga Filipinong awtor sa Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

157

wikang Español. Sa pamamagitan ng paglalathala ng mga nasinop na mga tekstong ito, mabibigyan muli ng pagkakataóng mabása ang mga ito ng mga mambabasáng may interes sa kasaysayang pampanitikan o araling literatura ng bansa: “dar a conocer y poner a disposicion de los lectores hispanohablantes las obras de una literatura en español de notable valor historico y literario.” Ito ang edisyong ginamit sa pagsasáling inyong binabása ngayon. Kongklusyon “Karumal-dumal na Anyo ng Naglabásang Kasudlan”

Sa hulíng bahagi ng kuwento o istoryang pinamagatang “El Vaquero del Calatcat,” detalyadong isinalarawan ang nangyari kinaumagahan sa aswang o tiktik na si Blas, pagkatapos nitóng mabiktima at mapatay ang anak ni Roque: (“Atravesaron un riachuelo, bordearon un campo de iñam y, al fin, penetraron en el cañaveral. El recodo de un arroyo, al recogerla humedad, habia desarollado una vegetacion tupida y robusta de tigbaws, madreselvas, lianas y otras enredaderas tropicales de hojas gigantes, formando una cueva vegetal en la cual apenas penetraban los rayos del sol. Dentro de ella, el cuerpo de Blas, segado por la cintura, yacia sin vida con las visceras expuestas en macabre espectaculo,” Gurrea,121). Tumawid silá sa isang sapa, pinasok nilá ang isang kampo ng inyam at ang taníman ng mga tubó. Sa isang masukal na lugar sa sapa, matatagpuan ang madábong na mga sulok na punô ng mga tigbaw, at ibá pang tumutubòng mga halaman sa tropikal na klima na may mga malaláking dahon at waring bumubuo ang mga ito ng isang kuweba na hindi nakakapasok ang liwanang ng araw. Sa loob nitó, nasaksihan nilá ang walang-búhay na katawan ni Blas, biniyak mula sa baywang na may karumaldumal na anyo ng naglabasang kasudlan. (Aking salin) Ito ang kahindik-hindik na kamatayang sinapit ni Blas sa kamay ni Roque. Ang ginawa ni Roque ay ang karaniwang pamamaraan ng pagpatay sa manananggal. “To kill the manananggal, one should 158

Pandiwa

sprinkle salt or put garlic or sprinkle ash to the top of the lower limb, in doing this , the upper torso would not be able to reconnect itself and will die by sunrise” (Laranjo,et al: 18). Mababása natin ang metodong ito sa kuwento mismo: “Al dia siguiente se presento al amo para decirle que en un cañaveral, el mas espeso del Calatcat habia encontrado la noche antes, el medio cuerpo de Blas y habia volcado sobre el la sal que llevaba” (Gurrea, 121). Kinabukasan, ipinaalam ni Roque sa kaniyang amo na nahanap na nitó ang kalahating katawan ni Blas sa isang madábong na parte ng kampo ng tubó sa Calatcat kagabi at binudburan niya ito ng lahat ng asin na nanggaling sa bitbit niyang sako. (Aking salin) Hindi kayâ’t ang pagiging aswang ni Blas ay isang uri ng pakikibáka, pakikipagtunggali, at rebelyon laban sa patakarang panlipunan na pinaiiral ng sistema ng asyenda. Isang protesta na nagmumula sa isang táong inapi at inetsa-puwera sa labas ng kabisera at sapilitang itinapon doon sa malayong lugar—sa maliit na payag sa Calatcat upang mangalaga ng mga báka. Dahil sa reteritoryalisasyong ito, nagkahugis ang isang diskursong naglaláyong lumikha ng kaibahán (otherness). Ang gawaing pangiibá (othering) na ito kay Blas ay naipapahiwatig sa mga suspetsa’t paratang ng mga karakter mula sa sentro o kabisera ng pamayanan ng asyenda—nagkasakit at namatay ang batà dahil inaswang; hindi nakapag-ani dahil sa kagagawan ng aswang. Ang reaksiyon sa pagaalipusta ng lipunan ay maaaring tingnan na isang paghámon at pagaaklas gáling sa labas o gilid ng kabisera na binigyang hugis ng mga elemento gáling sa mga paniniwala sa mga kababalaghan o pantastiko. Bunga ng malakas na damdaming maghiganti, hindi namundok si Blas upang makilahok sa mga kilusang milenaryo’t apokaliptiko. Imbes na maging tulisan o kasapi ng kilusang itinatag ni Papa Isio sa bundok ng Kanlaon, naging aswang si Blas. Bahagi ng pagkukuwento ni Juana ang mga pagbabago sa mga kilos at personalidad dulot ng pagkawalay ni Doric sa kaniya. Pinaigting nitó ang mga suspetsa ni Roque at ng nanay niyang kosturera pati na ang pamayanang tinitirhan nilá. Bagaman Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

159

hindi nagtagumpay ang pag-iibigan nilá ni Doric, ang pagsasalarawan ng mga nasabing pagbabago na nangyari kay Blas ay sintoma lámang ng pagtingin sa kaniya bílang "iba" o other. Saksi ang sumusunod na pagtatasa kay Blas: “ Y entonces fue cuando comenzaron a sospechar de Blas, el vaquero del Calatcat . Su conducta habia ido rara desde el dia en que Doric se caso cone el viejo labrador. Pero aquella melancolia extremada, su enfermedad, su adelgazamientoi, la lividez de su piel, el aislamiento de sus semejantes, su mutismo cunado encontraba a los antiguos amigos, lo achacaban al doloroso desengaño de sus amores con Doric. Sin, embargo, no le curaba y, cada dia mas retraido, mas cerrado en su silencio, con una mirada concentrada en la tierra, sin levantar apenas los ojos del suelo, parecia, mas que un hombre, un asuang” (Gurrea: 111). At gayon na lámang nagsimula ang suspetsa nilá kay Blas, ang bakero ng Calatcat. Hindi na pangkaraniwan ang kilos niya simula noong ikinasal si Doric sa matandang karibal. Ang kaniyang pighati, karamdaman, pangangayayat pati na ang pangingitim ng tíla nabugbog niyang balat, at pagbubukod niya sa kapuwa hanggang sa hindi niya pag-imik at pagsasalitâ sa harap ng malalapít na mga kaibigan ay nagpapahiwatig sa kung gaano katindi ang kaniyang pagdadalamhati sa nabigong pag-ibig nilá ni Doric. (Aking salin) Sa halip na damáyan siyá ng kapuwa sa Calatcat o di kayâ’y humingi ng dispensa’t kapatawaran sa kaniya si Roque, lalong lumalâ ang kaniyang sitwasyon—“Sin embargo, el tiempo no le curaba, y, cada dia mas retraido, mas cerrado en su silencio, con una mirada concentrada en la tierra, sin levantar apenas los ojos del suelo, parecia mas que un hombre, un asuang” (Gurrea: 111). Hindi naibsan ng pagdaan ng mga araw ang kaniyang kalungkutan. Hindi na siyá nakikisalamuha sa kapuwa hábang nananatili siyáng nag-iisa. Palagi siyáng tahimik na nakayuko at ni minsan, di niya tinangkang tumingin sa langit. Dahil sa mga ito, binansagan siyáng aswang. (Aking salin) Sinadya man o hindi, ang rebelyon ni Blas ay binihisan at kinulayan ni Adelina ng mga elementong matatagpuan sa tinawag niyang “aromas folkloricos de nuestra tierra” na may bahid na rin ng mga impluwensiya ng relihiyong Katoliko ng mga misyonerong Español. 160

Pandiwa

Nananaig ang “demonisasyong” ito sa paglalarawan ng damdamin ni Blas: “Sintio un demonio dentro de si mismo, pero no torturandole, sino con el poder de torturar a sus semejantes” (Gurrea: 109). May kademonyohan siyáng naramdaman sa loob niya, na sumanib sa kaniya ngunit hindi upang saktan ang sarili kundi manghamak ng ibá. (Aking salin) Tunghayan din ang diskurso ng Katolisismo sa paglalahad ni Adelina hinggil sa kung paano “inaswang” o “naeksorsismo” ni Blas ang kahong pinagtaniman ng binhi ng palay: “Juana nos conto como hizo en un cajon plano, pero ancho , una miniatura de bancal, donde sembro palay y recorto un trozo correspondiente al que habia segado Hada en el palayal de Roque. Todas las noches recitaba exorcismos sobre aquel cajon, que iba amarilleando y dejo de crecer lo que sembro. Al palayal ee Roque tambien le sucedia lo mismo. Finalmente, las espigas que brotaron fueron huecas y no cosecho nada” (Gurrea: 109). Binanggit sa amin ni Juana kung paano gumawa si Blas ng minyaturang pitak na lupa mula sa karaniwan ngunit malapad na kahon. Pagkatapos nilagyan niya ito ng pinutol at pinaikling troso katulad ng ginamit sa palayan ni Roque. Gabí-gabíng inuulit-ulit ni Blas ang pagkanta ng mga eksorsismo sa ibabaw ng kahon na dumidilaw at lumiliwanag. Hindi sumisibol ang binhing itinanim sa kahon. Ganito din ang nangyari sa paláyan ni Roque. Sa hulí, wala siyáng naani ni isang butil ng palay. (Aking salin) Subalit hindi dito humihinto ang pag-aaral sa mga isináling kuwento dahil kung babalikan natin ang ang kamatayang sinapit ni Blas, marami pa rin táyong mabubuong mga katanungan. Isa na rito ang hinggil sa kung anong “wasto” o “eksaktong” pagpapakahulugan, semyotika o analisis ang makapagbibigay sa atin ng kompletong paliwanag sa “karumal-dumal na anyo ng naglabasang kasudlan” sa kalahating bahagi ng katawan ng bangkay. Nangangailangan pa ng isang masusing pagsusuri sa mga kuwento na maaaring mangangailangan na ng lakbay-saliksik, kaakbay ng mga karagdagang hermenyutika sa pagteteoryang postkolonyal sa pagsagot sa nabanggit na paghámong intelektuwal. Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

161

Kagaya na lámang kung buong-puso nating tatanggapin ang pananaw at perspektiba ng folklore o ng kuwentong bayan, maaaring katanggap-tanggap ang di-makatáong kamatayang sinapit ni Blas dahil hindi na siyá nakikilála bílang tao, bagkus, isang kampon ng kadiliman at kasamâan. Ang kaniyang kamatayan sa pamantayang ito ay karapatdapat at likás na sukatán lámang sa kaniyang paghahasik ng lagim. Ngunit, ang diskursong ito ay maaari ding magamit upang magkubli ng mga kontradiksiyon at karahasan sa lipunan. Noong dekada 50 at panahon ng mga Hukbalahap, ginamit ng CIA ang paniniwala sa aswang, na isa sa kaniláng mga estratehiya laban sa mga Huk. Ito ang “psywar” na inilunsad noon ni Edward G. Landsdale. Hindi maiiwasang basáhin ang pagpatay kay Blas na isang kaso ng extrajudicial killing (o ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino— “ang ilegal na pagpatay sa táong hindi dumaan sa proseso ng paglilitis ng hukuman at hindi napatunayang nagkasala”) ng panahong iyon. Sa kabilâng dako, maaari ding malaria o paludismo ang sanhi ng pagkamatay ng mga anak ni Roque dahil may mga sintoma silá ng karamdamang ito kagaya ng pagsusuka (“vomita todo”), kumbulsiyon (“convulsiones periodicas”), at mataas na lagnat (“mucha calentura”). Magubat ang interyor na bayan ng La Carlota at pinalilibutan ng mga ilog at batis na may mga pampang at ang tubig na dumadaloy sa mga ito ay posibleng tinitirhan ng mga larvae ng mga lamok. Mula 1903 pagkatapos ng Digmaang Filipino-Americano hanggang sa mga taon bago itinatag ang Mancomunidad o Commonwealth, humigit kumulang isandaang libo ang namatay sa malaria. “In 1903 after the Philippine American War, more than one hundred thousand peopole died of malaria even in the 1930s” (Anderson: 210). Sa pagsasalin ng dalawang magkaugnay na mga kuwento, at sa likod ng mga paratang ng mga Español na inimbento lámang ng mga indio na mga kuwento ang mga “superstisyon” (patrañas inventadas) para maikubli ang likás niláng kamalian at kahinaan, hindi maipagkakaila na makapangyarihan ang teksto ng tradisyong oral ng mga katutubong paniniwala dahil pílit siláng lumilitaw at nangingibabaw sa daloy ng bagtasang pangkasaysayan mula sa 162

Pandiwa

kolonyal na paglalapat ng kaayusan at hirarkiyang panlipunan patúngo sa mga masalimuot na mga kontradiksiyong panlipunan ng panahong postkolonyal. Sa hulíng bahagi ng kuwentong “El Vaquero del Calatcat” (Ang Bakero ng Calatcat), masisípat nating kumbensidong-kumbensido si Adelina na namatay na ang aswang na si Blas: “Ella creia, y a nosotros nos convencio de ello, que Roque habia echado sal al cuerpo escondido del vaquero, con lo cual el tic-tic murio” (Gurrea: 121). Dahil wala nang karagdagang tanong at tapos na ang kuwento. Mga Diksiyonaryong Ginamit Hindi naisagawa ang pagsasáling ito kung walang tulong mula sa mga diksiyonaryo. Ang ginamit na diksiyonaryo ay ang New Revised Velazquez Spanish and English Dictionary ni Mariano Velazquez de la Cadena at katuwang sina Edward Gray at Juan L. Iribas. Ang edisyong sinangguni para sa pagsasalin ay ang edisyong nirebisa at binago nina Ida Navarro Hinojosa, Manuel Blanco-Gonzalez, at Richard John Wiezell. Ito ay inilimbag ng Follett Publishing Company noong 1967—ikaapat na edisyon mula sa mga edisyong inilathala noong 1959, 1961, at 1964. Isang kopya ng diksiyonaryong ito ang matatagpuan sa Bahay-Aklatan ng UP Visayas, Tacloban College sa lungsod Tacloban, Leyte. Taos-pusong nagpapasalamat ang tagasalin dahil hindi nasira ang diksiyonaryong ito kasáma ng daan-daang libro nang hagupitin ang buong Rehiyon 8 ng bagyong Yolanda noong nakaraang taon. Ang diksiyonaryong kinonsulta naman sa paggámit ng mga salitâ sa wikang Filipino ay ang ikalawang edisyon ng UP Diksiyonaryong Filipino na inilunsad ng Unibersidad ng Pilipinas-Sentro ng Wikang Filipino noong 2010. Tungkol sa Hada o Fairy Bakâ kayo’y nagtataka kung bakit napasok ang salitâng Ingles na fairy bílang salin sa Español na hada. Alam ko na ang pinakamalápit na kahulugan ng hada ay ang salitâng diwata sa Filipino. Basáhin nating muli nang maigi ang sumusunod na pangungusap hinggil sa paghahambing ni Blas sa inalagaan at pinalaki niyang báka sa isang hada—“La llamo Hada. Habia leido cuentos de hadas en el convento y Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

163

sabia que podian hacer cosas sobrenaturales con una varita magica.” (Gurrea:103). Tinawag niya itong Hada. Marami na siyang nabása na mga kuwento ukol sa mga fairy sa kumbento at alam niyang maraming uri ng salamangka ang magagawa ng magic wand. (Aking salin) Ang salitâng varita magica ang nagsisilbing susi kung bakit fairy ang nása isip ni Adelina nang sinulat niya ang kuwento. Magic wand ang katumbas na kahulugan ng nasabing mga salitâ sa Ingles kayâ’t hindi maaaring gamítin ang salitâng diwata dahil wala namang magic wand ang diwata. Ang fairy lang ang may magic wand. Mga Salitâng Hiligaynon Sadyang ipinasok ng tagasalin ang ilang salitâ mula sa wikang Hiligaynon na isa sa mga inang-wika (mother tongue) ng Kanlurang Visayas na sumasaklaw sa mga lalawigan ng Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, at Negros Occidental. Maliban sa wikang Español na ginagamit sa bahay nilá, lumaki si Adelina Gurrea Monasterio sa La Carlota na nadidinig na rin ang wikang Hiligaynon na sinasalitâ ng mga tauhan nilá sa kaniláng asyenda lalo na ang kaniyang yaya na siyáng nagkuwento sa kaniláng magkakapatid tungkol sa aswang, tiktik, lunuk, kapre, tamawo, kama-kama, at duwende noong mga paslit pa silá. Ang mga kuwentong ito ang nilalaman ng Cuentos de Juana. Kailangang maramdaman na rin ng mga mambabasá ang pook o lugar kung saan nagaganap ang mga pangyayari, kayâ’t minabuti ng tagasalin na ipasok ang iilang salitâng Hiligaynon sa katawan ng pagsasalin. Maaaring makadagdag ang mga salitâng ito sa local color o ang tinatawag ng may-akda sa wikang Español na “aromas folkloricos de nuestra tierra” lalo na’t sa Negros Occidental ang lokasyon o ang lugar na ginagalawan ng mga karakter sa mga kuwento. Ang paggámit ng mga salitâng ito ay isang paraan ng pagbibigay kahalagahan o importansiya sa mga wikang bernakular o wikang rehiyonal katulad ng Hiligaynon, lalo na’t nása konteksto hindi lámang ng mga pag-aaral hinggil sa panitikan na nasusulat sa wikang kolonyal katulad ng Español, kundi sa mga aralin tungkol sa kasaysayang panlipunan ng rehiyon. Isinaalang-alang rin ng tagasalin ang kaniyang 164

Pandiwa

pagiging Negrense na ang inang-wika (namat-an ukon iloy nga pulong) ay Hiligaynon. Ang Pagsasalin “Ang Tiktik” (El Tic-tic)

Magsimula táyo sa panimulang kuwento ng El Vaquero del Calatcat at ito ay ang “El Tic-tic.” Kagaya ng ibá pang mga kuwento sa koleksiyon, si Juana ang nagsilbing tagapagsalaysay ng mga kuwento at ang tagapakinig naman ay ang may-akdang si Adelina, at ang dalawa niyang kapatid na laláki. Ayon kay Adelina—‘si Juana ang nagkuwento sa akin ng mga kuwentong ito. Ang lahat ng ito’y gáling sa Filipinas, mula sa isla ng Negros. Kasambahay namin si Juana na isang tumandok na residente ng duog at nakilála ko siyá simula noong nagkamalay ako sa mga pangyayari at mga bagay-bagay sa aking palibot’—(“Juana me conto estos cuentos. Todos ellos son de Filipinas: de la isla de Negros . Juana era una criada nativa que conoci en mi hogar desde que comencia darme cuenta de las cosas de este mundo,” Gurrea, 47). Nagsimula ang kuwentong “El Tic-tic” sa eksenang naglalaro ng sungka at balinsay si Juana na kasáma si Adelina at ang dalawa nitóng kapatid na laláki. Maulan ang hápong iyon at hindi silá makaalis ng bahay (“Habia llovido tanto que los niños no pudimos salir. Hubimos de quedarnos en casa.” Gurrea, 77). Kinagabihan, tumahol ang mga áso at sabay na tiningnan ng ama ni Adelina kung may tao sa dilim sa labas ng bahay, at nakita niya kaagad ang kosturera. Laking gulat ng tatay ni Adelina na itinuturing na amo nilá kung bakit sa kalagitnaan ng masungit na panahon ay bumisita ang kosturera na ang pangalan ay Cristina. Nalaman ng amo na kinukumbulsiyon ang batàng apo na laláki nitó at pinaniniwalaan niláng ito’y kagagawan ng tiktik (“El niño, señor seguramente se va a morir.Tiene muchas convulsiones. Continuamente le esta pellizcando el tic-tic,” Gurrea, 79). Hindi naniniwala sa tiktik ang amo kayâ’t ipapadoktor niya ito sa susunod na araw (“El tic-tic, Cristina—replico mi padre—no existe. No digas tonterias. El niño tendra algun trastorno. Mañana le vera Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

165

el medico,” Gurrea, 79). Ngunit kahit nakapunta na silá sa doktor ay nagsusuka pa rin ang batà at nilalagnat (“el niño vomita todo y tiene mucha calentura.” Gurrea, 79). Dagdag pa dito, wala itong ganang kumain maski na nga ‘yong balignon (balingon), na paborito nitóng kainin (“No quiere ya comer, ni el balignon que tanto le gustaba, quiere ya,” Guerra, 79). Sa puntong ito ng kumbersasyon, pumasok ang pangalang Tiyo Tano at ayon kay Cristina, ito ang mediquillo o siruhano na nag-abiso sa kanilá na maghanap ng kakataying baboy. “Tinanong kami kung mayroon kaming pambili ng baboy. Saan kayâ silá makakakuha ng pera kung ang palay na itinanim naman noong nakaraang taon ay kinain ng mga apan. Iminungkahi ni Tiyo Tano na hindi kagagawan ng mga apan iyon kundi ng tiktik. (“Primero nos pregunto si teniamos dinero para comprar un cerdo. De donde iba yo a sacar el dinero si el palay que sembramos el año pasado se lo comio la langosta? El tio Tano dice que tampoco fue la langosta, sino el tic-tic,” Gurrea, 79-80). Dahil hindi nga alam ng amo kung ano o sino itong tiktik, ang kosturera na mismo ang sumagot na suspetsa nilá ay ang bakero o ang tagapangalaga ng mga báka. Ang bakero na naninirahan na walang kapitbahay sa Calatcat (“Sospechamos, amo, que sea….el vaquero que vive solo en los pastos del Calatcat,” Gurrea, 80). Sino itong bakero ng Calatcat? Bago natin sagutín ang tanong, tingnan muna natin ang ginawa ng mediquillo o siruhanong si Tio Tano upang magamot ang inaaswang na batà. Dahil hindi makabili ng baboy, munga na lang ang kinatay para sa gagawing sakripisyo. Kinuha ang apdo nitó, at inihalo sa dugo at nilagyan ng maraming asin at ipinahid sa mga bahagi ng katawan ng batà na maaaring pasukan ng espiritu ng tiktik o aswang (“Pidio una gallina, porque no podemos darle el cerdo. Le extrajo la hiel, la mezclo con la sangre, la echo mucha sal y con ello pinto al niño todos los agujeros de su cuerpo. Asi el tic-tic no podra entrar,” Gurrea, 80). Pagkatapos, itinali ang manok sa labas ng bahay para kainin ito ng mga kalabang espiritu ng tiktik ( “Colgo la gallina fuera de la ventana para que los espiritus contrarios al tic-tic se contestasen y venciesen a este,” Gurrea, 80). 166

Pandiwa

At nang hindi na makita ang manok kinabukasan, ang ibig sabihin ay kinain na nga ito ng mga espiritu. Tinanggap na nilá ang sakripisyo (“Por la mañana ya no estaba la gallina. Los espiritus se la habian comido. Aceptacion del sacrificio, señor!” Gurrea, 80). Hindi pa rin kumbinsido ang amo dahil patúloy na nagkakasakit ang batà kayâ’t minabuti nitóng umalis ng bahay sa halip na maniwala sa pinagsasabi ng kosturera at sa kalagitnaan ng patúloy na pag-ulan, desidido na itong pumunta sa bahay ni Cristina. Hindi ito nagpapigil sa kosturera na nagsusumamong bigyan na lámang ng pantawid-sakít para sa batà (“Se va a usted mojar, señor, yo queria que me diera algo nada mas, a ver si se le quitaban las convulsions y podia dormir,” Gurrea, 80). Bumabâ na ang amo na nakakapote sa hagdanan kasáma ang isa pang kasambahay na laláki na may daláng parol at sumunod na rin si Cristina (“Pero mi padre habia bajado y alas escaleras seguido de un criado que llevaba el farol de campo . Cristina bajo tras el,” Gurrea, 81). Samantála sa loob ng bahay, naging palatanong na rin si Adelina at ang kaniyang mga kapatid tungkol sa tiktik: bakit hindi makapasok ang tiktik sa katawan ng batà kung mapahiran ng dugo at apdo ng manok ang lahat na malulusutan nitó sa katawan? (“Y por que no puede entrar el tic-tic en el cuerpo del niño cuando le pintan todos los agujeros con sangre y hiel de gallina?” Gurrea, 81). Ano naman ang kasalanan ng batà upang ito’y kaniyang saktan? (“Y que culpa tiene el niño para que le quiera matar,” Gurrea, 81). Si Juana ang sumagot sa lahat ng mga tanong. Aniya: Ang tiktik ay isang tao at masamâng espiritu o kalahating tao at kalahating duwende, yung ibá hindi nilá alam kung ang isang tao ay isa ring tiktik dahil puwede itong maging kapitbahay lang natin. Kapag may nakaaway ito o dahil sa alítan dulot ng pagseselos o pangangamkam, magtatago muna ito sa isang malayo at masukal na lugar na hindi ito madalîng mahanap at doon mahahati ang katawan nitó—iyong isa mula baywang hanggang ulo at ang naiwan naman, iyong pinaghatian mula baywang hanggang paa na sadyang iiwanang nakatago sa talahib ng kogon o tigbaw, o sa mga may makakapal na mga dahon at matutulis na tinik ng mga halaman. Sasambit ito ng mga salitâ hábang Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

167

pinapahiran ang mga balikat nitó ng ointment na gawa sa sebo ng iguana at hinaluan ng abo ng pakpak ng kulonatnit. Pinapahid ito pagkatapos sa parte ng katawan kung saan tutubò ang mga pakpak. Lilipad ang aswang at ang kasámang ibon na lumilikha ng tunog na tiktik, tik-tik, tik-tik (“El tic-tic-comenzo Juana-es un hombre y un espiritu malo al tiempo o sea, que es mitad hombre mitad duende. Pero los demas seres humanos no sabemos si un hombre es tic-tic, y asi puede vivir entre nosotros. Cuando riñe con alguien o cuando otra persona le hace mal, o simplemente si por envidia o por conveniencia suya quiere hacer daño a quienes le desagradan, el tic-tic se marcha a un bosque lejano, busca un paraje muy cerrado, un escondrijo seguro, y alli se convierte en duende, separando su cuerpo, de cintura para arriba, de la otra mitad, de la de las piernas. Esta la deja escondida entre el cogon, el tigbaw o las cañas espinas y musita unas palabras mientras se aplica un unguento de sebo de iguana mezclado con cenizas de las alas de murcielago frotandose con ello los hombros. De esta manera consigue que le salgan alas tambien, y se marcha volando por los aires. Siempre tiene un pajaro amigo que le acompaña y que canta en la noche tic-tic, tic-tic, tic-tic,” Gurrea, 81-83). At ito pa ang idinagdag ni Juana: Kapag lumilipad na ang tiktik, mag-uumpisa na itong maghasik ng lagim. Magnanakaw ito ng mga batà na iiwan doon sa pinagtaguan ng kalahati nitóng katawan o papások ito sa bubong at mananatili sa loob ng kisame. Mula sa kisame hábang natutulog ang bibiktimahing batà, ibababâ nitó ang dila na magiging manipis at matalim na hilô ng bakal. Papasok ito sa atay ng biktima at hihigupin nitó ang apdo hanggang magkasakit ang batà, mangangayayat at mamamatay (“El tic-tic volando, volando se va a hacer sus fechorias. Unas veces roba los niños y los deja en mitad de un campo lejano; pero casi siempre lo que hace es meterse debajo del tejado de la casa donde quiere hacer el mal y situandose encima de la habitacion del niño o a la persona a quien desea perjudicar, espera a que se quede dormido. Entonces convierte su lengua en un hilo finisimo de un acero invisible y la deja caer sobre el cuerpo de la criatura, introduciendosela dentro del higado. Comienza a chuparle

168

Pandiwa

lentamente la hiel hasta que el niño se pone enfermo, adelgaza y se muere,” Gurrea, 84). Kinumpirma ni Juana na ang kaniyang isinalaysay ay siyá ring nangyayari sa apo ng kosturera kayâ’t malubha ang kalagayan nitó. Tinanong ng mga tagapakinig ni Juana kung gaano katotoo na maaaring mailigtas sa kamatayan ang biktima kung napahiran ito ng dugo, apdo, at asin. Ang sagot ni Juana: Hindi ko talaga kabisado, pero, takam na takam ang tiktik sa dugo at apdo. Isang lason para sa tiktik ang asin. Hinahalo ito sa dugo at apdo para matukso ang tiktik kayâ’t kung natikman ng tiktik ang hinalong ito, malalason ito ng asin at mamamatáy. Ngunit may mga tiktik na sa sobrang dumot ay hindi na matutuksong tumikim sa maasín na dugo at apdo at sa halip, buong tagumpay nitóng mapapatay ang biktima (“No se . Lo que mas le gusta el tic-tic es la sangre y la hiel, pero la sal es un veneno mortal para el; por eso para tentarle el apetito, se la mezclan con aquello. Si al introducir la lengua por el agujero, para llevarla al higado del niño, lame, aunque sea muy levemente, esa mezcla, queda envenenado con la sal y muere. Y si respeta el cuerpo de la criatura por miedo a la sal, entonces se salva tambien, porque ya no le sorbe su hiel. Ah, pero hay tic-tiques (desde luego los menos) que tienen tal fuerza de voluntad, tan encarnizado odio a su victima, que consiguen llegar hasta el fin, sin tocar la sangre y hiel saladas. Y asi consiguen matarla,” Gurrea, 84-85). Nang tinanong siyá ng nakababatàng kapatid ni Adelina kung bakit hindi puwedeng maputol ng gunting ang dila ng tiktik, ito ang sinabi ni Juana: Ang makakaputol ng dila nitó ay isang uri ng gunting na ginamit din sa pagputol ng pusod ng isang lapsag na isinilang ring tiktik, ngunit sadyang napakahirap hanapin ang gunting na ito (“ Porque la lengua del tic-tic no se puede mellar mas que con una tijera que haya cortado alguna vez el ombligo de un niño que nacio tic-tic tambien. Y es muy dificil encontrar tal tijera,” Gurrea, 85). Noong hulí’y tinanong ng mga batà kung naniniwala si Juana kung totoong si Blas, ang bakero ng Calatcat ang tiktik. Ang sagot niya’y—oo, dahil noon pa, nagkaalítan silá ni Roque ang subang ni Cristina, marami nang mga kamalasan ang nangyari sa búhay nilá, lalo na itong nangyayari Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

169

sa apo ng kosturera (“Eso dicen porque desde que riño con Roque, el hijo mayor Cristina, a aquel no le han sucedido mas que desgracias,” Gurrea, 85). Hindi pa nagtatapos ang pagkukuwento ni Juana dahil hinandaan muna nitó ng panyapon ang mga batà : morisqueta (sinaing na kanin ngunit kung minsan maaari din itong sinangag na kanin na may mga halong giniling na karne, hiniwa na mga longganisa, at mga gisantes), viandas frias (mga naiwang ulam na karne sa pananghalian), el jarro de leche (pitsel ng gatas). Matatagpuan din sa lamesa ang la cafetera (pinag-iinitan ng tubig para sa kape o gatas) at el azucarero (pinaglalagyan ng asukal). Ipinangako ni Juana na magpapatúloy siyá sa pagkukuwento hábang silá’y kumakain upang maski na madatnan man silá ng katuyuhon ay mayroong laman ang kaniláng tiyan (“Pues cenad primero y asi mientras comeis, os ire relatando la historia, para que, aunque no quedeis dormidos, os pueda acostar cenados ya.” Gurrea, 86). Sa labas, walang tigil ang ulan. Parang man-og ang tunog ng hangin na nagmumula sa mga kakahoyan sa labas patúngo sa bubong na gawa sa nipa. Nang gabíng iyon nang walang tigil na ulan, samantálang nása bingit ng kamatayan ang apo ng kosturera, ipinagpatúloy ni Juana ang pagkukuwento tungkol sa tiktik at ito nama’y tumutukoy sa bakero ng Calatcat—ang kasunod na kuwento. (“La lluvia seguia cayendo y el viento siseaba medrosamente entre el arbolado y contra las nipas del alero. Aquella noche de aguacero tropical, mientras agonizaba el nieto de Cristina, la costurera, Juana nos conto esta historia.” Gurrea, 86). Ang Bakero ng Calatcat (El Vaquero del Calatcat) Ang pangalan niya ay si Blas at bago pa man siyá naging trabahador sa asyenda, dati siyáng nanilbihan sa kumbento ng kura paroko ng La Carlota at naging kabulig ng pari sa misa. Kayâ’t bihasa si Blas sa ibá’t ibáng mga dasal ng simbahan (“Antes sirvio de criado en la casa del cura de La Carlota y habia ayudado a misa alguna vez. Por eso 170

Pandiwa

conocia las oraciones de la religion catolica,” Gurrea, 89). Sa daloy ng naratibo, malaláman natin na may napupusuan si Blas na dalaga at ito ay si Teodorica na kilalá sa tawag na Doric. Taga-Hacienda Caiñaman si Doric. Pareho siláng mga menor de edad—si Blas labimpitong gulang at si Doric naman—kinse ( “Cumplio diecisiete años. Doric tenia quince,” Gurrea, 91). Hindi gusto ni Blas na mapawalay kay Doric, kayâ’t minabuti nitóng magpaalam sa kura paroko upang magtrabaho sa Hacienda Caiñaman at kung posible, maging agsador ng lupa. Natanggap siyá sa Caiñaman at nagsimulang magtrabaho doon bílang isa sa mga obrero sa sentral ng asukal. Nagkikita siláng dalawa ni Doric lalo na sa mga oras ng pahinga at binibisita niya ito tuwing gabí sa kaniláng bahay kayâ’t napamahal si Doric sa kaniya. Dahil sa matagal niyang pamamalagi noon sa simbahan at kumbento, katangi-tangi at naiibá siyá sa mga kasamaháng obrero na tagabundok at nagmumula pa sa kasulok-sulukan ng mga banwa. Halos lahat sa kanilá ay nagbabanát ng buto para sa industriya ng kalamay na muskobado (“Blas procuraba buscar a Doric en los ratos de descanso e iba a su casa por las noches, despues del tratajo. No tardo en hacerse querer. Su trato refinado, adquirido en el contacto con la casa parroquial, le destacaba entre los otros obreros, gentes del monte y del interior de las provincias, reclutados para la recoleccion de la caña, para la industria del azucar moscabado.” Gurrea, 96). Ngunit may karibal si Blas kay Doric. Ang táong ito ay mas nakaaangat sa kaniya dahil nabigyan ito ng lupa na punông-punô ng mga kahoy at halos magubat pa sa pamamagitan ng homestead, at may mga trabahador din ito. Mapalad itong hindi namatay dahil sa malarya hábang hinahawan ang lupaing gubat. Dagdag dito, nakapagtabi pa ito ng pera, nakakapagbenta ng palay taon-taon, at may–ari ng tatlong báka at isang kalabaw. Totoong mayaman at makapangyarihan ang karibal ni Blas (“Pero habia otro pretendiente por medio, un hombre ya maduro, que trabajaba a destajo y tenia obreros a su servicio. Habia adquirido una pequeña parcela de tierra acogiendose a la lay del homestead que distribuia las tierras virgenes sin desmochar..Quiero Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

171

decir que no le mato de paludismo y consiguio hacer ahorros. Vendia su palay todos los años. Tenia tres vacas y un carabao. Era un rival demasiado poderoso para Blas,” Gurrea, 96). Mahirap lang ang pamilya ni Doric kayâ’t napilitan siláng manghiram ng pera mula sa mayamang manlilígaw at binigyan naman silá ng palugit na tatlong taon upang makapagbayad ng utang. Sakaling hindi nilá mabayaran ito, mapipilitang magpakasal si Doric sa karibal ni Blas. Subalit labag ito sa kagustuhan ni Doric dahil mahal niya si Blas at palagi niyang hinahanap ang binatilyo (“La muchacha no le queria: amaba a Blas y le buscaba,” Gurrea, 97). Wala siyáng magawa. Naiprenda na siyá ng kaniyang mga ginikanan sa karibal ni Blas. Maging sa panahong iyon, kahit ang pagibig ay may nakakabit na presyo. Upang maging isang asawa, maaaring itumbas sa kayamanan nitó ang babaeng mapapangasawa. Kung hindi káya ng pamilya na matubos ang naisanla nilá, ang mga anak lalo na ang mga babae ang magsisilbing pantubos o regalo sa táong sinanlaan nilá (“los padres de Doric eran pobres y llevaban muchos años soñando con el precio de la hija. Habian tenido la suerte, ademas, de que a la chica le saliera un pretendiente con algun dinero, que segun la costumbre habia de probar su amor aportando a la casa paterna su salario durante un plazo prudencial y rematar su aportacion con un regalo valioso.” Guerra, 97). Hangad ni Blas na malagpasan itong karibal at tubusin si Doric. Hiniling niya sa kaniyang amo na maging bakero o tagabantay at tagapangalaga ng mga báka nitó. Ninanais niyang umupa o maging agsador ng isang maliit na lupa na magiging taníman ng palay. Naging bakero siyá ng Calatcat ngunit hindi pinaunlakan ng amo ang ikalawa niyang hiling (“Pidio al amo un empleo de vaquero en el Calatcat y un pedazo de tierra para sembrar el palay.. El amo le dio el empleo, pero le nego el terreno,” Gurrea, 97). Tinanggap niya ito na walang halong gálit o reklamo. Kung naging mas maaga pa siyá, ipinarenta ng amo ang lupa sa kaniya. Maaari din siyáng magtanim ng mga saging, kamote, buyo, at bunga sa isang maliit na lagwerta sa Calatcat at maibebenta 172

Pandiwa

niya ang mga ito tuwing Sabado sa banwa (“Se resigno.. Quiza mas adelante convenceria al amo. De todas maneras, en el Calatcat podria tener una huertecita, recoger platanos, y camote, buyo y bonga y venderlo todo en el pueblo los sabados,” Gurrea, 97-98). Hindi na siyá nakatirá malápit kay Doric pero handa siyáng magsakripisyo dahil ito lang ang tanging paraan, bagaman mahirap (Veria menos a Doric. Esto era un inconveniente, pero se sacrificaria, porque era el unico camino,” Gurrea, 98). Naging masipag na bakero si Blas dahil naging matataba at malulusog ang mga báka dahil inaalagaan niya nang mabuti ang mga ito—dinadalá niya ang mga ito sa mga pinakaberdeng mga pastulan, pinaiinom palagi ng tubig at ginagabayan patúngo sa lilim ng mga punò upang hindi madalîng mainitan (“Las vacas estaban gordas y lustrosas. Las buscaba los mejores pastos, las llevaba a beber con frecuencia, las resguardaba de los rayos del sol en las horas de mas calor,” Gurrea, 98). Tinangka niya na muling hilingin ang lupa ng palay ngunit hindi siyá ulit pinagbigyan ng kaniyang amo. Mas maigi daw na pagbabakero na lang ang aatupagin niya at dadagdagan na lang ang kaniyang sahod. (“Blas creyo llegado el momento de pedir, una vez mas al amo la aparceria de palay. El amo le dijo que no otra vez. El queria un buen vaquero, le pagaria mas sueldo, pero la aparceria, no. Blas se retiro humildemente,” Gurrea, 98). Nang hulí’y nalaman na lang ni Blas na, maski na mayroon siyáng naibenta at naitabi mula sa kaniyang sahod, hindi pa rin sapat ang mga ito upang makabili ng báka na pantubos kay Doric. Hindi na matahimik si Blas. Parang nawawalan na siyá ng pag-asa lalo na’t anim na buwan na ang nakalipas sa ikatlong taon na palugit na ibinigay sa kaniya upang mabawi si Doric mula sa matandang manliligaw nitó. Bagaman palaging nababagabag, naiibsan ang pangamba ni Blas kapag nakikita niya ang mga bagong ipinanganak na mga tinday. Tuwing nagpapahinga na ang inahíng báka at nása mabuti nang kalagayan ang tinday, sa payag bumabalik si Blas para makapagpahinga at makatulog sa higaan nitóng gawa sa kawáyan. Sa mga oras na iyon, nararamdaman niyang lumalapít na ang solusyon sa kaniyang problema. Hindi niya káyang balewalain si Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

173

Doric. Binatilyo siyá, dalagita si Doric at silá’y nagmamahalan. Ngunit unti-unti nang nawawalan ng pasensiya si Doric—anim na buwan na lang ang naiwan sa palugit bago niya maibigay ang kaniyang pagsangayon sa matandang manliligaw at wala siyáng nakikitang pag-asa na makakapagligtas sa kaniya mula sa kasunduan (“Corria el sexto mes del ultimo año de la prueba. Empezaba a sobresaltarse. Con los ahorros y con el producto de lo que vendia no podria comprar la vaca que necesitaba dar a los padres de Doric para que se la concediesen. Comenzaba a desesperar, y algunas veces no podia remediar el llanto. Estaria enfermo? Llevaba una epoca de mucho trabajo. Las vacas parian con frecuencia y habia de pasarse las noches prestandolas cuidados. Los chotos necesitaban tambien especial atencion. El se la daba, pero le resultaba penosa la tarea por una especie de exacerbacion de su sensibilidad. Los mugidos de dolor de las madres le causaban dolor a el tambien; la presencia del choto recien nacido le inundaba de ternura. Cuando la madre descansaba ya y la cria quedaba instalada calidamente sobre la paja de palay. Blas volvia a choza de caña y nipa y no conseguia conciliar el sueño en su camastro de bambu. En esas horas se agarraba mas a el la solucion de su problema. No podia renunciar a Doric; era joven, ella tambien y se querian. La novia comenzaba a impacientarse; solo faltaban seis meses para dar su consentimiento y aun no se vislumbraba nada que la pudiese redimir del compromiso,” Gurrea, 99). Kinabukasan, pinuntahan ni Blas ang kaniyang amo at sinabihang may isinilang na namang tinday. Nása mabuting kalagayan ang unang ipinanganak na siyam na tinday (“Al dia siguiente, Blas iba a ver al amo y le daba cuenta del nacimiento del choto. Los otros nueve que habian nacido antes estaban perfectamente,” Gurrea, 99). Nang bumalik si Blas sa Calatcat dinalá niya ang mga báka sa pook na pinagpapastolan na malápit sa taníman ng palay. Tumutubò na ang mga palay at napakalunti na ng taníman kayâ’t kinailangang bantayán nang maigi ang mga báka dahil natatakam ang mga ito hábang nakatingin sa mga palayan (“Cuando volvia sacaba el ganado a pastar. Comenzaba a tener mas compañia. Los aparceros de tierras palayeras habian hecho los semilleros; pronto la tierra parda se cubrio de un vello verde. Tan claro 174

Pandiwa

era el color, que bajo la luz fuerte parecia blanco. Tenia que multiplicar su vigilancia, porque el ganado miraba golosamente la hoja tierna y jugosa de la semilla nacida,” Gurrea, 99). Sa búhay na madalas nadadalaw ng sakít at halos walang humpay na ligalig, nagawa pa rin ni Blas na alagaan nang maigi ang mga báka, ngunit may nadadagdag pang mga responsabilidad sa kaniya. May báka na ang pangalan ay La Cariñosa at kailangan na nitóng manganak. Nakita ni Blas ang mga naglalakihan nitóng mga mata na tíla’y nalulungkot. Malápit na itong maiyak at humihingi ng tulong kay Blas. Hindi malakas kumain ang báka at nanghihina. Kayâ’t napilitan si Blas na gabayan ito patúngo sa pastulan. (“A su vivir enfermizo, a su desasosiego constante, se mezclaron preocupaciones nuevas. La Cariñosa, unavaquita primeriza que nunca se crio fuerte, estaba a punto de parir. Sus ojos enormes llevaban una tristeza enferma; lagrimeaban a menudo y miraban a Blas como pidiendo auxilio. Comia poco y se fatigaba regazandose siempre que la conducia a pastar algun paraje lejano,” Gurrea, 99). Narinig ang unang pag-atungal ni La Cariñosa nang madalîng araw. Alas-dose ng sumunod na araw. Nanganak at natumba ito dahil sa panghihina ng katawan. Ang isinilang nitóng tinday ay maliit at payat. Natuto itong tumayo pagkatapos nang tatlong araw. Nabuhay ang tinday dahil paunti-unti itong pinapainom ng gatas ng ibáng báka. Nakita ng amo ang tinday at hinimok niya si Blas na patayin na lang ito. Ayon sa amo, ang mga maliliit na mga paa nitó ay pawang mga walang silbi (“Oyo sus primeros mugidos al filo de la madrugada. A lasdoce del siguiente dia, tras inmensos trabajos, acabo de parir y cayo extenuada. El choto, pequeño y flacucho, no se ponia en pie tres dias despues. Hasta entonces le habia ayudado a vivir echandole sorbos de leche de otra vaca dentro de la boca. El amo fue a ver al chotito una tarde. Tan mal lo encontro, que ordeno a Blas que lo matase. Era vano intentar nada, porque la debilidad de sus patas no le dejarian nunca ser un animal util,” Gurrea, 99). Ngunit sa halip na patayin, hiniling ni Blas na siyá na lang ang mag-aalaga ng tinday at ibibigay sa kaniyang amo kapag lumaki na ito (“ Regalame el choto, señor, regalamelo. Ya Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

175

que lo manda matar, regalamelo, y que sea para mi si llega a vivir,” Gurrea,100). Hindi na nagdalawang-isip ang amo dahil isang milagro kung magkakaroon pa ng silbi ang ganitong klaseng tinday para kay Blas (“Esta bien, para ti el choto. Hagase el milagro de que te pueda servir de algo,” Gurrea, 100). Nang gabíng iyon, hinintay ni Blas si Doric sa ilog malápit sa kung saan dumadaloy ang tubig. Natagalan bago nagkita si Blas at Doric dahil na rin sa tákot ng mga babae na dumaan sa mga ilog lalo na’t sa mga madidilim at masukal na parte, dahil doon daw nakatago’t nagmamatyag ang mga aswang (“Sin embargo, no solian ir las mujeres tarde por la agua. Tenian miedo de los asuangs, que acechan siempre en los sitios oscuros y frondosos,” Gurrea,101). Ipinabatid agad ng binatilyo sa dalagita na nais niyang makipagkita sa mga magulang ni Doric. Dahil sa pagmamahal niya kay Doric, bibigyan ni Blas ang mga ginikanan ni Doric ng bákang regalo kay Blas ng amo (“Pero por encimadetodo lo que flota estas tu, siempre tu, Doric. . .les voy a prometer una vaca. . .” Gurrea,102). Halos hindi makapaniwala si Doric dahil hindi naman nagreregalo ng báka ang amo (“Eso es mentira, Blas. El amo no regala vacas.” Gurrea, 102). Ipinaliwanag ni Blas na hindi kaagad báka kundi isang tinday na muntik nang mamatay ang kaniyang aalagaan, pasisiglahin, at palalakihín—ito ang ibibigay niya sa pamilya ni Doric (“Vaca buenas, no pero chotos que no le sirven, si, Este no lo quiere porque no se puede sostener sobre sus patas, y lo mando matar; pero yo lo hare fuerte,” Gurrea, 102). Sineryoso ng ginikanan ni Doric ang mga proposisyon ni Blas lalo na’t nalaman nilá na bibigyan ng kaniyang amo ng dagdag sa sahod si Blas bílang bakero. Ang lupa ay ipapaupa sa kaniya bílang agsador sa susunod na taon. Tinanong din siyá kung may naitabi siyáng pera dahil gusto ng ginikanan ni Doric na mabayaran ang utang nilá sa matandang nanliligaw kay Doric. Nangako silá kay Blas na ipapawalang-bisà nilá ang kasunduan sa matanda kung maibibigay na sa kanilá ni Blas ang báka. (“Aunque parezca raro, los padres de Doric tomaron en serio el ofrecimiento de Blas. No lo es, sin embargo, si se considera que los viejos se habian dado cuenta de la proteccion que el amo dispensaba al 176

Pandiwa

vaquero, subiendole el sueldo y anunciadole una aparceria para el año siguiente. Le preguntaron si tenia ahorros con el fin de devolver al novio viejo lo que ya habia centregado. Contesto que si. Y le prometieron romper lasrelaciones con aquel tan pronto,” Gurrea, 103). Naging masayahin si Blas at hinalikan pa ang alaga niyang tinday na pinangalanan niyang Hada o Fairy. Marami na siyáng nabása na mga kuwento ng mga fairy noong nása kumbento pa siyá nakatirá. Ayon sa mga kuwentong ito, makapangyarihan ang mga fairy dahil maaari niláng maisakatuparan ang mga kahilingan ng mga tao sa pamamagitan ng kaniláng magic wand. Magiging instrumento si Hada upang magkatuluyan silá ni Doric (“Blas se fue muy contento. Beso la ternerita cuando llego a su choza y la puso un nombre. La llamo Hada. Habia leido cuentos de hadas en el convento y sabia que podian hacer cosas sobrenaturales con una varita magica. Esta hada suya podia casarle con Doric,” Gurrea, 103). Sa paglipas ng panahon, naging malusog at malakas na báka si Hada bagaman hindi masyadong lumaki ang mga paa nitó. Matatagpuang malápit sa payag na tinitirhan ni Blas sa Calatcat ang isang taníman ng palay. Dito rin makikita ang kahon na may tumutubòng mga butil. Si Roque na subang na anak ang nangangalaga sa mga tumutubòng butil ng palay sa kahon pati ang paghahanda sa lilipatan nitóng taníman. Nagkaroon ng hidwaan si Roque at Blas pagkatapos na binalaan nitó si Blas na babatuhin ang mga báka dahil may nahúli itong báka at tinday sa kahon. Dinoble ni Blas ang pagbabantay sa mga báka dahil tumutubò na ang mga binhi ng palay. Samantála, unti-unti nang lumalaki si Hada at tinuturuan na ni Blas itong lumakad kayâ’t naramdaman na ni Blas na matutuloy na ang kasal nilá ni Doric (Y Hada se criaba hermosa, aunque sus piernas adelantaban muy lentamente…Tenian una aparceria de palay en el Calatcat y el semillero muy cerca de la choza de Blas. La siembra habia alcanzado la altura de un palmo y se araba con afan el barro de los bancales para la plantacion derfinitiva. Roque, que era el hijo mayor, cuidaba del semillero y de preparar el terreno donde habian de transplantarse los brotes. Una semana despues arrancaba las plantitas y las llevaba mas lejos a los palayales. Huyendo del peligro Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

177

de los semilleros ya crecidos, que tentaban el paladar de las vacas, Blas habia llevado el ganado a pastar alli tambien. Ya una noche se habia metido una madre con su choto en el semillero de Roque y este habia insultado al vaquero, amenazandole con echar a las vacas a pedradas de los alrededores. Ahora Blas tenia que redoblar sus cuidados, porque el palay crecia…Hada mejoraba paulatinamente, y ya se habia tenido de pie durante seis minutos el dia anterior. Empezaba a enseñarle a andar. Hada con su varita iba a casarlecon Doric,” Gurrea, 104). Ngunit sa kasamâang palad, hindi natuloy ang mga pangarap ni Blas dahil nasugatan ang bákang si Hada. Binato ito ni Roque pagkatapos nitóng kainin ang mga tumutubòng palay sa kahon (“Acabo de dar con una piedra a una vaca de toril que me ha comido media siembra. Te lo adverti y me la has pagado,” Gurrea, 107). Bago pa man nabato ni Roque, matagal na hinanap ni Blas si Hada dahil nawawala ito sa mga bákang kaniyang kinuwenta at tinarangkahan sa kaniláng pinaglalagyan sa toril (“Pero, al encerrarlas y hacer el recuento, faltaba Hada. Hada precisamente” Gurrea, 106). Malayo ang napuntahan ni Hada dahil hinanap niya ito sa kalagitnaan ng gabí dalá ang sulo mulang Calatcat patúngo sa mga taníman ng palay, sa mga maliliit na sapa, sa gilid ng kampo ng tubó, mga maliliit na katonggan ng inyam at bugnay, hindi niya nakita si Hada (“Comenzo la busqueda con una artocha de bamboo rellena de trapos humedecidos en petroleo. Llego a los palayales. Recorrio los cañaverales del arryo, atraveso los bosquecillos de iñam y bugnay,,,no encontraba su vaquita,” Gurrea, 106). Hulí na ang lahat nang nakadinig si Blas ng isang mabigat na pagbagsak dulot ng panggugulpi at pagkatapos ng katahimikan, ang masakít at ang wari’y naghihinagpis na ungol at iyak ng báka (“el chasquido de un golpe, y despues de un silencio, el mugido doloroso de una vaca,” Gurrea, 107). Sa matinding lungkot, niyakap ni Blas si Hada at magkalapít silá sa kaniláng nararamdamang sakít at pighati— sinugatang katawan ni Hada at nasugatang damdamin ni Blas (“Se abrazo a Hada y junto el dolor de su alma con el dolor fisico de la vaquita 178

Pandiwa

amada,” Gurrea, 107). Di kalaunan, ikinasal si Doric sa matanda niyang manliligaw at umalis ang bagong kasal mula sa asyenda patúngo sa isang malayong lugar na hindi kailanman matatagpuan ni Blas (“Doric se caso con el viejo y se fue de la hacienda, a un sitio muy lejano, a donde no podia ir Blas,” Gurrea, 108). Dulot ng matinding poot, unti-unti niyang nararamdaman na siyá’y tiktik at nagiging kampon ng kadiliman (“Luego, Blas, como metio odio en su corazon, empezo a sentir que era tic-tic y se volvio malo,” Gurrea, 108). Maliban sa hindi natuloy ang kasal ni Doric kay Blas, hindi na rin maisasakatuparan ang balak ng amo na maging agsador si Blas sa lupa nitó. Nang nalaman ito ng ginikanan ni Doric kasabay ng pagkasugat ng báka, binalewala na nilá ang proposisyon ni Blas. Matagumpay na pinakasalan ng matandang karibal si Doric (“La familia de Doric al ver que aquel no podia entregarles una vaca util y que ademas, el amo le retiraria probablemente la aparceria prometida para el año siguiente, rompio el compromiso y caso rapidamente a la muchacha con el otro pretendiente,” Gurrea, 108). Lubhang naapektuhan si Blas ng mga pangyayari. Dahil sa naramdamang matinding hinanakit, poot, at samâ-ng-loob, gumawa ito ng mga hakbang upang maghiganti laban sa pamilya ni Roque (“Sintio un demonio dentro de si mismo, pero no torturandole, sino con el poder de torturar a sus semejantes…odiaba a todos los responsables de su infelicidad…a Roque y a su familia tenia derecho a devolverles el mal que le hicieron en la mayor cantidad possible…porque su mal, el que recibio de ellos no tenia medida,” Gurrea, 109). Si Roque ang subang sa limang magkakapatid, dalawa sa kanilá ay mga babaeng may mga pamilya kagaya ni Roque. Dahil siyá’y inatasang maging mananahi sa tahanan ng kaniláng amo, buo ang tiwala ni Cristina sa sarili sa paghiling ng mga lupang mauupahan o agsa, mga trabaho’t gawain sa asyenda at ibá pang mga pribilehiyong maaaring ipagkaloob sa kanilá ng amo kagaya ng isang palayan na dáting inaagsa ng asawa niya at nang mamatay ito, ipinása sa subang na anak na si Roque. (“Roque era el mayor de sus cinco hijos, entre los cuales habia dos hembras. Las muchachas estaban ya casadas, asi como Roque, que era padre de dos Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

179

niños. Cristina, por ser la costurera de la casa del amo, tenia confianza para pedirle aparcerias, trabajos a destajo y otros privilegios corrientes en las haciendas. Habia conseguido que la mejor parcela palayera fuese para su marido, parcela, que muerto este, paso al hijo mayor, Roque,” Gurrea, 109). Binanggit sa amin ni Juana kung paano gumawa si Blas ng minyaturang pitak na lupa mula sa karaniwan ngunit malapad na kahon. Pagkatapos nilagyan niya ito ng pinutol at pinaikling troso katulad ng ginamit sa pagpalo kay Hada sa palayan ni Roque. Gabí-gabíng inuulit ni Blas ang pagkanta ng mga eksorsismo sa ibabaw ng kahon na dumidilaw at lumiliwanag. Hindi sumisibol ang binhing itinanim sa kahon. Ganito din ang nangyari sa palayan ni Roque. Sa hulí, walang naani ni isang butil ng palay ang agsador. (“Juana nos conto como hizo en un cajon plano, pero ancho , una miniatura de bancal, donde sembro palay y recorto un trozo correspondiente al que habia segado Hada en el palayal de Roque. Todas las noches recitaba exorcismos sobre aquel cajon, que iba amarilleando y dejo de crecer lo que sembro. Al palayal ee Roque tambien le sucedia lo mismo. Finalmente, las espigas que brotaron fueron huecas y no cosecho nada,” Gurrea, 109). Iyon ang unang paghihiganti ni Blas nang hindi makapag-ani si Roque. Walang nakitang ibáng rason ang mga kasáma nitóng agsador kung bakit ganoon ang nangyari. Ano ba talaga ang nangyari? Pinabayaan ba niya ang kaniyang palayan o nagkamali lang siyá sa kaniyang pagtatanim? Hindi ito maaaring mangyari. Isa sa mga masipag at mahusay na agsador si Roque. Suspetsa nilá na ang aswang ang may kagagawan nitó (“El primer fracaso lo tuvo este con la perdida de la cosecha del palay, asunto raro todo el pues los aparceros vecinos habian recolectado, si no abundantemente, al menos en cantidad suficiente. Que habia occurrido? Habria descuidado el campo o habria errado en la tecnica de la labor? Pero si el era uno de los mejores labradores! El caso quedo sin explicacion, y, como siempre, la gente de la hacienda comentaba que algun asuang le habia echado de mal de ojo al palayal de Roque,” Gurrea, 110).

180

Pandiwa

Lumipas ang isang taon at nang dumating ang tag-ulan, malubhang nagkasakit ang subang na anak ni Roque. Nagkaroon ng anemia, lagnat, at nagsusuka. Ayon sa doktor, may sakit sa atay ang batà. Namatay itong anak na subang at hindi pa nga umábot nang isang taon mula nang mamatay ito, namatay na rin ang kasunod na kapatid nitó. Nawalan na ng pag-asa na magkaroon ng ikatlong anak dahil nalaglag ang ipinagbubuntis ng nanay. Ibinaling ng mga matatanda ang kaniláng suspetsa sa tiktik (“Al año siguiente, cuando comenzo la epoca de lluvias, enfermo gravemente el chico mayor, con una anemia perniciosa, fiebres y vomitos, que el medico achacaba a un mal hereditario del higado….El caso es que el muchacho murio. Aun no habia hecho el año de la muerte de este niño tambien perdio al otro, y la esperanza de tener un tercer hijo quedo frustrada con un aborto que a poco costo la vida a la madre. Los viejos del caserio movian la cabeza y con las palabras entrecortadas balbucean en voz baja: es el tic-tic, es el tic-tic,” Gurrea, 110). At gayon na lámang nagsimula ang kaniláng pagkamuhi kay Blas, ang bakero ng Calatcat. Hindi na pangkaraniwan ang kilos niya simula noong ikinasal si Doric sa matandang karibal. Ang kaniyang pighati, karamdaman, pangangayayat pati na ang pangingitim ng tíla nabugbog niyang balat, at pagbubukod niya sa kapuwa hanggang sa hindi niya pag-imik at pagsasalitâ sa harap ng malalapít na mga kaibigan ay nagpapahiwatig sa kung gaano katindi ang kaniyang pagdadalamhati sa nawaglit na pag-ibig nilá ni Doric. (“Y entonces fue cuando comenzaron a sospechar de Blas, el vaquero del Calatcat. Su conducta habia ido rara desde el dia en que Doric se caso cone el viejo labrador. Pero aquella melancolia extremada, su enfermedad, su adelgazamientoi, la lividez de su piel, el aislamiento de sus semejantes, su mutismo cuando encontraba a los antiguos amigos, lo achacaban al doloroso desengaño de sus amores con Doric.” Hindi naibsan ng pagdaan ng mga araw ang kaniyang kalungkutan. Hindi na siyá nakikisalamuha sa kapuwa hábang nananatili siyáng nag-iisa. Palagi siyáng tahimik na nakayuko at ni minsan hindi niya tinangkang tumingin sa langit. Dahil sa mga ito, binansagan siyáng aswang. (“Sin, embargo, no le curaba y, cada dia mas retraido, mas cerrado en su silencio, con una mirada Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

181

concentrada en la tierra, sin levantar apenas los ojos del suelo, parecia, mas que un hombre, un asuang,” Gurrea, 111). Ang lahat ng masamâng nangyari kay Roque na anak ng kosturerang si Cristina ay pinaniniwalaang bunga ng pagiging aswang ni Blas, ang bakero ng Calatcat. Kaakibat ng prosesong ito ay ang pagtakwil ni Blas sa lahat ng aspekto ng pagiging tao—lumayô siyá sa dati niyang pinagtatrabahuang asyenda. Ibinaón niya sa límot si Doric. Nanirahan siyá sa malayong lugar kung saan doon niya ginagawa ang mga ritwal ng kaniyang mga eksorsismo gámit ang mga nilikha niyang manyika. Doon niya ginagawa ang mga nakalalasong mga pinaghalong mga halaman na kaniyang pinakuluan at niluto. Pinalalakas ang malignong kapangyarihan dahil nais niyang makapaghiganti at mapatay ang kaaway niyang pamilya (“Y ajeno a todo lo que de el se decia, tornaba a su vida solitaria, en su choza de paja, hermetica ya para sus semejantes. Pero dentro de ella musitaba sus exorcismos, hervia sus brevajes, moldeaba sus muñecas y, sobre todo concentraba su otro yo sobrenatural ahuyentando la humanidad de su cuerpo y de su espiritu para acabar de ser el entre maligno y poderoso que realizase el complete exterminio de la familia enemiga,” Gurrea, 112). May matandang bumisita kay Blas sa Calatcat. Napadpad doon ang matanda dahil sa pangongolekta ng mga makakaing kabuti. Inilalagay niya ang mga ito sa kaniyang sombrero na yari sa buri. Alassiyete nang umaga nang nakarating siyá sa payag ni Blas (“Y el viejo encorvado sobre la tierra, miraba el suelo en busca de las setas. Eran las siete de la mañana cuando llegaba a la choza de Blas. Dio varias vueltas en torno de ella para ver si salia el vaquero.Llevaba un sombrero de paja en la mano lleno de setas,” Gurrea, 115). Maraming tinanong ang matanda kay Blas tungkol sa mga kabuti, kung may alam ang binatilyo na lugar na may maraming mga kabuti (“criaderos de setas”). Nang tinanong si Blas hinggil kay Doric, walang atubiling sinagot siyá ni Blas— ‘namatay na si Doric sa búhay ko’ (“Se murio en mi vida.”) At kusa niyang pinaalis ang matanda upang maipaalam sa ibá na buháy si Blas at hindi na siyá maituturing na tao. Sakaling mamamatay siyá, sisiguruhin niya munang matupad ang kaniyang mga plano (“Toma, 182

Pandiwa

vete y di a los que te han enviado que Blas no se ha muerto todavia, pero que apenas es de este mundo. Diles que no me he muerto porque antes de morir he de cumplir unos deberes que me he impuesto,” Gurrea, 117). Naging saksi ang matanda sa pagbabagong-anyo ni Blas dahil may narinig siyáng sigaw mula sa payag kung saan pumasok ulit si Blas. Bigla niyang sinarhan ang pinto. Isang nakatatakot na sigaw ng kampon ng kadiliman, ng isang maligno. Dali-daling umalis ang matanda at ni minsan, dahil na rin sa matinding tákot, hindi nitó nilingon ang pinanggalingan ng sigaw. Nakabukás ulit ang pinto ng payag at narinig ulit ng matanda ang isang malakas at may malademonyong halakhak (“El viejo se habia levantado. Blas dio media vuelta, se metio en la choza y cerro la puerta. El viejo oyo entonces un grito horrible, mitad rugido, mitad estertor, que se prolongo un instante y quedo cortado subitamente, como si algo sobrenatural occuriese dentro de la cabana. A pesar de la mañana, clara abrileña, sintio miedo y se marcho apresuradamente, sin atreverse a volver la cabeza. Al cabo de unos momentos percibio el chirridode la puerta que se abria y oyo una carcajada infernal,” Gurrea, 117). Kung napalingon siyá, tiyak na nakita niya si Blas na tílang nasisiraan ng bait at nawawala sa sarili hábang sumisigaw—‘takót ka sa akin, takót ka lang sa akin, matanda ka!’ (“Ja, ja, ja, ja! Me teneis miedo, me teneis miedo. Si hubiera vuelto la cara hubiera visto a Blas gesticulando como un loco delante de su choza,” Gurrea, 117). Sa sumunod na mga araw, muling binubúhay ni Cristina sa kaniyang alaala ang mga nakaraang pangyayari lalo na iyong tungkol kay Blas—ang kaniyang paninilbihan sa kumbento, ang pag-alis niya sa kumbento dahil nais niyang mapalapít sa dalaga ng Caiñaman, ang kaniyang mga ambisyon at plano upang matubos si Doric at maging kabiyak niya, ang mga pinagdaanan niya bago pa man ang desgrasya ng kaniyang paboritong báka (“En los dias sucesivos Cristina fue reviviendo el pasado. Recordo y repaso la historia de Blas, su estancia en el convento, el abandono de aquella vida muelle y civilizada por seguir a la dalaga de Caiñaman, sus ambiciones por merecerla, su lucha Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

183

y, finalmente el descalabro de la vaquita,” Gurrea, 113). Naipahayag na ni Cristina at Roque sa kaniláng amo ang kaniláng pagbibintang kay Blas na isa siyáng tiktik o aswang. Na siyá ang may kagagawan sa malubhang sakit ng mga batà at sa nararanasan niláng mga kamalasan (“Cristina y Roque explicaron al amo con obstinacion su creencia de que era el tic-tic el causante de la enfermedad del niño, asi como de todos los males que les habian acaecido. Y el tic-tic era Blas,” Gurrea, 118). Pinagtagpo ng awtor ang pinakahulíng eksena sa unang bahagi ng kaniyang kuwento sa “El Tic-Tic” kung saan umalis na ang ama ni Adelina kasáma ang kosturera na si Cristina upang makita nitó ang kalagayan ng apo ng kosturera; at ang bahagi sa kasunod na kuwento kung saan nakita mismo ng tatay ni Adelina o ng amo ang malubhang kondisyon ng batà (“el amo habia visto ya al chiquillo sacudido por convulsiones periodicas, que cesaban cuando el niño se desvanecia, con los ojos en blanco, como un trozo de carne muerta ya,” Gurrea, 118). Walang dumating na doktor nang gabíng iyon para matingnan ang batà dahil na rin sa patuloy na pag-ulan. Mahirap ang pagbibiyahe sa masyadong malutak na daan lalo na’t kalabaw lang at karo ang maaaring masakyan noon. Hindi kakayanin ng kalabaw ang lutak (“Con un tiempo menos inclemente, se hubiese ido a buscar al medico del pueblo. Pero en la epoca de lluvias ni los carros tirados por un carabao podian atravesar la enfangada distancia sin peligro de quedarse en la carretera. Ademas aquella noche llovia mas que ninguna y el medico se hubiese negado a venir,” Gurrea, 118). Binalot na lang nilá sa maalabaab na mga tuwalya ang katawan ng batà (“Se envolvio al cuerpo del enfermo con toallas humedas y calientes para calmarlo,” Gurrea, 118). Hinanap ng amo si Blas sa Calatcat ngunit hindi nitó nakita si Blas maliban sa mga bákang kinulong sa toril. Bumalik sa asyenda ang amo at nang maláman ni Roque at Cristina na nawawala, lalo pang lumakas ang kaniláng suspetsa na nagsaanyong aswang si Blas para mapatay niya ang batà. (“Esta ausencia del vaquero confirmo aun mas las sospechas de Cristina y Roque. Señor es que esta convertido en asuang para acabar de matar al niño,” Gurrea, 120).

184

Pandiwa

Bitbit ang kaniyang binangon at isang sako na may laman na asin, hinanap ni Roque ang naiwang kalahati ng katawan ni Blas. Sinamahan ng mga kapitbahay na laláki si Roque ngunit hanggang sa labas lang ng bahay silá dahil madilim na. Isang matinding tákot ang nag-udyok sa kanilá na hindi na magpatúloy. Si Roque bílang ama ang may alam kung paano sugpuin ang aswang. Nagpatúloy siyá sa paghahanap ng aswang (“Se levanto subitamente, cogio su bolo, lleno de sal un talego y se dispuso a bajar..Quisieron detenerle, pero no pudieron. Dos de ellos le acompañaron hasta la salida del caserio; alli las tinieblas y el miedo les hicieron retroceder. Solo el padre supo vencer y siguio adelante,” Gurrea, 120). At namatay ang batà. Nabalot ng hinagpis ang gabíng iyon dahil halos walang katapusan ang iyákan sa buong bahay. Nakabalik na si Roque at wala nang laman ang sakong sinampay niya sa isang gilid ng kusina. Aniya, ‘kailanman, hindi na táyo maaaring matakot at mahalitan’ (“Cuando volvio, pasado la media noche, su casa llenaba de llantos. El niño acababa de morir…Ya no volvera hacerme daño,” Gurrea, 121). Kinabukasan, ipinaalam ni Roque sa kaniyang amo na nahanap na nitó ang kalahating katawan ni Blas sa isang madabong na parte ng kampo ng tubó sa Calatcat kagabi. Binudburan niya ito ng asin mula sa bitbit niyang sako (“Al dia siguiente se presento al amo para decirle que en un cañaveral, el mas espeso del Calatcat habia encontrado la noche antes, el medio cuerpo de Blas y habia volcado sobre el la sal que llevaba,” Gurrea,121). Patay na si Blas sa ganitong mga oras dahil hindi na niya kakayaning makabalik pa sa iniwang kalahating bahagi ng kaniyang katawan (“Blas se habra muerto a estas horas, porque al volver a buscarlo no habra podido reunirse con su mitad,” Gurrea,121). Hindi naniwala ang amo at pinaghinalaan pa nitóng nabubuwang si Roque. Ngunit seryoso ang pagkasabi ni Roque at makikita sa mukha’t mata nitó na kumbinsido ito sa kaniyang pinagsasabi (“El amo le miro para cerciorarse de que no estaba loco. Pero los ojos de Roque permanecian serenos, y su mirada, firme,” Gurrea, 121).

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

185

Upang masaksihan niya mismo ang katotohanan, walang atubiling sinamahan ng amo si Roque pabalik ng Calatcat. Sumakay si Roque sa kabayo ng amo na sa likod naman naupo. Nang makarating silá sa Calatcat, umaatungal ang mga báka sa toril dahil sa matinding gutom. Sinimulan na ni Roque at ng amo ang paghahanap sa katawan ni Blas sa kalagitnaan ng berdeng mga taníman ng palay at maging sa paligid na pumapalibot dito. Tinawid nilá ang isang sapa, pinasok nilá ang isang kampo ng inyam at ang taníman ng mga tubó. Sa isang masukal na lugar sa sapa, matatagpuan ang madabong na mga sulok na punô ng mga tigbaw, at ibá pang tumutubòng mga halaman sa tropikal na klima na may mga malalaking dahon at waring bumubuo ang mga ito ng isang kuweba na hindi nakakapasok ang liwanang ng araw. Sa loob nitó, nasaksihan nilá ang walang-búhay na katawan ni Blas, biniyak mula sa baywang na may karumaldumal na anyo ng naglabasang kasudlan (“Y tras el caballo del amo fue hasta la choza. Al llegar alli se adelanto Roque para marcar el camino. Las vacas mugian de hambre en el toril. A traves de la mañana clara, sobre la planicie verde y parda, iban Roque y su amo en busca del cuerpo de Blas. Atravesaron un riachuelo, bordearon un campo de iñam y, al fin, penetraron en el cañaveral. El recodo de un arroyo, al recoger la humedad, habia desarrollado una vegetacion tupida y robusta de tigbaws, madreselvas, liana y otras enredaderas tropicales de hojas gigantes, formando unacueva vegetal en la cual apenas penetraban los rayos del sol. Dentro de ella, el cuerpo de Blas, segado por la cintura yacia sin vida, con las viscera expuestas en macabre espectaculo,” Gurrea, 121). Sa puntong ito ng pagkukuwento ni Juana, kumbinsido na ang kaniyang tagapakinig na mga paslit na namatay na ang tiktik o aswang na si Blas dahil binuhos talaga ni Roque ang asin sa naiwang kalahati ng katawan nitó na nakatago sa isang malayo at masukal na lugar (“Ella creia , y a nosotros nos convencio de ello, que Roque habia echado sal al cuerpo escondido del vaquero, con lo cual el tic-tic murio,” Gurrea, 121).

186

Pandiwa

TALASALITAAN agsador kasamá sa lupa, sharecropper apan balang bakero salitâng Hiligaynon na gáling sa Español na vaquero at tumutukoy sa tagapag-alaga o nagpapastol ng mga báka balignon o balingon dilis banwa bayan bugnay bignay (pangalang siyentipiko – antidesma bunius) binangon bolo o itak dakbanwa lungsod o siyudad duog pook o lugar dumot itinatago at itinatanim na matinding gálit kabuli kasambahay kahon punlàan ng mga butil ng palay kakahoyan mga punò ng kahoy kampo taníman ng tubó kasudlan lamanloob katonggan lasáng, gubat, kagubatan katuyuhon antok kingke gasera

kulonatnit paniki lapsag sanggol maalabaab maligamgam madabong mayabong mahalitan masaktan malutak maputik man-og ahas munga babaeng manok nabubuang nawawala sa sarili, hindi makapag-isip nang matino obrero manggagawa palibot paligid panyapon hapúnan payag kubo siruhano manggagamot sa baryo subang panganay tinday bagong ipinanganak na báka o batàng báka tori kulungan ng mga báka at kalabaw tumandok taal, puro

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

187

SANGGUNIAN 1 Almario, Virgilio S. ed. UP Diksiyonaryong Filipino. 2nd ed. Quezon City: University of the Philippines Press at Anvil Publishing, 2010. 2 Anderson, Warwick. Colonial Pathologies: American Tropical Medicine, Race, and Hygiene in the Philippines. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2010. 3 Bankoff, Greg. “Devils, Familiars and Spaniards: Spheres of Power and the Supernatural in the World of Seberina Candelaria and Her Village in Early 19th Century Philippines” nása Journal of Social History (Fall 1999) 37-55. 4

. “Conservation and Colonialism: Gifford Pinchot and the Birth of Tropical Forestry in the Philippines” nása Colonial Crucible: Empire in the Making of the Modern American State. inedit nina Alfred W. McCoy at Francisco A. Scarano. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2010. ———

5 Billig, Michael. “The Rationality of Growing Sugar in Negros” nása Philippine Studies. vol. 40 no. 2 (1992) 153-182. 6 De la Cadena, Mariano Velazquez et. al. New Revised Velazquez Spanish and English Dictionary inedit nina Rev. Ida Navarro Hinojosa, Manuel BlancoGonzalez, at Richard John Wiezell. Chicago: Follett Publishing Company, 1967. 7 Evasco, Eugene. “Sa Pusod ng Lungsod: Mga Alamat, Mga Kababalaghan Bílang Mitolohiyang Urban,” nása Humanities Diliman. 1:1, 69-91, JanuaryJune 2001. 8 Gardner, Fletcher. “Philippine (Tagalog) Superstitions,” nása Journal of American Folklore. Vol. 19, Blg. 74, mp. 191-204, Hulyo-Setyembre 1906. 9 Gurrea, Adelina. Cuentos de Juana: Narraciones malayas de las Islas Filipinas. (Estudio introductorio y notas; Beatriz Alvarez Tardio) Manila: Instituto Cervantes de Manila. Kreuzer, Peter. “Domination in Negros Occidental: Variants on A Ruling Oligarchy,” nása PRIF-Reportno. 112. Frankfurt: Peace Research Institute, 43 pahina, 2011. 10 Laranjo, Ronel, Kristina Martines Erbite, at Zarina Joy Santos. “Intersection of Asian Supernatural Beings in Asian Folk Literature: A Pan-Asian Identity,” nása Official Conference Proceedings ng The Asian Conference on Asian Studies, Osaka, Japan, 2013. 11 Larkin, John A. Sugar and the Origins of Modern Philippine Society. Berkeley: University of California Press, 1993. 12 Loarca, Miguel. “Relacion de las Yslas Filipinas” (1582) nása Tomo V, The Philippine Islands: 1493-1898. inedit nina Emma Blair at James Robertson. 55 tomo. Cleveland: Arthur St. Clark, 1903-1909. 188

Pandiwa

13 Lucero, Rosario Cruz. “Gods, Monsters, Heroes, and Tricksters in Adelina Gurrea’s Cuentos de Juana,” nása Kritika Kultura. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2013. 14 Martin, Aurora Almeda. “Philippine Land Reform: Perpetuating US Colonial Policy,” nása Philippine Studies Vol. 47 Blg. 2, mp.181-205, 1999. 15 McCoy, Alfred W. at Ed C. de Jesus. Philippine Social History: Global Trade and Local Transformation. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1982. 16 Ortiz, Tomas. Practica del ministerio que siguen los religiosos del orden N.S. Agustin en Filipinas. Manila: Convento de Nuestra Señora de los Angeles, 1731. 17 Rafael, Vicente. Contracting Colonialism: Translation and Christian Conversion in Tagalog Society Under Early Spanish Rule. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1988.

ANG TAGASALIN Premyadong manunulat ng maikling kuwento sa Hiligaynon at makata sa Ingles, si FELINO S. GARCIA, JR. ay ipinanganak at lumaki sa Bacolod City, Negros Occidental. Hábang nag-aaral siyá mulang grade school hanggang high school sa University of Negros-Occidental Recoletos (UNO-R), naging matalas ang kaniyang pandinig sa wikang Español na sinasalitâ ng mga paring Rekoleto sa loob ng campus at dahil dito’y muntik na rin niyang pasukin ang seminaryo upang maging isa ring Rekoleto. Noong estudyante siyá sa kolehiyo sa U.P. Visayas sa Iloilo City, tinapos niya ang Spanish language requirement na 12 units. Matiyaga at seryoso niyang pinag-aralan ang wikang Español lalo na sa ilalim ng mga mahuhusay at ngayo’y retiradong mga propesor sa Español sa U.P. Visayas tulad nina Senyora Fe Dureza, Senyora Cita Lamprea, Senyor Raymundo Piccio, at Senyor Jose Reyes. Tinapos niya ang kaniyang B.A. History sa U.P. Visayas (1989), at ang kaniyang M.A. History sa Ateneo de Manila University (2003). Isinalin niya sa Hiligaynon mula sa Español ang Sonetos del Amor Oscuro ni Federico Garcia Lorca at pinamagatan itong “Mga Dilambong sang Magal-umon nga Gugma.”

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

189

Ang anim na tula sa koleksiyong ito ay inilathala sa San Ag Journal (SanAg 10) ng Univeristy of San Agustin sa Iloilo City. May isinalin din siyáng soneto sa Hiligaynon mula sa Español ng Cien Sonetos de Amor ni Pablo Neruda at pinamagatan itong “Dilambong XLV.” Inilathala ito sa website ng Balay Sugidanun. Kasalukuyan siyáng Assistant Professor sa Division of Social Sciences ng U.P. Visayas Tacloban College, Lungsod Tacloban, Leyte. Email: [emailprotected]

190

Pandiwa

Natagpuan Namin ang Pag-Ibig: Ribyu sa Nobelang Sambahin Ang Katawan ni Alvin B. Yapan Jeric F. Jimenez

NAPAGBUBUKLOD NG MUSIKA ang dalawang puso. Sumasabay ang ritmo ng musika sa pagbabago ng mga damdamin. Sa pamamagitan ng mga koro, idinuduyan nitó ang pagpintig ng dalawang pusong nagtagpo. At sa pamamagitan ng lumbay at sigla ng mga awitin, nahahanap at natatagpuan ng dalawang puso ang tunay niláng pag-ibig. Ito ang buod ng kuwento ng pag-iibigan nina Jaime at Jun sa nobelang Sambahin ang Katawan ni Alvin B. Yapan. Tulad ng awitin, natagpuan nilá ang isa’t isa sa kabilâ ng kani-kaniláng suliranin at trahedya. Ang Nobelista Si Alvin B. Yapan ay kilaláng nobelista at kuwentista ng makabagong panahon. Kinilála ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang kaniyang mga kuwento noong 2002 at 2003. Patí na rin ng NCCA Writers Prize noong 2005. Kabílang sa NCCA Ubod New Authors Series ang una niyang koleksiyon ng maikling kuwento na pinamagatang At Nabulag ang Tagapagsalaysay. Nagwagi naman ng 2006 National Book Award ang una niyang nobelang Ang Sandali ng mga Mata. Direktor din siyá ng pelikula at nagwagi sa kategoryang short film sa Cinemalaya at Urian noong 2007 191

ang kaniyang Rolyo na ipinadalá ring kalahok sa Paris Film Festival noong 2008. Noong 2009, nagwagi naman ng Gold Prize sa 33rd Cairo International Film Festival ang pelikula niyang Ang Panggagahasa Kay Fe. Estilo Ang pangunahing estilo na ginamit ng manunulat sa kaniyang nobelang Sambahin ang Katawan ay pasalaysay. Sa hulíng bahagi na lámang ng nobela makikita ang mga pahayag o usapan ng mga karakter, bagay na mapapansing nagpatampok sa estilong naratibo ng kaniyang nobela. Hinati rin sa mga kabanata ang mga bahagi ng nobela ngunit kahit hinati ito, mababanaag na káyang tumayô sa sarili ang bawat kabanata. Sa pamamagitan ng mga kaba-kabanatang taktika, naipakita niyang buo ang mga kuwento sa bawat kabanata. Sa bahagi nina Jun at Jaime, mapapansin na hindi silá ang nagsasalitâ sa kaniláng mga kabanata bagkos ang nagsasalaysay. Kaibá sa bahagi o kabanata nina Jun at Jaime, napagtuunan naman ng pansin ng nobela ang damdamin ng mga kababaihan (Ria at Maya) sa pamamagitan ng paggámit ng unang panauhang punto de bista sa pagsasalaysay ng kaniláng mga opinyon, nadarama, at pangamba. Hitik sa paglalarawan ang nobela lalo na ang di matatawarang sopistikasyon sa paglalarawan sa kapangyarihan ng katawan upang pasunurín ang isang tao. Mapapansin ito sa madalas na paglalarawan ni Jaime sa katawan ni Jun; kung gaano kakisig si Jun, kung gaano siyá

192

Pandiwa

kaguwapo, at maging ang mga nakapíling na laláki ni Jaime, ang kanikaniláng mga amoy ay mahusay at mabisàng nailarawan sa nobela. Papaunlad ang estilo ng pagkukuwento, sa patúloy na pagbabasá ng nobela lámang mauunawaan at makikilála ang mga karakter, lalong-lalo na ang karakter ni Jun na sa mga unang bahagi, ipinakikilála lámang siyáng isang laláking nagtatrabaho sa isang bar, at nagbibigay ng serbisyo sa mga kapuwa laláki. At sa mga sumunod na kabanata lalo na sa bahagi ng kaniyang asawang si Maya ay higit na makikilála si Jun. Higit rin siyáng makikilála sa bahaging siyá umano ay nagmula sa angkan ng mga daga at inalagaan ng mga ito. Binasag ng nobelang Sambahin ang Katawan ang prinsipyo sa pagkukuwento na “show don’t tell,” dahil kung babasáhing maigi ang nobela, puro “tell” ang ginamit na pamamaraan ni Yapan imbes na karaniwang “show” na madalas na gamítin sa pagsusulat ng kuwento o ng anumang akda. Sa show, kailangang ipakita ang mga bagay na tumutukoy sa isang karakter o sa isang bagay at hindi ito kailangang sabihin o i-tell dahil ika nga, mawawalan ng ganda ang isang akda at mawawala ang kapangyarihan ng paglalarawan na siyáng kalakásan ng mga kuwentista. Ngunit sa nobelang ito ni Yapan, sopistikado niyang napanindigán ang pagbásag sa “show don’t tell” sa pamamagitan ng pagsasalít-salít pa rin ng mga mahuhusay at magagandang paglalarawan sa mga pangit at magagandang katangian ng mga karakter, ng mga tagpùan at ng mga kagamitan. Maingat ring napanghawakan ni Yapan ang mga sensuwal na tagpo o ang mga erotikong eksena. Sa pagtatalik nina Jaime at Jun, sa pagpapaubaya ni Ria ng kaniyang puri sa asawa niyang si Jaime, at ang bahaging nag-oorgasm si Maya sa mga ginagawa nilá ni Jun, ay malinaw na naisalaysay ni Yapan na hindi masyadong bulgar, may pagtitimpi at nangingibabaw ang sopistikasyon. Konsistent rin ang nobelista sa paggámit ng aksidente upang patuloy na painúgin ang kuwento. May kaniya-kaniyang aksidente ang Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

193

mga tauhan na maingat at konsistent na napanghawakan ni Yapan hanggang sa wakas ng nobela. Simbolismo Hitik sa simbolismo ang nobelang Sambahin ang Katawan lalo na sa mga bahagi ng mga tauhan. Si Jaime na isang negosyante at nagbebenta ng mga muwebles ay nasisiyaháng makita si Jun na nakaupông hubo’t hubad sa muwebles na nása kaniyang condominium. Ang simbolong negosyante ng mga muwebles ay lalong nagbigay diin sa karangyaang kinabibilángan ni Jaime. Si Jun na mula sa angkan ng mga daga na simula’t sapul ng kaniyang búhay sa mundo ay naniniwala sa kamalasan at nakasasaksi ng mga kababalaghan lalo na nang siyá’y magtrabaho sa Maynila sa isang tindahan ng mga damit. Si Ria naman ay lakí sa yaman. Takót siyá o ayaw na ayaw sa kulay na pula. Mahalaga ang simbolismong ito para kay Ria dahil lalo nitóng pinatatampok ang kaniyang karakter. Si Ria din ang unang nakaramdam ng kutob na may relasyon ang kaniyang asawang si Jaime at ang drayber niláng si Jun. Naging behikulo rin ang kulay na pula bílang simbolo upang mabangungot si Ria na bumagsak ang eroplanong sinasakyan nina Jun at Jaime. Si Ria din ang unang nakaisip na pasúkin nilá ni Maya ang negosyong laundry shop, ngunit ililihim nilá ito sa kani-kaniláng asawa. Isang ordinaryong maybahay ni Jun si Maya. Naglilinis ng mga pigurin at nangongolekta ng mga souvenier. Hindi lihim sa kaniya ang relasyon nina Jaime at Jun, dahil bago pa man silá ikasal ni Jun, batid na nitóng nagseserbisyo ang kaniyang asawa sa mga laláki. Siyá rin ang namamahalà sa paglalaba ng mga damit sa laundry shop nilá ni Ria. Ang pangangalaga, pangongolekta, at palaging palilinis ni Maya sa mga souvenier ay maituturing na simbolismo ni Maya, na kahit alam niya na ang ginagawa ng kaniyang asawa’y hindi pa rin niya ito 194

Pandiwa

kinukumpronta, dahil tulad ng mga souvenier, ayaw niyang masirà o marumihan ang kaniláng pamilya. Sina Francis, Noel, at Edgar naman na mga anak nina Jun at Jaime kina Ria at Maya ang nagsilbing tulay upang lalong magkalapít sa isa’t isa ang kani-kaniláng mga magulang. Ang kaniláng kawalangmálay ang naging instrumento upang lalong maglapít ang kaniláng mga magulang lalo na noong madalas nang pumunta ang pamilya ni Jun sa bahay nina Jaime. Sa maikling salitâ’y napatunayan ng nobelang Sambahin ang Katawan na hindi lámang makikita ang simbolismo sa mga bagay o tagpùan, dahil makikita rin ang simbolismo maging sa mga tauhan. Malakas ring simbolismo ang tabing-dagat. Niyaya ni Jaime ang kaniyang mag-ina na pumunta at maligo sa tabing-dagat kahit hindi pa marunong lumangoy ang anak niyang si Francis. Sumáma rin ang asawa’t anak ni Jun sa outing na ito. Sa bahaging ito nagpapaligsahan sina Jun at Jaime sa mga káyang gawin ng kaniláng mga anak. Kahit hindi pa marunong lumangoy si Francis, pinilit ito ni Jaime na ikinainis naman ni Ria. Importante ang bahaging ito ng nobela dahil dito nagkausap sina Jaime, Jun, Ria, at Maya. Sa kalawakan ng dagat maiuugnay ang kagustuhan nina Jun at Jaime na unawain silá ng kani-kaniláng pamilya. Sa condominium kung saan nagkikita at nagtatalik sina Jun at Jaime bago silá magkatítigán sa bar na pinagtatrabahuan ni Jun, makikita ang isang muwebles na dinesenyo ni Jaime. Gustong-gusto ni Jaime na makita si Jun na nakaupo siyá ritong hubo’t hubad. Ang upúan o muwebles na ito na pinag-eensayuhan ng mga prinsesang ipakakasal sa di nilá minamahal ay unti-unti umanong natutunaw dahil sa pag-upô rito ng katawang laláki ni Jun. Ang muwebles na ito ang naging simbolo ng maigting na ugnáyan nina Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

195

Jaime at Jun, dahil dito, nakikita nilá hindi lámang ang kaniláng mga hubad na katawan kundi maging ang buo niláng pagkatao. Isa rin sa mga natatanging simbolong ginamit ng may-akda ay ang pasô o burnay na ibinigay ni Jaime kay Ria dalá ng paglahok nitó sa kaniláng negosyo. Ang burnay na binubuong muli ng mga magpapalayók kahit ito’y hindi na gaanong kaaya-ayang pagmasdan ay simbolong maaaring iugnay sa pagbibigay ni Jaime ng kaniyang sarili kay Ria kahit siyá’y hindi na rin ganoon kaperpekto. Nagkasundo sina Ria at Maya na magtayô ng isang negosyong hindi alam ng kani-kaniláng asawa. Sakaling iwánan silá umano ng mga ito’y may negosyo siláng pagkakaabalahán at mapagkukunan ng pera sakaling totoo ang kutob ni Ria na may relasyon sina Jun at Jaime. Paglalaba ang naging trabaho ni Maya at pagma-manage naman ang naging tungkulin ni Ria sa shop na sikreto lámang nilá. Mahalaga itong simbolismo sa nobela dahil makikita rito ang natatanging kaibahán ng moderno at tradisyonal na babae. Matingkad rin itong imáhen ng pagrerebelde ng kababaihan sa kani-kaniláng mga asawa. Ang shop rin ang naging daan upang mabuksán ang katotohanan sa kaniláng mga kutob at lalong nagpalawak ng kaniláng pag-unawa sa kaniláng sitwasyon. Sa shop ring ito lumalim ang kaniláng ugnáyan sa isa’t isa. Palasak man ang paggámit ng daga sa nobela, nabigyan ng bagong bihis ni Yapan ang paggámit ng simbolismong ito. Sopistikado niyang naitaas ang kaniyang nobela sa antas ng pantasya gámit ang simbolong daga na kakatawán sa karukhaan ng isang tauhan, si Jun. Napanghawakan niyang maigi ang konsepto ng daga upang iduyan ang nobela sa pantasyang kinabibilángan ni Jun sa pangangalaga ng mga daga. Ang kahitikán ng simbolismo ng nobelang Sambahin ang Katawan ni Alvin B. Yapan ay labis na nakatulong upang maunawaan ng mga mambabasá ang mga karakter. Ika nga, kapag tinusok ng 196

Pandiwa

karayom ang mga karakter na ito, magdurugo at magdurugo ang mga ito dahil nabigyán silá ng manunulat ng búhay. Ang pamagat ng nobelang Sambahin ang Katawan ay hango sa tula ni Rolando S. Tinio na Cantico Profano na makikita sa pinakahulíng kabanata ng nobela na pinamagatang Koda. Isa ito sa mga ginamit ni Yapan na instrumento upang lalong idiin ang malungkot na tema ng nobela. Ang koda na makikita rin sa paghabi ng mga awitin ay isang malakas na instrumento upang iadya ng may-akda ang mga mambabasá sa paloób na damdamin ng kaniyang akda. Narito ang tula ni Tinio na pinaghanguan ng nobela: Sambahin ang katawan Ituring na sagrado Balutin, balumbunan Ng sedang poliyestro Ibaón sa bakuran At bakâ sa Enero Mamulaklak, magbunga Ng luya at sapiro.

Hindi na bago ang temang tinalakay ni Yapan sa kaniyang nobelang Sambahin ang Katawan. Ayon sa Rampa, koleksiyon ng mga sanaysay ni Danton Remoto, simula pa noong 1970 ay umusbong na ang mga ganitong tema sa panitikan at marami na umanong nagawarang mga akda sa ilalim ng ganitong tema. Pinaksa na rin niya ang ganitong tema sa kaniyang aklat na Búhay Bading. Tinalakay na rin ito sa mga kuwento ni Gerardo Torres at sa mga kuwento sa Talong/Tahong mga Kuwentong Homoerotiko ni Rolando Tolentino. Ito rin ang pinaksa ng screenplay na Muli na pinagbidahan ni Sid Lucero. Totoong hindi na bago ang temang ito ni Yapan sa panitikan. Ngunit hindi pa rin ito naluluma sa pagdaan ng mga panahon, dahil Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

197

magpahanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi bukás sa ganitong mga usapin ng pag-ibig o sa mga ganitong uri ng relasyon. Marami pa rin ang mga konserbatibo sa mga ganitong klase ng pakikipagrelasyon lalo na ang mga táong namuhay sa tipikal na konsepto ng pamilya. Marami pa rin ang hindi bukás sa mga ganitong klase ng pag-ibig; ang pag-ibig sa kapuwa babae o sa kapuwa laláki. Pinagtuunán ng pansin ng nobela ni Yapan ang paloób na damdamin ng mga tauhan. Ang malalim na pahiwatig hinggil sa mga ganitong paksa ang tinalakay ni Yapan sa kaniyang nobela bagay na hindinghindi maluluma kailanman. Hangga’t marami pa rin ang hindi bukás ang isipan sa mga ganitong uri ng pakikipagrelasyon o sa ganitong uri ng pag-ibig, dadagsa pa rin sa pagdaan ng panahon ang mga ganitong uri ng panitikan. Isusulat pa rin nilá ang mga ganitong tema, niláng mga manunulat na natagpuan ang kaniláng tunay pag-ibig.

198

Pandiwa

“Bangungot”: Isang Usapin ng Eksogamya sa Lingguwistika Julieta Cunanan-Mallari Salin ng "Bangungot: A Case of Linguistic Exogamy" ni Sandor B. Abad

. . . Sa mitolohiyang Griego, ang makata at ang manghuhula ay bulag upang silá, sa pamamagitan ng panágap ng pananalita ay malayùang makakita. —George Steiner

Ang Kapampangan ay nakapagbigay sa Pampanga ng isang kapuri-puri, buháy na lumipas. Ang organikong pagkakaugnayan ng wika at kultural na nilalaman nitó ay may kapansin-pansing konsekuwensiya, i.e., maimahinasyong balangkas panlingguwistika ng mga katutubong makata na matalik na pinagsasaluhan ng mga miyembro ng angkang Kapampangan. Ang wikang sinasalitâ ay nagangkin ng isang tiyak na grabedad: partikular sa natatanging samahán ng mga gumagamit na nagbuo ng malakas at mataginting na wika. Bílang batayan ng kolektibo at katutubong identidad ng mga tao, ang Kapampangan ay laging tinatawag na kaniláng “amanung siswan,” literal na “ang wikang sinúso” o “ ang wikang ipinakain o nagpalago sa kanilá”—isang mas malakas na talinghaga kaysa Ingles na “unang wika.” Naaangkop ang piniling talinghaga ay lalong pinatotohanan ng malakas at malusog na kulturang pinalago ng mga manunulat na Kapampangan, sa isang panahong siyáng-siyá silá sa pagtatamasa ng nagbibigay-búhay na enerhiya ng kaniláng wika. Sina Anselmo Jorge de Fajardo, Crisostomo Soto, Aurelio Tolentino, Isaac Gomez ay ilan lámang sa mga kilaláng manunulat na gumagamit ng kaniláng wika upang pasiglahin ang kamalayan sa kaniláng sibilisasyon, na nagsisilbing tatak din sa yugto ng pag-unlad ng lingguwistika. May pagsigla sa mga 199

larawang-salitâng nakatimo sa kolektibong búhay ng Kapampangan hábang lumalago ang wika—pangunahi’y sa pamamagitan ng patuloy na paglalaan ng mapagpahayag at malikhain nitóng mga tungkulin. May panahong ang buong talino ng Kapampangan ay umunlad at umábot sa isang yugtong nakalikha ng sariling mundong semantiko, nagtalâ ng binabahaging mga alaala at kaalaman, at pinagkaisa ang parehong etnikong pagkakakilanlan ng mga gumagamit nitó. Sa pinakamalápit na gitna, sa lugar ng magkakalapít na angkan, ang wika ang napayabong sa taglay na kapangyarihan ng mga salitâ, sintaks, at ponolohiya. Gayunman, sa prosesong panlabas na ugnáyan, ang pinakamakapal na pribadong ubod ng wikang Kapampangan ay nagsimulang numipis hábang ang mga presyur mula sa mga banyagang wika sanhi ng pakikipagkalakalan, interaksiyong panlipunan, at pagwawasto ng teritoryo ay nakaagnas sa sariling awtonomiya. Mula noon hanggang ngayon, ang Filipino ang ipinapalaganap bílang pambansang wika. Bukod dito, ang Ingles ay ipinapalagay na wika ng prestihiyo. Ang dalawang wika ay tinatanggap sa pinakaubod ng mga katutubong nagsasalitâ ng Kapampangan dahil obligadong gawin sa pinagtiyap na ugnáyang pagtutulungan. Ang kinalabasan ay eksogamyang panlingguwistika, at ang nagiging epekto ay pagpapahina tulad ng panghihina ng katutubong henyo ng wikang Kapampangan, at ang kinahinatnan sa katutubong kultura. Gaya ng paliwanag ni Steiner kay Heider, Ang pambansang pagkatao ay “nakalimbag na sa wika” at ang katumbas, may taglay na tatak ng wika. Sa gayon, ang pangunahing kahalagahan ng kalusugan ng wika sa mga tao, na ang wika ay nabalbal o nabastardo, magkakaroon ng katumbas na pagbabà sa pagkatao at kapalaran ng lipunan. (Steiner, 1975:78)

Ang ganitong kritikal na resiprosidad ay waring nakikita sa wikang Kapampangan at kulturang Kapampangan. Ang tinatáyang kalalabasan tungkol sa kinabukasan ng wika ay malabò: na maaaring 200 Pandiwa

mawala ang napakahalagang pagkaeksakto nitó at humantong sa kalagayang atropiya, sa malápit o malayong hinaharap ay karaniwang persepsiyon ng mga nagsasalitâ nitó. Kaugnay nitó, ang ganitong hinuha ay inilalarawan sa mga tula na iniakda ng isang kontemporaneong manunulat na Kapampangan na likás na nakagagagap sa implikasyon ng intrusyon ng dalawang ibáng wika. Napagtuos niya na ang Kapampangan ay hindi mapipigilan sa paghina dahil sa pagkahalo ng dugong banyaga. Sa gayong kapaligiran ay ipopokus dito ang isang tula ng nabanggit na makatang Kapampangan. Sa pamamagitan ng paggámit ng mga teoryang panlingguwistika, ang papel na ito ay nagtatangkang pag-aralan ang estilo ng isa sa kaniyang pasalaysay na mga tula upang ipakita na: Sa pamamagitan ng estrukturang panlingguwistika ng tula, na may balangkas na nakapaibabaw sa aspektong nagpapahiwatig ng emosyonng teksto upang ipakita ang “pagbastardo” sa isang katutubong wika, maaaring suriin ang epekto ng alyenasyon, ang panghihina ng wika at ang katumbas na pagkasira ng kultura. Ang ugnáyan ng salitâ at kultura, ng wika at kamalayan sa parehong pahiwatig na diyalektika at sintesis ay maitatatag o mapatutunayan din, bílang kasunod ng kababanggit na proposisyon. Mga Makatuturang Teoryang Panlingguwistika “Sa mataas o mababàng antas,” ayon kay G. Steiner, “bawat wika ay nagbibigay ng sarili nitóng pagbása sa búhay.” (Steiner, 1975:473). Ang maliwanag na kamalayan ng isang indibidwal ay hindi nagpapahintulot sa katahimikan na limitahan ang mga tanáwin ng kaniyang karanasan at mawalang lahat iyon. Ang wika ay nagtatalâ at nagsasaayos ng realidad; nagtatatag ng kapuwa kadali ang maunawaan at palítang kultural na pagkakakilanlan. Sa bagay na ito, ang pagkanaiibá ng tao ay isang mahalagang salik sa pagtatatag ng mga hanggahan ng wika. Ang nukleong katulad na mga nagsasalitâ— na may iisang wika na nagpapakilála sa kaniláng pagkakamag-anak at lokasyon—ay nagiging isang komunidad kasáma ang lahat ng mga Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

201

potensiyal na makalikha ng masalimuot na estruktura ng interaksiyon, ng pagkakaunawaan at pagtugon ng mga tao. Ang komunikasyon ay kailangang-kailangan sa balanse ng isang lipunan at sa pag-unlad ng bawat isa sa lipunang ito. Ang wika ay matibay na pantukoy sa etnisidad ng isang pangkat. Ang búhay ng pangkat bílang isang naiibáng grupo ay maaaring makita, samakatwid, batay sa kakayaháng pangwika nitó na magbahagi at magpanatili nang pagitna ang nakaimbak na mga karanasan at kaalaman. At ang panitikan, na bumubuo sa gayong kolektibong mga karanasan ng realidad ang pangunahing paraan sa pagpapalakas ng etnisidad. Ang panitikan ay hindi lámang tugon ng tao sa hubog panlingguwistika kundi ito ay wika mismong nililikha sa loob ng kontekstong panlipunan. Hanggang ngayon, ang ideá na ang panitikan at ang wika ay organikong magkaugnay, na parehong pinalalawak o pinaliliit ang kaniláng pag-iral ay siyáng inaakala. Tangi sa roon, ipinapaliwanag din na ang panitikan ay wika, ang hulí ay nagbibigay ng nakalilikhang modelo ng realidad na kasáma at naipapahayag sa una. Sa pamamagitan ng paggámit ng kritikal na stylistics, ang tekstong Kapampangan ay inaanalisa bílang ilustrasyon ng panitikan, sa aktuwalidad ay wika. Ang pagpapalagay ni Fowler hinggil sa panitikan bílang wika, na may diin sa paggámit ng “pinakamayaman at pinakaangkop na modelong panlingguwistika” ay totoong may kaugnayan sa pag-aaral na ito. Sabi niya, Upang matugunan ang gawaing ito, ang modelong panlingguwistika ay dapat magtaglay ng sumusunod na malawak na mga katangian. Kailangan itong komprehensibo sa pagpapaliwanag sa kabuuang lawak ng dimensiyon ng estrukturang panlingguwistika, partikular ang pragmatikong dimensiyon. Kailangan itong may kakayaháng makapagtalâ ng mga tungkulin ng inilahad na konstruksiyong panlingguwistika (tunay na teksto), partikular ang nakahuhubogng kaisipang tungkulin (Halliday’s ‘ideational’). Kailangang kilalanin nitó ang batayang panlipunan ng pagkabuo ng mga kahulugan. (Halliday’s ‘social semiotic’ tingnan, Halliday, 1978 at Kress, 1976). (Fowler sa Weber, ed. 1996:199) 202

Pandiwa

Sa gayon ding paraan, sinabi nina Hodge at Kress na “Ang kritikal na lingguwistika ay isang teorya ng wika na may layuning magpaliwanag tungkol sa pasalitâng wika bílang isang penomenong panlipunan . . . ” (Hodge at Kress, 1988:vii). Ang mga pakahulugang panlingguwistikang ito ay nagbibigay-diin sa ideáng ang wika ay isang penomenong panlipunan at ang teksto ng wika ay nag-iiwan ng mga intrinsikong nilalaman na ang mga puwersang panlipunan, pampolitika, at pangkasaysayan ang nagpapasiya. Ang mga salik na ito na laging itinuturing bílang “extra textual” ay malinaw na bahagi at kasáma ng mga teksto at anyo ng diskurso sapagkat tinatakda ng mga ito ang pagpapadalisay ng estruktura at nilalaman ng wika. Ito ang nagpapaliwanag sa kahalagahang nakaugnay dito at sa katumpakan ng tinatawag na “ekstra-literaryo”—mga salik na humuhubog sa mga tekstong pampanitikan. Ang panitikan, sa pinakamataas na lawak nitó ay nabubuo bílang isang bahaging panlingguwistika na ang organikong kaisahán ay aktuwal na nagsasáma ng nabanggit na mga sangkap na puwersa. Ang isa pang argumento ay may kaugnayan sa korolaryong pagpapalagay, gaya ng, ang tapós na teksto ay hindi umiiral sa hungkag na kapaligiran, ngunit bílang wika, maaari namang magsilbi itong puwersang nakaaapekto sa mga gumagamit. Sa ganoon, kahit ang panitikan ay hindi maituturing na isang katauhang nakapagiisa at walang pinapanigan o nanlilibang lámang na likhang sining, kundi malakas na puwersang nagsisilbi sa mga tiyak na pangkat na nakikinabang. Natukoy ng isang tulang Kapampangan ang napiling pasalitâng sining, pangunahing tungkulin ang pagiging matulain, bílang “mensaheng nagbibigay-diin sa sarili, kumukuha ng atensiyon sa sarili nitóng balangkas ng tunog, diksiyon, at palaugnayan. (Scholes ,1974:26). Ang “Bangungot” (“Nightmare”) ni Jose Gallardo ay ang tekstong tula na itinatanghal sa ilang dahilan. Isang bagay, isinulat iyon ng isang makatang gumaganap bílang pangunahing hugpúngan sa panahon ng maagang panitikang Kapampangan (mga 1900—bago magka-

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

203

Digmaan) at ng naglalahong kasalukuyang panitikang Kapampangan. Sa gayon, ang manunulat sa pamamagitan ng kaniyang kakayahán sa paggámit ng wika ay inaasahang may “isang uring ‘pragmatikong diksiyonaryo’ na ang komunikatibo at mahahalagang mga anyong panlipunan ay inaasahang nakaimbak.” (Fowler sa Weber, ed., 1996:202) Ito ay maaaring mangahulugan ng mahalagang interaksiyon sa kaniyang teksto, mambabasá, at kultura. Sa ibá, ang teksto na itinuturing na makabago, sapagkat “napag-eksperimentuhan ang anyo ng wika” (Thorn-borrow at Wareing, 1998) ay isang “sining pasalita” na gumagalugad sa kakayaháng pangkagamitan ng wika. Nakatutuwa, ang kalagayang kultural ni Gallardo ay nagpapahintulot sa kaniyang samantalahin ang mga kodigong gámit niya—partikular tungkol sa paghahalo niya ng kodigo upang makalikha hindi lámang ng epekto ng estilo kundi upang makalikha rin ng estimulong pananalita túngo sa anumang paggagamítan ng wika, na nakatutok sa tagapakinig o mambabasáng Kapampangan na pinakagusto niyang gisingin mula sa kultural na pagkakatulog. Bangungot: Isang Praktikal na Modelo ng Wika Bílang isang praktisyoner ng panunuring panlingguwistika, si David Birch ay nagbigay ng kapansin-pansing pagbibigay-katwiran sa kaniyang piniling pamamaraan. Sabi niya, Kawalang-muwang ang pagpapalagay na ang panitikan ay naiibá sa gámit ng anumang wika . . . Ang panunuring panlingguwistika sa bagay na ito, samakatwid ay alternatibo sa kalakarang panlingguwistika na bigong ‘magsilbing kasangkapan para sa pagbabagong panlipunan’ (Jonz 1982, binanggit sa Birch sa Weber, ed. 1996:207).

Ang panunuring panlingguwistika, samakatwid, ay isang pamamaraan na itinuturing na mahalaga sa pag-unawa sa isang tekstong di-Kanluranin na maaaring hindi makapasá sa pamantayan ng kalakarang panlingguwistika. Sa pamamagitan ng panunuring panlingguwistika, ang “Bangungot” ay maipaliliwanag sa kontekstong 204

Pandiwa

panlipunan at pangkasaysayan at maituturing bílang “panitikan” na may kaganapang pangkomunikasyon na karaniwang katangian ng wika” (Fowler sa Weber 1996:199). Sa gayon, hindi lámang ang pamamaraan ng panunuring panlingguwistika ang maaaring maging kasangkapan sa “pagbabagong lipunan” kundi sa pagproseso rin ng teksto. Sa pangkalahatan, ang “Bangungot” ay “functionally motivated” na estrukturang panlingguwistika na umaayon sa ideá ni Fowler sa tekstong gumaganap sa ugnáyan ng bawat isa at umaangkop sa gámit ng stylistics na nagpapahintulot dito “bílang interaksiyonal na gawi ng mga miyembro ng pamayanan ng wika” (Fowler 1979: 13). Ang tula ay may angkop na lugar, may partikular na sosyolingguwistikong kapaligiran na nakaaapekto sa pagkakalikha nitó. At ang manunulat, halatang naliligalig dahil sa paratíng na pagkalusaw ng Kapampangan bílang isang wika ay naglahad ng kaniyang teksto upang maging kasangkapan sa ugnáyang pangkomunikasyon niya sa kaniyang mga mambabasá, lalo na sa mga kapangkat etniko. A. Pasakalye sa Bangungot Sa simula, ang teksto ay isinulat ng isang manunulat na siyáng haharap sa problemang entropiyang pangwika: Ang Kapampangan ay napapalitán ng Tagalog at Ingles bílang nangungunang mga wika sa Pampanga. Nawawala ang tatag ng Kapampangan hábang ang mga gumagamit nitó ay pumapayag na maimpluwensiyahan ng mga banyagang kagawian sa pagsasalitâ. Kapansin-pansin, ang malaking bahagi na naaapektuhan ay dahil sa mga puwersang pangkabuhayan at pampolitika na lumalaganap sa buong probinsiya. Tuwirang binanggit ni Gallardo ang pagkamabuwáy ng wika sa kaniyang teksto. Ang suliraning ito ay lubhang nakaliligalig kayâ’t inilalarawan niya at binibigyan ang kaniyang tulang pamagat na “Bangungot” o (“Nightmare”). Ang salitâng “bangungot” ay isinasalin (di sapat) na “nightmare” sapagkat ang ipinapahiwatig nitó ay malayong lumalampas sa ideáng Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

205

nakatatakot na panaginip. Nauunawaan ng mga Kapampangan na ang katawagan ay nangangahulugang nasawi. Ang tsansang mabuhay ang mga táong dumaranas ng “bangungot” ay halos wala kung isasaalangalang ang katotohanang ang dahilang medikal na kaugnay ng atakeng ito ay atake sa puso at sobrang taas ng presyon ng dugo. Malinaw na inilatag ni Gallardo ang kontekstong pangwika ng kaniyang obra sa kaniyang pamagat. Ang di-makakatkat na tungkulin ng wika, i.e., ang kaisipang hinubog ng “bangungot” ay kaagad nauunawaan, sa kaugnay na mga kahulugan ng salitâ, tulad ng kamatayan, kahirapan, panganib, atbp. At ang ganitong mga kaugnayan ay pag-aangkop ng sarili sa ibáng sosyolingguwistikong konteksto sapagkat tinatanggap ang mga ito at kinikilála sa loob ng balangkas ng komunikatibong interaksiyon at karaniwang “mga nakagawiang kahulugan” sa Kapampangan. Sa pagpapalawak, inihain din ni Gallardo ang isang salitâ mula sa nakatagong yamang wika ng angkang Kapampangan, na nagbibigay ng batayang panlipunan ng mga kahulugang nakaugnay doon. Pagkaraan niyon, inihahanda niya ang kaniyang mambabasá, malamáng na Kapampangan o sinumang táong may kaalaman sa kultura bílang kinakausap at ang sarili bílang kumakausap (nilinaw niya ito sa teksto) para sa interaksiyong may kaugnayan sa mensaheng kaniyang inilalahad. Kailangang mapansing ang pagkakatugma sa komunikasyon ay inilalahad ng may-akda sa pinakaumpisa—sang uri ng paghahanda sa pagpapanatili ng ‘interpersonal’ na gampanin ng wika. Sinadya man o hindi, inaasahan ni Gallardo ang ideá na ang kaniyang teksto bílang wika ay maaaring maging isang paraan “para sa integrasyon ng mga pangkat panlipunan” (Halliday sa Weber, ed 1996:59) at sa pagpapalakas ng kaniláng pagkakaugnay. Sa muling pagbanggit sa mga salitâ ni Halliday, “Ang interpersonal na gámit, sa gayon, ay nagpapalawak ng pagpapahayag at ng kahihinatnan, na sa totoo’y walang pagkakaibá sa sistemang panlingguwistika . . . ” (Halliday sa Weber, ed. 1996:59). Inumpisahan ni Gallardo ang kaniyang pagkukuwento sa pamamagitan ng pagbanggit sa isang pangyayari na makalilinang sa 206

Pandiwa

tungkuling pagpapahayag ng kaniyang wika. Ito ay kaniyang pangarap na pinagtutuunan niya, sa gayo’y nakalikha ng maaaring madulang pagsulong. Hinahawi niya, tulad ng dati, ang tabing sa entabladong kapapanooran ng isang eksena. Gayundin, ang kaniyang “Napangarap ko” ay nagpapahiwatig ng personal na karanasan, subalit ang kaniyang pagtukoy sa mga matagal nang nakalimutang mga manunulat, kasáma na ang kaniyang sarili ay nagpapahiwatig ng karaniwang kaalaman: na ang mga makata ay “nawawalang lahi” sa lipunang Kapampangan ay tanggap na at siyáng palagay rin ng bawat indibidwal na may kaalaman sa kultura. Ang konsepto ni Halliday sa “semyotikong panlipunan” ay parehong kumpirmado at inilalarawan sa teksto. Para sa isa, ang makata bílang indibidwal ay nakikilála, at para sa ibá, ang kaniyang relasyon sa lipunan ay pinalalakas ng kaniyang paglilinaw sa ideá tungkol sa paglalahong pangkultura. Bukod dito, ang pangnagdaan ay ginagamit upang hubugin ang kamalayang pangkasaysayan sa pagkakasalaysay, at kasabay nitó, nagkakaloob iyon ng tematikong pagkakaugnay sa paglalahad ng mga pangyayaring inaakalang naganap sa panaginip. Sa katunayan, hinihikayat ni Gallardo ang mambabasá sa “pakikinig” sa kung “anong nangyari” sa kaniyang panaginip. Ito ay karaniwang kaugalian sa Pampanga, lalo na sa mga baryong may mga bakás pa ng oral na tradisyong nakikita. Ang mga panaginip ay karaniwang mga paksa ng diskusyon para sa maaaring interpretasyon o itinuturing lámang bílang anyo ng mga kuwentong makaaaliw sa mga nakikinig. Gayundin, ang mga mapangarapin ay lubhang kinawiwilihang pakinggan hindi lámang sa maaaring suwerteng numero sa “huweteng” na manggagáling sa kaniláng mga panaginip kundi para rin sa mga palatandaan sa pagtukoy sa paghihinuha sa hinaharap. May malaking bahagi ng mistisismo kung hindi man pamahiin ang umaabot sa mga katutubong intuwisyon o pangunahing mga persepsiyon sa pag-unawa sa mga panaginip. B. Ang Tula sa Loob ng Isang Tula Nakababatid sa kapaligiran ng kaniyang pamayanan, mabisàng nagampanan ni Gallardo ang kaniyang mga pasakalye, sabi nga. Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

207

Pagkaraa’y nagpapatúloy siyá sa mas malawak na paglinang ng kaniyang pagsasalaysay. Sa ngayo’y binabanggit niya ang “dramatis persona” sa kaniyang pangarap na nagsisilbing tagapagsalitâ sa kaniyang gawaing panlingguwistika. Bibigkasin ng kaniyang apo sa tuhod ang isang tula sa isang pagdiriwang na naganap sa impiyerno. Angkin ang talino sa pagtula ng kaniyang lolo, bigay na bigay siyá sa pagbigkas ng obra. At sa puntong iyon, ang tono ng tula ay nagbabago, at nagsisimulang mangibabaw ang maestilong pagpapahayag ng tula sa loob ng tula, iyo’y ang paggámit ng taliwas na lingguwahe. Ang mapapansing intensiyonal na dulot nitó ay humor o siste dahil sa mga salitâ mula sa tatlong wika: Kapampangan, Tagalog, at Ingles na pinaghalohalo. Gayundin, ang pekulyar na gámit ng Kapampangan sa titik h— idinadagdag sa mga salitâng may tunog patinig o kayâ’y pagtanggal nitó sa mga salitâng kailangan ang tunog na h—ay ginagamit ding estilo upang magpatawá. Kung mauusisa, ang tíla walang kuwentang mga bersong iyon sa mga di-nagsasalitâ ng wikang Kapampangan ay mga katangian ng isang wikang gumagana para sa pag-iisip, o ng “wika na pundamental sa pagdanas ng realidad ng isang nagsasalitâ,” gaya ng pagtukoy ni Fowler kay Halliday (Fowler sa Weber, ed. 1996:200). Ang ginagawang code mixing, o paghahalò ng mga salitâ, bagaman mukhang katawa-tawa ay nauunawaang mabuti sa komunidad ng mga Kapampangan. Na ituring ang mga berso bílang kagawian sa komunikasyon, sa totoo lang ay tinatanggap sapagkat ang tungkuling pangwika ni Gallardo ay lubusang may basbas ng komunidad na may kamalayan sa di-karaniwang realidad na kaguluhan sa pagsasalitâ na nanghihimasok sa kaniláng wika. Ang “semyotikang panlipunan” ay nagpapahintulot sa manunulat na makapili ng estilong nagpapakita ng karanasan ng isang komunidad (Fowler sa Weber, ed. 1996: 200). Sa estilo ng tula, ipinapakita ni Gallardo ang kaniyang palamáng sa paggámit ng wika upang paksaín ang mga kakulangan nitó. Nagbibigay siyá ng panggagagad ng padrong pagsasalitâ na magulong retorika upang ihayag nang nakatatawa ang kaabsurdohan ng parusa-sa-sariling pagbabago at paglalaho ng wikang Kapampangan. Gayundin, ang kaniyang estratehiyang paggámit ng panggagagad ay nagpapahiwatig ng kaniyang lantad na paghihírap, pagtanggi, 208

Pandiwa

at paglaban sa panghihimasok ng dayuhan maging sa pamamagitan ng dominasyon sa wika. Sa puntong ito, ilang makabuluhang hinuha hinggil sa ugnáyang pangwika ang mahalagang banggitin upang maunawaan ang ilang implikasyon sa estilo ni Gallardo. Unang mababanggit dito ang kalagayan ng ugnáyang pangwika sa Pampanga. Ang Kapampangan ay dáting nása kalagayang humigitkumulang ay nása loob ng matatatag na mga hanggahan ng mga pamilya ng wika (Appel at Muysken 1975:5). Ang Pampanga noon ay isang napakalaking kaharian na may malalawak na mga hanggahan bago dumating ang mga Español. Sinasakop nitó ang halos buong Gitnang Luzon kasáma ang ilang bahagi ng Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, at Bataan. Ang Kapampangan noon ay isang pangunahing wika kasabay ng Tagalog, Ilokano, at Pangasinan. Sumunod ang mga panahong kolonyal sa kasaysayan ng lalawigan: una ang rehimeng Español at pagkaraa’y ang pananakop ng Americano. Naganap ang ugnáyang pangwika at ang katutubong wika ng mga táong sinakop ay pinangibabawan ng wika ng mga mananákop. Nanakawan ng kaniláng wika, ang mga Kapampangan, mula noon ay hindi lubusang nakabawi ng kaniláng mahalagang identidad. Gaya ng nabanggit na, ang saloobing pangwika ng mga Kapampangan ay unti-unti nagbabago hábang silá ay nagsisimulang humarap sa pragmatikong mga katotohanan sa mga kalagayang pang-ekonomiya at pampolitika. Ang mga nagsasalitâng ito “ng wikang sinúso nilá” ay bumigay sa anumang paraan sa sirenang yakyak ng mga wikang dayuhan. Mula noon, ang pagbabago patúngo sa mayorya at /o prestihiyosong wika ay naging pangangailangan dahil sa mga pagbabagong pang-ekonomiya, tulad ng modernisasyon, industriyalisasyon, at urbanisasyon—“ang mahahalagang salik sa paglalarawan ng pagpapanatili at pag-iibá o pagpapalit ng wika”(Appel at Muysken, 1987:33). Sa kabilâng banda, sapagkat ang Ingles ay nakaugnay sa kaunlarang pang-ekonomiya at natamong pang-edukasyon, kulang ang panghihikayat lalo na sa henerasyon ng kabataan upang gamítin at linangin ang Kapampangan. Sa kabilâng panig, nawawala ang posisyon ng Kapampangan sa sariling bayan Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

209

o teritoryo sapagkat ang Filipino ang naging pangunahing wikang sinasaliksik ng nakararami, o kayâ’y ginagamit bílang karaniwang midyum ng komunikasyon. Banggitin pa ang di-mapigilan at agresibong impluwensiya ng media na nag-uumang sa Kapampangan bílang walang kalabanlabang silàin ng mga belikosong mandaragít. Kasunod nitó, dahil ang “pagpapalit ay patúngo sa wika ng nakararami, ang wikang ito ay waring mananakop ng ibá-ibáng teritoryo sa pamamagitan ng intermedyatong yugto ng paggámit ng dalawang wika” (Appel at Muysken 1997:41). Bukod dito, ang minoryang wika na ipinapalagay na di-prestihiyoso ay hindi mapapanatili nang husto, at ito ay binabawas sa proficiency o kahusayan sa dalawang wika (Appel at Muysken 1997:102). Sa ilalim ng mabigat na presyur ng Ingles at Filipino, ang Kapampangan, bílang minoryang wika ay nanganganib ngayon na unti-unting maglaho. Subalit ang ganitong kalagayan ng kaobsolesentihan ay untiunting bumabagal hábang ang Kapampangan ay ginagamit pa rin sa mga impormal na dominyo. Ang mga mamamayan ng Pampanga ay may napakatibay na pagkakaugnay sa kaniláng etnisidad. Sa katunayan, ang kaniláng punto ay nagpapakita ng nangingibabaw na palatandaan ng kaniláng identidad maging sa kaniláng sadyang pagsisikap sa paggámit ng ibáng mga wika. Kabalintunaan, posibleng ang mga Kapampangan, na nag-aangkin ng magandang tatak ng kaniláng wika gayundin ng artikulado, makasaysayang karanasan sa bokabularyo at ponolohiya ng pagsasalitâ sa Kapampangan ay maaaring makabuo ng isang anyong pidgin ng kaniláng sariling wika mismo, bílang reaksiyon sa mga pangyayaring nakapuwersa sa kanilá na mag-angkin ng komunikatibong paraan sa Ingles at Filipino. Ang malamáng na mga epekto ng lingguwistikong pagkawalasa-lugar ay nailarawan ni Gallardo sa kaniyang tula sa pamamagitan ng kaniyang masining na paraan sa code mixing. Ipinapakita niya ang magulong wika sa pamamagitan ng paghahalo-halo ng mga salitâng Ingles at Tagalog sa batayang tekstong Kapampangan. Sa gayon, sa

210

Pandiwa

sumusunod na saknong, nakabuo siyá ng pasalitâng estruktura na maririnig lámang sa mga Kapampangan na nagbibiruan. Very many salamat pu Sakekayung palakpakan At ing kanakung Good Evening Yang babye ku sa kekongan Damutan ye ing tula ku Na bakin pung pemansagan Mahalin at Palabungin Ang Hamanung Kapampangan Nuong araw, sasabyang dang Ang Kapampangan daw kanu Is one of the most malambing And very sweet ka Hamanu, Ang mga Poets and writers Sa prosa ampon king bersu Kabilang la among the best

(Very many thanks For your applause I greet you all A Good Evening Bear with my poem which I entitled Love and Cultivate the Kapampangan Language In the past, it was said that Kapampangan was One of the sweetest languages. And writers of verse and prose belonged to the best among the writers in the whole world.)

Keti mabilug a yatu.

Ang estilo ay agad tumipa ng nakatatawáng nota hábang ipinapakita ng mga linya ang mga pag-iibá-ibá ng gramatika, dagdag pa ang arbitraryong paggámit ng mga katumbas na salin ng mga salitâng Kapampangan. Ang salitâng “sa” halimbawa na karaniwang naiintindihan bílang “to” sa Ingles ay hindi umaangkop sa pagkakalahad sapagkat hindi maisasalin bílang gayon (isang pangukol) sa Kapampangan. Sa pariralang “sa kekongan”, ang “sa” ay hindi ginamit sa konteksto: ang linya ay dapat banggitin bílang “yang babye ku kekongan” (literal na Ibinibigay ko ang aking pagbatì sa inyong lahat). Gayunman, sapagkat ang salin sa Filipino ay “ang ibinibigay ko sa inyong lahat,” nagsasalin si Gallardo ayon sa nararapat upang makasapit sa isang kasiyá-siyáng estruktura ng ponolohiya at sintaktika. Kailangang pansinín na ang kaniyang sinasadyang maling paggámit ng “sa” ay karaniwan sa mga Kapampangan na ginagawang katatawanan ang kaniláng wika sa karaniwang impormal na mga

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

211

pulong o pagtitipon tulad ng sa mga barberya. Ang kalayàan sa pagtula ni Gallardo sa paggámit ng taliwas na anyong sintaktiko, samakatwid, ay napalalakás ng kaniyang kontekstong panlipunan. Isa pang kapansin-pansing katangian ng estilo ni Gallardo ay ang pagdagdag ng letrang h sa mga salitâng nagsisimula sa tunog patinig. Partikular na nakatatawag-pansin ang pagkakaroon nitó sa salitâng amanu, (sinasáling wika o salitâ, alinman ang angkop) na inuulit nang ilang beses. Walang dudang ang pag-uulit ng Hamanu ay nagpapahiwatig ng diin. Ang salitâ ay tiyak na palatandaan na umaakit ng pansin sa sarili at nanghihikayat ng mga interpretasyon para sa mga kaisipang maaaring ipahiwatig niyon. Ang paraan ng pagkakasulat ng salitâ ay nagpapakita ng malinaw subalit karaniwang pagkalisya sa pagbigkas, at dahil doo’y sa pagbaybay nitó. Gayundin, ito ay lingguwistikong pahiwatig na humahantong sa tema ng tula. Katulad sa isang salamin, ang Hamanu ay nagpapakita ng sarili nitóng simbolo at kahulugan. Ang pagkabaluktot nitó (sa pagkadagdag ng h), tulad dito ay laging sa paraang ito ginagamit (o maling-gamit) ng mga Kapampangan, at sa puntong ito, ang pinanggagalingan ng panunuya ay lampas na sa antas nito—bílang isang salitâ: (ang Hamanu ay ang kabuuan ng wikang Kapampangan mismo na maaaring sumailalim pa sa higit na saliwáng pagbabago, kung di man lantad na pagkawaksi bunga ng maling paggámit, o mas masamâ pa, sa di-paggámit nitó. Ang Hamanu ay magkakaroon ng mas malawak na kahulugan kaysa karaniwang salitâ. Ito’y nagiging simbolikong pagpapahayag ng kultural na identidad. Ang paglitaw-litaw nitó sa ilang saknong ay nagpapatindi sa nagpapakondisyong paraan ng mga pagsambit na tumutunton sa namumukod na mga linya ng mayamang kultura ng mga mamamayan ng Pampanga at nagmumukmok dahil sa posibleng pagkabura ng gayong mga linya. Sa katunayan, ang pinakalayunin ng tula sa loob ng malalitanyang tula ay pagbanggit sa ibá’t ibáng mga manunulat at makata mula sa ibá’t ibáng bayan ng Pampanga. Simula sa pangalang Crisostomo Soto, na ang kaniyang tanyag na obrang “Alang Dios” ay isinalin ni Gallardo 212

Pandiwa

bílang “There is no God,” ang katalogo ay isang eksibit mismo—para sa sinuman upang sumaksi sa luwalhating pampanitikan ng lalawigan. At ang epekto ay walang ibá kundi kamangha-mangha: hindi lámang ang mga manunulat kundi ang “wikang sinúso nilá” na nakatamo ng sariling-imáhen ng lalawigan. Natatamo sa pagdakilang ito ang pangakit sa dangal at kabantugan ng wikang Kapampangan, ironikong nakasulat sa anyong mala-pidgin o mutant. Ang estilo ni Gallardo ay nagpapahiwatig ng kahulugan ng teksto. Ang kaniyang taliwas na wika ay nagiging isang anyong may silbi: binubuhay nitó ang mismong wikang nalilihis. Ang midyum ay hindi lámang mensahe; ang mensahe ang aktuwal na midyum. Ang dinisenyo at ginamit na wika ay nakapagpapatawa hábang ginaganap nitó ang posibleng anyo ng isang katawa-tawang wika. Nakalagay sa kabuuang perspektiba, muling nililikha ng tula ang posibleng gawi sa pagsasalitâ ng komunidad na Kapampangan sa natatanaw na kalagayan ng wika sa hinaharap. Hindi nakapagtataka, sa gayon, na ang makatang nagsasalitâ na kasáma mismo sa talaan ng mga manunulat na kaniyang ipinagmamalaking ipinapakilála ay nagkakailusyon ng bangungot. Mahihiwatigan sa kaniyang tula ang kaniya ring pagtanggap sa katotohanang karamihan sa mga manunulat, ang mga gumagamit sa kaniyang wika ay nása panahon na ng dapithapon. Hábang nawawala silá, ipinapalagay niyang ang panitikan ng Kapampangan ay maaaring humantong na lámang sa pagiging isang bagay na kaniyang ginugunita. Halos propetiko, si Gallardo ay sumambit-sambit ng silakbong patulang pangungutya, hinuhulaan ang paghina ng literaturang Kapampangan bílang natural na resulta ng pag-iibá, pagbabagonganyo o maging pagkawala ng wika. Sa katunayan naman, ang literatura ay wika. Ayon kay Appel at Muysken, “Ang pagpapalit ng wika at pagkawala ng wika ay nagkakasabay. Ang dalawang proseso ay nagtutulungan hanggang mamatay ang wika . . .” (Appel at Muysken 1987:45). Ang suliraning ito ay waring nakikita na ni Gallardo hábang napagtatanto niya ang di pananatili ng pamumukadkad ng literatura sa kaniyang lalawigan. Kapansin-pansin, kahit ang ibáng mga kapanahong makatang Kapampangan ay nakahahalatang palubog Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

213

na silá, na parang nása iisang bangka—naliligalig at nababalisà sa kahihinatnan ng kaniláng wika at literatura. Ang hulíng saknong ng tula na inaakalang binigkas ng apo-satuhod ni Gallardo ay isang hámon. Isang alusyon sa tanyag na sabi ni Rizal na, “Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda” ay ginawa upang bigyang-diin ang pangangailangan sa pagpapanatili at paglinang ng wikang Kapampangan. Ang tono ay nag-iibá at nagiging didaktiko bagaman ang code mixing ay nananatiling malinaw. At nagpatúloy ang pagsasalaysay, nagbabalik sa paggámit ng Kapampangan bílang pangunahing kodigo. Si Gallardo, tumutukoy sa sarili bílang tauhan sa kuwento ay madamdaming naghahayag ng kaniyang hinagpis at kawalang pag-asa. Ang kaniyang pagdurusa ay sanhi hindi ng apoy sa impiyerno na “sumusunog” sa kaniya kundi ng paghina ng wikang Kapampangan. Sa gayonding seryosong sandali ng pagsasalaysay ay lumitaw ang isa pang tauhang muling gumaganap na tagapagsalitâ ni Gallardo. Bumalik ang nakatatawang kalagayan nang hilingin ni Gallardo na payagan siyáng makipag-usap kay Fructuoso de la Cucu (ang apelyido ay isinaling “cough”/ubo, malamáng na tinutukoy ni Gallardo ay ang kaniyang sarili sapagkat kilalá siyáng may sakit na tuberkulosis), maaakalang baguhan sa impiyerno, lumalangoy ngayon sa lawa ng kumukulong langis. Sa ganitong mga pangyayari, si Gallardo ay gumagamit ng naiibáng anyo ng berbal na libangan ng Kapampangan, tulad ng pagtutuhog-tuhog ng mga pangalan ng tao upang makabuo ng nakalilitong talaangkanan. Balumo, “ngakung tinuglung,” ita rugung, Apu na nyan bilas ne Ning Katwanga ‘na ning bapa ning kakung pisan; ing pisan ku namang ita, bayo neng alang pilatan ning kumpari nang Mang Sabas a tebak nang matwang Teban, Makanyan keng kamaganak yang taung bayung lub a yan Inya nung ating upaya buri ke sang “pakisabyan,” Ing sagwan a kasabi ku, mate nang panigaralan Ing pisyag kung agyang aku e ku naman aintindyan.

214

Pandiwa

(“Alam mo,” dagdag ko, “Ang kaniyang apo ang tunay na asawa ng biyenang laláki ng amain ng aking pinsan at ang pinsan kong iyon ang malápit na bayaw ng kumpadre ni Mang Sabas na nasaksak ng matandang Teban—at ganyan ako kalapít na kamag-anak sa bagong datíng na kaluluwa dito. Kayâ kung mamarapatin mo, gusto ko siyáng makausap.” Ang sungayán kong kausap ay nagkunot ng kaniyang noo, pinipilit maunawaan ang relasyon ng mga táong binanggit ko na hindi ko rin mapagwari.)

Makikitang sa kontekstong panlipunan ng mga Kapampangan, ang biro ni Gallardo ay agad nagugustuhan at maaaring matakdaan ng praktikal na kahalagahan. Ang biro bílang teksto ay nagiging “isang operasyonal na yunit ng wika” (Halliday sa Weber, ed. 1996; 59) at, kasabay nitó, naitatatag ang sariling interpersonal na gámit. Sa gayon, bílang isang anyong pangwika na ginagamit ng lahat, ang biro ay sumasaling sa etnikong ubod ng Kapampangan at pinasisigla ang mundong-salitâ ng awtor at ng mambabasáng-kinakausap. Ang susunod na eksena ay ang diyalogo ng mga kaluluwa nina Gallardo at de la Cucu. Mayroon na ngayong malungkot na kalagayan ng wikang Kapampangan, gaya sinabi ng hulí. Ayon sa kaniya, ang Kapampangan ay hindi lámang naging marumi, subalit sa loob ng ilang taon pa ay maaari itong ganap nang mawala. Sa yugtong ito, ang estilo ni Gallardo ay buong-buong nagbago at nawala ang kaniyang panimulang nakatatawang datíng. Malinaw nang ang may-akda ay nadadaláng kaniyang naiisip na nais niyang iparatíng. Ang balangkas panlingguwistika ay nanghahawakan sa prosaikong realismo, at sa katunayan, sa halip na katha ang inilalahad. Sa madalîng salitâ, ang gámit na patula o pagkaliteraryo ng teksto ay nauuwi sa reperensiyang gámit; ang kaibhan ng teksto mula sa “karaniwang wika” ay nabubura. Ang “anyong pasalitâ” ay hindi na humahatak ng pansin sa sarili kundi nagbibigay-diin lámang sa kahalagahang panreperensiya nitó. Ang nása guniguning mundo ng mga mambabasá at ng realidad (Scholes, 1974: 28) ay hindi na ipinapakita hábang ang teksto ay nagiging karaniwang diskurso. Nangangahulugan din ito na ang “makata ay nakikilála, ang tagapagsalita” (Scholes 1974: 28) na ikinaiibá sa tauhang Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

215

gumaganap ng isang papel sa kinathang mundo ng pagsasalaysay. Bumabà na ang wika ni Gallardo sa karaniwang antas ng tuwirang pananalitâ na ibá sa naunang pasalitâng paglihis-lihis. Ang pangunahing katangian ng mga sumusunod na saknong, maliban sa hulí ay linear at deretsahan, gámit ang karaniwang pananalita at mga elemento ng lingguwistika na may kagyat na mahihiwatigang mga tinutukoy. Maliban sa anyong patula, ang mga saknong ay kulang sa nangingibabaw, mapagpasiyang tungkulin ng wika. Sa pagsasalaysay at komunikatibong interaksiyon nina Gallardo (ang dramatis personae) at de la Cucu, isang kumbensiyonal na kalagayang pangkomunikasyon ang mapapansin. Dito, ang wika ay “kontekstuwalisado sa pagkatuloytuloy ng lipunan at sumusulong mula sa “mga naunang pangyayari” na siyáng likás na katangiang hindi pampanitikan (Widdowson sa Wever, ed. 1996:130). Pinag-uusapan ng dalawang tauhan ang tungkol sa paglalahò ng Kapampangan mula nang mamatay si Gallardo at ang kaniyang mga kapuwa makata. Binabanggit din ni de la Cucu ang lumalaganap na mga suliranin kaugnay ng literaturang Kapampangan, tulad ng kakulangan ng mga publikasyon, ang paglipat sa paggámit ng Ingles at Tagalog at ang kakulangan sa suporta ng pamahalaan. Ang inimbentong usapan ay tiyak ngang nakatuon sa kinauukulang mga tao. Ang teksto ay umuugnay hanggang sa “pagpapatúloy” ng aktuwal na gawaing pantahanan ng mga Kapampangan, iyon na nga. Makikitang ang teksto ni Gallardo (sa naturang di-pampanitikang mga talata) ay bigong makakuha ng pansin sa pormal na mga katangian nitó. Ang wika ay nagiging behikulo ng kaniyang mga kaisipang maaaring nakababagabag sa kaniya noong sandaling isinusulat niya ang kaniyang tula. Sinusuri niya ang sakít ng kaniyang lipunan at iniintindi ang mga sanhi at konsekwensiya ng mga karamdaman na partikular na nakikita sa kaniyang wika. Maaaring mahinuha lámang na ang hangárin ni Gallardo na maiparatíng ang kaniyang mga kaisipang ito ay nagpahiwatig niyon sa ganitong direktang anyo ng pananalitâ. Ang mga balakid sa kalabuan ng tula ay naisasantabi upang bigyangdaan ang isang wikang malinaw na midyum ng napakahalagang mensahe. Ang kaniyang partikular na puna tungkol sa kawalang 216

Pandiwa

alintana sa kultura ng mga opisyal ng pamahalaan ay nagpapakita ng kaniyang kawalan ng kakayaháng pigilin ang sariling dila, iyon na nga. Sinisisi niya silá dahil sa kaniláng kakulangan ng pagtangkilik sa wika at panitikang Kapampangan. Gumawa rin siyá ng halos deretsahang pakikipag-usap at mga mungkahi para sa pagpapasigla ng wikang Kapampangan. Ang anyong-panaginip ng tula, sa rendisyong hindi maipangangatwiran sa puntong ito ng anti-climax ay naibulalas sa pamamagitan ng madalian at humaling na pamumukaw. Ang pangarap na kaayusan ay nagkawasak-wasak, at ang mga pira-piraso ay hindi na muling mabubuo. Ang krisis ng wika ay malinaw na nakalarawan maging sa lito at watak-watak na paggámit ni Gallardo sa mga tungkulin ng pasalitâng mga estruktura. Ang kaniyang kabiguang makontrol ang panloob na komposisyon ng kaniyang sining na pasalitâ ay maaaring maituring na isang tanda ng kaniyang mga pagkukulang bílang manunulat. Bílang isa sa pinakamahusay na mga manunulat sa kaniyang panahon, maaaring naipamána niya ang kaniyang pataas na malikhaing karanasan. Nakalulungkot lámang na nagsimulang mawalan siyá ng perspektiba dahil sa panghihina ng loob; ang buong makinaryang lingguwistiko ng Kapampangan ay nanlupaypay sa kaniyang mismong harapan. Ang hulíng bahagi ng hulíng saknong ay nagpapatúloy ng balangkas na pangarap. Noong sinasambit ni Gallardo ang kaniyang pahayag tungkol sa wika bílang kaloob ng Diyos, isang pagsabog ang narinig. Si Satanas, na nanginginig sa gálit ay lumitaw nang may bumanggit sa pangalan ng Diyos. Ang nananaginip ay biglang bumangon mula sa pagkatulog at nalaman niyang napakasamâ ng kaniyang panaginip. Sa wakas, ibinigay ang resolusyon ni Gallardo: “na ang buong nakatatakot na pangyayari ay bangungot lang.” Pangwakas na mga Puna Hinadlangan ni Gallardo ang regresyon ng wikang Kapampangan, nagdurusa sa pag-iisang nagsisikap na maibalik ang kadalisayan nitó. Inihihibik niya ang posibleng paghina ng kaniyang wika at ang Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

217

kahahantungang pagkawala ng kaniyang pamanang kultura. Subalit siyá mismo ay nalalayo, at ang ironiya, ang sarili niyang sining ay naghihirap at nagwawakas sa katastropikong negatibong bisyon. Hábang itinatangis niya ang pagkawala ng wikang Kapampangan, aktuwal na ipinagluluksa niya ang kaniyang sariling wika bílang isang makata. “Bangungot” ang wika ni Gallardo na naglalarawan ng pagkakawatak-watak na nagbabanta sa wikang Kapampangan. Ang kaniyang unang tíra sa tula sa loob ng isang tula ay nauuwi sa kaabsurdohan o kabalintunaan sa paghahanap ng maaangking dayuhang wika ngunit nasasakripisyo naman ang wikang katutubo. Ito ay tulang pangungutya na dinisenyo upang patamaan ang mga mararangyang palabas na nag-aabandona sa kultura. Gumagamit ito ng panggagagad at lingguwistikong pagbabago o pampalito upang makalikha ng kakatwang wika. Ang mga aytem na pambokabularyo na ginagamit sa pagtatalâ ng inaakala niyang malabangungot na hinaharap ng kalituhang panlingguwistika ay naghahanda ng lantarang paglilinaw sa pagpaling na ito ng kaisipan. Ang tagpùan ng salaysay ay impiyerno, isang katalista mismo ng mga lagim sa pagkawala ng wika, at ang mga salitâng tulad ng “inihaw,” “apoy,” “parusa,” “kasindak-sindak,” “pagtuligsa,” “kumukulong lawa ng langis,” “sungayáng kausap,” at “Satanas” ay bumubuo sa ibá-ibáng antas ng isang maugnaying sistema ng semantika na nagpapahiwatig ng teksto. Sa ganitong mga sukatán, madaling isipin ang mapilit na pagtutuon sa magulo bagaman nakatatawang glossolalia na nagpapakita ng mga prediksiyon ni Gallardo: na ang Kapampangan, ang kaniyang wika ay magulóng bumubulusok sa isang uli-uli ng magkakataliwas, halo-halong mga kodigo.

218

Pandiwa

Ang Manugbinalaybay Bí lang Panayanon, Ang Manugbinalaybay Bí lang Pambansang Artikulasyon: Mga Espasyo sa Patubas John Barrios

ANG ANTOLOHIYANG PATUBAS: An Anthology of West Visayan Poetry, 1986-1994 (1995), na inilathala ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ay binubuo ng mga binalaybay o tula na isinulat sa ibá’t ibáng wika (Hiligaynon, Kinaray-a, Akeanon, Filipino, at Ingles) mula taóng 1986 hanggang 1994, walong taon matapos ang Peoples’ Power Revolution. Ang mga nakasulat sa rehiyonal na wikang Hiligaynon, Kinaray-a, at Akeanon ay may kasámang salin sa Ingles. Sinundan nitó ang tatlo nang naunang antolohiya sa ibá’t ibáng genre na inilathala ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa journal nitóng Ani (Hiligaynon, 1989; Kinaray-a, 1991; at Akeanon, 1993). Lubos na itinanghal ng editor nitóng si Dr. Leoncio Deriada ang pagkakaibá dahil sa pagiging komprehensibo (hakóp ang limang wika at sangkot ang 113 manugbinalaybay o makata) ng nasabing antolohiya. May nakapaloob na layunin rin itong ilantad ang mga diskursong nakonstrak sa panahon pagkatapos ng EDSA, partikular ang diskurso ng bansa. Ayon nga sa editor nitóng si Deriada, “[t]he poems in this collection affirm the oneness of utterance of the poets of the region with the other poets in the country and the world” (xxi). Dagdag pa niya: Ang paglitaw ng bagong panulatan sa Kanlurang Visayas—pagsulat sa Kinaray-a, pagsulat sa Aklanon at pagsulat sa timplang-Visayang Filipino—ay nagbunga ng tatlong bagong lokalidad ng literatura sa rehiyon. Siláng tatlo, kabílang ng mas matatag na pagsulat sa Hiligaynon at sa Ingles ay nagpapatingkad sa heograpiyang 219

panulaan ng Kanlurang Visayas bílang isang kapansin-pansing bantas sa pagmamapa ng bansa ng isang mas mayabong, mas samot-sari ngunit mas detalyado na pagkabansa. (Deriada 2008, 14)

Ang Manugbinalaybay bílang Panayanon Ang paglipat ni Deriada sa UPV mulang Silliman University noong 1985 ay pagbubukás ng daan ng pagbabagong dadalhin ng 1986 EDSA Revolution. Ang muling pagbubukás ng CCP ng kaniyang pintuan sa sining para sa mamamayan ay nagbigay-puwang sa nababakurang espasyo ng paglikha sa panahon ng Martial Law. Nagbunga ito ng maraming local arts council sa mga rehiyon. Isinulat niya, [N]aatasan ako ng Cultural Center of the Philippines bílang tagapag-ugnay sa Literatura para sa Kanlurang Visayas. Nagbigay ng suporta ang bagong pamunuan sa pagtatag ng mga lokal na samaháng pansining, nag-subsidize ng mga kumperensiya, palihan, at publikasyon, at naggawad ng mga writing grant at venue grant sa National Arts Center sa Bundok Makiling. (Deriada 2008, 4)

Sabay ng pagkakaatas kay Deriada ay ang pagbibigay-artikulasyon ng aspirasyon ng mga manunulat na nahubog sa kaniyang mga workshop. Sa pagkakadaos ng isa sa mga workshop sa Mt. Makiling noong 1988 ay ang paglitaw ng mga tekstong nagbalik-tanaw sa kalayàang ibinibigay ng pambansang espasyo na nirerepresenta ng tekstong “Makiling.” Mula sa pagkakatúlog, ang persona sa binalaybay ay namúlat sa isang kaalaman at kakanyahan—ang pagsulat mismo ng binalaybay. Tunghayan ang “Mariang Makiling” ni Leonardo Causing, Jr.: [Kag] sa akon pagbugtaw Ako ang malipayon Magabangon nga may daku nga handum Sa pagbalay sang mga binalaybay: . . .

220

Pandiwa

([And] at my waking I was exultant To rise with the great desire To weave verses: . . . ) (12)

Naisalin sa isang adbokasiya naman ang pag-akò ng “Makiling” sa binalaybay na “Bukid sang Makiling” (Mt. Makiling) ni Leomel Simacio. Ayon sa binalaybay: Dili ko paggamuhon Ukon paggub-on Kundi ikaw akon Amligan Batok sa mga kamot Nga makaguba Sang imo kalinong . . . (Neither shall i disturb Nor destroy But shall Protect you From the hands Of those who shall ruin Your peace . . . (55)

Sa kabilâng banda, temporaryong espasyo at panahon lámang ang interaksiyon at relasyon ng manugbinalaybay sa tekstong “Makiling.” Ang katawan at katauhan ng isang Panayanon ay nagpapahiwatig ng pagbabago-bago. Mababanaag ito sa binalaybay ni Ma. Luisa Gibraltar na may kaparehong pamagat. [Apang] ilisipon lang ang akon mga inadlaw Kay bayaan ko ikaw sa dili madugay

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

221

Kon magsubong, O Bukid Makiling, Paano ko sa imo mapabatyag nga sa imo luyo indi ako luyag mahamulag? ([But] I can only count the few days I am here And I shall leave you so soon. And so, O Mt. Makiling, How can I ever make you feel that now at your side I don’t want to go away?) (23)

Ang binalaybay na ito ay kasisilipan ng diskurso ng espasyo. Ang pagdadalá ni Deriada sa mga Panayanong manunulat sa Mt. Makiling para doon i-workshop ay nagbigay-puwang sa problematisasyon ng identipikasyon ng kaniláng rehiyon. Ang “Makiling” bílang talinghaga ng espasyo ng bansa ay pinag-aalangang angkinín ng persona sa binalaybay. Wala itong maibibigay na garantiya ng permanenteng espasyo. Ang pagduha-duha ng nagsasalitâ sa binalaybay na maipabatyag ang nararamdaman ay nagpalitaw ng teksto na nilusaw ng “Makiling”—ang “Madyaas”—na mas higit ang presence sa pananaw at panulat ng mga Panayanon. Ang ganitong paradoksikalidad ng pag-iisa o pag-homogenize ng teksto ng bansa ay mapapansin rin sa binalaybay na “Hayahay” (Flag) ni Jose Galiza: “Maduagon nga simbolo/ Sang wala duag nga kahilwayan!” (19) (Colorful symbol/ of a colorless freedom!). Parang lumilitaw na hindi sapat ang pambansang watawat para hakupin ang lahat na gustong ipakahulugan ng hinahanap na kalayàan. Kahit sa kanonisadong kasabihang binitawan ni Rizal tungkol sa kabataan— “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”—ang kalayàan ay wala pa ring garantiya ng magandang kulay. Sa isa pang binalaybay ni Galiza na “Silíng ni Rizal” (What Rizal Said) ang paninisi ay halos walang katapusan. 222

Pandiwa

Ti, ikaw Kag ang mga katubu-tubo mo Batà man sang una Kag tigulang na karon Diin ang dalá ninyo Nga palaabuton? (Well, you And your peers Were the youth once And are now old. Where is The future you have brought?) (20)

Sa ganitong mga artikulasyon, ang konseptuwalisasyon ng rehiyon ay binago na ng manugbinalaybay na Panayanon. Ang Iloilo, Antique, at Aklan ay maaari nang makita sa ibá’t ibáng espasyo. Ang Binalaybay bílang Pambansang Artikulasyon Ang teksto ng paglalakbay para maghanap ng ginhawa ay muling naakda sa panahon ng paglayà sa Martial Law. Sa binalaybay na “Pagdungka sang M/V Don Claudio” (Upon the Arrival of M/V Don Claudio) ni Lenny Rose Pasadilla, mahihinuha ang sabáyang identipikasyon sa nagbabalik na pinsang “Don” at ng barkong may pangalang “Don” sa akto ng pagbása. Itong “Don” ay konstrakted ng pinagtatrabahuhan at pinanggalíngang “Metropolis” ng isang Panayanon. Nagsug-alaw Mabakal tatak-imported Madamu pa sa sunod nga pagbalik Indi magkabalaka Bakasyon lang ini Mga lima ka adlaw Pangabuhian sa Metropolis Indi mabayaan Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

223

(Someone came To buy marked-imported Some more next time Don’t worry This is merely a vacation For five days Livelihood in the Metropolis Cannot be abandoned) (45)

Sa kabilâ ng pagkakita at pagdadalá pabalik ng ginhawa, ang mga naiwan sa espasyo ng Panay ay nagbago rin ang búhay at pinagkakaabalahan. Sa boses ng isang batàng nagsusumamo sa kaniyang amang naghahanapbuhay sa Saudi ay hiniling niyang ito’y umuwi na para maisalba ang kaniláng pamilya. Narito ang mga linya sa binalaybay na “Tay Pauli na—Bayai ang Saudi” (Father, Come Home— Leave Saudi) ni Eugenio de Pablo: Ang aton balay nga sadto mabakod Nagaamat-amat hilay; Ang mapag-on sini nga mga haligi Subong nagagabuk, nagahuyang! (Our house which was once strong Is gradually leaning on one side; Its firm posts Are rotting now, weakened!) (14)

Hindi lang ang mga problemang domestiko ang kinaharap ng mga lumisang Panayanon. Sa mga pumuntang Mindanaw, ang tinaguriang “food basket” ng Filipinas, ang giyera sa pagitan ng Muslim at Kristiyano, ng gobyerno at rebelde ay parehong nagsilbing alaala at paalala sa tao sa isang saknong sa “Sa Alon ng mga Gunita” ni Joseph Espino: “Singgalot ang apoy sa Cotabato/ na lumagablab sa palayok/ katahimikan ay nanahan sa duyan/ ng sanggol sa mapagbantang panahon” (141).

224

Pandiwa

Sa kaso ng isang anak na iniwan ang Antique para magtrabaho sa ibáng lugar sa “Sulat” (Alex de los Santos), ang marka ng tinta sa puting papel sa sulat ng kaniyang ina ay ang nagsadiskurso ng demarkasyon ng kaniyang espasyo: “daw mga isla kon turukon/ ginpangita ko kon diin nayon ang Antique” (like islands when beheld/ I looked which part was Antique) (79). Pero dahil sa masakit na balita, hindi na makita ng anak ang kaniyang pinanggalingan at nasabi na lámang na “raku pa nga mga isla ang nagturuhaw” (many more islands appeared) (Ibid.). Ipinagdasal na lámang ang mga kapatid sa kamay ng kaniláng malupit na ama at ipinaubaya na lang sa Diyos; hiniling na huwag na siyáng sulátan dahil ang kaniyang “isla” ay “indi ko gusto na makita ruman” (I don’t want to see them again) (Ibid.). Gayunpaman, ang katotohanan na ang ginhawa ay matatagpuan lámang sa espasyo sa labas ng Antique (o ng Panay) ay problematiko ring isinadiskurso ng binalaybay na “Sa Antique” ni John Iremil Teodoro. Ang lunan ng pera sa Antique ay ang “taramnan” (taníman) at “dagat” samantálang sa Bacolod (mas angkop sana ang Negros) ay sa “tubuhán.” Naging malaking katanungan kung bakit kailangan pang lumipat sa kabilâng isla ang taga-Panay. Pero dali lang gid, Tuod gid bala Nga sa Iloilo kag Bacolod Ginapala lang ang kwarta? (But wait a minute, Is it really true That in Iloilo and Bacolod People shovel money?) (99)

Sa kabilâ ng pagduha-duha at pagkakita ng kahirapang mararanasan sa dulo ng mahabàng pila, hindi pa rin naging sagabal ito sa ambisyon ng mga Panayanon. Ang tekstong “Amerika,” kahit isa lámang mitolohiya ay susuungin pa rin para lang ito ay matikman. Ang Panayanong manlalakbay ay parang naging batàng walang iindahin Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

225

makamit lámang ang hangárin. Basáhin ang sipi sa binalaybay na “A Taste of America” ni Ma. Milagros Lachica: “Oh, the line was long/ but i wanted just a cone/ to taste America . . . ” (194). Ang espasyo ng Aklan ay hindi na rin nalimita sa heograpikong lokasyon nitó. Ang mga “anak ng Aklan” ay nakakalat na rin sa ibá’t ibáng espasyo. Sa binalaybay na “Nanay Soriang” ni Melchor Cichon, ang matandang babae na iniwan ng kaniyang mga anak ay mag-isang tumitingin sa nauupos na kandila sabay sa pagkakaalala ng kaniyang mga anak na nása “[sa] palengke ng Baclaran,/ Sa opisina sa Makati, Sa night club sa Ermita/ At sa bahay ng Intsik sa Hongkong” (134). Ang bundok bílang metapora ng tagumpay ay mapapansin sa binalaybay sa Akeanon ni Topsie Ruanni Tupas. Dahil sa pagkasira ng kalikásan, ang malinis na tubig ng Jawili Falls ay sa itaas na bahagi na lámang matatagpuan. Para malasap ito, kailangang umakyat ng isang tao sa binalaybay na “Ro Jawili ag Akeanon” (Jawili and Aklanon). Ang bundok, tubig, at busay ay naging hangárin at marka ng tagumpay ng tao: Ro Akeanon nga pursigido nagatan-aw eamang sa leksyon it jawili: magatindog imaw sa tunga it matam-is ag malimpyo nga tubi Ro Akeanon nga mataeaw magainom eamang it tubi nga hilo. (The Aklanon who is determined only watches the lesson in the middle of the sweet and clean water 226

Pandiwa

The cowardly Aklanon drinks water that is a poison.) (126)

Antisipasyon na nga lang sa binalaybay ni Monalisa Tabernilla (“Biyahe”) na ang paglalakbay túngo sa hinahangad na tagumpay ng mga Panayanon ay walang depinitibong túngo dahil “(búkas) pagdaong sa pier,/ maghihiwalay (táyo)/ sa sanga-sangang daan” (149). Sa binalaybay na “The Expatriates and the Camels” ni Pett Candido, itinuring niyang politikal ang personal na paglalakbay at pagtatrabaho ng Akeanon sa ibáng bansa. Hábang ang mga Overseas Contract Workers (OCW) ay nagpapatulo ng pawis, ang naiwang “hari” dito ay walang ginagawa dahil ayon nga sa persona ng binalaybay, “(for) we carry their burden/ with the king at home/ hiding behind his throne” (164). Higit pang nakalulungkot na kapalit ng pawis na dugo na siyáng nagdalá ng imported na bagay at dolyar sa bansa ay ang hindi pagtanaw ng utang-na-loob ng pinagbibigyan. Marahil mahuhusgahan lámang ang halaga ng ambag ng mga OCW kung silá ay iuuwi na lámang na bangkay tulad ng binalaybay ni Candido na “Tears for Mang Gorio.” Ang kaniyang anak ay nangako ng “More orders stamped to your doorsteps/ Together with my boxed body—/ Mission accomplished . . .” (165). Romantiko at positibo naman ang tono ng binalaybay na “To a Pinay Contract Worker in Rome” ni Isidoro Cruz. Sa pagtuon sa sulat bílang teksto at pagbura sa naratibo ng trabaho ng isang OCW sa Roma, ito ang tipo ng binalaybay na nagpapatúloy ng pag-akda ng magandang mito. Ang konsepto ng “absence” ay higit na pinahalagahan at dinakila para maipagpatúloy ang romansang nawaglit sa pagitan ng dalawang táong nagmamahalan. Ang sulat bílang teknolohiya ang siyáng nagtulay at patúloy na mag-iisa sa imahinaryong damdamin at pisikal na presence ng dalawa. Ang táong kinonstrak ng penomenong OCW

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

227

ay parehong wala at nariyan lang: “But it is your absence/ that sustains me./ It’s just the sense of touch we trade/ for a feeling of fullness” (171). Itong paradoksikal na konstrak ng katawan at imahinasyon ang siyá ring naging tuon ng pagbása ni Rolando Tolentino ng penomenong OCW. Ayon sa kaniya, [a]ng paglalakbay ay kakatwang pagsasanib ng dito at doon, nagluluwal ng mala-malang nilaláng—wala rito, wala roon . . . . proseso ng pagtúngo; hindi kompleto ang biyahe dahil hindi pisikal na destinasyon ang inaasam. May dalawang tiklop ang layunin sa minimum: una, ang pangingibang-bayan—pag-alis sa sariling bayan—para makipagsapalaran; ikalawa, ang pangako ng pagbabalik sa sariling bayan para matamasa ang biyaya ng pakikipagsapalaran. (Tolentino 2007, 60-61)

Sa isa pang binalaybay ni Cruz, inilitaw naman niya ang wala (absence) sa naunang binalaybay. Kasabayang naglakbay ng katawan ng OCW ang kaniyang gawaing panrelihiyon na naitransforma sa bagong konteksto—pagluhod para magtrabaho. Sold to the promise of lasting rewards, I quit my job to work abroad. There I labored seven days a week, Ate little, slept little, felt little, and saw no saints on Sundays. Hell’s for real after all. In bitterness I knelt down and bowed low. I never prayed I’d be scrubbing floors. (akin ang itals, 170)

Samantála, nais namang itumba ng re-konseptuwalisasyon ng binalaybay ni Leoncio Deriada na “Nagtataka Silá” ang penomenong OCW. Ang kapangyarihan ng pera (dolyar) ay itinapat sa (hindi pinangalanang/kinilaláng) “simpleng bagay” na maibibigay ng bayang tinubuan:

228

Pandiwa

Kung sa inyong akala ang pinakamatayog na ambisyon ay ang magtipon ng maraming dolyar wala akong pakialam d’yan. Tama na sa akin ang búhay Pinoy. Kung tutuusin, hindi ba ang pinakaimportante sa lahat ay ang simpleng bagay lámang? Ako’y naririto pa dahil ito lang ang alam kong bayan. (139)

Buod at Kongklusyon Ang pagkakalugar ng mga binalaybay sa panahon na nagbabagong-anyo ang bansa—pagkatapos ng Martial Law at pagpapatúloy ng pangako ng kalayàan ng EDSA Revolution—ay naglagay sa mga binalaybay sa posisyon bílang akdang rehiyonal (dahil sinulat sa wikang Panayanon) at pambansa (dahil nagtanghal ng marka ng bansa tulad ng watawat, si Rizal, atbp.), at global (dahil may hangaring lusawin ang heograpikong hanggáhan; hal. OCWng Filipino sa Saudi at Italy). Hindi maikakailang ang panahon na isinulat ng mga manugbinalaybay ang kaniláng mga akda ay ang pagsíkat ng penomenong Overseas Contract Worker (OCW) at ang pamamayani ng ideolohiya ng globalisasyon. Ang paglisan/pagbalik ng mga Panayanon ay nagkaroon ng epekto sa konseptuwalisasyon ng kaniláng espasyo. Sa ilang binalaybay, hinanap ang pagiging Antiqueño, Akeanon, at Ilonggo sa ibá’t ibáng bahagi ng mundo. Nagkaroon ng pakahulugan na ang espasyo ay sabáyang pagiging naroon at narito. Nag-akda ito ng isang paradoksikal na espasyo. May ilang binalaybay rin na nangunyapit sa idealistiko at romantikong nosyon at konstruksiyon ng nasyonalismo. Ang pagtatanghal sa ideá ng pananatili sa bansa at pagiging kontento sa Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

229

“simpleng bagay” na maibibigay nitó ay isang pagkontra sa daloy ng pumapaimbulog na globalisasyon ng mga Panayanon at Filipino. Ang konstruksiyon ng bansa sa mga binalaybay sa rehiyonal na mga wika (Hiligaynon, Kinaray-a, at Akeanon) ay mananatiling nagtututunggali— rehiyonal-nasyonal-global. Ang sinasabi ni Deriada na “ito lang ang alam kong bayan” ay nabuwag na.

SANGGUNIAN 1

2

3

230

Deriada, Leoncio P. Patubas: An Anthology pf West Visayan Poetry: 19861994. Manila: National Commission for Culture and the Arts, 1995. ———. “Pag-iinhinyero ng Literatura sa Kanlurang Visayas,” isinalin ni Lawrence Bernabe. Bigkas Binalaybay: Kritisismo at Antolohiya. John Barrios, et. al. Iloilo: UPV Sentro ng Wikang Filipino at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, 2008. Tolentino, Rolando. Sipat Kultura: Tungo sa Mapagpalayang Pagbabasa, Pag- aaral at Pagtuturo ng Panitikan. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2007.

Pandiwa

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

231

Kung Paano Ilarawan Ang Filipino: Isang Ribyu sa Gramar ng Filipino Maria Christina A. Pangan

ISANG MABIGAT NA responsabilidad pangwika ang sinusubukang angkinin ng aklat na Gramar ng Filipino ni Jonathan C. Malicsi. Inilathala ito noong 2013 ng Sentro ng Wikang Filipino-Unibersidad ng Pilipinas Diliman at ipinakilála bílang “pinakahuling aklat panggramar na maituturing na teknikal, moderno at nakabase sa mga aktuwal na paggamit sa wika.” Naging bunga rin ang pag-aaral na ito ni Malicsi bunsod ng “maraming problema sa pagsasalin ng Filipino sa Ingles, lalo na sa katumbas ng mga aspekto ng pandiwa, [at pag-aaral ng] semantika ng mga aspekto kompara sa semantika ng mga kumbinasyon ng tense, modal verb, perfect at progressive sa Ingles, sa tulong ng isang research grant mula sa Regional Language Center sa Singapore noong 1995.” Bílang “pinakahuling nalathalang pag-aaral hinggil sa Filipino,” inaasahang bibigyan ng kongkretong imáhen ng aklat ang wikang Filipino bílang wikang pambansa sa unang dekada ng ika-21 siglo, katulad ng paglalarawan ng Balarila ng Wikang Pambansa sa wikang pambansa noong 1944, at sinubukang ilarawan ng sumunod na mga pag-aaral tulad ng Makabagong Gramar ng Filipino ni Lydia GonzalesGarcia noong 1992, Writing Filipino Grammar nina Ernesto at Nelly Cubar noong 1994, at Makabagong Balarilang Filipino nina Alfonso Santiago at Norma Tiangco noong 1977 na may binagong edisyon noong 2003. Unang-unang hinahanap sa pag-aaral ng gramar ng wikang pambansa ang paglalarawan kung anong wikang pambansa ang ipinakikilála sa mambabasá. Sa pagtalunton sa sagot sa tanong na ito 232

maaaring masukat ang kahalagahan ng isang pag-aaral sa gramatika ng Filipino bílang pangunahing sanggunian sa gramatika ng wikang pambansa. Sa premise na ito nais suriin ng papel ang Gramar ng Filipino. Ang Filipino sa Gramar ng Filipino Walang kongkreto at direktang banggit ang aklat kung anong Filipino ang inilalarawan nitó. Sa Introduksiyon ni Malicsi, malayàng nagpapalítan ang wikang Tagalog at Filipino: Bagamat madalas gamitin sa UP ang Tagalog o Filipino bilang wikang pinagkukuhanan ng mga datos para sa iba’t ibang klase ng pagsusuri sa linggwistiks . . .

at Kinuha ko rin ang mga halimbawang inilahad ng mga nailathalang gramatika ng Tagalog/Filipino.

Gayundin, hindi binanggit sa pagtalakay ang “wikang pambansa,” maging sa mga ibinigay na halimbawa. Samakatwid, walang matibay na pagdiriin sa aklat na ang pinag-aaralang Filipino ay ang maituturing na wikang pambansa. Bagaman walang pag-angkin sa “pag-aaral ng wikang pambansa” ang Gramar ng Filipino, mapapansing ibá na ang inilalahad na Filipino sa pagpasok ng salitâng banyaga sa wikang Filipino: Mabaho as in1 mabaho ang Manila Bay. Sumayaw ang mga newscaster. Ikinamatay ni dating presidente Cory Aquino ang colorectal cancer.

Base sa mga halimbawang ibinigay ay kinikilála na ng “Filipino” na inilalarawan ni Malicsi sa aklat ang mga tunog-wika na wala sa dáting mga pag-aaral. Ibig sabihin, bagaman walang direktang pagtalakay

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

233

sa palatunugan ang Gramar ng Filipino, mahihinuhang pinag-aaralan dito ang Filipino na may dalawampu’t walong titik. Ngunit sa pag-aaral ng gramatika ng isang wika ay kinakailangang isinasaalang-alang ang lahat ng katangian nitó. Hindi sapat ang paghinuha upang lubusang mapag-aralan ang buong katangian ng isang wika. Sa gayon, isang mahalagang aspekto ng paglalahad ng isang mapagkakatiwalaang gramatika ang pagiging mabusisi at sistematiko nitó. Kahingian sa Isang Komprehensibong Gramar Ang pag-aaral sa gramar ng isang wika, lalo na kung magiging sanggunian ito ng mga nagtuturo ng wika ay kinakailangang may sinusundang lohika sa paglalahad ng mga bahagi. Batayang kaalaman para sa mga nag-aaral ng gramatika ang pag-aaral sa apat na lárang—ponolohiya, morpolohiya, sintaks, at semantika. Maraming aklat panggramatika ang hindi masyadong tumatalakay sa sintaks at semantika—ang set ng mga tuntunin sa estruktura ng mga pangungusap at ang ugnáyan ng mga salitâ upang makabuo ng kahulugan (meaning)—at mas pinagtutuunan ng pansin ang ponolohiya at morpolohiya. Sa aspektong ito naging kapuri-puri ang Gramar ng Filipino sapagkat naging malawak ang pag-aaral nitó sa sintaks at ilang pahapyaw na pagtalakay sa morpolohiya. Sinimulan ni Malicsi ang pag-aaral ng batayang pangungusap—sa pagtalakay sa panaguri, simuno, at mga baryasyon ng batayang pangungusap, tambalang pangungusap na may tuon sa paggámit ng mga pangatnig, at sa hugnayang pangungusap partikular sa relasyon ng matrix o pundasyong pangungusap at ng insert. Tiningnan din ng aklat ang “wikang Filipino” sa pasalitâng paraan, pagpasok ng mga banyagang salitâ at kung paano ito naiimpluwensiyahan at/o nakaiimpluwensiya sa estruktura ng pangungusap ng wikang Filipino.

234

Pandiwa

Ngunit bagaman tinutugunan ng aklat ang kawalan ng sapat na pag-aaral sa sintaks ng wikang Filipino, nakapaghandog ba ang Gramar ng Filipino ng isang mabusising pag-aaral sa gramar ng Filipino? At ang mas mahalagang tanong, anong Filipino ang pinag-aaralan ng aklat? Pangunahing bahagi ng pag-aaral ng gramatika ang oryentasyon sa anong klase ng Filipino ang pinag-aaralan. Nagsimula ang Gramar ng Filipino sa kasaysayan ng pagkakabuo ng saliksik at bagaman binanggit na “sa pagtaya ng pangkasalukuyang Filipino, ginamit [na] pangunahing pagkukuhanan ng mga datos ang media—dyaryo, radyo, at telebisyon—at para makita ang mga naunang varayti ng pambansang wika, ginamit [na] sanggunian ang mga nailathalang dyornal ng dating Surian ng Wikang Pambansa,” wala itong malinaw na paglalahad sa katangian ng Filipino na siyáng tinutukoy na “pangkasalukuyan.” Maaari sanang nagsimula ang pag-aaral sa mga lehitimong tunog-wika ng wikang Filipino. Ano para sa Gramar ng Filipino ang mga tunog-wika ng Filipino? Ito ba ay tulad sa mga tunog-wika sa Tagalog na kinakatawan ng labimpitong titik at mga kambal-katinig? O ito ba ang Filipino na kinakatawan ng dalawampu’t walong titik, mas maraming tunog-wika kaysa Tagalog at isinasaalang-alang ang lehitimong mga tunog mula sa mga katutubong wika ng Filipinas sangayon sa nakasaad sa Konstitusyong 1987? O maaari ding hindi na tinalakay ang ponolohiya upang mailarawan ang wikang Filipinong pinag-aaralan at sumipi na lámang ng mga naunang pag-aaral tungkol sa gramar ng Filipino. Ano’t anuman, hindi sapat na biglang pag-aralan ang sintaks ng isang wika kung walang paglalatag ng oryentasyon kung anong uri ng wika ang pinag-aaralan. Materyales at Paraan ng Paglalahad Binanggit sa introduksiyon na pangunahing materyales na pinag-aralan at hinanguan ng mga halimbawa ang diyaryo, radyo, at telebisyon. Malaking impluwensiya at marker ang materyales ng midya sa kung anong uri ng wikang Filipino ang umiiral sa isang partikular na Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura 235

panahon. Ngunit kapansin-pansing hindi binanggit kung ano at saan nanggaling ang materyales na ito. Halimbawa, ang mga diyaryo bang pinag-aralan ay nása sentro (Metro Manila)? May mga kinuha rin bang halimbawa mula sa mga rehiyon, lalo na kung iisiping nakapaglilimbag ng diyaryo ang ilang pangunahing lungsod sa labas ng Metro Manila? Mas interesanteng pag-aralan ang varayti ng Filipino sa mga rehiyon sapagkat naiimpluwensiyahan ng maraming wikang katutubo ang wikang Filipino sa mga lugar na ito. Gayundin, malaking salik ang manunulat sa Filipino sa mga lugar na ito. Sa usapin naman ng paraan ng paglalahad, hindi konsistent sa ispeling ang Gramar ng Filipino. May mga pagkakataon na sinisingitan ng I at U ang mga konsonant klaster tulad sa “seksiyon,” ngunit may mga ispeling itong taliwas tulad ng “eksistensyal,” at “linggwistiks.” Gayundin, hindi maayos ang paglalatag ng mga ideá. Mabilis na lumilipat sa pagtalakay sa ibáng paksa ang aklat nang hindi naipaliliwanag mabuti ang nauna. Halimbawa, sa paksang “Pang-abay na pandalas na panaguri,” binanggit lámang na ito ay “sumasagot sa tanong na gaano kadalas” at nagbigay ng apat na halimbawa sa paksang ito. Hindi inilista ang madalas gamíting pang-abay na pandalas, mga kategorya ng mga pang-abay na pandalas, at anong mga estruktura ng pangungusap ang mali kaugnay ng paggámit ng mga pang-abay na pandalas. Hindi rin masinop sa detalye ang aklat. May mga paksang nangangailangan ng cross-reference ngunit ibá-ibá ang format ng aklat tungkol dito. Halimbawa, binanggit sa introduksiyon ng batayang pangungusap ang relatibisasyon: Sa pamamagitan ng relatibisasyon (tatalakayin sa sarili nitong seksiyon), magiging isang pariralang pangngalan ang pangalawang pangungusap . . . [akin ang diin]

236

Pandiwa

ngunit hindi binanggit kung anong seksiyon. [Kung titingnan ng mambabasá ang paksang relatibisasyon sa Nilalaman, makikitang nabanggit ito sa seksiyong 4.5—Relatibisasyon ng Panaguri. Ngunit, ito ba ang tinutukoy na relatibisasyon sa siniping bahagi?] May mga format naman tulad sa seksiyong 1.1.1.4.2 Pang-abay na pamanahong panaguri: Ang pang-abay na pamanahong panaguri ay sumasagot sa tanong na kailan. Maaari ring gamitin ang iba pang porma ng pang-ukol na nagsasaad ng panahon. (Tingnan ang seksiyon tungkol sa pangabay na pamanahon at pang-ukol para sa mas komprehensibon paglalahad.) [akin ang diin]

na hindi rin tinukoy kung saang bahagi ng aklat at kailangan pang basáhin ang buong seksiyong 1.3 at 1.4 upang matagpuan ang kinakailangang karagdagang paliwanag. Lubos na abála ang paghahanap sa pamamagitan ng pagbabasá ng isang buong bahagi ng aklat lalo na para sa mga gagamit na guro/ nagtuturo ng wika. Kongklusyon Sa pangkalahatan, nagpasilip ang Gramar ng Filipino ng bagong perspektiba sa pag-aaral ng gramar—lagpas sa ponolohiya at morpolohiya ng wikang Filipino—ngunit hindi isang buong larawan ng wikang Filipino ang inihandog nitó upang makaagapay sa mga nagtuturo ng wika at nag-aaral ng wikang Filipino.

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

237

TALÂ

1

238

Isang interesanteng kaso ang pagpasok ng ekspresyong “as in” sa wikang Filipino. Sa aklat, tinalakay ito sa paksang “Mga opsiyonal na morpema para sa pang-uri” partikular sa intensibong porma ng pang-uri. Sa Ingles, ginagamit ang pariralang ito katumbas ng “katulad sa” halimbawa sa pangungusap na “Speech can be vocal, involving the use of the vocal organs (tongue, teeth, lungs, etc.), or nonvocal, as in writing or in gesturing.” Nang pumasok sa Filipino ang pariralang ito, ginagamit na ito upang magbigay-diin sa mga pang-uri.

Pandiwa

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

239

Ang Gramar ng Filipino-Isang Paghahawan Sheilee B. Vega

Introduksiyon

ANG GRAMAR NG Filipino ni Jonathan Malicsi ay inilimbag noong 2013 ng UP Sentro ng Wikang Filipino bílang dagdag sa proyektong AklatangBayan. Ito ay isang sangguniang gramatika ng Filipino na nakabatay sa varayti na ginagamit sa media—diyaryo, radyo, at telebisyon. Ginamit ding sanggunian ang mga nailathalang journal ng dáting Surian ng Wikang Pambansa. Sakop nitó ang pagbuo ng salitâ o morpolohiya at pagbuo ng pangungusap o sintaks. Layunin ng aklat na ito na magamit sa pagtuturo ng Filipino at maging batayan sa paghahambing ng Filipino at ibá pang wika. Pagbubuod sa Nilalaman Ang aklat na ito ay nahahati sa apat na pangunahing bahagi. Ang unang bahagi ay nakatuon sa pagbuo ng batayang pangungusap—ang pinakasimpleng estruktura ng pangungusap. Ang ikalawang bahagi ay tumatalakay sa mga baryasyon sa batayang pangungusap, tulad ng pagbuo ng negatibo at mga tanong. Nakatuon naman ang ikatlong bahagi sa pagdurugtong ng mga batayang salitâ, o ang pagbuo ng tambalang pangungusap gámit ang mga pangatnig. Samantálang nakatuon naman ang ikaapat na bahagi sa pagbuo ng mga hugnayang pangungusap na ang isang batayang pangungusap ay ipinapaloob sa isa pang batayang pangungusap at nagiging isang bahagi nitó bílang pangngalan o pang-uri.

240

Tinalakay ang panaguri at simuno bílang pangunahing bahaging batayang pangungusap. Ang panaguri ay hinati sa dalawang uri, ang: panaguring di-verbal at ang panaguring verbal. Nása ilalim ng panaguring di-verbal ang panaguring pangngalan, panaguring panguri, panaguring pang-abay, panaguring pamilang, at pariralang pangukol. Samantálang tinawag namang panaguring verbal ang mga pandiwa. Katulad ng ibáng aklat sa gramatikang Filipino, mahabà ang ginugol na pagtalakay sa pandiwa—aspekto at fokus ng pandiwa. Idinagdag sa talakay sa aspekto ng pandiwa ang perpektibong katatapos at ang prospektibo, bukod sa perpektibo, imperpektibo, at kontemplatibo. Mayroong labing-anim (16) na fokus ng pandiwa na tinalakay sa aklat: fokus sa agent, fokus sa experiencer (nakaranas), fokus sa perceptor, fokus sa reciprocal agent, fokus sa comitative, fokus sa agent na may comitative, fokus sa patient, fokus sa lokasyon, fokus sa source o pinanggalingan, fokus sa goal, fokus sa theme, fokus sa percept, fokus sa reference, fokus sa beneficiary, fokus sa instrument, at fokus sa layon. Sa talakay sa pandiwa, isang bahagi ang inilaan sa tinawag ni Malicsi na Modal sa pandiwang panaguri na maaaring panlapi, o mga prosesong inilalapat sa pandiwang-ugat. Sa aklat na ito, tinawag na komplemento ang mga pariralang pangngalan o panghalip na ginamit sa pagbuo ng batayang pangungusap na magsisilbing simuno. Kasunod na tinalakay ang mga marker ng mga komplemento na nagpapakita sa partikular na relasyon ng komplemento sa pandiwa, kung kayâ, ayon sa may-akda, kahit magkakatulad ang anyong marker ay hindi dapat pagsamahin sa isang kategorya. Sa ilalim ng pang-abay, tinalakay ang mga katagang na, pa, na naman, man, nga, din/rin, at lang/lámang. Ang mga pang-abay na salitâ at parirala ay tinalakay ayon sa pitóng (7) klasipikasyon: pang-abay na pamaraan, pang-abay na panlunan, pang-abay na pamanahon, pangabay na pandalas, pang-abay na panggaano, pang-abay na pandiin, at pang-abay na pariralang pang-ukol. Bukod sa mga pang-ukol na panaguri at komplemento, mayroong labing-anim na pariralang pangukol na panuring o pang-abay ang tinalakay sa aklat. Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

241

Tinalakay bílang baryasyon sa batayang pangungusap ang tinawag na permutasyon ng mga komplemento at ang fronting o pagsasauna. Sa permutasyon ng mga komplemento inilahad ang mga tinatanggap na ayos/puwesto ng pangngalang panaguri, pang-uring panaguri na may higit sa isang komplemento, panaguring pang-uri na komparatibo, panaguring pandiwa na may dalawa o higit pang komplemento, at kapag panghalip ang komplemento. Samantála, ang fronting o pagsasauna ay ang mga komponent ng batayang pangungusap na inililipat sa unahán ng pangungusap upang higit na mapansin. Tinalakay dito ang pagsasauna ng panghalip na agent at perceptor na walang fokus, at ang pagsasauna ng mga komplemento at pang-abay. Mayroon ding inilahad na ilang pang-abay na pariralang pang-ukol na hindi naililipat sa unahán. Ang talakay sa pangungusap ay hinati ng ilang partikular na negasyon, negasyon ng negatibo.

negasyon bílang baryasyon ng batayang sa basikóng negasyon (hindi), ang negasyon panaguri (ayaw, wala, huwag), intensibong buong pangungusap, at ang ilang idyomang

Ang pagtatanong ay itinuring ding baryasyon ng batayang pangungusap. May dalawang uri ng tanong—ang pasang-ayon at patamó. Ang pasang-ayon ay nagtatanong kung umaayon o hindi ang kausap sa probisyon ng pangungusap. Ang patamó naman ay humihingi ng impormasyon upang punan ng contentive ang isang bahagi ng pangungusap. Tinalakay din ang pagsagot sa tanong na pasang-ayon. Sa talakay ng pagbubuo ng tambalang pangungusap, hinati sa tatlong (3) uri ang pangatnig ayon sa estruktura ng resulta ng pangungusap—ang coordinating, subordinating, at conjunctive adverb. Ang mga pangatnig na coordinating ay ang sumusunod: addition (at, sakâ), alternation (o, o kayâ), contrast (pero, kayâ lang, samantálang, gayong, ngunit, subalit, datapwat, bagkus), negation (hindi, kundi), cause (kesyo, mangyari, anupa’t), effect o consequence (so, kung kayâ, tuloy, nang [sa gayon ay], kundi), at sequence (tápos, sakâ). Ang pangatnig na subordinating ay ang sumusunod: alternation 242

Pandiwa

(imbes na, kaysa, sa halip na, sa lugar na), contrast (kahit, ke, maski [na]/ke, bagaman/bagama’t, kung kailan, man), cause o reason (kasi, dahil, sa dahilang, porke, [sa]pagkat, palibhasa, gawang, komo, tutal, [ya]yamang), effect (kayâ), result (para, upang), simultaneity (hábang, samantálang), sequence (bago, matapos/pagkatapos [na], makaraan na), time (nang, noong, mula/magbuhat nang/noong, sa sandaling, tuwing), extent (hanggang, hangga’t). Ang mga conjunctive adverb naman ay ang sumusunod: affirmation (gayundin, kumbaga, kung tutuusin, sa katunayan), emphasis (kahit, ni), addition (bukod sa), example (halimbawa), alternation (sa halip, imbes), contrast ( ang totoo, sa totoo lang, gayunpaman, magkagayun man, kayâ lang, samantála, manapa), reason (paano kasi, dahil dito), effect (bunga nitó, kung gayon, magkagayon man, puwes, samakatwid, bale), simultaneity (samantála), at time (muli, pagkatapos, kasunod nitó, mayâ-mayâ, sa bandang hulí, di kalaunan, sa wakas). Ipinaliwanag sa aklat ang pagkakaibá ng pagbubuo ng tambalang pangungusap sa pagbuo ng hugnayang pangungusap. Sa pagbuo ng hugnayang pangungusap tinalakay ang paggámit ng complementizer na na, at kung; nominalisasyon ng pananóng na sino/ ano gámit ang kung; nominalisasyon at adverbiyalisasyon ng mga pananóng na saan, kailan, at paano gámit ang kung; nominalisasyon ng pang-uring panaguri at pandiwang panaguri; relatibisasyon ng panaguri; atribusyon ng panaguri; embedding sa modal na pandiwang panaguri; at embedding sa mas mataas na panaguri. Ang hulíng bahagi ng aklat ay nagpapakita kung paanong nabubuo ang tambalan at hugnayang pangungusap ayon sa inilahad na mga proseso sa mga naunang talakay. Pangkalahatang Komento Ang Gramatika ng Filipino ni Jonathan Malicsi ay isang deskriptibong pagtalakay sa estruktura at proseso ng pagbuo ng gramar ng Filipino. Ipinaliwanag dito ang gramar ng kontemporaneong Filipino na nakafokus sa morposintaks. Hindi ito naiibá sa estilong Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

243

pagtalakay sa Gramatikang Filipino nina Resty Mendoza Ceña at Ricardo Ma. Duran Nolasco at Tagalog Reference Grammar ni Paul Schachter at Fe T. Otanes. Mapapansin din na katulad ng aklat nina Ceña at Nolasco, ang aklat na ito ay hindi nagsimula sa pagtalakay sa ponolohiya, sa halip sinimulan ng aklat sa paglalahad ng estruktura ng batayang pangungusap ng gramar ng Filipino. Gayunman, naiibá ito sa mga naunang naisulat na gramatikang Filipino sapagkat hango sa aktuwal na gámit ng mga salitâ at pangungusap ang mga ibinigay/ ginamit na halimbawa sa mga talakay. Dahil dito, realistiko ang mga salitâ at pangungusap kung kayâ’t realistiko din ang naging talakay. Bagaman nakabatay ang gramar na ito ni Malicsi sa varayti ng kasalukuyang Filipino, masasabing limitado ito sa Manila varayti na ginagamit sa pambansang print at broadcast media. Hindi nitó isinaalang-alang ang Filipino varayti na lingguwa prangka at pangalawang wika ng karamihan sa mga tagapagsalitâ ng wikang Filipino. Hindi isinaalang-alang ang varayti ng Filipino na sinasalitâ sa mga rehiyon at/o lalawigan. Mahalaga ito sa wikang Filipino bílang pambansang lingguwa prangka na karamihan sa mga tagapagsalitâ ay mayroong ibá’t ibáng unang wika, kung kayâ’t hindi maiiwasan ang tinatawag na interlanguage (Selinker, 1972). Sa sistemang interlingual Filipino, ang mga di-Tagalog mula sa ibá’t ibáng rehiyon ng bansa ay gumagamit ng estratehiyang lingguwistika upang maipaunawa ang mensaheng nais niláng ipahayag. Sa paggámit ng wikang Filipino bílang lingguwa prangka ng mga di-Tagalog ay nagaganap ang paglilipat ng katutubong wika. Madalas itong nangyayari lalo pa’t ang mga wika ng Filipinas ay “magkakamag-anak,” na ibig sabihin may mga nagkakaisang katangian ang mga wikang katutubo sa gramatika, sa estruktura ng pangungusap, sa leksikon, atbp (Almario, 2014:8). Mapapansin na ang aklat na ito ay sumunod sa Ortograpiyang Pambansa ng KWF. Naging epektibo ang gámit ng wika at malinaw na nailahad ang mga paliwanag at pagsusuri, bagaman mayroon pa ring mga salitâng Ingles na ginamit sa aklat na ito na maaari namang isalin o tumbasán sa Filipino.

24 4

Pandiwa

Sa kabuuan, kapaki-pakinabang ang aklat na ito sapagkat maaari itong maging lunsaran at sanggunian sa pag-aaral ng gramatika ng mga wika ng Filipinas. Ito ay malaking ambag sa dahóp na literatura hinggil sa wikang Filipino.

SANGGUNIAN Almario, Virgilio S. Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2014. Ceña, Resty Mendoza at Ricardo Ma. Duran Nolasco. Gramatikang Filipino: Balangkasan. Lungsod Quezon: UP Press, 2011. Delima, Purificacion G. “Umuusbong na Varayti ng Filipino Bílang Interlanguage ng mga Katutubo at Di-Katutubong Ispiker ng Tagalog,” nása Daluyan VII:3. mp. 11–30, 1996. Ellis, Rod. Understanding Second Language Acquisition. Oxford University Press,1986. Garcia Lydia Gonzales. Mga Gramatikang Tagalog/Filipino (1893-1977). Lungsod Quezon: UP Sentro ng Wikang Filipino, 1992. Malicsi, Jonathan. Gramar ng Filipino. Lungsod Quezon: UP Sentro ng Wikang Filipino, 2013. Santiago, Alfonso at Norma G. Tiangco. Makabagong Balarilang Filipino. Lungsod Quezon: Rex Printing Company, Inc., 2003. Schachter, Paul at Fe T. Otanes. Tagalog Reference Gramar. University of California, 1972. Tarone, Elaine. “Interlanguage.” interlanguage%20Tarone.PDF

2006.

Socling.genlingnw.ru/files/ya/

Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

245

Ang Higanteng Maramot at Ibá Pang Kuwento ni Oscar Wilde Ribyu ni Minda Blanca L. Limbo

NAPAPANAHON ANG SALIN ng mga akdang ito sapagkat magagamit itong sanggunian at materyal para sa programang K-12 ng Kagawaran ng Edukasyon. Magiging dagdag na aralín/babasahín ito kahit sa aralíng Edukasyon sa Pagpapakatao. Gayundin sa pag-aaral ng literatura ng ibáng bansa. Gaya ng ibá pang mga kuwentong pambatà, lagi’t laging may aral na taglay ang mga ganitong uri ng kuwento. Bagaman itinuturing itong akdang pambatà, tulad ng ibá pang mga kuwentong sinasabing pambatà, kapupulutan din ito ng aral ng mga may sapat nang gulang. Sa pagsasalin ng mga akdang pambatà, laging unang isinasaalangalang ang wikang gagamitin. Iniisip kasi natin na kailangang gamítin ang mga simpleng lIngguwahe na angkop sa kaniláng edad. Gayunman, dapat din nating isipin na malikhain ang isip ng mga batà. Magagagad nilá kahit na gumamit táyo ng lIngguwaheng medyo lihis sa kaniláng register. Napagagana kasi nilá ang kaniláng malikhaing imahinasyon. Sa pangkalahatan, sinunod ng mga tagasalin ang estruktura ng mulàang wika. Kahit sa pagtatalata ay hindi silá lumihis bagaman hindi nilá sinunod ang estilo sa orihinal na may indensiyon sa pagsisimula ng talata. Matagumpay niláng natapatan ang mga linya kahit na may ilang pagkakataóng maaaaring sabihing may nawala. Maiintindihang ang pag-iiwan niláng iyon ay hindi naman nakasira sa daloy ng kuwento. Mangyari, nasapól pa rin ang sinasabi sa orihinal na (mga) linya. Isang premyadong manunulat, pinagkalooban ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (Poetry in English), ng UMPIL (Unyon 246

ng mga Manunulat sa Pilipinas) ang tagasáling si Danton Remoto. Isipin na lámang na sa Ingles siyá nagsusulat, kahanga-hanga ang pagkasalin ng Higanteng Maramot. May ilang maliliit na puna lámang sa kaniyang salin, halimbawa, maaaring “nakaligtaan” ng tagasalin na ang spring ay tagsibol ngunit ito ay tinumbasan niya ng tag-init sa p.5 sa una niyang pagtutumbas. Gayunman, sa ibáng mga pahina ay tagsibol (na siyáng tumpak) naman ang ginamit niya. Sa kuwentong “The Nightingale and the Rose,” iniakma ng tagasalin sa kulturang Filipino ang salin ng nightingale. Tinapatan niya ng pipít ang nightingale kahit na ang salin sa Filipino ng salitâng ito ay ruwisenyor. At sa salitâng brown, ang itinapat niya ay kulay-kastanyas. Bakit kayâ hindi kayumanggi ang ginamit niya? Maaari kayâng gusto niyang papaglaruin ang imahinasyon ng mga batà? Paano kung ang batàng babása ay hindi pa man lámang nakakakita ng ganitong uri ng nuts? At posibleng totoo ito lalo na sa malalayo at liblib na lugar na hindi pa nababahiran ng globalisasyon? (sapagkat angkat sa ibáng bansa ang nuts na ito). O, may ibá siyáng layunin, layuning pangmakata marahil. Kung sa Ingles ay gumamit ng metapora ang awtor, tagumpay na natapatan iyon sa Filipino ng tagasalin. Gumamit ang tagasalin ng pagtutulad. Gaya halimbawa ng “simputi ng rosas ng pagsinta ang labì” (as red as the rose of his desire), “simputi ng garing” (like pale ivory), at ibá pa. Sapagkat 2012 pa inilimbag ang aklat, asahang hindi ito umaalinsunod sa ortograpiyang pambansa (2013, 2014) bagaman angkop naman ang baybay ng mga salitâ maliban sa “kanyang” at “kanya” (para sa kaniyang at kaniya). Sa ikatlong kuwentong “Ang Maligayang Prinsipe,” binaybay ng tagasalin ang gamugamo nang may gitling (gamu-gamo) at ang salitâng alon-alon ay binaybay niya na “alun-alon(g)” na taliwas sa 2009 Gabay sa Ortograpiyang Pambansa, ang umiiral na tuntunin sa ispeling nang ilathala ang sáling ito. Binaybay rin ang lungsod na “lunsod.” Lathalaan

sa

Wika

at

Kultura

247

Binanggit sa aklat na Teksbuk sa Pagsasalin, ang tatlong karaniwang tanong sa pagsasalin ng panitikang pambatà: Una, para kanino ang salin? Siyempre pa, para sa mga batà. Ngunit mas maganda kung tukóy ang edad ng target na babása upang maiangkop ang wika o mga salitâng gagamitin, kung may babaguhin ba (magdaragdag o magbabawas). Ikalawa, sino ang maglalathala ng salin? Bukod sa aspektong pinansiyal, maaaring may ibá pang layunin ang tagapaglathala kayâ handa siláng mamuhunan. At ikatlo, ano ang layunin ng pagsasalin? Ikokompara ba ito (kung mayroon na) sa dati nang salin o dili kayâ’y maaaring nais na lapatan ng isang panibagong teknik. O, unang pagsasalin kayâ upang mapabílang sa mga naisalin nang klasikong akda? Bakit ko binanggit ang mga layuning ito gayong hindi ako segurado kung isinaalang-alang nga ng mga tagasalin ang mga tanong na ito. Pero sa kuro ko, naikonsidera ang mga tanong sa itaas. Naisalin ang mga akda para sa mga batà (panghay-iskul, o mas mataas na baitang sa elementarya), may tagapaglathalang handang mamuhunan, o kayâ nama’y may adbokasiyang maglathala ng mga kuwentong pambatà. At kasabay nitó’y ang posibleng pangunahing layuning mapabílang sa mga klasikong akdang naisalin sa Filipino.

248

Pandiwa

Pandiwa Hulagway Ng Filipino - PDFCOFFEE.COM (2025)
Top Articles
Latest Posts
Recommended Articles
Article information

Author: Otha Schamberger

Last Updated:

Views: 5895

Rating: 4.4 / 5 (55 voted)

Reviews: 94% of readers found this page helpful

Author information

Name: Otha Schamberger

Birthday: 1999-08-15

Address: Suite 490 606 Hammes Ferry, Carterhaven, IL 62290

Phone: +8557035444877

Job: Forward IT Agent

Hobby: Fishing, Flying, Jewelry making, Digital arts, Sand art, Parkour, tabletop games

Introduction: My name is Otha Schamberger, I am a vast, good, healthy, cheerful, energetic, gorgeous, magnificent person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.